After My Death Tomorrow Chapter 42

Pasado alas-kwatro na ng hapon nang makarating kami sa The White Fairyland. Nang maiparada na ni Diyes ang van doon sa hindi kalayuan sa dalampasigan ay lumabas na ako.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata, gusto kong ma-surpresa sa madadatnan ko kapag nai-mulat ko na ang mga ito.

Pinakiramdaman ko muna ang malamig na simoy ng hangin, unti-unti kong naramdaman na para bang niyayakap ako nito. Ang sarap sa pakiramdaman habang inaamoy ko ang maalat na simoy nito.

As my hair dance because of the wind, pinakinggan ko ang nakakarelax na ihip ng hangin na bumabangga sa mga malalagong puno dahilan para makagawa ito ng nakaka-relax na tunog. Huminga muna ako nang malalim bago ko unti-unting binuksan ang aking mga mata.

Nang mai-mulat ko na ang mga mata ko ay napaawang ang aking bibig dahil sa gulat-- gulat dulot ng kagandahan ng kapaligiran na nasa harap ko ngayon.

Ngayon, kitang kita ko ang magandang dagat na kumikislap dahil sa sinag ng araw. Tila bang may mga kristal sa ibabaw ng tubig. Ganoon na rin ang puting buhangin na animo'y isang pulbos ng gatas na nakalatag sa lupa.

What I'm seeing right now is magical. This is really flawless. This is surreal. This seems so unreal and I live for this view. Para ba akong nasa isang paraiso-- isang lugar na malayo sa reyalidad. 'Yung tipong para bang ako ay nasa isang magandang panaginip lang. Kung isa nga lang itong magandang panaginip, ayoko nang magising pa.

Ilang saglit pa akong tumunganga sa dagat. Matapos noon ay ibinaling ko naman ang aking mga mata dito sa kinatatayuan ko. Ang kinatatayuan ko ngayon ay isang tumpok ng carabao grass. Napangiti na lang ako nang biglang dumapo sa paa ko ang isang ibong maya na tila bang masaya sa pagdating namin.

Inilibot ko nang muli ang aking mga mata nang lumipad na ang ibong maya. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na niliparan niya hanggang sa mapako na naman ang mga mata ko sa kagandahan ng dagat.

"Ang ganda, 'di ba?" Sambit ni Marco nang tumayo siya sa gilid ko habang sina Diyes, Magne at Vaeden naman ay busy sa pagbaba ng mga gamit namin mula sa van.

Itinango ko lang ang ulo ko sa kanya. I'm speechless, I can' find any words to say because my eyes are now enchanted by the magical view of the blue sea and its white sand.

From the corner of my eyes, I can see him stare at me while mumbling, "Sobrang ganda talaga."

***

Ilang minuto ang lumipas, nadala na naming lahat ang mga gamit namin dito sa tabi ng dalampasigan kung saan kami magpapalipas ng gabi.

Nagsimula na kaming itayo ang dalawang tent na tutulugan namin mamaya. Ang isa ay sa amin ni Magne at ang isa naman ay sa tatlong lalaki.

Nang maitayo na namin ang mga tent ay ipinasok na muna namin ang mga gamit sa loob. Matapos noon ay naisipang naming mag-gala gala muna dito sa lugar habang hindi pa dumidilim.

Ang una naming pinuntahan ay 'yung lugar kung saan may malalaking mga puno. Matatagpuan iyon sa likod ng malaking bato na nakaharap sa dagat.

Ang rason kung bakit kami pumunta dito ay para dito i-baon ang time capsule na ginawa namin. Pakana ito ni Magne. Last Thursday, inutusan niya kaming gumawa ng sulat para sa future self namin. Dapat daw ay sabihin namin doon ang mga gusto naming mangyari ten years from now tapos babalikan namin iyon matapos ang sampung taon para i-check kung nagkatotoo ba lahat ng isinulat namin doon. Dahil ayaw namin siyang mag-tantrums, naki-ride on na lang kami sa trip niya.

Inilagay ni Magne ang mga letters namin sa isang lata ng biscuit at ganoon na rin ang letters na binigay ng future selves namin. Naisipan kasi namin na 'wag na lang itong ipaalam sa kanya dahil ayaw namin siyang maguluhan. Ayaw naming isipin niya na alam na namin ang lahat ng mangyayari sa kanya pero wala pa rin kaming ginawa. Sa estado niya ngayon, kung saan siya ay puno ng regrets, I really doubt it if he will continue to be okay after reading the letters of our future selves.

Matapos maghukay ni Vaeden ng maliit na hukay, ibinaon na namin ang letters doon. Nilagyan namin ito ng malaking bato bilang palatandaan kapag binalikan na namin ito ten years from now.

