After My Death Tomorrow Chapter 30

Tatlong linggo matapos magsimula ang second semester, nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Diyes. Ni minsan ay hindi na uli namin pinag-usapan ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.

Bumalik kami sa kung ano kami bago ko pa malaman 'yon. Pero ang nakakatuwa, hindi ako nailang sa kanya bagkus ay mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Siguro ganoon lang talaga kapag tunay na kaibigan ang turing mo sa isang tao, walang bagay na makakapagpabago ng pagkakaibigan mo sa kanya kahit ano pa ang mangyari.

Diyes is actually an ideal man for me but my heart is never meant to beat for him. Ganoon lang talaga sa buhay, kahit gaano pa ka-worth it mahalin ang isang tao, kung hindi talaga siya ang gustong i-tibok ng puso mo, hindi mo talaga siya magugustuhan.

He deserves someone better. 'Yung makakatumbas ng pagmamahal na binibigay niya sa taong gusto niya. At hindi ako ang someone na 'yon.

Naglalakad ako ngayon sa mataong corridor ng Engineering Building kung saan nandodoon ang bagong Faculty Room ni Ma'amshie. Inutusan niya kasi ako na ibigay sa kanya ang mga Certificate of Grades ng Section namin last semester. Gusto niya daw kasing malaman kung papaano kami nag-perform sa nakaraang semester at kung ano ang dapat niyang gawin para mas mag-improve pa kami as a student.

Well, having Ma'amshie with us is really an advantage. Dahil sa kanya, mas naging ready kami sa mga hamon ng Senior High School. Kumbaga, siya 'yung ilaw na gumabay sa amin sa madilim na daan ng bagong yugto ng buhay namin. Dahil sa kanya, hindi kami masiyadong nahirapang mag-adjust. With that, we are really thankful that we have her as our Adviser and also, as our Second Mother.

All my life, ngayon lang ako naka-encounter ng Adviser na talagang parang anak ang turing sa mga advisee niya. 'Yung tipong mas proud siya sa amin kapag may achievements kami at mas matindi pa siya sa mga parents namin kung magalit kapag may kasalanan kaming nagawa.

Mabuti na nga lang talaga at hindi niya nalaman na kami 'yung mga inakala niyang multo na magnanakaw sana ng key to corrections para sa final exams last semester. Kapag naalala ko talaga kung papaano siya sumigaw ng gabing 'yon ay napapahalakhak na lang ako.

Habang naglalakad ako ay patuloy sa pang-aasar sa akin si Marco. As usual, hindi makukumpleto ang araw ng mokong na 'to nang hindi niya ako naiinis.

Ngayon ay nakapatong ang braso niya sa ulo ko habang naglalakad kami. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi dahil sa bigat noon. Wala naman akong magawa kundi ang magtiis dahil kahit naman kasi tanggalin ko iyon sa ulo ko ay patuloy lang niya iyong ipapatong uli sa akin. Sumuko na lang talaga ako sa pagsaway sa kanya sa huli.

"Margotliit, ba't hindi mo na ako sinasaway?" Bigkas niya habang ganoon pa rin ang sitwasyon namin.

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi niya pa rin inalis ang braso niya sa ulo ko hanggang sa maglakad na kami sa hagdan.

Kahit na pinagtitinginan na kami ay napili ko na lang na magkibit-balikat.

Ang iba sa mga nadaanan namin ay napapangiti sa amin habang ang karamihan sa ibang babae ay nakasimangot.

Nanumbalik na kasi amg tingin nila kay Marco. Right after he was awarded as the MVP sa naganap na intrams, nabura lahat ng koneksyon niya sa kanyang ama. Kaya ngayon, maraming babae na ang nagkakandarapa sa atensyon niya.

Para pa nga silang nagseselos sa ginagawa sa akin ng mokong na 'to. Kung alam lang nila kung gaano nakakainis 'tong crush nila, naku, susuko sila.

"Hello, Marco!" Sambit noong babaeng mukhang haliparot. Base sa laki ng dibdib niya, makapal na make-up at mapulang lipstick, mukha siyang malandi. I just stare at her with a bored expression.

"Hi!" Masiglang bati naman ni Marco. I roll my eyes at him. He just shrug at me and then turn his gaze again to the girl with a flirty aura that I don't like.

"Crush po kita." Muling sambit naman noong babaeng haliparot habang bumubungisngis. Ngayon ay nasa gitna siya ng dalawang babaeng katulad niya ay may makapal ding make-up at para bang nasampal nang todo dahil sa pula ng pisngi.

