After My Death Tomorrow Chapter 29

It's the first day of the month of November-- it's All Saints' Day.

Kagagaling lang namin nina Ben 10 at Marco sa puntod ng tatay niya. Sina Vaeden at Magne naman ay hindi namin kasama dahil mag-o-overnight daw sila sa Sementeryo.

Ako, bumisita na ang family namin sa puntod ng mga kamag-anak namin a week before this day. Hassle kasi. Ayaw naming maranasan ang sisiksikan at mataong atmosphere ng Undas.

Si Ben 10 naman, sa Hong Kong pa matatagpuan ang puntod ng kamag-anak niya. Nagpasya siyang 'wag na lang pumunta doon dahil magsisimula na rin naman kasi ang second semester three days after.

Ngayon, naglalakad na kami papunta sa bahay ni Marco para magpalipas ng hapon. Ipagluluto ko din kasi ang mokong na 'yon kaya napili naming sa bahay na lang niya dumiretso.

Habang naglalalad kami ay patuloy akong inaasar ni Marco. Hindi ko alam pero hindi na yata makukumpleto ang araw niya nang hindi ako pinagtitripan, eh.

Kanina, habang nasa puntod kami ng Papa niya ay itinapat niya sa akin ang kandila dahil RIP daw sa height kong kinulang. Tapos ngayon naman, gusto niya akong buhatin kasi sobrang cute ko raw dahil na naman sa lecheng height ko.

Ang laki laki talaga ng problema ng kapreng 'to sa height ko!

Ito namang si Ben 10, hindi manlang ako ma-i-pagtanggol. Puro tawa lang.

Pero napapansin ko, iba ang mood niya ngayon. Para bang may bumabagabag sa utak niya kaso hindi niya lang ito mailabas. Pinili ko na lang na hindi mag-salita. Baka kasi may problema lang siya. Which is . . . rare.

Nang makapasok na kami sa bahay ni Marco ay umupo na ako sa sofa. Si Ben 10 naman ay naupo sa tabi ko.

Samantalang si Marco ay naupo sa sahig. Sumandal siya sa mga tuhod ko bago niya inuunan ang ulo sa mga hita ko. Ngayon ay nakatingin siya sa kisame habang ako ay nakatitig sa kanyang mukha.

His face is just too perfect.

With his thick eyebrows, his long eye lashes, and his pinks lips.

He is damn perfect . . .

I look away all of a sudden as soon as I started to feel the freaking butterflies on my stomach again. Tinatraydor na naman ako ng feelings ko!

I fake a cough.

Minsan talaga, ang problematic na ng pagiging marupok ko, eh!

Minabuti ko na lang na abutin ang remote at i-turn on ang flat screen TV na nasa harap namin. Agad ko itong inilipat sa MYX Channel kung saan ang segment na Mellow MYX ang siyang pinapalabas ngayon.

Ang segment na ito ay ginawa para sa mga viewers na humihingi ng love advice sa VJ. Gustong gusto ko ito kasi dahil NBSB ako, nakakakuha ako ng sapat na kaalaman kapag nagkaroon na ako ng boyfriend-- if magkakaroon talaga. Depende pa kung magkaka-move on ako kay Marco--

Ugh!

I want to slap myself!

"So we are up for our last sender!" The VJ said with full energy. She actually reminds me of Magne. Pareho silang hindi nawawalanan ng energy everytime na napapanood ko siya.

Habang si Ben 10 ay busy sa paglalaro ng NBA 2K19, si Marco naman ay nagsimulang ipikit ang kanyang mga mata. Ako, nagpatuloy ako sa panonood. Nilalabanan pa rin ang temtasyong titigan na lang ang mukha ng nakakainis na lalaking nakaunan sa mga hita ko.

Kumuha ang VJ ng kapirasong papel doon sa pabilog na bowl at saka ito binasa. "Hello, VJ Ai! Itago niyo na lamang po ako sa pangalang 'Four Arms'-- woah! The sender chose a unique name, huh? Bakit kaya Four Arms? Anyways! Let's go back to his love problem."

Ang unique nga ng name na napili nung sender, it reminds me of Ben 10.

No, not Diyes, I'm talking about the real Ben 10 because as far as I can remember, Four Arms is one of his ten aliens.

The VJ smiles at the camera, it seems like she's smiling right at me. Ang friendly lang talaga ng mukha at aura niya.

"Gusto ko lang sanang humingi ng advice sa 'yo. Torpe kasi ako at hindi ko magawang umamin sa babaeng gusto ko. Actually, ang babaeng tinutukoy ko ay mismong kaibigan ko. Hindi ko magawang maamin sa kanya kasi baka masira ang pagkakaibigan namin. Baka layuan niya ako, ganoon. Pero habang tumatagal, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya, eh. Mas lalo lang din akong nahihirapang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin? Sana po ay matulungan niyo ako."

