5 DAYS Chapter 1

Takbo ako nang takbo dahil hinahabol ko ang bus, maiiwan na ako hanggang sa madapa ako. Nang mag- angat ako ng tingin may dalawang kamay na nakalahad para tulungan ako. Parehas silang nakangiti sa akin. Kumunot agad ang noo ko.

Magkamukha sila?

Pinakatitigan ko ang mukha nilang dalawa, pero malabo. Hindi ko nga alam paano ko nasabing magkamukha sila kung hindi naman malinaw sa paningin ko.

"Ailey!" Boses 'yon ni nanay ginigising ako.

Napabalikwas ako ng bangon at nagmadaling bumaba sa kama. Tiningnan ko ang oras. Maldo Andwae! Late na ako!

Para akong kidlat kung kumilos kaya nagbihis ako agad matapos maligo. Malalaki ang hakbang na pumunta ako sa hapag kainan. Hindi ako umupo kumuha lang ako ng pandesal at pilit pinagkasya sa bibig matapos ay ininom ang kape ni tatay. Sinakbat ko agad ang backpack ko at patakbong naglakad palabas.

"Alis na ako, 'nay, 'tay!"

Inis kong pinasadahan ng tingin ang sakayan ng bus. May mga nagbabanggaan, ang ingay, may tumatalsik, may pinipilit ang sarili para magkasya, may sigaw nang sigaw dahil galit na at nasasaktan. Huminga ako nang malalim bago nakipagbalyahan sa mga sasakay para lang makaakyat ng bus.

"Siksikan kayo nang siksikan hindi kayo kasya rito lahat!" sigaw ng konduktor.

5

"Padaan!" May sumigaw na babae at sinisiksik sila hanggang makasakay. Nanlilisik naman ang mga mata ng ibang babae habang nakatingin sa kaniya.

"Hinay-hinay sa pagtulak baka forever mo pala 'yon tinulak mo pa palayo," nakangising sabi ng konduktor.

Hindi ko siya pinansin at patuloy na lang sa paghawi ng mga tao. Makasakay lang, kailangan ko nang makasakay dahil ayaw kong ma-late. Nang makaakyat ako ay pawisan na at dating gawi nakatayo nanaman ako.

Ito ang buhay ko. Ang makipagsiksikan sa bus araw-araw. Makipagkarerahan sa mga pasaherong desperado din para makapunta na sa kani-kanilang destinasyon.

Nagmuni-muni ako habang tinitingnan ang mga gusali sa labas. Binuklat ko na lang ang notebook ko at nagsimulang mag-review. Nasa gano'n akong sitwasyon hanggang sa sumagi sa isip ko ang sinabi ng konduktor.

Alam kong biro lang 'yon kaya bakit ko seseryosuhin?

Kumapit ako nang mahigpit sa bakal nang huminto ang bus para hindi ako matumba. Siksikan na nga, ang init pa at mabaho pa. Itong katabi ko parang hindi naligo amoy bulok na isda.

Ang sama mo, Ailey!

"Umusog kayo at 'wag mahiyang dikitan ang katabi basta ingat lang sa mandurukot baka pati puso mo madukot," dumali nanaman ang konduktor.

Saan niya ba nakukuha ang mga ganyang linyahan niya?

Nakangiti akong umiling-iling. "Bayad niyo akin na! Matuto kayong magbayad ng sarili niyo wala kayong jowa na magbabayad para sa inyo," sabi nanaman ng

konduktor. Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko dahil sa isang ito.

"Ikaw, Miss?" Turo sa akin ng konduktor. "Umupo ka na roon," sinenyas niya ang bakanteng upuan kaya umupo ako roon. Natigilan ako nang makita ang papel na nakaipit sa likod ng upuan.

Baka nasa bus ang taong mamahalin mo. Seryoso? Sino naman ang magsusulat niyan dito?

Mga tao talaga walang magawa sa buhay kung ano na lang ang mapagtripan.

Hindi ko nga akalaing ang pagsakay ko sa bus ay babaguhin ang takbo ng mundo ko.

Alam kong malabo, pero paano kung nandito nga ang taong mamahalin ko?

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.