Dakong alas onse ng umaga, nag-vibrate ang cellphone ni Lester sa mesa. Katabi ito ng kanyang computer at mga dokumento.
1 message received.
From Zeke.
[Call me but don't say any words.]
Mabilis na inilagay ni Lester ang earpiece at tumipa sa cellphone upang tawagan ang taga-bantay subalit nanatili siyang tahimik ayon sa utos ng binata.
Zeke, “Katulad ng inaasahan, gagawa sila ng hakbang habang iniisip nilang hindi ka protektado sa mga oras na ito. Nang utusan mo kanina si Aubrey upang ipagtimpla ka ng kape, mabilis siyang nagpadala ng impormasyon sa kanyang kampo na maaari ka nilang gawing target sa loob ng dalawang araw na wala ako. Hindi pa namin matukoy sa ngayon kung sino ang kanyang tinawagan subalit gumagawa na ng paraan ang mga kasama ko upang matunton ang nakakataas na tagapag-utos kay Aubrey. Sa ngayon, mag-iingat ka sa iyong paglabas habang kasama siya. Huwag kang mag-alala, nasa tabi mo lamang ako.”
Naputol na ang tawag.
Pumikit si Lester at sumandal sa mesa. Hinilot niya ang kanyang sintido. Hindi niya pa rin malubos maisip ang mga dahilan upang pagbantaan ang buhay niya. Ano nga ba ang kanyang kasalanan?
Nakadagdag pa ang sitwasyon na wala siyang matandaan sa maraming bagay dahil sa aksidente. Dagdag problema lamang iyon sa kanya.
Pinilit niyang apuhapin sa isipan ang mga nagdaang pangyayari, kung paano siya napunta sa America, kung paano naging magkasintahan sila ni Aubrey. Kung paano niya nagawang lisanin ang kinasanayang lugar sa probinsya. Kung paanong nagbago ang buhay niya.
Naipaliwanag man sa kanya ng tiyuhin at ng kanyang ina ang lahat, hindi pa rin sapat iyon. Mas maigi kung siya mismo ang may alam sa mga nangyari.
Ilang minuto siya sa ganoong posisyon ng may maalala. Nakalimutan niya na nga pala ang bagay na iyon.
Mabilis na hinalungkat ni Lester ang mga drawers subalit hindi niya natagpuan ang hinahanap. Pumikit siyang muli upang alalahanin ang lugar na pinaglagyan niya ng sobre na binigay ng tito niya.
Ayon!
Tumayo si Lester at maingat na humakbang patungo sa estante ng mga aklat. Tahimik ang kanyang mga galaw upang hindi siya mapansin ni Aubrey.
Sa pinakasulok ng mataas na estante sa bandang ibaba, doon niya inipit ang sobreng inabot sa kanya ng tiyuhin matapos ang aksidente. Ayon sa tiyuhin ay sa kanya iyon at natagpuan sa lugar ng aksidente. Subalit sa pagmamadali noon matapos iyon iabot sa kanya ng tiyuhin, hindi niya na iyon nagawang buksan at inipit niya na lamang sa lugar na iyon.
Puno ng kuryusidad na inabot ni Lester ang sobre at naupo siyang muli sa kanyang upuan. Walang nakasulat na anu pa man sa labas ng sobre.
Tumaas tuloy ang kilay niya. 'Ano kaya ito?'
Lumuwa ang mata ni Lester matapos mapagbuksan ang laman ng sobre. Sa loob nito ay may malinaw na supot na may lamang kuwintas.
Hindi niya maunawaan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinakabahan siyang hindi maintindihan. Matagal siyang nakatitig lamang sa bagay na iyon at hindi malaman kung bubuksan ang supot o hindi.
Napaisip siya, 'Saan ito galing? Kay Aubrey ba? Subalit imposible naman yata. Mukhang mamahalin ito!’
Sa huli ay natalo siya ng kuryusidad. Inilabas niya sa supot ang kuwintas.
Gintong kuwintas na may pendant na diyamante!
Napakaganda at napakaelegante subalit napakapayak kung pakatitigan.
Matagal tinitigan ni Lester ang kuwintas na nasa kanyang palad ng biglang may sumalit na mukha sa kanyang isipan. Malabo ang kanyang alala subalit nakikita niya sa isipan ang pagkislap ng kuwintas na nakasuot sa isang lalakeng duguan ang mukha. Hindi niya maunawaan. Napakabilis ng aparisyong dumaan sa kanyang isipan!
Mabilis ang tibok ng puso niya.
Sino ang taong iyon? Imposibleng siya si ama!
