After My Death Tomorrow Chapter 28

Eventually, I become so numb of the pain. Nasanay na akong masaktan nang patago. Nakaya ko nang ngumiti nang malawak sa tuwing nakikita kong sweet sina Cygny at Marco sa harapan ko.

Ano pa nga ba? Talent ko 'yon, eh. Kaya kong magmukhang okay kahit deep inside, wasak na wasak na ako.

Sa huli naman kasi, narealize ko ring bakit ko sisirain ang friendship namin ni Marco gayong wala namang dahilan para gawin ko iyon?

Wala siyang kasalanan. Nagustuhan ko siya pero hanggang doon na lang dapat 'yon. Ako iyong may kasalanan. Umasa ako kahit na wala naman talaga akong dapat asahan.

Siguro, ito lang talaga iyong kapalit ng pagbago ko sa tadhana ni Marco.

Para mabuhay siya, kailangan kong masaktan. Which is way better than me choosing the other path. Iyong hindi nga ako nasasaktan pero mawawala naman siya sa buhay ko habang buhay.

Life is indeed full of unfair sacrifices. Which in a way, made all of our choices look fair and right.

Today is the last day of the first sem. Kagagaling ko lang sa office ng Club namin. Naglalakad na ako papunta sa gate kung saan naghihintay sina Magne.

Habang naglalakad ako, halo-halo ang emosyon ng mga students na nakakasalubong ko. Ang iba ay masaya, ang iba ay frustrated at ang iba naman ay parang mga kinakabahan. Siguro dahil ito sa final exams na naganap ngayong araw.

Maski naman ako, kinakabahan din sa magiging resulta ng exams ko, eh. Kahit na walang pressure na binibigay sa akin ang parents ko, wala pa rin akong magawa kundi ang kabahan kasi baka mag-fail ako. Baka maalis ako sa list of honors.

This is the worst thing for an honor student like me, I am constantly aiming to be better. Aiming for the best became our theme. And failing has no place in our hearts.

Kaya kapag nawala sa honor, devastated. Kasi we set the bars too high for us kahit na hindi naman dapat.

Well, welcome to the Honor Students' life where life will never be easy. Striving to pass is the only choice we have and failing is never an option.

As I continue to walk, naramdaman ko na lang na may bahagyang humihila ng buhok ko. Naka-ponytail ako ngayon at ramdam na ramdam kong may humihigit sa dulo nito.

"Marco." I said dryly as if warning him but he did't stop.

"Marco." I repeated. But still, he keeps on pulling my hair.

This time, humarap na ako sa kanya at saka siya pinaghahampas. Tumawa naman siya nang tumawa na para bang enjoy na enjoy pa sa naiinis kong mukha. Loko-loko talaga.

"Bakla ka ba? Bakit ba trip na trip mo lagi ang buhok ko?" Nakataas kilay na sambit ko sa kanya.

"Hala, steriotyping ka. Halikan kita, gusto mo?" Sambit niya bago ngumiti nang nakakagat labi.

"Ginagawa, hindi sinasabi." Biro ko.

Ang tapang ko na. Nakakainis.

Bigla siyang ngumiti sa akin nang nakakaloko. 'Yung ngiting nagsasabing 'Ayie, gusto niya rin.' Akmang ilalapit na niya ang mukha niya sa mukha ko nang iniangat ko ang kamao ko at itinapat iyon sa labi niya.

He raised his hands as if he surrenders. Pinipigil ang ngiti, inirapan ko siya at saka tumakbo papalayo sa kanya.

"No one dares to roll their eyes at me! Only you, Margotliit." Bigla niya akong hinabol. "You are dead so don't let me catch you!" He told me as if immitating some villains in a Disney Movie.

Dahil doon ay natatawa akong nagpahabol sa kanya. Para ba kaming mga batang naghahabulan sa gitna ng pathway. Hanggang sa mapatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Cygny na nakatayo sa Building ng Office of Student's Affairs Building kung nasaan ang office ng mga School Officers.

