It's Wednesday afternoon, start na ng Christmas break namin. Nandito kaming lahat sa bahay ni Diyes maliban kay Marco na naghihintay sa pagdating namin sa bahay niya. Napag-usapan kasi namin na pag-planuhan na ang mga gagawin namin para maiwasan ang mangyayari na nakasaad sa huling pahina ng letters ng aming future selves.
Kumbaga sa isang mission, ito na ang pinaka-huling pag-subok namin kaya't gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mapagtagumpayan ito.
Base sa letters, magsu-suicide si Marco sa Friday. Dalawang araw mula ngayon. Mawawala siya sa amin sa mismong araw ng birthday niya at kailangan namin iyong mapigilan.
Marco will stay alive.
He can never leave us, never on our watch.
"So, ano na ang plano?" Wika ni Vaeden na nakahiga sa sahig habang naka-unan ang ulo sa mga hita ni Magne.
"First of all, kailangan nating mapigilan ang masabihan siya ng tito mo," Diyes pointed his finger at Magne. Napatingin kaming lahat sa kanya. "ng masasakit na salita."
"Katulad ng nangyari sa paa ni Marco noong Mini-Olympics last week. Kahit na naiba na natin ang future, maaari pa ring mangyari uli ang pagaaway nila ng kanyang boss pero sa ibang pamamaraan naman."
I saw his Adam's apple to went up and down, "Katulad ng lagi kong sinasabi, nature will always find its way to make everything fall into its right places."
Bumuntong hininga siya. "Ang kailangan nating gawin ay ang 'wag palayuin si Marco sa tabi natin. Kailangang mapigilan natin na makipag-kita siya sa tito ni Magne."
The three of us nod. Vaeden even clapped his hand as if he's totally amazed by the wit of Diyes. Natatawa nang bahagya, ako naman ang nagsalita.
"Siguro, mas okay kung ilayo natin si Marco dito. Siguro naman, kung ganoon ang gagawin natin ay hinding hindi na talaga matutuloy ang mga dapat na mangyari ngayon, 'di ba?"
Diyes nod at me with his usual serious face. "How about we go camping?"
"OMG! Yes! Please!" Halos mapatalon ako mula sa kinauupuan ko nang pasigaw na nagsalita si Magne.
Napangiwi akong napapahaplos sa kanang dibdib ko. I motioned my hand as if I'm calming my heart. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa babaeng 'to!
"Langhiyang bibig 'yan, ang sarap takpan gamit ang labi k--" Nakakunot noong reklamo ni Vaeden nang bumangon siya mula sa pagkakahiga sa mga hita ni Magne. Pero hindi na niya naituloy ang kamanyakang sasabihin niya nang bigla siyang sikmuraan ng best friend ko.
Ngayon ay napapabaluktot siyang ngumingiwi habang nakahiga sa sahig dahil sa sakit. Pinigilan ko naman ang matawa at pinili na lang na tumingin kay Diyes.
Diyes continue to talk, unbothered. "Actually, that was a good idea. Kasi 'di ba, ang puno't dulo ng lahat ay ang regrets ni Marco dahil sa pagkamatay ng tatay niya?"
Itinango ko ang ulo ko sa kanya, pero hindi ko makuha ang gusto niyang iparating. Bakit ba kasi lagi siyang ganito? 'Yung tipong ang lalim lagi ng mga sinasabi kaya't hindi madaling intindihin.
"Marco needs to take a break. He's suffocated by the regrets he has right now and the easiest way for him to forgive himself is through breathing the fresh air and diverting his attention to the things that only matters. And it's simply living the moment without his regrets. Kailangan natin siyang mailayo sa lugar na makakapag-paalala lang ng regrets niya."
Ang nagbabangayan na sina Vaeden at Magne ay napatigil dahil sa sinabi ni Diyes. Katulad ko siguro, pareho silang clueless din sa sinasabi ng kaibigan namin.
Diyes looked at us. "Let's set a bonfire. Let's have an open forum for him to let go all the burden that he's hiding deep inside his heart. For sure, perfect timing 'yon para makapag-open up siya sa atin kasi as far as I know, never pa siyang nag-sabi sa atin tungkol sa tunay niyang nararamdaman."
Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin lahat. "Tama ako, right? All this time kasi, puro masayang side niya lang ang nakikita ko. Pero alam naman natin na kapag wala na tayo sa bahay nila, doon na siya uli nagsisimulang malungkot. I can sense it from him. I can sense the pain he's hiding. Ayaw niya lang sigurong mag-open up kasi ayaw niya tayong malungkot. Siya kasi 'yung tipo ng tao na gusto ng masaya lang lagi-- 'yung walang drama, 'yung puro playtime."
