DAY 1
"Ailey," may yumugyog sa akin kaya minulat ko ang mata ko.
"Bakit, 'Nay?"
Ngumiti si nanay sa akin. "Nasa baba na ang manliligaw mo aalis daw kayo."
Napabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mga mata ko. "Sinong manliligaw?"
"Aysows," sinundot ni Nanay ang baiwang ko. "Kunwari ka pa dalaga ka na."
"'Nay, wala akong manliligaw."
Dire-diretso akong lumabas ng kwarto. Napatalikod ako nang makita ko si Denmeir sa sofa. Ang lapad ng pagkakangiti niya.
"Buko pie."
Hala ka. Hindi pa ako nagsusuklay ng buhok at nagsesepilyo. Tumakbo ako pabalik sa kwarto.
Ang aga naman ng lalaking 'yon. Ano nanaman ang ginagawa niya rito?
Bakasyon na kaya wala ng klase kaya dapat maghanap ako ng summer job.
Five days, be with me.
Pumasok sa isip ko ang huling salitang binitawan niya kagabi.
Seryoso siya?
Lutang akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ulit.
Tinarayan ko si Denmeir na ngayon ay ngiting-ngiti. "Anong ginagawa mo rito?"
"Nagpaalam na ako sa nanay at tatay mo na aalis tayo," ngumiti siya nang malapad.
"Hindi ako sasama sa iyo."
"You have no choice," kumindat nanaman siya.
Binuhat niya ako.
"Hoy! Ibaba mo ako!" Sinuntok ko ang likod niya, lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya.
"'Nay, 'Tay, alis na kami!" Sigaw niya pa kala nanay at tatay. Ang nakakainis pa nakangiti ang dalawang matanda.
"Ano bang trip mo? Saan mo ako dadalhin?"
Kumindat siya. "Sa mundo ko."
Natigilan ako. Tumitig ako sa kaniya sa front mirror ng kotse.
Sa mundo ko? Baliw na ang isang ito.
Kapag ako na-inlove sa iyo tapos namatay ka rin baka sa Mental Hospital na ang punta ko. Siguro dapat na akong mag-ipon para naman hindi mahirapan sina tatay na ipasok ako sa Mental Hospital. Nababaliw na talaga ako, pero mas baliw ang mokong na ito.
Sa sobrang dami kong iniisip nakatulog pala ulit ako dahil sobrang aga pa. Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.
Nasaan ako?
Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Denmeir.
Nakita ko siya sa kusina at mukhang nagluluto.
"Ouch! Ouch! Ouch!" Natawa ako sa kaniya dahil may nakalagay na damit sa kamay niya at pinapangtabing iyon sa talsik ng mantika. Nawili akong panoorin siya.
"Ouch! Why this fucking fried chicken hurt me so much?" Binabaliktad niya, pero hindi nababaliktad kaya inis na inis siya. "Hey! Fried chicken, you dead so, don't fight, okay?"
Napabungisngis ako. Pinigilan kong mag-ingay. Pinanood ko pa siya dahil halatang hindi marunong magluto.
"Ouch!" Sigaw nanaman niya dahil natalsikan sa may leeg.
Lumapit na ako at hininaan ang apoy.
"Buko pie? You should rest."
"Ang ingay mo, nagising ako," pagsisinungaling ko. Tinakpan niya ang bibig. "Oh, sorry."
"Okay lang. Dapat hinaan mo ang apoy para hindi ka matalsikan at hindi maluluto ang loob niyan kapag ganyan."
"Ah, gano'n ba? Sorry. I don't know how to cook, I just tried."
"K dot."
Pinaupo ko na lang siya at ako na ang nagluto. "Si Denveir ba marunong magluto?"
"Yes, he loves cooking."
"Sayang hindi niya ako naipagluto," nangilid ang luha ko.
Nilingon ko siya, nakababa ang tingin niya at parang sobrang lungkot.
"You know I love my twin brother and I can do everything for him."
"Sweet mo naman."
"Yeah, kahit na ang kaligayahan ko ang maisasakripisyo."
Pinakatitigan ko ang mukha niya, ngumiti siya. "Don't mind my dramas," tumawa siya. "Dapat lang na magdrama ako dahil deads na kakambal ko, nakakalungkot 'yon."
Matapos kong magluto ay kumain kami. "Bakit dito mo ako dinala?"
"Maganda kasi rito. Favorite place namin ito ni Denveir."
Ang labas kasi ng hotel ay beach na at maraming tao roon.
"Sabi ni Nanay at Tatay mag-enjoy ka raw sa five days vacation mo."
"Nanay? Tatay? Magulang mo?" Sarkastiko kong sabi. Tumawa nanaman siya.
"Anong gusto mong itawag ko matatandang hukluban?"
Gulat ko siyang tiningnan. "Ang pangit ng bibig
mo."
Sinapo niya ang bibig at kinuha ang phone. Nagsalamin siya sa repleksyon ng screen at sinipat ang bibig.
"'Di naman pangit, ah?"
Literal mag-isip ang mokong, nakakaloka.
"Ang pangit mo magsalita, prangka ka at walang preno 'yon ang ibig kong sabihin, Mr. Literal."
"Ah, akala ko 'yong bibig ko."
Nasapo ko ang noo dahil parang sumasakit ang ulo ko sa isang ito.
Kumagat ako nang malaki sa fried chicken, ginaya niya ako kaya natawa ako. Halata namang mayaman siya kaya paunti-unti ang kain niya at pormal. Binitawan ko ang kutsara at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay.
"Ayaw mo na ba kumain?" Nagtatakang tanong
niya.
"Halika," lumapit siya. "Tuturuan kita kumain nang nakakamay."
"Really?" Kumikislap ang mata niya. Nagmadaling maghugas ng kamay.
Para namang kailangan mo pang mag-enrol sa school para lang matutong magkamay sa pagkain?
"Paano?" Excited niyang tanong.
Kumuha ako ng kanin at ulam saka isinubo lahat 'yon sa bibig ko. Punong-puno ang bibig ko kaya lumulubo ang pisngi ko.
"Ikaw naman."
Ginaya niya ang ginawa ko. Inis na inis siya dahil nalalaglag lahat kaunti ang natitira.
"Ang hirap kumain kapag nakakamay."
"Hindi ka marunong."
Inulit niya nang inulit hanggang magawa niya.
Nabilaukan pa ang mokong kaya inabutan ko ng tubig.
"Dahan-dahan."
"Masarap kumain nang nakakamay," nakangiti niyang sabi.
Nang matapos namin kumain ay magkatulong kaming naghugas ng plato.
"Five days, buko pie. This is our first day, guard your heart," kumindat siya. Hinawakan ang kamay ko.
"Anong mapapala mo sa akin sa limang araw?"
"Marami, mamahalin mo ako at makakagawa tayo ng masayang alaala."
"Tapos mamamatay ka at iiwan ako?"
Napamaang ang labi niya at saka tumawa. "Kakatakot ka naman. Bakit naman ako mamamatay?"
"W-wala."
Nagpatinuna ako sa kaniya palabas kaya sumunod siya sa akin. Ang daming tao sa beach, karamihan ay mga couple na naglalampungan sa tabi-tabi.
"Buko pie." "Oh?" "Mahal mo ba si Denveir?"
"Oo."
"Kahit limang araw lang kayong nagkasama?"
"Oo. Wala 'yon sa panahon nasa nararamdaman mo 'yon. Hindi mo alam kung kailan titibok ito," tinuro ko ang dibdib niya.
"So, it is possible that you can love me, too, in just five days?"
Natigilan ako. Tumitig sa mata niya. "Magkaiba kayo ni Denveir," nagbaba ako ng tingin tapos nagtaas ulit. "Bakit nga ba gusto mong mahalin kita agad?"
"Because that's my special proposal to you, in five days you should love me, but if not, we cannot see each other. We will go back to stranger, not knowing each other."
"Pwede namang maging magkaibigan hindi naman lahat lover agad."
"What if I don't want you to be my friend? What if I want you to be my girlfriend and someday, be my wife?"
Sinipat ko ang mata niya kung nagsasabi ba nang totoo. Wala akong makitang bakas ng pagsisinungaling, pero may lungkot sa mata niya.
"Hindi mo ako kilala. Kailan mo lang ako nakita tapos ganyan ang sasabihin mo? Hindi mo katulad si Denveir na tatlong taon na akong tinitingnan sa malayo."
"The guy knows the girl they like the moment they saw it and that's what I felt when the first time you aroused my eyes."
"Hindi gano'n 'yon. Nambobola ka lang." Nagmadali ako kaya tumakbo siya para habulin ako.
"Hindi ako bola."
"Nambobola, hindi bola."
"Wanna play volleyball?"
"Talaga? Magaling ako roon. Tara!"
Nanghiram kami ng bola at nag-volleyball na. Tawa ako nang tawa dahil hindi naman pala siya marunong nagyaya pa.
"How did you do that? Hitting the ball in an instant?"
"Ayusin mo kasi 'yang kamay mo at tingnan mo 'yong bola."
"I was looking at the ball. I just can't hit it."
Lumilipad-lipad na siya kahahabol sa bola. Palagi siyang nadadapa kaya tawa ako nang tawa. Lumapit na ako at kinuha ang bola.
"'Di ka naman marunong."
"I'm sorry, okay?"
"Galit ka?"
"Hindi. Naiinis lang hindi ako marunong."
"Ano bang alam mong sports?"
"Swimming."
"Talaga?"
"Tara," tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin, kinuha ko iyon. Napahawak ako sa dibdib nang tumibok iyon.
Not again, please.
Tumakbo kami at parang bata na nagtampisaw sa tubig. Pumunta kami sa malalim. Kinuha niya ang kamay ko at lumubog kami. Noong una ay natakot ako dahil malalim na hindi ako marunong lumangoy, pero napanatag ako nang hawakan niya ang kamay ko at iginaya sa paglangoy.
Marunong nga siyang lumangoy na kahit nasa malalim na kami ay ginagalaw niya lang ang paa at kamay. Kumapit ako sa balikat niya dahil natakot na ako hindi ko na maabot ang ilalim ng tubig.
"Ang lalim na," nanginginig ako dahil sa takot. "Chill out. I'm a swimmer."
"'Wag mo akong bibitawan kokotongan kita."
Tumawa siya. "Paano 'yong kotong?"
Kinotongan ko nga siya at saka tumawa ako. "Ganiyan."
"Hindi naman masakit."
"Isa pa?"
"Hindi na," tumawa siya.
Magkaharap kaming dalawa sa isa't isa habang ako ay nakahawak sa balikat niya. Naramdaman kong humawak siya sa baiwang ko.
"Bakit ka marunong lumangoy?"
"Mahilig ako sa tabing dagat."
"Si Denveir marunong ba lumangoy?"
"Hindi. Takot 'yon."
Natahimik kaming dalawa at parehas na nakatingin sa kawalan.
"You really love him?"
"Oo, halata naman, 'di ba?"
"He's lucky, sayang nga lang at hindi kayo nagtagal dahil sa katorpehan niya."
"Sayang nga."
"Pero nandito ako para ituloy ang love story mo," ngumiti siya nang malapad.
Hindi ko 'to dapat nararamdaman iiwan niya rin ako at mamamatay.
Ang brutal naman ng isip ko.
Kamatayan palagi ang laman ng isip ko simula noong mawala si Denveir. Pakiramdam ko lahat naman ng kwento nagtatapos sa kamatayan.
"Anong course mo, mokong?"
"Chemical Engineering, Buko pie."
"Bakit 'yon?"
"That's what I want. Ikaw, bakit pharmacy?"
"'Yon din ang gusto ko."
"Marunong ka ba kumanta?"
"Hindi, ikaw?"
"Kaunti lang."
"Sample nga," humigpit ang hawak ko sa kaniya nang umalon.
"Nakakahiya naman," nag-iwas siya ng tingin. "Nahiya ka pa, sige na."
"'Wag na saka na kapag girlfriend na kita," kumindat siya.
"Girlfriend agad? Bakit nanligaw ka ba? At saka hindi mo naman ako gusto 'wag kang ano riyan hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa."
Natigilan siya. May pinapakita siyang malungkot na emosyon na hindi ko maintindihan.
"Nanliligaw ako kaya nga kita sinama rito at ginagawa ko 'to kasi…" Nagkamot siya ng noo. "G-gusto kita."
"Gusto kita, Buko pie."