Ilang sandali ang lumipas, napagpasyahan na lang namin na maupo na lang sa tabi ng dalampasigan. Nakaupo kami sa punong kahoy habang ang mga paa namin ay naaabot ng dulo ng tubig.

Ako ang nasa kaduluhan, samantalang katabi ko si Diyes. Ang katabi niya naman ay si Marco na siyang pinagigitnaan naming lima, sina Magne at Vaeden naman ang magkatabi sa dulo niya.

Habang nag-uusap usap silang apat ay ilang minuto pa muna akong tumahimik para pagmasdan ang tubig na bumabangga sa aking mga paa. Abala ako sa pag-pulot ng mga shells na dinadala sa akin ng dagat.

May napulot akong mga bato na may iba't ibang hugis at kulay pero ang pinakapaborito ko ay iyong maliit na shell na may iba't ibang shades of blue.

Pero natigil ako sa ginagawa ko nang nagsimula nang mag-strum si Marco gamit ang gitara niya. Sobrang naging busy yata ako sa ginagawa ko kaya't hindi ko na namalayan na kinuha na pala ni Marco ang gitara niya mula sa tent namin.

While still staring at the water and its bubbles, I smile right after hearing the tune of the song he's strumming. It's All The Kids Are Depressed by Jeremy Zucker. Somehow, this has been became the theme song of my life these past few months.

How long have you been smiling?

It seems like it's been too long.

Some days I don't feel like trying.

So what the fuck are you on?

With that, we started to sing together. Napapangiti ako nang pa-sikreto dahil ang akala ko'y kami lang ni Marco ang nakakaalam ng kantang 'to.

While still singing, I stare at the sunset. The sunset has been always this beautiful, walang pinagbago. Bigla ko tuloy na-alala ang araw kung saan nakabuo kami ng pangalan para sa squad namin.

Right now, operae pretium really fits the moment. This is worthwhile. This is something to be sentimental as the days pass by. Surely, this moment will etch on our minds and hearts for the rest of our lives.

I think too much, we drink too much.

Falling in love like it's just nothing.

I want to know where do we go.

When nothing's wrong.

Habang patuloy akong sumasabay sa kanta, may mga pangyayari akong hindi ko maiwasan na maalala. Katulad na lang noong nag-break down ako sa harap ni Diyes dahil nabigo ko na naman ang future self ko.

I have been always a failure. But as the days passed by, I realized that being a failure doesn't always mean that you'll lose in almost everything that you'll do.

For me, being a failure will give you the adequate lessons that will pave a way for you to be stronger. For you to be braver, and with that, I think that I am still winning.

Oo, maaring nabigo ako sa misyon ko pero ang mahalaga, panalo pa rin ako dahil sa lessons na ibinigay sa akin ng buhay. Ang lessons na 'yon ang magbibigay gabay sa akin para hindi ko na ulit maulit ang pagkabigong naranasan ko.

'Cause all the kids are depressed.

Nothing ever makes sense.

I'm not feeling alright.

Staying up 'til sunrise.

And hoping shit is okay.

Pretending we know things.

I don't know what happened.

My natural reaction is that we're scared.

So I guess we're scared.

Afterall, isa akong teen at natural lang sa akin ang mabigo. Actually, mas okay pa nga na mabigo ang isang tao sa mura niya pang edad para habang siya ay tumatanda, mas lalo niyang natututunan ang masaklap na reyalidad ng buhay.

Sa buhay kasi, hindi palaging mananalo ang isang tao. Minsan, kailangang talagang tanggapin nang buong puso ang pakabigo at maging matatag gamit ang mga aral na nakuha niya dito.

Napatigil ako sa malalim kong iniisip nang magsimula na uling mag-strum si Marco ng panibagong kanta. I'm not familiar with the tune but I think, it's Sad Forever by Lauv.

For an unknown reason, I began to feel uncomfortable.

Daydream,

Life feels like a daydream.

And I just wish that I could wake up,

I just wish that I could wake up.

My mind, whispers in the nightime.

Voices always keeping me up,

Telling me that I should give up.

Natigilan kaming lahat, ang lahat ay tahimik na nakikinig kay Marco.

Hindi pa rin komportable ang nararamdaman, napatingin ako sa mukha ni Marco. Napakurap ako nang mapansin ang bahagyang kalungkutan sa kanyang mukha. Kanina lang ay masaya siyang kumakanta pero bakit parang ang bilis mag-bago ng mood niya ngayon? Is this because of the song?

'Cause lately,

I've been in the backseat to my own life.

Trying to take control, but I don't know how, to.

