Ang Pag-ibig ni Lester Chapter 12

Naging maingat si Aubrey sa kanyang mga galaw nang mga sumunod na araw at naging payapa din ang kalooban ni Lester subalit naroon pa rin ang pag-iingat niya syempre. Mukhang natunugan ng kaaway na mahirap mapasok ang siguridad ni Lester sa pamamagitan ni Zeke.

Marami na ring nakakalap na impormasyon si Zeke, katulad ng mga pekeng numerong inirerehistro ni Aubrey sa datos ng kompanya. Ilan sa mga closed deal ni Lester ay may ilang porsyentong kaltas at awtomatikong pumapasok sa bank account ni Aubrey. Galit na galit ang kanyang Tito ng malaman ang ginagawang pananabotahe ng sekretarya sa pera ng kompanya.

Natunton din ni Zeke ang email account na kausap ni Aubrey sa unang araw niya roon at iyon ay ang sekretarya ng CEO, ng kanyang Tito, si Miss Kathy.

Nagpulong silang muli sa kanilang tahanan ng dapat na gagawin sa mga nalamang impormasyon.

“Kung ganoon ay magkakasabwat sila! Kaya pala napakadali para kay Aubrey na manipulahin ang datos ng kompanya. Hindi ako makapaniwala! Putang-*na lalo pa ang malamang si Miss Kathy na pinagkakatiwalaan ko ay isa ring ahas?!”

“Huminahon ka Tito upang makapag-isip tayo ng tamang solusyon.”

“Gusto niyo bang paslangin ko na lamang sila ng matapos na itong kagaguhan nila? Just tell me and I can do it without evidence,” puno ng pagkasuklam ang tinig ni Zeke subalit hindi siya payag sa nais nito.

“Hindi ko gugustuhing maging isa kang kriminal Zeke,” malamig at may pagbabanta ang salita niya sa lalake.

Nakita niya ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha nito at pagpapakumbaba sa kanya.

“Pagplanuhan natin ng maayos ang dapat gawin upang matunton natin ang puno't dulo sa likod nito.”

Nag-dial sa cellphone ang kanyang tiyuhin bago nagsalita, “Guan Jin, please investigate my secretary Miss Kathy King and Lester's secretary Miss Aubrey Chavez. I need the results as soon as possible. Thank you.”

“May naiisip akong plano...” suhestiyon ni Zeke.

Matapos ang mahabang pag-uusap at pagpaplano na iyon ay nagpahinga na sila sa kani-kanilang mga silid.

Matamang pinag-aralan ni Lester ang suhestiyon ni Zeke subalit alam niyang sugal iyon.

“Isusugal ko nga ba ang aking sarili o may iba pa siyang iniisip sa planong iyon?”

Pabiling-biling sa higaan si Lester at hindi mapakali. Sa totoo lamang ay natatakot din siya. O sabihin nating natatakot siyang gawing pain ang sarili na wala sa kanyang tabi si Zeke? Ayon sa lalake ay magmamanman siya sa kanila ni Aubrey habang isinasagawa ang plano subalit...

“Hindi ako kampanteng malayo ako sa kanya. Tsk.”

Mabilis lumipas ang mga oras na hindi na namalayan ni Lester. Kunsumido ang kanyang isipan sa samu't-saring kaganapan.

Sa mga nakalipas na mga araw, aminin man niya sa hindi ay naging panatag siya dahil sa presensiya ni Zeke. Ramdam niya ang proteksiyon sa bawat minutong naroon lamang ang lalake nagtatrabaho ng payapa sa kanyang tabi.

Isa pang problema niya, nasasabik na rin siya sa lalake.

Masyado silang nasubsob sa kani-kanilang tungkulin at kita niya kung gaano kapursigido si Zeke na tuklasin kung sino ang kanilang kaaway. Wala na ngang oras ang lalake upang bigyan siya ng ekstrang kaligayahan.

“Damn...”

Namilipit si Lester sa higaan. Ramdam niya ang kasabikan sa kanyang buong pagkatao. Nais niyang sunggaban kanina si Zeke subalit binalot siya ng hiya. Nais niyang hagkan ang lalake at yakapin subalit hindi niya magawa.

Ano nga bang meron sa kanila?

Relasyong walang label?

O init lamang ng katawan?

Parausan kumbaga...

Subalit nais niyang yakapin kahit ang salitang 'parausan' lamang siya ng lalake. Dahil masaya siya sa bawat sandaling kapiling niya ito.

Halos mabaliw na sa kaiisip si Lester ganoong naroroon lamang naman sa kanilang tahanan ang lalake. O mas tamang sabihing nakababaliw ang masilayan ang lalake araw-araw subalit hindi niya magawang hawakan at hagkan?

Inabot niya ang cellphone sa katabing mesa at tinignan ang orasan. Ala-una kinse ng madaling araw.

Napabuntong-hininga na lamang si Lester. Alangang abalahin niya si Zeke sa pamamahinga dahil lamang sabik siyang maramdaman ang init ng katawan ng lalake.

Hinubad niya ang suot na pajama at nag-boxer na lamang siya. Nag-iinit ang kanyang katawan at ayaw niyang may sagabal. Dumapa siya sa kama at pinilit na pumikit.

Subalit kay hirap dumating ng antok.

Ilang araw na nga ba ang nagdaan?

Sa kalkulasyon niya ay mahigit isang linggo na rin.

“F*ck Zeke...” nahihirapan niyang sambit. Hindi niya alam na makakaramdam siya ng ganitong pangangailangan sa lalake.

Ilang minuto ang lumipas ng maamoy niya ang pamilyar na pabango at lumundo ang kanyang higaan. Tumagilid siya upang masiguradong si Zeke nga ang naroroon sa kanyang silid subalit maaari ba naman siyang magkamali ganoong hindi naman bumukas ang pintuan?

“Bakit ka nagtitiis kung maaari mo naman akong tawagin ano mang oras?” sita agad ng lalake.

Hinagkan ni Zeke ang kanyang balikat at mapupungay ang kulay pilak na mga matang tumitig ito sa kanya.

“Bakit naman kita tatawagin...”

“Iyang pride mo, huwag mong gagamitin sa akin. Tss.”

Hinaplos ni Zeke ang kanyang katawan at mabilis siyang nag-apoy sa mga kamay ng lalake.

Dinilaan ni Zeke ang kanyang tainga at bumulong, “Tell me Lester...”

“What...” inabot niya ang buhok ni Zeke at mahinang hinila.

“Tell me that you need me now...”

Tumihaya si Lester at hinarap ang gahibla na lamang na mukha ng lalake sa kanyang mukha.

“Hindi pa ba sapat ang reaksiyon ng aking katawan...?” sinambit niya iyon na dumadampi sa labi ni Zeke ang kanyang labi.

“No. Wanna hear it.”

Iginiling ni Zeke ang kanyang harapan sa mismong harapan ni Lester na nakaumbok na ng husto. At dinilaan din ni Zeke ang labi ni Lester. Mapang-akit ang mga titig ng taga-bantay.

Matatagalan niya ba ang pang-aakit ng kaharap ganoong nagdedeliryo na siya sa kanyang kaibutaran?

“F*ck me Zeke...”

Dinakot niya ang mga pisngi ng pang-upo ni Zeke at gumiling siya sa ilalim nito. Nakatitig lamang sa kanya ang maamong mukha ng lalake. Inaabangan ang mga susunod niya pang sasabihin.

“Want you...inside me. F*ck me. Baby, I need you...”

Segundo lamang at napatid na rin ang pagtitimpi ni Zeke. Mabilis siya nitong sinunggaban ng halik sa labi.

Napuno ng mga daing at ungol ang kanyang silid. Napawi rin ang kanyang pagkauhaw sa lalaki na maraming araw ding nagpabaliw sa kanya. Tinikman niya si Zeke mula ulo hanggang talampakan. Wala siyang pinagligtas sa balat nito. Ganoon siya kasabik sa lalaki.

Tinanggap niya ang malalakas at madidiing ulos ng kaniig maging ang mga panaka-nakang pag-kagat nito sa kanyang balat. Lahat iyon ay naghahatid sa kanya ng kakaibang kaligayahan at tinatangay silang magkasama sa paraisong para lamang sa kanilang dalawa.

Sa huli, sumuko na rin siya.

“Zeke, I don't know if it'll be the same without you...” may takot niyang sambit sa lalaki. Nakahiga siya sa braso nito matapos ang napakainit nilang pagtatalik.

“Then I will stay forever beside you.”

“Hindi ako nagbibiro.”

“No one is joking here. Now sleep and rest.” Hinalikan ni Zeke ang buhok niya. “I will always protect you with my life.”

“Isa pang round Zeke please. Hindi pa ako kuntento...”

Mahina lamang tumawa ang lalake bago sumagot, “We have plenty of time, now sleep my Lester...”

Naramdaman niya ng hipan ni Zeke ang kanyang mukha at bigla na lamang bumigat ang kanyang mga talukap.

Nagising si Lester sa kakaibang alarm clock ng umagang iyon.

May magulong nilalang na nilalamutak ang kanyang likuran at nilalaro ang tulog niya pang pagkalalake gamit ang kamay nito.

Napangiti siya. Kaysarap gumising na katabi ang taong, ah nilalang pala, na pangarap mong makatabi sa bawat araw.

“Hmmm...”

“Good morning baby, bangon na, let's take a shower together.”

Syempre hindi nagtapos sa paliligo lamang ang mga kaganapan. Muli nilang pinagsaluhan ang sarap at tamis ng isa't isa.

Sa palagay niya nga, naadik na siya kay Zeke. Iyon lamang ang tanging eksplinasyon sa kanyang nararamdaman sa lalake.

Pag-ibig?

Posible nga ba iyon sa kanila?

Isa pa, ano nga ba ang totoong katauhan ni Zeke kung hindi naman siya isang demonyo?

Wala siyang balak magtanong sa katauhan ng lalake.

Hindi na nagtaka si Lester ng matagpuan si Zeke sa hapag kainan matapos niyang maiayos ang sarili. Naglaho na lamang ito sa kanyang silid-tulugan kanina matapos nilang maligo.

