After My Death Tomorrow Chapter 27

Nang magsisimula nang kumanta ang panibagong banda, nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan sina Marco at Cygny.

Ngayon ay magkayakap sila.

Nakangiti sa isa't-isa.

They look like a romance movie and I'm one of their audience-- I'm the bitter one. I am right here, watching them as they continue their love story. I am right here, letting the sadness succumb my system all over again.

Halos matumba ako sa panghihina ng mga tuhod ko noong biglang dumako ang mga mata nila sa akin. That moment, I quickly hide the pain by faking a smile.

Ngumiti sila sa akin. Marco's smile is telling me that he is in a deep sense of bliss. Ganoon rin si Cygny.

Ako. Sinubukan kong ipakita sa kanila ang ngiti ko. Pero natatakot akong baka ano mang oras ay babagsak na talaga ang mga luhang pinipilit kong pigilan.

And I'd give up forever to touch you.

'Cause I know that you feel me somehow.

You're the closest to heaven that I'll ever be.

And I don't want to go home right now.

Maya maya pa'y may naramdaman akong umakbay sa akin. Pero dahil sa panghihina, hindi ko magawang tumingin sa kanya. Paralisado ang katawan ko dulot ng sakit na dinunudulot ng nakikita ng dalawang mata ko ngayon.

And all I can taste is this moment.

And all I can breathe is your life.

And sooner or later it's over.

I just don't wanna miss you tonight.

"Run away with me." Bulong niya. Kahit na hindi ko pa siya lingunin ay kilala ko na agad kung sino siya.

Pero tanga ako, eh. Nanatili pa rin akong nakatayo. Pinagmamasdan sila. Hindi makagalaw. Nasasaktan. Nahihirapan.

And I don't want the world to see me.

'Cause I don't think that they'd understand.

When everything's meant to be broken.

I just want you to know who I am.

Blanko na ang utak ko. Ang tanging naiisip ko na lang ngayon ay ang umiyak.

Gusto kong umiyak pero ayokong makita nila 'yon.

Pero . . . paano kung hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko?

And you can't fight the tears that ain't coming.

Or the moment of truth in your lies.

When everything feels like the movies.

Yeah, you bleed just to know you're alive.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong hinawakan ako ni Diyes sa kamay. Hinigit niya ako papalayo sa masakit na sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Blanko pa rin ang utak, hinayaan ko na lang siya.

And I don't want the world to see me.

'Cause I don't think that they'd understand.

When everything's meant to be broken.

I just want you to know who I am.

Nang makalayo na kami sa mga tumpok ng tao ay biglang tumakbo si Diyes dahilan para mapatakbo rin ako dahil nakahawak siya sa kamay ko.

And I don't want the world to see me.

'Cause I don't think that they'd understand.

When everything's meant to be broken.

I just want you to know who I am.

As we run, the cold breeze of the wind starts to embrace me. The wind failed to comfort my broken heart for it only fuels the agony that I am feeling right now.

Mas lalo lang akong nalungkot sa lamig na dinudulot nito sa buong sistema ko. Ang lamig kasi ay nagpapaalala lang sa akin kung paano nanlamig at nanghina ang katawan ko nang makita kong hinalikan ni Marco si Cygny.

Habang lumalayo kami sa oval ay unti-unti nang humihina ang malakas na tugtog na nanggagaling sa bandang nagpeperform ngayon. Nagsimulang tumahimik ang paligid. Mga yapak na lang namin ang tanging maririnig dito sa pathway na aming tinatakbuhan.

Lalo akong nalungkot dahil sa katahimikan ng paligid. It's melancholic, desolate and full of sadness. It's heartbreaking. The silence just make a storm within me.

The silence urge my heart to scream the pain I am feeling right now.

With that, I'm on the verge of breaking down.

I can't help it, this place is too empty for me. It only reminds me of my place to Marco's heart-- it has empty space for me. Too empty that I ended up having no place on it because it is now crowded by the happiness that Cygny gave him.

Tumigil lang si Diyes nang makarating na kami sa Center Ground.

"You can cry now. I won't ask you. Just cry, scream your emotions out. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo sa akin. I will listen." Sambit niya habang nakatalikod sa akin.

Ang luhang kanina ko pang pinipigilan ay kusa nang bumagsak at umagos nang dire-diretso sa mga pisngi ko. Habang nakatayo pa rin, tumititig ako sa likuran niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.

Ngayon, ibinubuhos na ng mga luha ko ang sakit na kanina ko pa nararamdaman. Ibubuhos ko na ang pait ng mga nakita ko kanina. Ibubuhos ko na ang masakit na pagkabigo ng puso ko.

"You know what? Life is not always about the rainbows and butterflies. Sometimes, you have to experience storms first for you to be stronger. Ganoon lang naman sa buhay, hindi laging masaya. May mga oras na talagang gugustuhin mo nang sumuko pero 'wag. Just enjoy the pain and then learn from it later. Kasi ganoon lang naman 'yon eh, binigyan tayo ng mga problema para matuto at hindi para sumuko." Sambit niya habang hindi pa rin humaharap sa akin. Patuloy sa paghikbi, hindi ako makasagot sa kanya.