Dumfounded, hindi ako nakaimik. For some reasons, medyo tinamaan ako sa sinend nung sender. Katulad kasi sa kanya ang nangyayari sa amin ni Marco.

It seems like the sender caught Marco's attention because he suddenly open his eyes. Ngayon ay nakaupo na siya nang maayos. Si Ben 10 naman ay busy pa rin sa paglalaro.

"Uh-uh, ang hirap naman ng kalagayan mo, Four Arms. Pero for me, you should weight the situation first. Kung walang jowa ang friend mo, why not confess your feelings na? Kung ready ka na sa kahihitnatnan ng pagkakaibigan niyo matapos mong mag-confess, push mo na!" VJ Ai raised her fist as if giving a total push to the timid sender.

"Loving a friend is a given difficult problem but if you are brave enough to face your fears with regards to losing her as a friend, go for it. Sa buhay, walang mangyayari kung hindi tayo mag-te-take risk. Aba! Minsan lang ang mabuhay kaya enjoy mo na lang!" VJ Ai added as I still dumbfoundedly watching her.

Napakurap ako nang biglang magsalita si Marco. "That Four Arms should confess. He should confess without expecting for anything. He should confess just because he wants to. Hindi naman porke't gusto mo ang isang tao ay kailangan ka na rin niyang gustuhin, kung gusto mo talaga ang isang tao-- gawin mo lang siyang inspirasyon regardless if gusto ka niya o hindi."

Natigalgalan ako.

Tama naman siya.

Tama.

Pero sana, ganoong kadali lang 'yon.

Sana, ganoong kadali lang makitang maging masaya ang mahal mo at hindi ikaw ang dahilan.

Sana nga, madali lang talaga.

"We should give love without expecting for any returns because love is not an investment wherein the one who loves more should receive the same amount that he or she gave. He should confess just because he wants that someone to feel that there's someone who love her, someone who will protect her at all cost, and someone who will stay by her side without expecting for something great to happen."

I nod at him but deep inside, tinatamaan na talaga ako sa sinasabi niya. Opposite ng sinabi niya ang ginawa ko eh, umasa ako sa kanya kahit na wala naman talaga akong dapat asahan.

"That concludes our episode for today. Four Arms, ang next Music Video ay for you! I hope you already find the courage to confess to her na!"

Matapos noon ay nag-play na ang Music Video ng Can't Fight This Feeling by REO Speedwagon.

I can't fight this feeling any longer.

And yet I'm still afraid to let it flow.

What started out as friendship, has grown stronger.

Sumabay na kami ni Marco sa pagkanta habang si Ben 10 ay nanatiling naka-focus sa cellphone niya. Funny how I can still act normal beside Marco when in fact, the song is all about my unrequited love towards him.

I only wish I had the strength to let it show.

I tell myself that I can't hold out forever.

I said there is no reason for my fear.

Habang sumasabay ako sa kanta, marami akong realizations na naiisip. I came to the point where my unrequited love maneuver my way of thinking whenever Marco is around. Nagsimula akong umasa sa kanya. Nag-assume ako. I forget the idea of me just enjoying and cherishing the moment I have with him.

Tama naman talaga siya.

We should love someone because we love them, no more and no less. Hindi niya obligasyon na mahalin ako pabalik.

I said there is no reason for my fear.

Cause I feel so secure when we're together

You give my life direction.

You make everything so clear.

Pero kahit na ganoon, hindi ko pinagsisisihang umasa ako sa kanya. Na nasaktan ako nang dahil sa kanya dahil mas lalo akong lumakas matapos kong maranasan ang first heartbreak ko.

Because of what happened, I now know better. Siguro ganoon lang talaga sa love, nasasaktan ang isang tao para mas maging matatag siya. Kumbaga, love breaks our hearts into pieces for us to be stronger and wise as we fix our hearts again.

And even as I wander.

I'm keeping you in sight.

You're a candle in the window,

On a cold, dark winter's night.

And I'm getting closer than I ever thought I might.

Ngayon ko narealize na sobrang magical nga talaga mag-trabaho ni God. He let love break my heart before it ruins me more. Hinayaan Niyang masaktan na ako ngayon keysa sa patuloy akong masaktan sa taong hindi naman ako mahal. Hinayaan Niyang umiyak ako ngayon keysa sa patuloy pa akong umiyak nang mahaba pang panahon.

Totoo nga, we should trust His plans because everything was already planned. All we have to do is to just trust the process because we are always on the right path as long as we follow His plans.

And I can't fight this feeling anymore.

I've forgotten what I started fighting for.