Nakasuot siya ng turtleneck long sleeves black shirt na pinatungan ng Amerikanang navy blue. Sino bang hindi magsusuot ng ganoon kung punong-puno ng marka ang kanyang mga balikat, leeg, batok, mga braso at buo yatang katawan. Hindi naman siya nagrereklamo dahil ibig lamang sabihin ay sabik na sabik din sa kanya ang kaniig katulad ng kanyang nararamdaman.

“Laway mo, natulo na,” puna niya kay Zeke at gusto niyang matawa dito.

Nakatitig lamang kasi sa kanya ang lalake na para bang nakakita ng artista. Ganoon din naman siya, kisig na kisig siya sa lalake. Naka-longsleeves shirt din ito na hapit sa katawan at rugged denim pants. Kumunot ang noo niya.

“Can't you wear some formal attire?”

“Anong masama sa suot ko?” maang na tanong ni Zeke at naiwan sa ere ang sinusubong hotdog.

Walang masama, katunayan ay bagay na bagay dito kaya nga gusto niyang magpalit ang lalake ng kasuotan.

“Masyado kang makisig. Ayaw kong mas makakalamang ka sa akin.”

Tumawa si Zeke ng mahina at tumayo. Ipinaghila siya ng upuan at sinandukan ng pagkain. Palibhasa ay sila lamang ang naroon sa kusina ay basta na lamang siya ninakawan ng mabilis na halik sa labi.

“Ok my master, I'll change.”

Hindi iyon kasinungalingan, isang kurap niya lamang ay nagbago ang kasuotan ni Zeke.

Kuntentado si Lester sa naging kasuotan ng binata.

Sa opisina.

Nagpakita ng kasiglahan si Lester kay Aubrey. Naunang pumasok ang dalaga sa kanilang opisina at inabutan niya na ang dalaga roon.

“Good morning, Babe! Here, flowers for you.” Inabutan niya ng tatlong mapupulang rosas si Aubrey na lubhang ikinasiya ng dalaga.

“Oh my God! It's so beautiful, Babe!” maluha-luha pang yumakap sa kanya ang babae palibhasa'y bibihira na lamang siya magpakita ng lambing sa babae mula ng malaman niya ang masamang balakin sa kanya.

Napansin niya ang paghahanap ng mga mata ni Aubrey subalit hindi rin nakatiis ang dalaga at nagtanong, “Where is Mr Xiao?”

“Pinatawag si Zeke sa kanilang departamento kaya naman wala siya ngayon dito. Maaaring abutin siya ng tatlong araw doon.”

“Huh?! Paano ka? Hindi ba't binabantayan ka niya?!”

“Mag-iingat ako huwag kang mag-alala, at saka anong palagay mo sa akin, walang kakayahang ipagtanggol ang sarili? Hahaha.”

“Hindi naman sa ganun, Babe. I trust you, alright.”

“Sure. Please bring me a cup of coffee.” Naglakad na siya patungo sa kanyang mesa.

Lahat ng kaganapan sa loob ng silid ay alam ni Lester na nakikita ni Zeke at ilang kauri ng lalake. Naglagay kasi ang lalake ng mga hidden cameras para makakuha ng ebidensiya kung sakali mang gumawa ng masama laban sa kanya si Aubrey. Maging ang buong kompanya ay may mga hidden cameras din. Nakaalerto sila ngayon sapagkat maaaring samantalahin ng kampo ni Aubrey ang pagkakataong wala sa kanyang tabi ang taga-bantay.

Upang maging kapani-paniwala ang lahat, hindi na hinatid ni Zeke sa opisina si Lester upang maniwala ang kampo ni Aubrey na wala nga doon ang lalake.

Subalit ang katotohanan, naroroon sa kompanya si Zeke sa mga oras na iyon. Sa isang espasyong sila lamang ang nakakaalam. May tatlong kauri niya itong inatasan upang magmonitor sa lahat ng kaganapan sa loob ng gusali sa pamamagitan ng lahat ng hidden cameras na ikinabit niyang sadya. Nakakonekta iyon sa apat na malalaking screen sa loob ng espasyong iyon.

Habang ang kanang kamay ng tiyuhin niya, si Guan Jin ay nagpadala ng apat na katao upang tuklasin at imbestigahan ang dalawang sekretarya.

“Here is your coffee, Babe. Since wala dito si Mr Xiao, would you mind to come with me in a lunch? Isa pa, ilang araw na rin tayong hindi nagkakasama...”

Bumalik sa huwisyo si Lester matapos marinig ang pagmamaktol ng kasintahan.

Umaayon sa plano ang lahat.

“Sure babe.”

“Yes!”

Masayang bumalik sa puwesto si Aubrey at inatupag na ang sariling trabaho.

Inabot ni Lester ang kape at itinapon sa halamang naroroon. Wala siyang tiwala lalo pa't kapansin-pansing natagalan si Aubrey bago bumalik sa opisina para lamang magtimpla ng kape.

“Let's see kung hanggang saan ang plano niyo...” bulong ni Lester.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.