"Masayang mabuhay kapag naranasan mo muna ang hirap bago ang saya. And it's okay not to be okay, but never settle with not being okay. You deserve all the happiness in life, well, all of us deserve it. 'Yung iba nga lang, masiyadong nagpapakalunod sa dagat ng kalungkutan. Hindi nila namamalayan, sila lang din mismo ang dahilan kung bakit sila nalulunod. Hinayaan lang kasi nilang humantong sila sa pinakamalalim na parte ng dagat when infact, they all have what it takes to swim and to do their best in order for them to reach the island of happiness again."

Humarap na siya sa akin habang nakangiti.

That smile . . . that small smile.

His sincere brown eyes effectively comfort the sadness I have within my heart. Right now, his brown eyes are becoming my push-- my safe haven against the sadness.

Wala na akong iba pang nasabi. I found myself hugging him. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi na inalintana pa kung magmukha na akong tanga kay Diyes.

Afterall, tanga na naman talaga ako.

Minahal ko iyong taong alam kong hindi naman ako mamahalin.

Itinungo ko ang ulo ko sa dibdib niya. I bit my lower lips, I want to spill something but I know that I should not.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung bakit ako sirang-sira ngayon.

Pero natatakot akong baka maapektuhan ang grupo namin dahil doon. Okay naman kami, eh. Ako lang talaga itong tangang hindi matanggap na hindi ako iyong gusto ni Marco.

Mas mabuti nang kimkimin ko na lang uli ito. Nakaya ko na namang itago ang sakit nang ilang linggo, makakaya ko ito nang matagal pang panahon.

Well that's my other talent, I'm good at hiding the pain through my laugh and smile.

"Tahan ka na." Wika niya habang tinatapik pa rin ako sa likod pero hindi ko siya sinagot, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Hindi ko magawang tumigil sa pagluha dahil bagsak na bagsak ang mundo ko ngayon. Tila bang wala na itong solusyon, lumabas lang sa kabilang tenga ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.

Nakaramdam pa ako ng buntong hininga sa kanya bago siya muling nagsalita. "Alam ko na kung papaano ka magiging okay uli."

Pero nagpatuloy pa rin talaga ako sa pag-iyak hanggang sa tinanggal niya ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Ngayon ay nakaakbay siya sa akin habang inaalalayan ako sa paglakad palabas ng gate.

Dahil patuloy ako sa pag-iyak, naging blur ang paningin ko. Hinayaan ko na lang si Diyes na alalayan ako sa paglakad habang patuloy ako sa pagkusot sa mata kong tuloy-tuloy pa rin ang pagluha.

Ayoko nang umiyak! Lintek naman!

Nang makalabas na kami sa gate at makatawid na rin sa kalsada ay natanaw ko ang 7 Eleven. Kahit na blur ang paningin ko ngayon, nalaman ko ito agad dahil sa pamilyar na kulay ng ilaw na nasa itaas ng pintuan ng convenience store.

Nang makapasok na kami ay pinaupo niya ako doon sa upuan at saka naglakad palayo sa akin para bumili.

Maya maya ay humupa na rin ang luha ko. Ramdam na ramdam ko kung papaano naging mahapdi ang mga mata ko ngayon, paniguradong mamamaga ito bukas.

Nasisilaw sa ilaw, ipinatong ko ang kamay ko sa itaas na bahagi ng mga mata ko at hinarangan ang ilaw. Nagulat ako nang biglang sumulpot mula sa likuran ko si Diyes at hinubad ang cap niya. Isinuot niya ito sa akin.

"Yakult?" Tanong ko habang nagtatakang tumingin sa kanya nang makaupo na siya sa harap ko.

Ngumiti siya sa akin, 'yung ngiting parang batang proud na proud sa ginawa niya.

Binuksan niya ang isa bago ito inabot sa akin.

"Bakit pala yakult?" Sambit ko bago uminom. Kasi as far as I know, this thing is only good for digestion. As far as I know, umiyak ako hindi dahil nasira ang tiyan ko.

"Para maging okay ka na." Then his smile grew. "Okay ka ba tiyan?" He effin immitated the commercial of Yakult.

Swear, muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom kong yakult. Lumunok muna ako at saka tumawa nang bahagya. "Ang corny mo talaga."

"Okay ka na ba?" He asked while staring at me enigmatically.

"Hmm," I force a smile. "Yes." No, I will never be okay.

"Good." He mumbled before he drank his yakult.

"Thank you, Ben 10." I said through my small voice.

"For what?"

"For this. For . . . comforting me."

He blinked and pursed his lips innocently. "No worries."

On my head, I am laughing. So, we are back to his two to three words rule?

"H'wag mo na lang sabihin sa mga kaibigan natin ang nangyari kanina, ha?" My voice is more of begging than asking.

I know, Ben 10 is too genius to not get it. Alam kong right on that moment, when I cried, alam kong alam niyang nasasaktan ako dahil kina Cygny at Marco.

"Sure."

I was about to drink when I heard him add, "Just . . . don't waste your tears to the one who doesn't deserve it. Margot, look around."

Staring at me with an emotion I can't decipher, he mumbled, "Who knows? Baka nasa harap mo lang pala iyong taong hindi ka paiiyakin katulad kanina?"

I just blink as I nod at him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.