5 DAYS Chapter 27

"Alam ko, kahit nakatabi na kita matulog isang beses." Wala siyang emosyon na nakatingin lang sa kisame.

"Ang lalim ng iniisip mo." "Gaano kalalim?" Ngumisi siya.

Inirapan ko siya. Padabog akong kumuha ng damit sa closet. "Wala kang damit bahala ka."

"May dala ako, boy scout 'to."

Pumasok ako sa banyo at nagbihis. Lumabas rin ako, nagsaing at nagluto ng ulam.

"Denmeir! Halika na kumain na tayo."

Nakangiti siyang yumakap sa baiwang ko. "Kumain na muna tayo."

"Yep." Napasigaw ako nang buhatin niya ako at iupo sa lababo. Napatitig ako sa mukha niyang sobrang saya. Ang babaw ng kaligayahan niya. Pakiramdam ko makita niya lang ako masaya na siya.

"Ibaba mo na ako," naiilang akong nag-iwas ng tingin.

Binuhat niya ulit ako at inilagay sa upuan.

"Eat up!" Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at kumuha ng tubig.

"Thanks."

"No thanks, just hug."

Ngumiti ako at niyakap siya. "Hmm?"

Masaya kaming kumain. Pasulyap-sulyap siya at ngingiti-ngiti kaya naman natatawa ako sa hitsura niya.

"Baliw ka na ba? Magsabi ka lang kung dadalhin na kita sa mental hospital."

"Ang ganda mo kasi."

Pigil ang kilig na gumagapang sa buo kong katawan. Nang matapos naming kumain ay nagbihis na ako agad ng pajama. Paglabas ko naka-pajama na rin siya.

"Hug mo naman ako?" Ibinuka niya ang mga braso. Inirapan ko siya. "Ayaw ko."

"Ayaw mo talaga sa akin, 'no? Sinasaktan mo na ako."

"Ang drama mo."

Bumuntong hininga siya at umalis na sa kama. "Good night, matutulog na ako sa 'matigas' at 'masikip' na sofa," pagdidiin niya sa mga salita. "Kawawa naman ako hindi na nga ako mahal ng

girlfriend ko, sa sofa pa ako matutulog." Pagmamaktol niya habang naglalakad palabas.

"Dito ka na nga matulog ng wala ka ng say!"

Awtomatikong ngumiti siya at tumalon sa kama. "Yes! Gumana 'yong paawa effect ko!"

Inirapan ko siya at tumalikod. Naramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko.

"Buko pie?"

"Hmm?"

"Kailan mo ako mamahalin?"

Humarap ako sa kaniya. Kumalabog nang sobrang lakas ang puso ko nang makita ko ang mukha niya na sobrang lapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinakatitigan ang mukha ko.

Hindi ako makagalaw, napako na ang buong katawan ko lalo na nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hinawakan niya ng hintuturo ang labi ko.

"Nasa tamang pag-iisip naman ako, pero pakiramdam ko nawawala ako sa sarili ko." Umupo siya. "Sa sofa na lang ako."

"Dito ka na aarte ka pa."

"Ayaw mo naman sa akin."

"Gusto ko sa iyo."

Bumalik ulit siya sa higaan at ngumiti. "Talaga?"

"Oo."

Nilapit niya ang mukha sa akin. "Pwede kitang i-kiss?"

"Huh?"

Tumalikod siya at nagkamot ng noo. "Joke lang."

"S-sige."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagpayag ko. Humarap siya ulit at ngumiti. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at pinagdikit ang mga noo.

"Pretty," hinawakan niya ang pisngi ko at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Napapikit na lang ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa labi ko.

Nang magdampi iyon ay bulta-bultaheng kuryente ang naramdaman ko. Ilang segundong nanatili ang labi niya sa akin, hindi gumagalaw at pinapakiramdaman lang 'yon. Hanggang sa unti-unti 'yong gumalaw at nagpalipat-lipat sa ibaba at itaas kong labi. Wala sa sariling kumapit ako sa batok niya at tinugon iyon. Marahang galaw ang nangyari at pinapadama ang pagmamahal sa isa't isa.

Anong sabi ko? Pagmamahal sa isa't isa? Mahal niya ba ako?

Hinaplos niya ang leeg ko habang naghahalikan kami. Ang init na ng mukha ko dahil sa kilig bago pa lumalim ang halik ay tumigil na siya. Parehas kaming naghabol ng hininga at tumitig lang sa isa't isa. Nagkamot siya ng noo, nahihiya nanaman. Mabilis ko siyang tinalikuran at doon ko na pinakawalan ang kumakawalang ngiti sa labi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko at kinikilig ako.

Grabe na 'to! Sabi ko sa isip ko take note na sa tono ni Ruffa ko 'yan sinabi. Pumikit ako at nagkunwaring tulog na. Bakit ba ang tamis ng labi niya? May kinain ba siyang matamis? Nakakahiya!

"Good night, Buko pie. Visit me in my dream."

Naramdaman kong humalik siya sa noo ko hanggang sa makatulugan ko na 'yon.

Thanks for making me whole again, Denmeir Camerino.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.