Hindi niya ba alam na may girlfriend na 'tong mokong na 'to? Kasing kapal ng make-up niya ang mukha niya, my god.

I whisper while smirking. "Crush your face."

Tila bang narinig niya ang sinabi ko kaya ibinaling niya sa akin ang tingin. Now, she's starting to raise her fake eyebrow at me. "Ano uli 'yon?"

I look at her with the same bored expression I gave her earlier. "Wala, ang sabi ko, sarap burahin ng kilay mong draw--" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang takpan ni Marco ang bibig ko.

"S-Sige! Una na kami. Bye bye!" Sambit ni Marco habang kinakaladkad ako pataas ng hagdan. Nagpumiglas naman ako sa kanya pero inalis niya lang ang kamay niya sa bibig ko nang nasa third floor na kami.

"Nakakadiri! Bakit mo dinikit sa bibig ko ang pasmado mong kamay?" Reklamo ko habang hinahampas siya sa braso.

Tumawa naman siya nang malakas bago magsalita. "Para bagay, pasmado kamay ko tapos pasmado bibig mo." He then pats my head. 'Yung tipong ipinapahid niya sa buhok ko ang basa niyang kamay.

Hinampas ko na lang uli siya! Walang hiya siya!

This time, napangiwi na siya. Tumigil lang ako sa paghampas sa kanya nang marealize kong bawal nga palang tumambay ang mga students dito sa third floor.

Ang third floor kasi ay nakalaan lang para sa Faculty ng mga Professors at pinagbawal ang mga students dito. Ito ay para maiwasan ang ingay sa paligid na maaring makaabala sa pahinga ng mga Professors namin.

Walang ano-ano ay dire-diretso na akong naglakad papunta sa Faculty ni Ma'amshie. Si Marco ay sumisigaw na hintayin ko siya.

Mabilis komg hinarap ang mukha sa knaya. Ipinatong ko ang dulo ng hintuturo sa labi ko. I'm signalling him to keep his mouth shut. Dahil doon ay agad niyang tinakpan ang bibig niya.

Nang makapasok na ako sa Faculty Room ay dumiretso na ako sa table ni Ma'amshie. Wala siya sa loob at tanging ilang mga Professors lang ang nandito. Siguro ay nasa klase pa rin siya. Kapag ganitong oras kasi, puno ang schedule ng mga rooms sa University kaya maraming Professors ang wala sa kanya-kanyang mga Faculty Room. Ipinatong ko na ang mga photocopies ng COG sa table niya bago nagpasyang lumabas.

Tahimik akong lumakad papunta sa pintuan.

Hanggang sa . . .

Halos mapasigaw na lang ako sa gulat nang ang naka-wacky face na mukha ni Marco ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto. 'Yung tipong ang nakatirik mata at nakalabas dilang mukha niya talaga ang bumungad sa akin!

Hinayupak! Muntik na akong mapasigaw! Mabuti na lang talaga at nahawakan ko agad ang bibig ko.

Nagmadali na akong lumabas at isinara ang pinto bago ko pinagkukurot at pinaghahampas si Marco. Ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagtawa nang malakas.

Jusko, aatakihin ako sa puso nang wala sa oras dahil sa loko-lokong 'to.

Dahil malakas ang pagtawa ni Marco ay gumawa ito ng malakas na ingay sa buong third floor kaya't nakarinig kami ng malakas na sitsit dahilan para mapatakbo kami nang mabilis pababa ng hagdan.

Habang naglalakad kami pababa ng hagdan ay hinihigit ko ang tenga ni Marco. Wala naman siyang magawa kundi ang magpumiglas sa akin pero hindi ko pa rin iyon binitawan.

Nang madaanan uli namin 'yung babaeng singkapal ng make-up niya ang mukha ay tinignan ko lang siya with my bitch-back-off look at saka umismid sa kanya. Tila naman namula ang mukha niya sa galit matapos ang ginawa ko at akmang susugurin ako pero napigilan siya noong dalawang kasama niya na obserba ko ay katulad niyang malandi rin. 

Nang makarating na kami sa ground floor ay saka ko lang binitawan ang tainga ni Marco. Ngayon ay naka-pout siya habang hinahaplos ang tenga na kinurot ko. Nasaktan siguro. Kusa akong napangiti habang tinitignan ang mukha niyang parang bata na ano mang oras ay magtantrums. Tumawa lang naman ako nang parang kontrabida at saka naglakad palabas ng Engineering Building. Maya maya ay naramdaman ko na ring sumusunod na siya sa akin.

"Margotliit, may sasabihin pala ako sa 'yo." Sambit niya kaya bigla akong tumigil sa paglalakad at saka humarap sa kanya.