"Cygny!" I shout at her.

I make sure that she will hear me and I didn't fail. She turn her head on my direction. She automatically smiles right after she saw me. Kumaway ako sa kanya habang nakangiti nang malawak, ganoon din naman ang ginagawa niya.

Nang makalapit na sa akin si Marco ay ngiting ngiti siyang kumaway sa girlfriend niya.

Aray--

Naglakbay na lang tingin ko sa kasama ni Cygny, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinilabutan na naman ako nang makita kong nakangiti sa akin 'yung Team Captain nina Marco-- si Lucan.

Kahit nasa malayo siya ay nakakatakot pa rin talaga ang ngiti niya. Hindi pa rin talaga ako makamove-on sa kung papaano ako nahintakutan nang una ko iyong makita last week sa Center Ground.

Nakakapangilabot ito na para bang ano mang oras ay may gagawin siyang masama sa akin. Hindi sa pagiging judgemental pero magiging judgemental na rin, mukha siyang manyak.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

Hindi naman siya mukhang truck driver o kaya naman ay isa sa mga tambay sa kanto. Gwapo naman siya pero bakit parang mukha siyang manyak? 'Yung nakakadiring lebel ng pagiging manyak.

Hindi maatim ang nakakapangilabot na ngiti ni Lucan, nagpasya na akong ibaling uli ang tingin kay Cygny.

"Una na kami, Cygny! Ingat sa pag-uwi!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi talaga siya sumasabay sa aming umuwi dahil bukod sa lagi siyang late kung umuwi dahil School Officer siya, malayo din kasi ang tinitirhan niya mula sa University.

Nang tumango sa akin si Cygny ay muli akong kumaway sa kanya sa huling pagkakataon.

Noong tumalikod na ako sa kanila ay napapikit na lang ako noong marinig si Marco.

"Bye, babe! I love you!

Napalunok ako ng laway.

No, Margot. We are never going to take down that road again. Mag-move on ka na, for the love of god!

***

"Napakatagal niyo!" Reklamo ni Magne na para bang ilang siglo ang hinintay niya.

Siya lang iyong nag-re-reklamo. Sina Vaeden at Ben 10 ay abala sa paglalaro ng NBA 2K19. Nakasandal sila pareho sa gate habang nakatayo.

"Kasi itong si Marco." Natatawa kong sagot. Kahit na ako naman talaga ang dahilan kung bakit kami natagalan sa pagpunta sa kanila.

Nakasalubong ko kasi kanina si Marco. Hinigit ko siya papunta sa Office para sana sumaglit lang sa meeting ng Club ko pero umabot iyon ng halos kalahating oras, wala naman akong magawa kasi ayaw akong payagan ni Steph na mauna nang umuwi.

Marco stares at me as he motioned his hands. Its as if he is saying "Why me?" with a clueless expression. Para siyang batang pinagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tumawa na lang ako habang tinitignan siya.

Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming lumakad. It's already four thirty o'clock in the afternoon, and I can now feel the cold breeze brought by the Ber Months. Two months na lang kasi ay Christmas na kaya damang dama na talaga ang lamig ng hangin lalong lalo pa't malapit lang ang lugar namin sa Tagaytay kaya't sobrang lamig talaga.

Niyayakap ang sarili, naramdaman kong nakatingin sa akin si Marco. I turn my gaze on him with a bored expression. "What?"

"Gusto mo ng hug?" He said as he is smiling with his usual cute playful smile.

Sasagot na sana ako ng 'hindi' nang bigla niya akong yakapin kaya wala akong nagawa kundi ang magpumiglas!

Leche!

Suddenly, I feel the butterflies on my stomach again. I can't help it, kinikilig ako nang patago!

I want to slap myself, seriously.

Pilit kong kinakalimutan ang nararamdaman ko sa kanya pero heto, kaunting yakap niya lang, tiklop agad ako. Ang rupok ko talaga.

