DAY 1
Wala na talagang kasing lupit ang araw na ito dahil kailangan mo gumising nang sobrang aga para lang mag-abang ng bus at makipagsiksikan do'n. Kung mamalasin ay siksik ka na nga nakatayo ka pa. Tiningnan ko ang I.D. ko.
Ailey Espinar
BS in Pharmacy
Gano'n na lang kalapad ang ngiti ko. Isang taon na lang ay makakapagtapos na ako at magiging isang pharmacist. Malupit nga naman ang mag-aral sa dami ng gamot na kailangan kong aralin pati ang indication, kung with or without food mo iinumin, symptoms ng sakit at marami pang iba. Mabuti na lang at ako ay scholar sa Unibersidad de Laurente, wala akong binabayarang kahit ano.
"Sasakay ka ba o ngingiti ka lang diyan!?" sigaw sa akin ng konduktor. Ang sungit ng konduktor, grabe! Sinira niya ang pagde-day dream ko!
Umakyat ako ng bus. "Kuya nakakalimutan mo nang ngumiti!" Tinapik ko ang balikat ni Kuyang konduktor dahil sa sobrang simangot at sungit niya.
Umupo ako sa unahan. "Ba't ka nandiyan? Sa buntis lang 'yan at senior! Buntis ka ba?!" sigaw nanaman niya. Ay, oo nga pala! Nilingon ko ang mga upuan, napasimangot ako. Puno na!
Standing ovation nanaman ako. Isa ito sa mahirap na parte ng pagiging estudyante, wala kang pera kaya kailangan mong ipaglaban ang pangarap mo sa
pinamadugong paraan. Mabuti na lang at mayaman ako sa pagmamahal na nagmumula sa aking nanay at tatay.
Kumapit ako sa bakal, pero napansin ko ang isang lalaking nasa harap ko dahil panay ang sulyap niya sa akin. Humanga ako dahil nasa bus siya, pero nagbabasa siya ng libro.
Nursing? Dahil puting-puti ang uniform niya pati na rin ang sapatos. Siguro crush ako nito? Sulyap nang sulyap, eh! Libre lang mangarap.
One look, you have a crush on me. Tumingin siya ulit! Pero napasimangot ako. Ang pogi mo sana kaso ‘di gentlemen. ‘Di man lang ako paupuin.
Kung kanina medyo maluwag pa ngayon dumagsa na ang mga tao lalo akong nasiksik sa lalaki. Sa isip ko ay 'sige, isiksik niyo pa ako' ang landi, Ailey!
Natakot ako nang biglang parang may gumagapang sa hita ko. Ano 'yon? Tiningnan ko si Kuyang Nursing. Gosh! Hindi siya 'yon!
Pinakiramdaman kong mabuti. Napapamura na lang ako sa takot. May manyakis sa gilid ko. Kinakabahan na ako.
Gusto kong sumigaw, pero inuunahan ako ng takot. Napapagod ka na nga sa pag-aaral mo ganito pa ang lipunang ginagalawan mo. Parang wala nang ligtas na lugar. Pinagpapawisan na ako dahil lalong tumataas ang kamay papunta sa—
"Fucking maniac!" Napaawang ang labi ko nang suntukin ni Kuyang Nursing 'yong lalaki. Halos maiyak na ako dahil sa sobrang takot. Pinagsusuntok niya pa kahit awatin siya ng mga tao ay nagpupumiglas pa rin siya para saktan 'yong lalaki.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang natakot ako. Unang beses kong makaranas nang ganito. Nangingilid na rin ang luha ko.
Nagkagulo na ang mga tao, hindi ko na alam ang gagawin ko, basta ang alam ko nakatitig lang ako sa poging mukha ng nursing student na ‘yon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa lalaki o baka naman ayaw niya lang talaga sa mga bastos na tao. Nanginginig ang buong katawan ko. Pinigilan kong tumulo ang luha na nasa gilid na ng mata ko, isang tulak na lang ay papatak na. Ang lupit naman ng mundong ito.
"Next time put stocking or what!" Sinulyapan niya ang uniform niya na ngayon ay gusot na. Pinagpag niya ang nadumihang damit. Pinakatitigan kong mabuti ang mukha niya, bakas sa kaniya ang panggigigil pa rin. Nagbaba ako ng tingin, wala sa intensyong nakita ko ang sapatos niya, pati ‘yon ay sobrang dumi na. Nagsalita pa siya nang mahina, pero ‘di ko na napakinggan. Ang narinig ko lang ay, "...to prevent me from trouble!"
Ibubuka ko na sana ang bibig nang lampasan niya ako. Pinanood ko na lang ang pagtalikod niya.
‘Di ko nga pala nasabi ang… ‘Thank you, Mr.
Nursing.’ ‘Di naman kasi ako marunong magpasalamat.
Ano nga bang pangalan niya?