5 DAYS Chapter 8

"Ailey, may dala akong buko pie," nakangiting sabi sa akin ni Cecelia kasama niya si Vinea.

Si Cecelia Anitha Camerino ay kapatid ni Denveir Camerino. Si Vinea Clee Torrefiel naman ay best friend niya. Palagi akong kinukumusta ng dalawang ito dito sa room dahil baka raw magpakamatay na ako.

Tipid ang ngiti kong kinuha ang buko pie. "Salamat, Cecelia, Vinea."

Nakipagkwentuhan pa ako sa kanila bago umalis. Wala akong klase kaya naman tinahak ko ang mahabang hallway ng Laurente. Titingnan ko ang laboratory room para i-check kung nasaraduhan ba ang pinto. Maayos naman kaya naglakad na ako agad. Patapos na ang klase kaya wala na ang mga estudyante, bakasyon na.

"Buko pie!"

Napatigil ako sa paglalakad. Ako ba ang tinatawag niyon?

Nilingon ko ang tumatawag, napaawang ang labi ko, nangatog ang tuhod ko at awtomatikong tumulo ang luha ko.

"Denveir…"

Tinakbo ko ang daan at niyakap siya nang sobrang higpit. Humagulgol ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang gulat niya dahil natigilan siya. Ilang minuto akong nanatili sa gano'ng sitwasyon hanggang sa tanggalin ko ang yakap ko sa kaniya.

"Paano? Paano nangyaring buhay ka?"

Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. "H-hindi ako si Denveir."

Natutop ko ang bibig ko at diretsong tiningnan siya. "S-sino ka?"

"Hi," ngumiti siya at naglahad ng kamay. Tinitigan ko lang 'yon dahil hindi ko alam paano ko tatanggapin.

Sino siya?

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop. Doon ko napagtanto na hindi nga siya dahil walang kuryenteng dumaloy roon. Pinakiramdaman ko ang sarili. Hindi rin kumalabog ang dibdib ko.

"My name is Denmeir Camerino, Denveir's twin brother."

What?

Pinakatitigan ko siya sa mukha. Kamukhang-kamukha niya si Denveir, ang pinagkaiba lang sa tingin ko mas matangkad siya at mas matipuno ang katawan dahil si Denveir ay medyo patpatin.

Hindi ko alam, pero tumalikod ako, tinalikuran ko siya habang tumutulo ang luha ko.

Hindi nga siya. Bakit ba ako umaasang sana buhay siya? Hindi na siya babalik dahil patay na siya.

Humigpit ang hawak ko sa box ng buko pie na dala ko at dahan-dahang naglakad. Hinabol niya ako at inalalayan.

"I'm sorry did I scare you? Hindi mo pala alam na may kakambal siya."

Tumango ako sa kaniya, nagulat ako nang kumuha siya ng panyo at pinunasan ang luha ko.

"'Wag kang umiyak nakakawala ng ganda," kumindat siya. That wink?

Nakita ko na 'yon kay Denveir at ang lakas ng dating niyon, pero sa kaniya parang wala lang. Kumunot ang noo ko, parang siya talaga. May kung ano sa puso ko ang nagsasabing parang iisa lang sila. Ewan, ang gulo.

"S-salamat. Sige aalis na ako may gagawin pa ako." Tinalikuran ko ulit siya. Hinabol niya nanaman ako.

"Alam kong hindi mo pa ako kilala talaga, pero pwede bang…" Nagkamot siya ng noo. "Makipag-date?"

Gulat na gulat ako, napamaang ang labi ko at muntik ko pang mabitawan ang buko pie.

"Ako ba pinaglololoko mo?" Inis kong sabi.

"No!"

"Denveir's twin brother, don't ask me that way. I'm taken."

Nanlaki ang mata niya. Tinalikuran ko nanaman siya, pero habol naman nang habol kaya inis ko siyang nilingon.

"Ailey… kanino ka naman naging taken? Sino ang boyfriend mo?"

