12 Gifts of Christmas- Kissing the Christmas Killer Chapter 21

IT was crazy. Sa likod ng isipan ni Ashley, alam niyang isang malaking kabaliwan ang ginawa niya at baka mabatukan niya ang sarili niya pagkatapos. Subalit nang maglapat ang labi nila ni Robinson, pakiramdam niya ay iyon ang pinakatamang ginawa niya. He was like a gentle wind caressing her whole being.

Naghiwalay lang sila nang marinig nila ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Saka lang nag-sink in sa kanya ang ginawa niya. Kissing him was not something new. Nagawa na niya iyon dati pero hindi sa harap ng maraming tao. At siya pa ang nag-initiate na halikan ito.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng lalaki. Oh! What am I thinking?

Hindi pa nga niya alam kung paano lulusutan ang pagdedeklara sa harap ng madla na girlfriend na siya ni Robinson, hinalikan pa niya ito. Paano siya magpapaliwanag sa binata kung bakit basta na lang siyang humabi ng kwento? Maunawaan kaya nito? Paano kapag nagalit ito sa kanya dahil sinira na niya ang pagkakataon nito kay Lhala?

“Ang aga ng pamasko mo, kaibigan!” sabi ni Sergio. “Sa wakas nagka-girlfriend ka na. Imported pa. Work the wait, pare.”

“Worth the wait,” pagtatama ni Robinson at naramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso nito. “She is worth the wait.”

Nang iangat niya ang tingin ay nakangiti si Robinson. Ibig bang sabihin ay di ito galit sa kanya? He enjoyed the kiss?

“Hmp! Malaswa!” sabi ni Lhala sabay nagdadabog na naglakad palayo.

Tiningnan niya si Robinson kung hahabulin nito ang babae o malulungkot pero wala na kay Lhala ang atensiyon nito kundi sa mga tao na bumabati dito.

Bago pa siya nakahuma ay niyakap na siya ni Jonnelyn mula sa likuran. “Ate na kita!!! Sabi na nga ba at ikaw na ang sagot sa dasal ko. Di pa tapos ang simbang gabi, natupad na ang wish ko.”

“Masaya ako para sa inyo ng anak ko,” mabait na sabi ni Nanay Talia at niyakap siya.

Lutang ang pakiramdam ni Ashley nang dalhin siya ni Robinson pabalik ng sasakyan. Di nga niya alam kung anong isinagot niya sa mga taong bumabati at nanunukso sa kanila. Nagsisinungaling na siya sa buong bayan at idinamay pa niya si Robinson. Di siya ikinaila ng binata. Nakangiti pa nga ito habang nakaakbay sa kanya pero dama pa rin niya ang tensiyon. Dadating ang oras na haharapin niya ito at kailangan niyang sagutin ang mga tanong nito.

“Girlfriend ka na po ni Tito? Kailan po kayo magpapakasal?” tanong ng dalawang bata sa kanila nang bumibiyahe na sila.

“Dadalhin mo ba ang anak ko sa Amerika?” tanong ni Aling Talia at humikbi. “Robinson, baka naman may plano na kayo at di mo pa sinasabi sa akin. Iiwan mo na lag kami basta.”

“Ayaw ba ninyo na makarating ng Amerika si Kuya? Makakakita na siya ng snow doon at makakabuo na siya ng snowman,” sabi ni Jonnelyn. At humagulgol lalo si Aling Talia.

“W-Wala pa po kaming napag-uusapan,” maagap na sabi ni Ashley. “Hindi pa naman po kami magpapakasal.”

“Nay, wala ko pa pong kalahating oras na nagiging girlfriend si Ashley,” anang si Robinson na bakas ang pagod sa boses. “Baka matakot po siya sa iyak ninyo at i-break agad ako.” At saka ginagap ni Robinson ang nanlalamig niyang kamay na parang isang supportive na nobyo.

Saka lang humupa ang kalooban ni Aling Talia. “Basta huwag kayong magtatanan. Huwag mong dadalhin ang anak ko sa Amerika nang hindi ko alam.”

“Pangako po iyan,” sabi ni Ashley at tipid na ngumiti. Saka lang binitiwan ni Robinson ang kamay niya at ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.

Habang naghahanda ng agahan ang nanay at kapatid ng binata ay kinausap siya nito sa kubo nito. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa barandilya ng balkonahe. Nakaupo naman siya sa kawayang upuan at nakayuko. Nararamdaman niya na hindi maganda ang mood ng binata. Parang tinitimpi lang nito ang inis sa kanya.

“Bakit ginawa mo iyon, Ashley? Bakit sinabi mo sa harap ng maraming tao na boyfriend mo ako?” tanong nito sa mabigat na boses.

Ashely twiddled with her thumbs. “Sorry. Nalaman ko kasi ang kwento ninyo ni Lhala. Kung paano ka niya maliitin at balewalain ang atensiyon na ibinibigay mo sa kanya.”

Ikiniling ni Robinson ang ulo. “Ikinuwento sa iyo ni Jonnelyn? Ayaw niya kay Lhala sa simula pa lang.”

“And I saw firsthand how she treated you like garbage.” Gusto niyang usisain ang lalaki kung ano ang nakita nito kay Lhala bukod sa pagiging maganda. Hindi naman tanga si Robinson. Tanga lang ata sa pag-ibig. “Ayokong makita kang nasasaktan o minamaliit. Gusto kong makita niya kung ano ang worth mo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Huminga siya ng malalim. “Kung malalaman niya na may girlfriend ka na tulad ko...”

“Mayaman at mataas ang pinag-aralan at imported?” may bahid ng sarkasmo nitong tanong.

Tumango na lang siya. “Ibig sabihin di ka kasing baba tulad ng iniisip niya. Na kailangang tratuhin ka nang may respeto. Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Na makita ng ibang tao ang halaga mo lalo na ang babaeng gusto?” tanong niya at alanganing ngumiti. I can do this. I can do this. Mailulusot ko ito.

Nagdilim ang anyo ni Robinson. “Hindi ko kailangan ng awa mo.”

Tumirik ang mga mata ni Ashley. “Awa? Hindi ako naaawa sa iyo.” Gusto kitang batukan para matauhan ka naman. Hindi na talaga niya alam ang gagawin sa lalaking ito. Wala din sa lugar ang taas ng pride. “Ayoko lang maliitin ka ng mga tao lalo na kung wala ka namang ginagawang masama sa kanila. All you ever gave that woman is love and she had taken you for granted. Dapat lang siguro na makita ng babaeng iyon ang halaga mo.”

Inilahad ng binata ang kamay. “At makakatulong ito sa akin para magustuhan niya ako at irespeto?”

Ngumisi siya nang maalala ang isang leksiyon na itinuro sa kanya ni Cara pagdating sa pag-ibig. “Let me tell you something about girls. There are some girls who want to be treated like a queen. Madali lang para sa mga katulad nila na balewalain ang mga lalaking naghahabol sa kanila. Of course, they will always go for their Prince Charming. Katulad ni Lhala na mas pinili ang anak ni Mayor kaysa sa iyo. Pero oras na makita niya na may ibang babae na may gusto sa lalaki na dating naghahabol sa kanya, hindi siya magpapasapaw. I am sure she will notice you.”

“Totoo ba iyan?” tanong nito.

Naramdaman niyang na-challenge si Lhala sa kanya nang sa halip na maipahiya nito si Robinson dahil may boyfriend na itong mayaman, ang binata pa ang naging bida nang sagutin niya ito sa harap ng maraming mga tao. Sa palagay niya ay gagawa ito ng paraan para mapansin ulit ni Robinson. Sa teritoryong iyon ay isa lang ang reyna at titiyakin ni Lhala na dito ang korona.

“Paano kapag umalis ka?” tanong ng binata. “I am sure people will ask. At dahil ikaw ang first girlfriend ko, I don’t know how to deal with break up. Magtatanong ang mga tao. Magtatanong ang pamilya ko.”

Nagkibit-balikat ang dalaga. “Sabihin natin na nag-break tayo dahil malayo tayo sa isa’t isa. Most of the time, hindi nagwo-work out ang long distance relationship. Sa pagkakataon na iyon, gusto ka na niya at napansin ka na niya. Hahanapin niya kung ano ang nakita niya sa iyo. By then, nagustuhan ka na niya.”

Mahabang sandali itong nag-isip. “Hindi na ako makakaurong.”

“I think it won’t do you any good if we will break up right away.”

“Salamat sa pagmamalasakit. Pero parang sinasamantala naman kita.”

Pumalatak siya. “Huwag mong isipin iyon. Ako naman ang nagprisinta. Tinulungan mo ako nang magka-problema ako. You took care of me. Idinala mo ako dito at mayroon akong makakasamang pamilya ngayong Pasko. Wala namang masama kung tutulungan kita sa problema mo. It is just a small thing.” Inilahad niya ang palad sa binata. “So, boyfriend-girlfriend?”

“Oo naman.” Ngumiti ito at lumabas ang dimples nito saka siya hinila palapit dito. Anong itatawag ko sa iyo? Honey? Sweetheart? Mahal?”

“Mahal.” It has a lovely ring on it. Very romantic. Very sincere. “Parang gusto ko iyan.”

“Sige.” Ikinapit nito ang kamay niya sa braso nito. “Kumain na tayo, mahal.”

Hanggang tainga ang ngiti ni Ashley. Nagkukunwari lang sila ni Robinson pero di niya alam kung bakit siya kinikilig.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.