It's time to bring this ship into the shore.

And throw away the oars, forever.

Ngayon, mas mabuti na sigurong patuloy ko na lang itago ang nararamdaman ko para kay Marco. Wala pa akong lakas ng loob at siguro naman, mawawala din ito. Mas mahalaga ang pagkakaibigan na mayroon ako sa kanya keysa sa feelings ko.

Cause I can't fight this feeling anymore.

I've forgotten what I started fighting for.

And if I have to crawl upon the floor.

Come crashing through your door.

Baby, I can't fight this feeling anymore.

Mas mabuti na siguro 'yung magpatuloy ako sa pagtatago ng nararamdaman ko hanggang sa kusa na lang itong mawala. After all, inspirasyon ko na lang siya ngayon. I don't feel that there's a need for him to know my feelings towards him.

Nang dumilim na ay nagpasya na kaming umuwi ni Ben 10. Naipagluto ko na rin si Marco bago kami magpasyang umuwi.

"Ingat kayo sa daan ah, may multo pa naman diyan." Sambit ni Marco na nakatayo sa gate habang tawa nang tawa.

"Mas nakakatakot kaya ang mukha mo sa multo. Hindi nga kami natakot sa mukha mo, sa multo pa kaya?" Pasigaw na sagot ko sa kanya habang naglalakad na kami papalayo.

Tumawa lang naman siya at saka pumasok na sa loob ng bahay niya. Loko loko talaga 'yon, ako pa ang tatakutin.

Right now, Diyes and I are now walking towards the dark pathway of this subdivision. Tanging ilaw lang ng mga bahay ang nakabukas. Ang maririnig lang ay ang huni ng mga insekto at kung minsan ay ang tahol ng mga aso ng mga may-ari ng bahay na nadadaanan namin.

Habang naglalakad kami, ramdam na ramdam ko pa rin na hindi komportable si Ben 10. Para bang may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa. 'Yung parang pinipigilan niya ang sarili niya.

I just shrug and continue to walk. Tahimik lang kami habang naglalakad, walang nagsasalita which is so usual.

Tahimik naman talaga itong si Ben 10. One to three words nga lang ang kadalasang lumalabas sa bibig niya, eh.

Nang makalagpas na kami sa street ni Marco ay bigla siyang tumigil.

Because of that, I also halt my feet.

Habang nakatalikod pa rin sa akin, nagsalita siya. "I have something to tell you, Margot."

I blink. Natitigalgalan akong sumagot. "Hmm," I fake a cough. "Ano 'yon?"

Then he faced me.

When our eyes met, he quickly avoided my stare. He took a deep breath before he turn his gaze on my eyes again.

As soon as our eyes met for the second time, I was not ready on the next words that came out from his mouth.

"Gusto kita." Huminga pa siya nang mas malalim. "Gusto kita, Margot."

Damn, Diyes.

I took a step back. I felt my knees to weakened. Mabuti na lang talaga at napanatili ko ang aking balanse.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita siyang muli. "But I don't expect anything from you. 'Wag kang ma-pressure. I'm only saying this for you to know that I'm always on your side-- that you have a shoulder to cry on."

Why on Earth?

Why . . . why me?

Napalunok na lang ako.

Hindi ko talaga ito inaasahan.

"Actually, ako 'yung sender sa Mellow MYX. Wala talaga akong balak na umamin sa 'yo kahit na sinend ko 'yon doon. Pero matapos kong marinig ang sinabi ni Marco, nagkaroon ako ng lakas ng loob."

He smiled at me. It made me tore my eyes away from him. "Gusto kita, Margot. Inspirasyon kita, at hanggang doon na lang 'yon . . . sa ngayon."

"Alam ko naman kasi na may iba kang gusto ngayon. Alam kong gusto mo si Marco. Tanggap ko 'yon. Hindi ako makikipagkumpetensya sa kanya dahil kahit naman magsimula akong i-pursue ka, alam kong talo na agad ako. Talo na agad ako sa simula pa lang."

Sa narinig ay napatingin akong muli sa kanya.

He is still smiling at me.

And shit, I really can't believe this.

Ngayon ay para akong istatwa habang nakatingin lang sa kanya.

"Basta tandaan mong nandito lang ako para sa 'yo. Hindi ako maghihintay na magustuhan mo rin ako. Nandito ako para damayan ka lalong lalo na kapag malungkot ka-- kapag feeling mo, gusto mo nang sumuko. Nandito lang ako para sa 'yo..."

Then he started walking towards me.

Napalunok uli ako ng laway.

Hindi makapagsalita, napakayakap na lang ako sa kanya.

Hanggang sa naramdaman kong bumuntong hininga siya bago muling nagsalita, ". . . bilang kaibigan mo."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.