Nanginginig ang mga kamay ni Lester na nagmadali siyang pumunta sa banyo. Isinuot niya ang kuwintas habang nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin.

Huh!
Hindi niya alam ang sasabihin. Lubhang mamahalin ang kanyang suot. Gintong kuwintas iyon na may nagkikislapang pendant na dyamanteng hugis mga dahon na para bang ang nagmamay-ari noon ay makakalikasan.
Hindi niya maitago ang paghanga sa kanyang mga mata. Lubhang napakaganda.
'Pag-aari ko nga ba ito?'
Hindi pa rin siya makapaniwala.
Nagulantang si Lester ng mga katok sa pintuan ng banyo.
“Babe, it's lunch time already. Matagal ka pa ba diyan?”
Hindi niya na namalayan ang oras.
“I'm coming. Give me a minute.”
Nagmadali siyang itago ang kuwintas sa loob ng suot na damit at saglit na nagbanyo matapos ay lumabas na rin siya upang tuparin ang pangako sa kasintahan na sasamahan sa pananghalian.
Kinalma niya ang sarili bago inaya ang dalaga, “Let's go babe.”
Magkasama silang bumaba ni Aubrey sa gusali upang mananghalian sa labas. Subalit maigi niyang pinagmamasdan ang dalaga. Mababakas sa hitsura nito ang pagka-aligaga, kaya naman nasisiguro niyang may binabalak ang babae sa paglabas nilang iyon.
Tensiyonado si Lester lalo't hindi niya pa nakikita si Zeke mula ng pumasok siya ng gusali.
“Let's go to the 'Gemini' restaurant, don't worry treat ko,” nakangiting wika ni Aubrey kay Lester.
“Bakit treat mo? I can pay for our lunch.”
Mamahalin ang kainang iyon para lamang sa isang pananghalian, isa pa ay may kalayuan iyon sa kanilang kompanya subalit hindi na nagsalita pa si Lester. Kinakabahan man ay wala siyang magagawa kundi ang magpaubaya sa katipan katulad ng napagplanuhan nila ng tito niya at ni Zeke.
Bente minutos ang nagdaan bago nila narating ang restaurant. Dahil mamahalin iyon ay hindi rin punuan sa loob. Halata ring may mga kaya ang naroroon. Ipinaubaya niya lamang sa kasintahan ang lahat at sumunod lamang siya dito.
Inaya siya ni Aubrey sa pinakasulok na mesa upang doon pumuwesto. Tumaas ang kilay niya subalit sa muli, hindi siya nagreklamo.
Pagkaupong-pagkaupo ni Lester ay nagpaalam ang kasintahan upang magbanyo.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Zeke.
[Gemini restaurant. We're here for lunch.]
Dumating ang waiter at binigyan siya ng menu book, “What is your order Sir?”
“Bring me a glass of water please. We'll order when my girlfriend comes back.”
“Ok, right away!”
Umalis ang waiter subalit mabilis ding bumalik na may dalang isang basong tubig.
“Thank you.”
Wala siyang natanggap na katugunan sa kanyang mensahe kay Zeke subalit naramdaman niya ang pagyakap sa kanya mula sa likuran. Wala siyang nakitang tao subalit sa pabangong nalanghap niya, kilala niya kung sino ang naroroon.
“I'm here with you, listen for my plan.”
Kinagat ni Zeke ang punong tainga ni Lester. Mabilis na nag-init ang kanyang pakiramdam.
“Can you be more serious?”
Mahinang tumawa ang lalake bago bumulong, “Listen, I'll replace you in the meantime. Ayaw kong mapahamak ka. Just stay beside me.”
Hindi naunawaan ni Lester ang nais ni Zeke kaya nagulat siya ng itayo siya ng lalake at iniharap sa kanya. Mas lalo siyang nagulat ng makita niya ang sariling kaanyuan sa kanyang harapan!
Saka pa lamang naunawaan ni Lester ang plano ng lalake. “You will pretend to be me?!”
“Yes! And you're invisible now.”
Lester, “...”
“What's that face? Ayaw ko ngang mapahamak ka. Ako ang sasalo sa binabalak ni Aubrey.”
Umupo si Zeke na mukhang si Lester sa inuupuan niya kanina.
“Hindi ba pweding magpalit tayo matapos kong kumain? Gugutomin mo ako ganun?”
Nagkamot ng ulo si Zeke na mukhang si Lester bago nagsalita, “Bubusugin kita mamaya, promise.”
“Babe, are you ok? Are you talking to someone?” naguguluhang tanong ni Aubrey pagdating sa mesa. