Habang patuloy sa paghagulgol si Marco, ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat ay tila bang mas lumalamig dulot marahil ng lungkot na nadarama niya. Lahat kami ay natahimik, tanging tunog lang ng alon, ng malakas na ihip ng hangin at ng malungkot na paghagulgol niya ang tanging naririnig namin sa kasalukuyan.
Ibinaling ko ang aking tingin kay Marco, bakas na bakas pa rin sa mukha ko ang pag-aalala. "Marco, death isn't the end of everything. It's actually not a period but a punctuation mark that will continue the eternal happiness to the paragraph of someone else's life."
Nagpatuloy lang siya sa paghagulgol na unti-unti namang dumudurog sa aking puso. Bumuntong hininga ako at saka ibinaling ang aking tingin sa mga kaibigan ko, bakas din sa kanila ang pag-aalala at kalungkutan. Katulad ko'y hindi rin siguro nila ito inaasahan.
"Marco, hindi natatapos ang lahat sa pagkawala ng tatay mo. Bagkus, gamitin mo ang pagkawala niya bilang isang motibasyon para lalo ka pang maging malakas nang sa gayon, kapag muli kayong nagkita ay may maipagpapamalaki ka sa kaniya at iyon ay ang hindi mo pag-suko-- na hindi ka nagpatalo sa hamon ng kaniyang pagkawala."
I rub his back. "You have to be strong. Your father wants you to be brave because that's how he raised you. Let him see that he succeeded with what he wants to see in you. Believe me, hindi siya matutuwang makita kang malungkot lalong lalo na kung ang dahilan nito ay dahil sa pagsisi sa sarili mo dahil sa pagkawala niya."
I gave him a reassuring smile. "Your father wants you to live your life without regrets. It wasn't your fault. No one's at fault here because everything happens for a specific reason. Death is inevitable and it is not the opposite of life, it's actually a part of it. People come and go, and we can never stop it from happening."
On the back of my mind, I'm smiling bitterly. The last sentence that I said hits me so hard. Bigla kong naalala ang nasa letters, mangyayari pa rin ba ang dapat na mangyari sa kanya kahit na pigilan pa namin ito?
But I choose to erase the negative thoughts for awhile, what I need to do now is to save Marco from his regrets and the easiest way to do that is to motivate him that everything's fine. That everything should be fine regardless of the burden he has deep inside his heart.
I continue to tap his back. "The least that you can do now is to cherish the memories that you had with him and then use it as a medium for you to be stronger. With that, you could have a positive outlook about life and it will pave a way for you to make the best out of what you currently have."
Nagpatuloy ako sa pagtitig sa kanya. Nakangiti, ngunit hindi maitago ang kirot sa aking puso. "Siguro, kung ako si Tito Azrael, malulungkot ako kung makikita kong umiiyak at sinisisi ng anak ko ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Gusto mo bang malungkot din siya?"
Pero hindi siya sumagot. Nagpatuloy pa rin siya sa paghagulgol. And its breaking my heart. The pain he is feeling right now is too emotionally painful that all he can do is to just cry hard. The pain might be so isolating in such a way that he forgot that he is with us. Nakalimutan na niya yatang kasama niya kami dahil para bang hindi niya ako narinig.
But I won't stop. The loss that he is regretting right now is breaking his heart into pieces but I'm willing to fix it for him. I'm willing to fix it for him all over again.
"Alam kong sobrang nasasaktan ka ngayon at hindi madaling mawawala ang sakit na nararamdaman mo kasi katulad ng isang malalim na sugat, hindi iyan basta-bastang maghihilom. It will take years or decades but atleast, set your heart free from the regrets that you have right now. You deserve to laugh with us, you deserve everything that's far from the depressing ideas of your regrets."
Bumuga ako ng hangin. "Wala kang kasalanan dahil sa buhay, may mga tao talagang hindi natin mapipigilan ang pag-alis. That was the sad reality of life, the people that we love might leave us all of a sudden and it will ruin us. I know, it will wreck us to the point that all we can do is to just cry. But their exit was never our fault, it will happen because it's ought to happen."
I paused after hearing Diyes to intervene. "Marco, save yourself from the regrets. Alam namin hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari sa nanay mo, but let me tell you that it was never your fault. Katulad ng sinabi ni Margot, parte ng buhay ang kamatayan at wala tayong magagawa upang mapigilan--" He paused for a second. "ito."
Napakurap ako nang makaramdaman ng lungkot sa kanyang tono pero minabuti ko na lang na manahimik. Pinilit kong ilihis ang utak ko sa malungkot na ideya na marahil ay pareho naming naiisip ngayon ni Diyes. Ang ideyang hindi namin mapipigilan ang mga dapat na mangyari. Just like Marco's supposed death today.
Maya-maya ay si Vaeden naman ang nagsalita. "Paps, wala kang kasalanan. Sadyang ganoon lang talaga sa buhay eh, hindi naman natin iyon mapipigilan. Pero kahit na ganoon, kailangan mong bumangon. Kailangan mong magiging matatag para sa tatay mo. Siguro, hindi siya matutuwa nang araw-araw kang malungkot dahil sa kanya. Kaya sana, paps, hayaan mong makawala ka na sa pagkakagapos ng pagsisisi mo."
Napangiti ako matapos siyang marinig, ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang mag-seryoso.
Muling nagsalita si Diyes. Tila bang nakabawi na siya sa lungkot na bigla niyang naramdaman at nagawa nang ituloy ang dapat na sasabihin niya kung hindi lang sana biglang sumingit si Vaeden. "Don't imprison yourself with your regrets because you don't deserve a life sentence from it. Hindi mo deserve makulong sa kasalanang hindi mo naman ginawa dahil unang una sa lahat, nangyari lang ang dapat na mangyari."
Matapos niya ay si Magne naman ang nagsalita. Bakas na bakas din sa kanya ang labis na pag-aalala habang pinili ko na lang na manahimik muna at makinig sa kanila. "Marco, I know the healing of your heart will be a tough process but please, rely on us. 'Wag mong itago sa amin ang tunay mong nararamdaman."
Magne starts to tap Marco's other shoulder. "Akala mo siguro, hindi namin napapansin na these past few months, nararamdaman namin na malungkot ka lalong lalo na kapag umuuwi na kami sa kanya-kanya naming bahay galing sa bahay mo. You always have these begging eyes everytime we bade our good byes at you, it seems like you don't want us to leave you from the dark place of your sadness."
Yes, Magne is right. Marco's great at pretending but because we are his real friends, we are able to feel the sadness that comes within his heart. Totoo nga, minsan, ang katotohanan ay hindi lang makikita sa pamamagitan ng ating mga mata, kundi ito ay nararamdaman din gamit ang ating mga puso.
"Marco, ramdam na ramdam namin ang lungkot mo pero pinili na lang namin na manahimik dahil baka nga ito ang iyong pamamaraan para mas maging matibay ka sa kabila ng mga problema mo. Pero mali, we suddenly realized that pretending to be okay won't work at you because we feel that it is only just killing you. Katulad na lang ngayon, you suddenly break down without us expecting for it."
Ngayon ay nakatungo si Marco, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang pisngi. Kitang kita ko ngayon kung papaanong maglandas ito pababa sa kanyang leeg.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Marco, kung hirap na hirap ka na sa sakit na nadarama mo ngayon, hayaan mo kaming tulungan ka. Hayaan mo kaming magbigay ilaw sa dumidilim mong mundo. Let us guide you again on the right path through the genuine happiness."
I start to do the thumb thing. "Gusto naming tumawa kasama ka nang wala kang hinanakit na tinatago sa puso mo. Gusto naming makita kang tumawa na wala kang problemang iisipin kapag umalis na kami sa bahay niyo. Gusto naming makawala ka na sa pagsisisi mo."
Sa wakas, tumingin na siya sa akin. Basang basa ang kanyang mukha ng luha. But I give him my most sincere smile.
"For the mean time, let us carry the heavy weight that you have deep inside your heart. We are willing to help you. We are willing to help you save yourself from your regrets." Sambit ni Diyes bago tuluyang bumuhos lalo ang luha sa mga mata ni Marco.
Patuloy pa rin sa pag-iyak, sinubukan niyang magsalita pero hindi niya iyon magawa dahil sa bigat ng emosyon na dinaranas niya ngayon. Instead, he just mouthed the words "Thank you." and right after he did that, my tears contineously run down to my cheeks.
With that, I found myself hugging him tightly. Maya-maya pa'y naramdaman ko na rin ang pagyakap nina Diyes, Magne at Vaeden sa aming dalawa.
Forming a group hug.
Forming a safe haven for Marco.
***
Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalma na ang lahat. Nawala na ang lungkot sa aming lima at muling nanumbalik ang grupo sa dati. Magulo. Puro asaran at tawanan. Maingay.
Ngayon ay nagtatawanan kaming lahat dahil sa sinabing joke ni Vaeden para daw hindi na malungkot si Marco. Kahit na hindi naman iyon nakakatawa ay hindi ko alam kung bakit tumawa kami dahil doon. Siguro, ganoon lang talaga kapag tunay mong kaibigan, nagkakaintindihan kayo dahil pare-pareho kayong may saltik.
Masaya akong tumititig kay Marco. As he throw his head back and laugh like a kid, I can now sense the genuine happiness from him. It seems like it's been a long time when I last see this side of him. He is now carefree. I can clearly see all the bliss on his eyes. It's like all the blue were removed from it and all I can see right now is the radiant joy coming from within his heart. He came back to his usual self-- ang Marco na puro kalokohan lang ang nasa utak. Ang Marco na para bang walang problemang iniisip.
