5 DAYS Chapter 17

"Saan mo gustong pumunta?" Nakangisi niyang tanong.

"Wala tinatamad ako lumabas. Gusto ko rito lang sa loob at matulog magdamag."

"Wew? We can't take advantage of our time together. Labas tayo, mag-swimming or what."

"Ayaw ko." Humiga ako sa sofa, ang paa ko ay pinatong sa hita niya.

"Sa pagkakaalam ko dapat ang ulo mo ang nasa hita ko para sweet, bakit paa?"

Lumipat ako ng higa at pinatong ang ulo sa hita niya. "'Yan, masaya ka na?"

Tumango siya at ngumiti. Inayos niya ang buhok na humaharang sa mukha ko. "Pretty."

"Maliit na bagay."

Tinitigan niya lang ang mukha ko habang ako ay papikit-pikit na, inaantok nanaman.

"Matulog ka na kung gusto mo."

Pumikit na ako, ramdam ko pa rin ang titig niya sa mukha ko. Kumabog nang sobra ang dibdib ko, parang hinalukay ng masayang pakiramdam ang tiyan ko. Gumapang ang kilig sa buo kong sistema.

Bigla ay may naramdaman akong lumapat sa labi

ko.

Napamura ako sa isip! Is he kissing me?

My first kiss… no, I did CPR to Denveir kaya siya ang first kiss ko.

Nagmulat ako ng mata, nakapikit siya, nakalapat lang ang labi niya sa akin. Nang akmang magmumulat na siya ng mata hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Hinawakan ko ang batok niya at tinugon ang halik niya na nagsisimula nang gumalaw. Nagulat siya. Nanlaki ang mata, pero ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.

Hinawakan niya ang leeg ko at marahang iginalaw ang labi, nagpalipat-lipat ang labi niya sa ibaba at itaas kong labi.

Pwede na siguro akong matunaw sa init ng pisngi ko. Kinikilig ako nang sobra.

Ano bang mayro'n sa aming dalawa?

Patawag ng ambulansiya! Ang lakas ng tibok ng puso ko aatakihin talaga ako nito sa puso.

Hindi ko mapangalanan ang masarap na pakiramdam na pinagsasaluhan namin. Parang

nakalimutan ko na ang pait ng nakaraan at ang nakikita ko lang ngayon ay kaming dalawa. Hindi ko naisip na mali ito, ang nasa isip ko lang masaya ako.

Ang tagal ng halik na 'yon. Nang magbitaw ay nahihiya akong umiwas ng tingin. Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya.

Pinakatitigan niya akong mabuti na para bang pinag-aaralan ang bawat anggulo ko. Pakiramdam ko natutunaw ako sa paraan niya ng pagtingin. Ang tindi ng emosyong pinapakita niya.

"Tell me that you feel it's me, not Denveir." Malungkot niyang ani. "Sabihin mo naman sa akin na ako 'yon at hindi si Denveir kasi tinugon mo. Ako si Denmeir, Buko pie." Pinakatitigan ko ang mata niya, sobrang lungkot.

Bakit malungkot? Dapat masaya siya dahil hinayaan ko siya?

Siguro dahil iniisip niya na si Denveir ang inaalala ko sa puntong ito. Hindi ko naman naisip na si Denveir 'yon, siya ang nasa isip ko habang magkalapat ang labi namin.

Pakiramdam ko ay may nakaharang sa lalamunan ko, hindi ako makapagsalita.

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.

"It's okay. I know that you really love him." Humalik siya sa noo ko. "I will wait for you to love me."

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang halik na 'yon.

Pinapatindi ang pagtalon ng puso ko.

Mahal na ba kita?

Bahagya akong umupo at niyakap siya. Hindi na ako nailang na yakapin siya dahil pakiramdam ko humuhupa ang lahat ng emosyon.

"Why?" Yumakap din siya sa akin. "Wala. Gusto lang kita yakapin." "Hmm."

Kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakangiti

siya.