Patuloy kong ibinaling ang aking tingin kay Marco na ngayon ay nakatulala sa dagat. Para bang nakalimutan na niyang nasa tabi niya lang kami. Para bang siya ay nasa gitna ng dagat at kusang nagpapa-gapos sa kalungkutan ng kanta.

Maya-maya'y lumungkot na ang tono niya. From that moment, nagsimula na akong mabahala.

I don't wanna be sad forever.

I don't wanna be sad no more.

I don't wanna wake up and wonder.

What the hell am I doing this for?

I don't wanna be medicated.

I don't wanna go through that war.

I don't wanna be sad,

I don't wanna be sad.

I don't wanna be sad anymore.

The lyrics of the song might represent what he is feeling at the moment. He is obviously sad and the reason for that is still a puzzle for me to solve. This is so sudden, and I never expected it-- not on this beautiful place.

With that, I started to analyze the situation.

I don't wanna be sad forever.

I don't wanna go one more day.

I just wanna wake up and realize.

Everything's gonna be okay.

I don't know what words to say and

I don't wanna go through that war.

I don't wanna be sad,

I don't wanna be sad.

I don't wanna be sad anymore.

While analyzing the situation, a thought of his father enters my mind. Iniwas ko na ang tingin kay Marco at ibinaling ko na lamang ang mga mata ko sa kahel na kalangitan.

Bumuga ako ng hangin.

Yes, this is all about his father.

Ito ang ka-una unahang pagkakataon na ice-celebrate niya ang kanyang birthday nang wala ang kanyang ama. Bilang isang anak, iyon na yata ang isa sa mga pinakamasakit na pwede naming maranasan. Lalo na siya, kasi tanging ama niya na lang talaga ang mayroon siya tapos mawawala pa.

Muli kong ibinaling ang mga mata ko sa kanya. Nagsimula na rin akong makaramdam ng lungkot. Sobrang sakit marahil ng nararamdaman niya ngayon. Maski naman ako, ganiyan din ang mararamdaman ko lalong lalo na't close ako kay Papa.

Wait, this might be also because of the regrets that he has for his father's death. Nakalagay nga pala sa letter na ang regrets niya ang puno't dulo ng lahat kaya't ito ang dapat naming solusyunan.

I'm coming through to the other side.

I'll make it through to tomorrow,

'Cause that's all I can do today.

Do today.

With that, I tap Diyes' shoulder. I motioned him to move, gusto kong tabihan si Marco. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Gusto kong isalba siya mula sa mga pagsisisi niya.

"Marco." I said, controlling my emotions.

Tumingin siya sa akin. As usual, he is faking his smile. Pinilit niyang magmukhang normal-- 'yung Marco na maloko at mapang-asar pero ang hindi niya alam, kilalang kilala ko na siya. Alam na alam ko nang hindi totoo ang sayang pinapakita niya sa akin ngayon.

I took a deep breath. "May pinagsisisihan ka ba?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Ganoon na rin sina Magne ay Vaeden na nasa likod niya. It seems like they were shocked because I was too straightforward. But I continue to stare at Marco's eyes. I can see all the blue in it.

Bumuntong hininga si Marco. Pilit niya pa ring ipinapakita ang peke niyang ngiti. Dahil doon, ako ang mas nahihirapan sa kalagayan niya.

Alam na alam ko na kasi kung gaano kasaklap at kasakit ang ngumiti kahit na gusto mo na talagang umiyak. Danas na danas ko na 'yon kaya't ayokong patuloy niya itong maranasan.

Mag-sasalita na sana akong muli nang makita kong unti-unting nag-butil ang kanyang mga luha. Napatingin siya sa itaas para pigilan iyon sa pagbuhos pababa sa kanyang pisngi. "Alam niyo ba, sobrang hirap mabuhay araw-araw nang may pagsisisi kang dinadala."

"'Yung araw-araw kong pinagdudusahan ang pagkakamali ko pero ang masaklap nito, wala nang paraan para maitama ko pa ito kasi wala na-- wala na si Papa."

Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha, ito ay bumuhos na sa kanyang mga pisngi. "Araw-araw, umiiyak ako dahil lagi kong sinisisi ang sarili ko. I might not know the real reasons why he did what he did, but still, I can't unsee the fact that if I was there, at that very moment, I would've stopped him. Buhay pa sana siya ngayon."

"It was all because of my mistake. Papa would've been saved if I saw that coming." Ngayon ay humahagulgol na siya. Tumungo siya at saka isinandal ang kanyang mga mata sa kanyang dalawang kamay. Ang mga siko niya ay nakapatong sa kanyang mga hita.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.