Ailey? Kilala ako ng mokong na ito?

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit mo ako kilala?" Tinaas ko ang isang kilay ko.

"Kasi…" Nagkamot nanaman siya ng noo.

"'Yan," tinuro niya ang I.D. ko.

Oo nga at nakabukas 'yon at kitang-kita ang pangalan ko, pero napaka-weird naman ng lalaking ito para yayain ako ng date. Para siyang ang kakambal niya na hindi ko naman kilala noon basta-basta na lang dumating sa buhay ko at bigla na lang din nang-iwan.

"Answer me, Ailey, who's your boyfriend?"

Tinitigan ko siya diretso sa mata. "Denveir Camerino."

Kapag may lumalapit na lalaki sa akin palagi kong sinasabi na taken ako, sinasabi ko na ang pangalan ng boyfriend ko ay Denveir Camerino kahit ang totoo limang araw lang kaming nagkasama at bigla na lang siyang nawala.

Ang sakit pa rin.

Tumitig siya sa mata ko. "But my twin brother is dead."

Ngumiti ako sa kaniya. "Physically yes," nilagay ko ang kamay sa dibdib ko. "Hindi siya namatay sa puso ko."

Ngumiti siya nang malapad. "How I wish ako siya, but I'll do everything to make you happy," hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.

"Sakay," isenenyas niya ang kotse.

"No! Bakit ako sasama sa iyo? Hindi kita kilala!" Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha sa akin, nag-iwas agad ako ng tingin at yumuko.

Ayaw kong makita ang mukha mo! Kamukha mo siya at iiyakan ko lang ang makita ka.

"Nagpakilala na ako kanina, 'di ba? At pagkatiwalaan mo ako katulad ng pagtitiwala mo sa kakambal ko. I will not do anything to harm you. I just want you to go home safe."

Tinulak ko siya dahil sobrang lapit na niya sa mukha ko.

"A-yaw-ko," madiin kong sabi at akmang tatalikod nanaman. Sa isang iglap naipasok niya ako sa kotse.

"Hard to get," nakangisi niya akong tiningnan sa salamin ng kotse. Inirapan ko siya at tumingin na lang sa labas.

Ayaw kitang makita. Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ka naman si Denveir, pero malaki ang dating mo sa buong sistema ko dahil sa hitsura mo.

"Buko pie, you want to eat first before you go home?"

"Bakit ba, Buko pie? May pangalan ako!" Ngumiti nanaman ang mokong.

Stop that! Pumapasok lang sa ala-ala ko ang mga araw na kasama ko si Denveir.

"Gusto kong endearment buko pie. That's sweet," inihinto niya ang sasakyan at itinabi. "Kain muna tayo. I'm hungry."

Wala naman akong nagawa dahil hinila nanaman ako palabas. Kumain kami sa Rosa Restaurant, nahihiya ako dahil mamahalin ang mga pagkain dito. Wala akong pera pambayad sa kaniya.

"Bakit dito mo ako dinala? Mahal ang pagkain dito."

"This is my favorite resto, that's why," kumindat nanaman siya.

"Sira ba ang mata mo? Kindat ka nang kindat, nako, malala na 'yan ipagamot mo na."

Tumawa siya nang malakas.

Hala ka? Ano 'yon? Tumibok ang puso ko?

"Kapag ikaw ang nakikita ko awtomatikong napapakindat ang mata ko ang ganda mo kasi," ngumiti siya nang malapad.

Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na walang maramdaman. Heto nanaman tayo minamadali nanaman ang pag-ibig na 'yan. Mamaya mamatay rin ang isang ito maiwan nanaman akong luhaan.

Ang sama mo, Ailey, mamatay talaga?

"Care to tell me what's on your mind?" Ngumiti nanaman siya.

Parang lagi siyang nakangiti? Hindi katulad ni Denveir na masungit.

"You don't care."

"Ah." Ngumisi siya. "Siguro naguwa-guwapuhan ka sa akin, 'no?"

Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan. "Mangarap ka, walang ibang guwapo sa paningin ko kung hindi si Denveir."

Tumawa nanaman siya nang malakas na halos napahawak na sa tiyan niya. "Ikaw 'tong nagpapatawa, seriously? Magkamukha kaya kami as in." Ngumisi siya. "Eh ‘di, guwapo rin ako?"

Sumipol ako at tumingin sa itaas. "Managinip daw ba ng gising?"

"You're cute. Kaya ka pala niya nagustuhan at nagpakabaliw na sumakay ng bus kahit may kotse naman, na-deads tuloy."

Nanlaki ang mata ko sa pagiging prangka niya. "Hoy! 'Yang bibig mo grabe ka naman."

"I'm just stating the fact." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Kumain ka na, Buko pie."

"Thanks, Mokong."

Natigilan siya at nanlaki ang mata. "What did you call me?"

"Mokong," nakangisi kong sabi.

"What the? Why mokong? That's for tambay or what."

"Mukha kang tambay," pang-aasar ko kahit hindi naman 'yon totoo.

Hindi nanaman siya makapaniwalang tumitig sa akin. "Really? Denmeir Camerino? Mukhang tambay? You're teasing me."

Nag-make face ako. "Eh, ano naman kung inaasar kita, Mokong?"

"Ugh!" Inis niya akong tiningnan. "Stop calling me that way. Ang pangit. Call me babe rather," kumindat nanaman siya.

"Yuck mahiya ka naman sa kutis mo, Mokong."

Tiningnan niya ang kutis niya sa braso. "Okay naman, ah. Maputi naman ako." Sinipat-sipat niya pa kaya natawa ako nang malakas.

"Nababaliw ako saiyo, Den—" Hindi ko kayang banggitin ang pangalan niya na halos kaparehas lang naman ng pangalan ni Denveir.

"Denmeir," sabi niya. Hindi ako nagsalita.

Nagsimula na lang kumain.

"Ailey Espinar, right? I have special proposal for you."

"Ano 'yon?"

"Mamaya na pag-uwi mo, Buko pie."

"K dot."

Napapatigil ako sa pagkain kapag nilalagyan niya ako.

Bakit kailangang maging maalaga?

Napalingon ako sa gilid. Nakita ko si Vinea kasama ang boyfriend niyang si Brekley Fuentes. Nakilala ko siya dahil minsan sinusundo si Vinea, nakita ko. Hindi ko na tinawag dahil madaldal ang babaeng 'yan ‘di na ako makakaalis kapag nagsimula siyang magsalita.

"Buko pie."

"Bakit ba buko pie? Kakainis ka naman."

"Ayaw mo ba niyon? Ms. Pharmacist, then."

"No!" Napasigaw ako dahil 'yon ang tawag sa akin ni Denveir. Ayaw kong may ibang tumawag ng ganoon maliban sa kaniya.

"What?"

"Buko pie, okay na ako do'n kahit nakakairita."

"That's sweet. You know?"

"K dot."

Nang matapos naming kumain ay hinila nanaman ako ng mokong. Pakiramdam niya raw kasi tatakbuhan ko siya. Ipinasok niya ako sa kotse. Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas na rin ako dala pa rin ang buko pie.

"Galing 'yan kay Cecelia, 'no? Sa kapatid ko?" "Oo." "Ako ang bumili niyan. Kapag gusto mo pa mayro'n pa sa bahay." "Hindi na. Bye, papasok na ako. Salamat."

Dire-diretso akong naglakad, pero natigilan lang din. "Five days!"

Mabilis ko siyang nilingon. Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Five days, Buko pie, kapag hindi mo ako nagustuhan you can leave me. We can act that we never met." Naglakad siya palapit sa akin. Kumalabog nang sobra ang dibdib ko. Hindi ko alam paano ba ako kikilos. "Five days, be with me."

Paano niya nalaman ang tungkol sa five days?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.