5 DAYS Chapter 16

Nang makapasok kami sa hotel room ay pinatugtog niya nang malakas ang player. Hinubad niya ang coat at hinila ako patayo.

"I want to dance even though I'm not capable of," bumungisngis siya.

"Ako rin naman." Humawak ako sa batok niya at sumayaw kami na parang ewan. Para kaming baliw na parehong kaliwa ang paa.

Nagtatawanan habang naghe-headbang. Tinanggal ko na ang suot kong flat shoes at sumayaw na parang wala ng bukas. Kung titingnan mo para kaming nakawala sa hawla dahil hindi naman kami marunong sumayaw. Napalitan ang kanta ng malambing na tunog kaya inilagay niya ang kamay sa baiwang ko at sa balikat niya naman ang kamay ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Pretty," nakangiti niyang sambit.

"Salamat."

"Buko pie." Sa tono ng pananalita niya parang may lungkot, maging ang mata niya. "Pwede bang makipag-deal ulit?"

"Ano nanaman?" Natawa ako.

"Pwede bang…" Nagkamot siya ng noo. "'wag mo akong iwan kahit matapos na ang five days?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Nakakadalawang araw pa lang kami at kapag nagtagal pa baka hulog na hulog na ako sa kaniya.

Kaya ko ba siyang iwan? Ang sagot ay hindi. Dudurugin ko lang ang puso ko at magbibigay ng panibagong sakit.

Kahit kaibigan masakit kapag nawala.

"'Wag mo nang isipin 'yon. Okay lang, pero sana 'wag mo akong iwasan pagkatapos nito." Dinampian niya ng hintuturo ang ilong ko. "Sana mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal mo sa kapatid ko."

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Pwede ba akong tumabi sa iyo sa kama?"

Pakiramdam ko tutulo na ang laway ko sa laki ng pagkakaawang. Hindi ko alam ang sagot sa mga sinasabi niya.

Ngumiti siya. "'Wag ka mag-alala hindi naman kita gagapangin," tumawa siya nang malakas. "Hindi ako gano'n."

Napakamot ako sa ulo. Naloloka na ako sa lalaking

ito.

"S-sige."

Nanlaki ang mata niya. "Talaga?"

"O-oo."

"Yes!"

Matapos namin sumayaw ay sari-sarili kaming linis ng katawan. Nakapajama na ako nang lumabas sa banyo. Nakita ko na siya na nakaupo sa kama, nakapajama rin.

Nahihiya ako dahil hindi naman ako natutulog kasama ang ibang lalaki. Ito ang unang pagkakataon na may tatabi sa akin sa pagtulog.

Ngumiti siya nang magtama ang mata namin. "Tulog na."

Nahihiya akong lumapit at humiga nang hindi siya tinitingnan. Namangha ako nang patayin niya ang ilaw. Hindi ko ito nakita noong unang beses kong matulog dito dahil lasing ako at mag-uumaga na noon.

Puno ng bituin ang kisame at ang dingding naman ay may ilaw na parang galaxy. Sa madaling salita para kaming nasa outer space dahil sa ilaw.

"Ang ganda!"

"Kaya nga gusto kong katabi ka para sabay nating pagmasdan ang ganda ng outer space."

"Ikaw ang may gawa niyan?"

"Hindi syempre, pinagawa ko."

Madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya. Alam ko rin na may distansya sa pagitan namin dahil nilagyan niya 'yon ng unan.

"This moment is breathtaking. I can't breathe normal," tumawa siya.

"B-bakit?"

"I'm laying at the bed with the girl I love."

"Love agad, kanina like lang?"

"Oo. Ikaw nga ang nagsabi na walang kinalaman ang araw sa pagmamahal."

Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.

Pakiramdam ko ay tulog na siya.

"Mokong?"

"Yes, buko pie?"

"'Wag kang magpanggap na ikaw si Denveir mas gusto kong pinapakita mo sa akin ang tunay na ikaw.

'Wag mo rin sabihin ang mga bagay na hindi galing sa puso mo."

Hindi siya nagsalita kaya pinikit ko na ang mata ko hanggang unti-unti na akong nilamon ng antok.

"Good night, buko pie."

DAY 3

Kinusot ko ang mata nang magising. Natigilan ako nang makita na ang unan ko ay dibdib ni Denmeir at siya naman ay nakahawak sa baiwang ko. Napangiti ako nang pagmasdan ko ang mukha niya. Unti-unti ko na siyang nakikita bilang siya at hindi si Denveir.

"Ang pogi mo," nakangiti kong pinisil ang pisngi

niya.

"Thanks, Buko pie."

Natigalgal ako nang magmulat siya ng mata at nanunuksong ngumiti.

Maldo Andwae! Nakakahiya!

"Gising ka na pala?"

"Hmm. Good morning, buko pie."

"Morning."

Napabalikwas ako ng bangon dahil nakaunan nga pala ako sa kaniya at nakakahiya 'yon.

"Bakit ako nakaunan sa dibdib mo?"

Nagkamot siya ng noo. "Ewan ko."

"Hindi mo talaga alam?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ano—kasi," tumayo siya at nagmadaling lumabas ng kwarto. "Magluluto na ako ng breakfast."

Siguro siya ang may gawa niyon? 'Wag assumera, Ailey.

Sinundan ko siya matapos kong magsepilyo.

Kakawawain nanaman niya ang pagkain.

"Ako na ang magluluto."

"Hindi na kaya—"

Tumawa ako. "Ako na. Hindi ka naman marunong." Nakanguso siyang tumabi. "Ipagtitimpla na lang kita ng kape. Black coffee lang or with cream?"

"Black coffee."

Kumuha ako ng ham sa ref at prinito 'yon. Nag-fried rice din ako. Excited siya nang ilapag ko ang pagkain, simpleng prito lang naman 'yon.

"Unang beses mo akong pinagluto," nakangiti niyang sabi. "Kinikilig ako." Tinawanan ko siya dahil para siyang bulate na kumislot pa.

Matapos ay niyaya ko siya na mag-movie marathon. Naisip kong panoorin ay titanic.

"No, let's find another—"

"Ito ang gusto ko."

"May hot scene riyan," pinandilatan niya ako ng mata. "Ayaw kong makagawa ng kasalanan kaya umayos ka."

Natawa naman ako sa kaniya. Sa huli ay ‘Ready or Not’ ang pinanood namin, patayan. Natatakot ako kaya kapit na kapit ako sa shirt niya.

"Ah! Nandiyan na! Takbo!" Sigaw ko at parang sinisilihan ang pwet sa pagkakaupo. Nalaglag ako sa sofa kaya napahawak ako sa balakang ko dahil ang sakit.

"Ang kulit mo kasi," tatawa-tawa niya akong hinila paupo ulit.

"Takbo!" Siguro sumasakit na ang tainga nitong katabi ko dahil sa ingay ko, pero hindi naman nagrereklamo.

Natapos ang palabas. Nang tingnan ko siya ay may bulak sa tainga kaya pala hindi nagrereklamo dahil may inilagay sa tainga.

"Hoy! Siraulo ka mamaya pumasok 'yan sa loob." Tinanggal ko agad ang bulak kaya napahagikgik siya.

"Ang ingay mo kasi kawawa naman ang tainga ko."

"Gano'n ako manood, eh."

"Siguro kung nasa sinehan tayo galit na saiyo ang mga tao."

"Kaya 'wag mo akong dadalhin do'n."

Mapanukso siyang ngumiti. "Bakit iniisip mo bang darating ang araw na yayayain kitang magsine?"

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

Bakit nga ba naisip ko 'yon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.