I blink for a moment.
Oo, tama nga siya. Gets ko na.
Gusto niyang ang camping ang maging daan para mailabas ni Marco lahat ng sama ng loob niya. Kasi hanggang ngayon, patuloy niya pa rin talagang tinatago ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng mga magulang niya.
Minsan pa nga, nai-kwento sa akin ni Nanay Minerva na naririnig niya si Marco na humahagulgol sa kwarto niya. Para ba daw sinisisi niya pa rin ang sarili niya.
"Nakalagay sa letters ng future selves natin ang ipa-realize kay Marco na hindi natatapos ang lahat sa simpleng pagkakamali lang. Ipa-intindi natin sa kanya na napakarami niya pang panahon para makabawi sa mga pagkakamali ng tadhana niya."
Diyes paused for a second. "Maaring doon na rin natin tapusin ang lahat ng mga pagsisisi niya. Ipa-realize natin doon na kahit ano pang mangyari, dapat siyang magpatuloy sa buhay."
I can really feel the determination through Diyes' eyes. I never seen him this motivated. But this is a good thing, our job will be easy if he will keep on doing the things he's good at and it's to analyze everything and come up with a significant solution.
Pumalakpak si Vaeden nang mabagal na tila bang pabirong pinapasalamatan ang katalinuhan ni Diyes. Si Magne naman ay sinakyan ang trip niya. Ngayon ay pabiro niyang pinupunasan ang kanyang mga mata na para bang naiiyak habang proud na proud siya kay Diyes.
Naiiling akong tumawa. "Basta talaga kalokohan, nagkaka-sundo kayong dalawa."
***
"Happy birthday, Marco!" Malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Magne na ngayon ay lumalakad papunta sa direksyon namin.
It's Friday afternoon. Dahil dumating na si Magne ay kumpleto na kaming lahat dito sa labas ng bahay ni Marco. Handang handa na kami sa camping namin sa isa sa mga pinakamalapit na dagat dito sa aming lugar.
Kung tawagin ang lugar na pupuntahan namin ay "The White Fairyland" dahil daw sa angking ganda noon. Puting puti daw kasi ang buhangin noon, asul na asul rin ang dagat at ang mga halaman daw doon ay may iba't ibang kulay na aakalain talagang tirahan ng mga diwata. Hindi pa ako nakakapunta doon kaya't mas lalo akong na-eexcite na makarating doon.
Sabi ni Diyes, almost one hour lang daw ang biyahe namin papunta doon kaya't makakarating daw kami doon ng alas-kwatro ng hapon dahilan para masaksihan pa namin ang napakagandang sunset. Base sa kwento nilang lahat sa akin, iyon daw ang pinakapaborito nilang view doon. Lalo tuloy akong na-curious.
It's already two thirty o'clock in the afternoon. Inilalagay na namin ang lahat ng aming mga gamit sa van nina Diyes. Ganoon na rin ang napakaraming pagkain na iniluto ni Nanay Minerva dahil ayaw niya raw na magutom kami doon. Ang niluto niya ay tig-isang bilao ng valenciana at pancit na base kay Marco ay specialty daw ng matanda.
Nang matapos na kaming maglagay ng mga gamit ay isa-isa muna kaming nag-mano kay Nanay at saka nag-paalam. Ang matanda naman ay patuloy sa pag-papaalala sa amin na mag-ingat kami hanggang sa makapasok na kaming lahat sa van.
Ngayon ay nakaupo si Vaeden doon sa driver's seat habang si Magne ay pumuwesto sa first seat ng van, kami naman ni Marco ay doon sa second seat.
Habang binabaybay namin ang daan ay sabay sabay kami ngayong sumasabay sa kantang nagpe-play ngayon dito sa van. It's Across The Ocean by New Empire.
We could sail across the seven seas.
Take you far away from the mysteries that reminds you
Of the loneliness in you heart.
Habang sumasabay sa kanta, nakangiti akong tumitingin kay Marco na ngayon ay nakapikit habang sumasabay sa amin.
We could search for islands far and near.
Join in creation look to hear
All the songs they've been singing all these years.
Nang nagmulat siya ng mata ay napatingin siya sa akin kaya't mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Nagpipigil ng ngiti, nagpatuloy ako sa pagkanta.
Search across the oceans
For who you are been lost for too long.
Searching for a secret
In coming home we find we have what we need.
Dahil sa kanta, naalala ko bigla ang nakasulat sa letter ng future self ko para sa ngayong araw. Mabuti na lang talaga at napigilan namin ang mga dapat na mangyari sa mga nakaraang araw. Kung hindi, baka hindi ko talaga kayanin. Masiyadong mabigat ang naranasan ng future self ko at ayoko 'yong maranasan. Basahin ko pa nga lang iyon ay nadudurog na ang puso ko, ano pa kaya kung personal ko na iyong nararanasan?
Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-iba na ang tumutugtog ngayon. The song that's playing right now is 2002 by Anne Marie. Dahil ito ang isa sa mga pinaka-paborito ko ngayong kanta at gayon na rin si Magne, napuno ng boses naming dalawa ang loob ng van.
I will always remember the day you kissed my lips.
Light as a feather.
And it went just like this.
No, it's never been better
Than the summer of 2002.
Ngayon ay nakatingin lang sa amin sina Vaeden at Marco habang natatawa. Si Magne kasi ay napapa-head bang pa kahit hindi naman rock itong genre ng kanta.
We were only eleven.
But acting like grownups.
Like we are in the present, drinking from plastic cups.
Singing, "love is forever and ever".
Well, I guess that was true.
Dahil hindi ito kabisado ng mga lalaki ay wala na silang nagawa kundi ang manahimik na lamang habang kami ni Magne ay parang baliw na kumakanta. We were singing at the top of our lungs like it was our moment to shine. Laughing between the lyrics of the song, hindi ko mapigilan sabayan ang kabaliwan ni Magne. Ngayon ay naghe-head bang na rin ako.
Dancing on the hood in the middle of the woods.
Of an old Mustang, where we sang.
Songs with all our childhood friends
And it went like this, yeah.
Umapir muna sa akin si Magne bago magsimula ang chorus kung saan ito rin ang pinaka-paborito naming parte ng kanta. Pero nang pakanta na kami ay bigla namang inilipat ni Vaeden ang kanta dahilan para mapatigil kami at mapatingin sa kanya nang masama. Siya naman ay tumawa lang nang malakas kaya't lalong nainis sa kanya si Magne.
Habang nagbabangayan na uli sina Magne at Vaeden, natatawa na lang akong sumabay sa panibagong kanta na tumutugtog. Isinandal ko ang likod ko at saka ibinaling na lang ang paningin sa daan. The song that's playing right now is If We Never Met by JOHN.k
What if I never started singing?
What if you never told your family you were leaving?
When you felt the pressure.
There's a million different reasons.
We shouldn't be together.
But when I put it all together.
Ngayon ay nasa harap ko ang malalaking mga puno habang dumadampi sa balat ko ang kulay kahel na liwanag ng nagsisimulang lumubog na araw. It's golden hour right now and what I'm seeing at the moment is as precious as the gold. It's too surreal. It's flawless. I never appreaciated nature this much before, I never expected that nature could be this beautiful. It's like a daydream.
Napatigil naman ako sa iniisip ko nang biglang isandal ni Marco ang kanyang ulo sa balikat ko.
Napapakurap, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napapalunok ako ng laway habang pilit na ibinabaling ang aking atensyon sa magandang view ng paligid pero talagang sobrang ingay ng ginagawang pag-tibok ng puso ko dahilan para mawala ako sa focus. Tanging ang nararamdaman ko na lang ngayon ay ang sayang si Marco lang ang nakakapagbigay sa akin-- sayang dulot ng kilig.
Right now, I can smell the wax he used for his hair. Gustong gusto ko talaga ang amoy noon. The smell is minty. Bagay na lalong nakakapagpa-gwapo sa kanya sa paningin ko.
From that moment, the butterflies on my stomach started to succumb my system that all I can do is to just flash a smile. But I try hard to prevent myself mirroring it with my face.
It all comes back to you, you, you.
I love it when the only light is me, you, and the moon.
And maybe when I close my eyes, I'm thinkin' about.
Sumasabay pa rin siya ngayon sa kanta. Ako naman ay nanatiling pinapakiramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko na dulot ng ginagawa niya ngayon. Para ba kasing kinakantahan niya ako.
Habang patuloy na ibinabaling ang tingin ko sa magandang view ng daan, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Ngayon ay naka-ngiti na ako na para bang baliw. Napapakagat labi dahil gusto ko pa rin talaga itong pigilan.
If we never met,
I'd be drunk, waking up in someone else's bed.
I'd be lost in a crowded room of fake friends.
"Margot." He said silently. Nakasandal pa rin ang ulo niya sa aking balikat.
Mabilis kong itinigil ang aking pag-ngiti. While still staring at the view, I answer him.
"Uhm?" I try hard to make my tone look bored. I don't want him to know that I'm gushing right now.
"I wouldn't even know what love is if we never met." Sagot niya sa akin habang sinasabayan pa rin ang kanta.
×××
Author's Note: Ask me anything!