“Anime na boxer shorts?” bulalas ng binata at umugong ang tawanan sa paligid.
“Isa kang hokage sa boxer shorts na iyan,” biro ni Arnold.
Nag-peace sign na lang siya sa binata na di pa rin makapaniwala sa regalo niya. “Bagay sa iyo kasi artist ka.”
Natawa ito at tipid na ngumiti. “Salamat. Di mo naman ako kailangang regaluhan. Pwede bang bukas ko na lang ibigay ang regalo mo? Di pa kasi nababalot.”
“Ano ba namang boyfriend iyan? Late ang regalo. Daig ka pa ng mga bata,” sermon ni Jonnelyn at umikot ang mga mata.
Yumakap siya sa baywang
“Okay lang. May regalo na sa akin si Robinson. Binigyan niya ako ng pamilya ngayong Pasko at mahirap kayong ibalot. Salamat sa inyo sa pagiging pamilya ko,” nakangiting sabi ni Ashley.
“Group hug na iyan!” Isang regalo ito na di matutumbasan ng salapi.
“AY! Sarado ang tindahan ni Aling Terya,” malungkot na usal ni Jonnelyn nang dumating sila sa palengke.
"Pasko kasi kaya sarado," sabi ni Ashley at namaywang sa harap ng saradong tindahan.
"Gusto kong mabili ang damit na nakita ko kahapon. baka may iba nang makabili no'n."
"Balikan mo na lang bukas. Huwag ka nang malungkot." Tinapik niya ang balikat nito. "Uwi na tayo."
Pinagbigyan lang talaga niya ang dalaga pero ayaw niyang gaanong malayo kay Robinson. Iilan na lang ang panahon na natitira sa kanila. Bukas-makalawa ay kailangan na nilang bumalik ng Maynila. Baka sakaling bumalik na ang ama niya sa condo. Babalik na din siya ng Amerika. Di pwedeng ipagpaliban ang flight niya.
“Dito muna tayo, Ate. Di naman kasi nagha-holiday si Aling Terya.”
“It is four in the afternoon. Kung magbubukas iyan,dapat kanina pang umaga.”
“Kahit na ten minutes lang, Ate. Please.”
Isang motor ang humarurot at tumigil sa tabi nila. “Jonnelyn, Maligayang Pasko!”
“Bart!” anang dalaga na nagniningning ang mata. Inipit ng babae ang buhok sa tainga. “Maligayang Pasko din.”
“Gusto mo bang pumunta muna sa bahay? May handa kasi kami. Para maibigay ko na rin ang regalo ko sa iyo,” anang binata. “Isama mo na si Ate Ashley.”
Bahagya siyang umismid. “Walang alam ang Kuya Robinson mo tungkol dito, Jonnelyn. Ang alam niya bibili ka lang ng damit.”
“Ako na ang magpapaalam, Ate,” nakangising sabi ng babae at tinawagan si Robinson. “Kuya, pwede bang sumama kami ni Ate Ashley sa bahay nila Bart. Behave naman kami. May chaperone naman kami.” At inabot sa kanya ng babae ang cellphone. “Gusto ka daw makausap ni Kuya.”
“Robinson, papayagan mo ba si Jonnelyn na pumunta sa bahay ng manliligaw niya?” tanong ni Ashley. Ayaw niyang maipit sa magkapatid o masabihan ng kahit sino na kunsintidor.
“Okay lang. Kasama ka naman. Basta uuwi na after thirty minutes,” anang binata.
“Thirty minutes,” pagkumpirma ni Ashley at nagpaalam na sa binata. Nakapagtataka ang desisyon nito pero sa palagay niya ay pinagbibigyan lang ang kapatid dahil Pasko naman.
Maayos naman ang pagtanggap ng pamilya ni Bart sa kanila ni Jonnelyn. Curious din ang pamilya ni Bart na makilala ang nobya ni Robinson gaya ng ibang mga tayo sa baryo. Parang wala daw kasi sa karakter ni Robinson na magkanobya ng babaeng nakilala lang nito sa internet. Ngiti na lang ang isinagot niya.
Matapos ang kalahating oras ay bumalik na sila sa bahay. Tumuloy agad siya sa kuwarto dahil gusto na niyang magbihis. Maalinsangan sa labas at maalikabok Pagpasok niya ng kuwarto ay napansin niya na may nabago sa silid.
Tumigil siya at luminga sa paligid. Wala na ang ga naunang paintings doon ni Lhala. Ang tanging natirang nakasabit sa dingding ay painting ng isang babae pero hindi si Lhala iyon. Nilapitan niya ang paintingn at pinagmasdan. Siya ang nakapinta habanng nakangiting inilalagay ang star sa tuktok ng Christmas tree. Iyon ang painting na ginagawa ni Robinson na nasilip niya sa kubo. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang kaninang tanghalian ay di pa rin lumalabas ng kubo ang binata.
And it was her painting, not Lhala. Siya ang pinaghirapan nito. And she looked beautiful and happy in that painting. As if he captured her in her most beautiful form. Iyon ang nakalagay sa kuwarto nito, hindi na si Lhala.
May kumatok sa pinto. “Ashley!” tawag ni Robinson sa kanya. Pinagbuksan niya ang binata. “Nakita mo na ang regalo ko.”
Tumango siya at niyakap ang binata. “Thank you! It is beautiful. Ngayon lang may nagpinta sa akin. I... I just didn’t expect it. Am I really that beautiful?”
“Oo naman,” natatawang sabi ng binata. “Sayang nga dahil kulang na ang oras at nagahol ako. Mas maganda pa sana ang ipipinta ko kung may oras lang.”
“No. You are really good. It is perfect. Thank you. Kaya ba pumayag ka na pumunta si Jonnelyn sa bahay ng manliligaw niya kasama ko?”
Tumango ito. “Pinagbigyan ko na dahil di pa tapos ang pag-aayos ko dito sa kuwarto. Kung natapos ko lang agad ang painting, sana kahapon ko pa ginawa ito para sa pagdating ng Pasko nakita mo na. Na-late tuloy ang regalo ko sa iyo.”
“No. It is just on time.” Inikot niya ang tingin sa silid. “Tinanggal mo ang painting ni Lhala.”
“Siyempre ikaw ang girlfriend ko,” anito at kinintalan siya ng halik sa noo. “Ayokong maramdaman mo na hindi ikaw ang gusto ko kundi si Lhala. Ayokong isipin ng ibang tao na hindi kita pinahahalagahan. As my girlfriend, dapat lang naman siguro na painting mo ang nandito sa kuwarto ko. Magtataka naman sila kung nasa kuwarto ko pa rin ang painting dahil girlfriend na kita, hindi ba? Siyempre kailangan kong ipakita na ikaw na ang mahal ko.”
“Oo nga naman. Paano pala ang paintings ni Lhala?”
“Itinabi ko lang sa may bodega. Huwag mong intindihin iyon.”
“Pasensiya na, ha? Ako ang invader dito sa kuwarto mo at ikaw pa ang kailangang mag-adjust.” Di siguro madali na tanggalin ang mga ipininta nitong larawan ng babaeng mahal nito para palitan ng fake nitong girlfriend.
“Bakit ka naman hihingi ng pasensiya? Desisyon ko iyon.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “At napasaya kita ngayong Pasko.”
Magkahalo ang lungkot at saya sa puso niya. Lungkot dahil nagpapanggap lang naman silang magnobyo at siya ang may kagagawan ng lahat. Nakiayon lang si Robinson. Pero sa kabila niyon ay pinangatawanan pa rin nito ang pagiging nobyo niya. Isang mapagmahal na nobyo na siya lang ang babae sa buhay nito.
Wala naman sigurong masama kung maging masaya siya bilang nobyo nito kahit na pakunwari lang. Kahit na pansamantala.