"Ano naman 'yon?" I said with a curious expression.

"Ano kasi..." He said as he scratched his nape.

Parang nahihirapan siyang sabihin ang sasabihin niya. 'Yung tipong may pumipigil sa kanya. Magkahalong hiya at kaba ang napapansin ko sa kanya ngayon. I just look at him while waiting for his answer.

"Ganito kasi 'yon--"

"Margot!" Natigil siya sa pagsasalita nang bigla akong tawagin ni Steph kasama sina Harper at Cath. In the corner of my eyes, I can see Marco motioning his hands as if he is frustated that Steph cross the line at the most crucial moment.

"Uy, may meeting?" Sambit ko nang makalapit na sa akin si Steph. Sina Harper at Cath naman ay naghihintay lang doon sa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Yes, tara? Vacant niyo hanggang six o'clock, 'di ba?" Ani Steph tumango ako.

Bago kasi magsimula ang second semester ay sinabi na namin sa kanya ang mga schedule namin kaya alam na niya ang tamang oras para magpameeting.

"Sama ako." Singit ni Marco habang nakapout na uli na para bang bata. 'Yung bata na gustong sumama sa Mama niya dahil ayaw maiwan sa bahay.

Dahil advance akong mag-isip, nag-play na agad sa utak ko kung paano ako guguluhin ni Marco sa meeting kaya mabilis akong umiling. "No."

"Please?" He is now smiling wide like a kid. Lalong lumalim ang dimples sa magkabilang pisngi niya dahilan para mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Pero nag-poker face lang ako sa kanya. "No nga, 'wag makulit."

"Dali na! Gusto ko ding maging kaibigan 'tong mga kasama mo sa Club." Pagpupumilit niya habang patuloy pa rin sa pagpapacute sa akin.

Napaiwas ng tingin, kinuha ko sa bulsa ko ang pera ni Magne at pabirong itinapal iyon sa pisngi niya. "Still, no. Ibili mo na lang si Magne ng pinapabili niya sa canteen. Paniguradong naghihintay sa atin 'yon doon sa rooftop." At kapag si Magne na ang pinag-usapan, hindi siya makakahindi dahil laging panakot niya ang tito niya na boss ni Marco sa trabaho.

Natatawa naman sa gilid ko si Steph.

Nag-pout uli si Marco with an expression of giving up. "Sige na nga. Bilisan mo sa meeting ah?" The he winked. "Ma-mi-miss kita."

Nagpipigil ng ngiti, hinampas ko na lang siya at saka itunulak papalayo sa akin. Tumawa naman siya nang tumawa habang naglalakad papalayo sa amin. I just rolled my eyes at him and as soon as I turn my back on him, I smile. But I stop smiling right after I hear Steph giggling.

"Bagay talaga kayo." She said while smiling.

"Loka, may girlfriend 'yung mokong na 'yon." I took a deep breath and then force a smile as soon as we start walking towards our office.

***

Mahigit dalawang oras ang tinagal ng meeting namin. Matapos kasi ang Foundation Week ay hindi na kami muling nagkita dahil naging busy na kami sa kanya-kanyang paghabol sa academic requirements kaya medyo madami kaming napag-usapan.

Napagmeetingan namin ang mga bibilhin naming gamit para sa mga Senior Citizens na beneficiary ng mga kinita namin sa booth. Medyo naging magulo at nagkaroon pa kami ng debate bago napagkasunduan na ibigay na lang namin nang cash sa Head noong Charity ang mga kinita namin. Hindi din kasi namin alam kung ano ba talaga ang mga mas kailangan nina Lolo at Lola doon.

Ngayon ay naglalakad na kami papalayo sa office namin. Pare-pareho kami ng building na pupuntahan kaya minabuti na lang namin na sabay-sabay na lang maglakad papunta doon.

"Akalain mo nga naman, Steph." Sambit ko habang tinitignan ang dalawang sweet na sweet at magkahawak kamay na naglalakad sa harap namin.

"I know, right." She's laughing while rolling her eyes on me.

Napapailing na lang ako habang tinitignan sina Nico at Rafael na sweet na sweet.

What a destiny these two have?

Dati ay nagkakandarapa silang manligaw kay Steph pero sila pala ang magkakatuluyan sa huli.

What a freaking destiny?

Sobra talaga kung magbigay ng plot twist si love, nakakagulat talaga ang mga pangyayari.

Bago kasi mag-start ang second semester, noon lang namin nalaman na nagkadevelopan na pala itong dalawa habang abala kami sa booth. 'Yung oras na wala akong kasama at may kanya kanya silang lakad ay nag-date pala sila noon. First date nila 'yon na nauwi sa pagiging official couple nila.

Kami lang ang nakakaalam ng relasyon nila dahil pareho pa silang hindi ready na ilabas ang totoo nilang kasarian. Bilang kaibigan nila, sinuportahan lang naman namin sila. It's their right to choose when to get out of the closet, after all.

"Mga vaklang two." I said while immitating Vice Ganda. Tumawa lang naman sa akin sina Nico while Rafael winks at me as if he is enjoying my reaction.

Habang naglalakad kami ay nakita ko si Cygny na pumasok sa clinic. Nasa tapat kami ng Nursing Building at sa bandang likod nito matatagpuan ang clinic.

May sakit na naman ba siya?

Dahil may isang oras pa akong vacant, naisipan ko na lang na puntahan si Cygny. Nag-aalala din kasi ako sa kanya dahil these past few days, lagi siyang pumupunta sa Clinic. Ang dahilan niya lang, masakit daw ang ulo niya.

Naku, baka malala na 'yon?!

Pero ang totoo niyan-- I mentally cough-- isa din sa dahilan ko ay gusto kong makita 'yung bagong Clinic Doctor ng University. Nag-viral kasi siya sa Facebook. Napaka-gwapo kasi kaya talagang instant sikat siya dito sa University. Gusto kong magpapicture sa kanya para bago manlang siya sumikat ay mayroon na akong picture kasama siya!

Base sa mga nakita ko sa Facebook, may maskuladong pangangatawan 'yung Doctor. In between 20's and 30's ang age niya, probably, twenty five na siya. .

Napakaamo din ng mukha niya na para bang sobrang approachable. Ganoon din ang perpektong hugis ng labi at tamang kapal ng kilay niya.

In short, mas mukha siyang Calvin Klein model keysa Doctor.

Dali dali na akong nagpaalam sa mga kasama ko. Pumayag naman agad sila kaya sumunod na ako kay Cygny sa clinic.

It's afternoon and the place was covered by the orange sunlight. Habang naglalakad ako ay unti-unti nang nababawasan ang mga students.

Karamihan sa nakikita ko ay mga nakasuot ng uniporme ng mga Nursing Students since nasa tabi ako ngayon ng building nila. It's already five o'clock in the afternoon and probably, uwian na nila.

Dahil glass door naman ang pintuan ng clinic ay hindi na ako kumatok. Nang makapasok na ako ay walang katao-tao sa loob. Wala na rin ang mga nurse na laging sumasalubong sa akin sa tuwing pumupunta ako dito. Siguro, uwian na nila kasi alas-singko na ng hapon, eh.

Pero . . . nasaan si Cygny?

Nagpalinga-linga ako sa loob. Napakurap na lang ako nang may marinig akong bahagyang pag-ungol mula sa boses ng isang babae.

I furrowed my eyes, sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon. Tumigil ako sa isang clinic bed na tanging asul na tela lang ang harang.

Hinawi ko iyon . . .

Hanggang sa . . .

Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinahalikan ni Cygny ang Clinic Doctor namin. Nakakandong siya sa mga hita ng Doctor habang sarap na sarap sa paghahalikan nila dahilan para mapaungol siya.

Ngayon ay kitang kita ko kung papaanong naglakbay ang kamay ng Doctor mula sa hita papunta sa dibdib ng umuungol na si Cygny.

"C-Cygny . . ." Nanginginig na sambit ko habang gulat na gulat pa rin sa hindi inaasahang nasasaksihan.

Narinig naman ni Cygny ang sinabi ko kaya agad siyang nagmulat ng mata at napatayo bago lumayo doon sa Doctor. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ako. Tila bang bigla siyang namutla.

What . . . the fuck?

Napapakurap, napatakbo na lang ako palabas ng clinic dahil sa pagkabigla. Pero nang nasa labas na ako ay nahila ni Cygny ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa harap ng pintuan.

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil nakabukas pa rin ang mga butones ng polo niya.

Ngayon ay mangiyak-ngiyak siyang nakaharap sa akin habang binobotones na niyang muli ang polo niya.

"Margot." She started while sobbing. "Don't tell this to Marco . . . Please?"

Nakahawak siya sa kamay ko nang mahigpit habang dire-diretso ang pagtulo ng mga luha mula sa mata niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na kaba. Nanginginig din ang mga kamay niya kaya ramdam na ramdam ko ang takot na nadarama niya ngayon.

Blanko pa rin ang isip, hindi ako makahanap ng mga salitang maitutugon sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.