Pero ano pa bang magagawa ko? Mahirap naman kasing kalaban ang feelings.

Pinipigil ang ngiti, hinayaan ko na lang siya hanggang sa tumigil kami sa malawak na ricefield.

"Dito muna tayo. Panoorin natin ang sunset." Magne face us with her usual energetic expression. Sumang-ayon kaming lahat at nagpasyang umupo sa harap ng papalubog na araw.

As I look up the orange sky, I feel of Marco's warm arms on my shoulders. Nakaakbay na siya sa akin ngayon habang ako naman ay ngiting ngiti habang pinapanood ang papalubog na araw. I'm amazed by how it looks like right now. It's magical.

I never knew that sunset was this beautiful, hindi ko ito pinapansin. Ngayon ko lang talaga na-appreciate ang kagandahan nito.

Nakakapawi ito ng problema, ng sakit, ng hinanakit sa mundo.

Siguro, ginawa ang sunset para ipaalala na kahit nawawalan na ng liwanag ang buhay ng isang tao, may ganda pa ring makikita dito para mas maging malakas siya sa pagharap sa kadiliman.

Well, everything has its silver linings. We are just too negative to see it.

In the end, the sunset makes me realize that there is really beauty behind every ending-- that there are always hope in every conclusion if we could just be brave to appreciate what we have at the very moment. But if we are too scenic to appreciate the positivity of everything in the world, the negativity will always prevail.

We should always remove the negativity that's distorting our view to the positivity of the world because if we don't, it will ruin us.

"Guys, maglilimang buwan na tayong magkakaibigan. Why won't we name our Squad? Ano bang magandang i-pangalan?" Magne suddenly asked.

Hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kahel na kalangitan nang sumagot si Diyes. "Operae pretium."

Vaeden turn his gaze on him. "Alien ka na naman."

Diyes laughed. "It's a latin term that means 'Worthwhile'."

Without talking, we all smile at him.

Ben 10 and his choice of words.

Totoo nga. There is only one word that could describe our squad and it's "Worthwhile" because this group is really worth the time.

Kahit na magulo kami, kahit na abnormal kami, kahit na pare-pareho kaming may mga saltik, hindi pa rin noon maalis ang katotohang mahalaga ang grupong ito para sa isa't-isa.

We are our own definition of worthwhile and spending our time with each other is priceless. Walang perang makakatumbas sa kasiyahang nadudulot ng grupo namin sa amin.

Ang limang buwan na pinagsamahan namin ay punong puno ng walang sawang asaran at tawanan. We always laugh as if there's no tomorrow-- as if it's our last.

'Yung tipong puno man kami ng mga walang kwentang trip ay masaya pa rin kami sa mga kalokohan namin and for me, that's the beauty of our group. We have the same trip, the same taste in music and the same shits in life and with that, we are able to just enjoy and cherish the moment without minding any problems that will halt our way to the genuine happiness.

Being a part of this squad is one of the best parts of my life. I will never regret that I'm a part of this precious group.

To be honest, I don't expect them to play the most important role in my life. Maybe, that's how God's plan really works, it will make us meet our favorite persons at the most unexpected moment with the most unexpected persons.

Kaya kahit na nasasaktan ako dahil sa nararamdaman ko kay Marco, pinili ko na lang na i-peke ang lahat para manatili dito sa grupo namin. Mas mahalaga ito keysa sa feelings ko.

Ang feelings, kusa 'yang nawawala pero ang friendship na katulad ng kung anong mayroon ako ngayon, napakahirap nitong mahanap uli kapag nawala na ito sa akin.

Maya maya pa'y iniharap sa amin ni Marco ang likod ng kanyang palad. "OPERAE PRETIUM Squad, walang iwanan?" He said as he smiles genuinely.

Habang nakangiti, isa-isa na naming ipinatong sa kamay niya ang mga kamay namin bago sabay sabay na isinigaw ang mga katagang "Walang iwanan!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.