"Labas tayo?" Bumangon na ako at hinila siya palabas.

Magkahawak kamay kaming lumabas. Kinikilig ako dahil pakiramdam ko may masayang lovelife na ako. Nagsusulyapan kaming dalawa at parehas naiilang. Ngingiti-ngiti rin naman siya.

"Denmeir?"

Nilingon namin ang babae na naka-two piece. Pinasadahan ako ng tingin ng babae simula ulo hanggang paa.

"Sino 'to?"

"Si Ailey Espinar, girlfriend ko."

"Girlfriend? Nababaliw ka na ba?" Taas kilay na tanong ng babae.

"Kai, pwede ba 'wag kang gumawa ng gulo."

Nakangising umiling-iling ang babae. "Ikaw ang 'wag gumawa ng gulo, Denmeir. Don't enter yourself in trouble." Umirap ang babae at umalis na.

"She's my cousin. Hayaan mo siya."

"Anong sinasabi niya?"

Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know."

Napahinto ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi

niya.

"Teka lang. Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?"

Kumindat ang mokong. "Bakit hindi ba?"

"Hindi. 'Wag kang feelingero."

"You kissed me back and I'm confident that you will love me soon, Buko pie."

Nahihiya akong nagbaba ng tingin.

Bakit ba nagpahalik ako? Saan ako kumuha ng kapal ng mukha para tugunan 'yon?

Naglakad pa kami kahit ang layo na ng narating namin. Marami kaming nakakasalubong na lalaki na kilala si Denmeir. Ang dami niyang kaibigan.

"Pre!" May umakbay sa kaniyang lalaki at nginisian ako. "Sino siya? Break na ba—" tinakpan ni Denmeir ang bibig niya.

Kumunot tuloy ang noo ko sa ginawa niya.

"Girlfriend ko si Ailey Espinar. Don't touch her. I'll kill you."

"Oh." Nag-form siya ng 'o' sa bibig at hindi matanggal 'yon. "Girlfriend, huh?" Hindi ko alam, pero parang sarkastiko ang sinasabi niya. "Anyways, Jereff." Naglahad siya ng kamay.

"Sabi't 'wag hawakan, ‘di ba?" Pinukol siya ng masamang tingin ni Denmeir.

"Hi," kumaway na lang ako sa kaniya.

Umakbay si Denmeir sa akin at hinila na ako paalis dahil palapit na ang iba pa.

"Ang dami mo namang kaibigan."

"Gano'n kapag pogi."

Napabungisngis ako. "Confident."

"Parehas kaming pogi ni Denveir."

"Mahal na mahal mo ang kakambal mo. Laging siya ang bukang bibig mo."

"Of course, he's my twin brother."

Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. "'Wag mo akong akbayan ang bigat ng braso mo."

"Okay." Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop. "Pwede bang pabagalin ang mundo?"

"Huh?"

"Para matagal tayong magkasama."

"Bakit mamamatay ka na ba?"

Tumawa siya nang malakas. "Lagi mong sinasabi na mamamatay ako grabe ka naman sa akin."

"Mamamatay lahat ng tao."

"Oo, pero 'wag mo naman agahan."

"Magsabi ka kapag magpapaalam ka na hindi 'yong basta mo na lang akong iiwan."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Naging seryoso ang mukha niya.

"Ailey, hindi ako si Denveir."

"Sinabi ko bang si Denveir ang sinasabihan ko?"

Ngumisi siya. "Kung gano'n ayaw mo nang mawala ako?"

Nagbaba ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya ang emosyon ko.

Oo, ayaw kong mawala ka natatakot akong baka iwan mo rin ako.

"Buko pie," tinaas niya ang mukha ko. "If you want me to stay, I will stay forever. I won't leave you, but one thing, I'm not Denveir. Please view me as Denmeir."

May nakabara sa lalamunan ko kaya hindi nanaman ako makapagsalita.

"Hindi ako si Denveir sana palagi mo 'yon tandaan."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.