Habang pinagmamasdan ko silang tumawa, hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti. Si Vaeden ay patuloy na inaasar si Magne sa pamamagitan ng pagsundot sa tagiliran nito. Diyes is watching them with his usual small smile.
Sa huli tinigil na ni Vaeden sa pag-asar kay Magne. Si Marco naman ang nakita ni kulot. Iyon ang dahilan kumg bakit niya nilalagyan ng buhangin si Marco sa ulo. Hanggang sa lahat sila ay nagbatuhan na rin maliban sa amin ni Diyes na natatawa habang pinapanood sila.
Napailing ako. Mga baliw talaga. Pero kahit na ganito sila, hindi ko pinagsisihan na naging parte sila ng buhay ko.
Ang grupong ito kasi ang siyang naging pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Walang academic awards o materyal na bagay ang makakatumbas sa sayang dinudulot nila sa akin. Kasi kapag kasama ko sila, para bang sobrang gaan ng buhay. 'Yung tipong sila ang safe haven ko sa negativity ng buhay. 'Yung kapag kasama ko sila, ekis na lahat ng mga problema.
Kahit na pare-pareho man kaming may saltik, pare-pareho din naman ang hangad namin sa buhay at iyon ay ang i-enjoy lamang ito nang walang iniisip na kahit na anong problema.
Ganoon lang naman kasi sa buhay, walang mangyayari kung patuloy kang magpapasakop sa lungkot dahil sa huli, ikaw ang dapat kumilos para mahanap mo na ang sayang nararapat sa'yo. And I'm happy that I already found mine.
One thing I've learned from this squad is to live life to the fullest. Life is a given fact depressing and the only way to counter it is to just enjoy and cherish the moment. As what I've said, this squad is our real definition of a worthwhile. Being with them is a choice that I will probably choose right away if ever life gave me a chance to live again. I won't regret choosing to be part of this squad all over again.
Natigil ako sa malalim kong iniisip nang may tubig na tumalsik sa akin. Napatayo ako at nalamang si Marco pala ang loko-lokong nagsasaboy sa akin ng tubig. Malakas siyang tumatawa habang nakatayo sa dagat.
Napailing na lang ako habang bahagyang tumatawa bago gumanti sa kanya. Nagtungo na din ako sa dagat at saka sinabuyan din siya ng tubig hanggang sa ang lahat ay nakigaya na sa amin. Ngayon ay malakas kaming nagtatawanan habang binabasa ang isa't isa na para bang mga bata.
***
Ilang minuto pa kaming nagbasaan nang nagsimula nang dumilim kaya't naisipan na namin na mag-gawa na ng bonfire. Ngayon ay basang basa kami habang kumukuha ng mga piraso ng kahoy sa paligid.
Naghiwa-hiwalay kami, sina Vaeden at Magne ay doon naghahanap sa gilid ng dalampasigan. Si Diyes naman ay doon sa mga puno na matatagpuan malapit sa pinag-park-an ng van. Kami naman ni Marco ay nandito sa lugar malapit sa pinagbaunan namin ng time capsule kanina.
Habang abala ako sa pagpulot ng mga kahoy ay biglang nagsalita si Marco. "Margotliit, may tanong ako."
Nasa likod ko siya. Abala pa rin sa pagpulot ng punongkahoy ay hindi ako humarap sa kanya. "Oh, ano 'yon?"
"So far, mayroon ka bang gustong mangyari sa buhay mo?" He quickly asked.
Blinking, I continue doing my thing. Ilang segundo pa muna akong nag-isip bago muling nag-salita. "Siguro, ang makita si Taylor Swift sa personal."
Napangiti ako, totoo naman. Fan na ako ni Taylor Swift mag-mula pa noong Fearless Era pero hindi ko pa siya nakikita nang personal. Last time kasi na pumunta siya dito ay naubusan ako ng ticket, pinag-ipunan ko pa man din 'yon.
"Ahh . . ." Sagot naman sa akin niya na pakiramdam ko ay nagpapatango-tango ng ulo ngayon.
Habang hawak-hawak pa rin ang punongkahoy. Nagsalita uli ako. "Bakit mo ba natanong?"
"Wala lang. Interesado lang ako." Mabilis niyang sagot.
Humarap na ako sa kanya. Nacu-curious sa tanong niya, ako naman ang nagtanong sa kanya. "Ikaw ba, anong gusto mong mangyari sa buhay mo so far?"
He smiles widely at me. The same playful smile that he always show me. That damn smile that never failed to make me smile back at him. "Ang gusto kong mangyari?"
Itinango ko lang ang ulo ko sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya habang ang paligid ay nagmistulang kulay asul dahil sa dilim na unti-unti nang sinasakop ang paligid.
He stares right into my eyes. Right into my soul. Straight to my heart. "Gusto kitang ligawan."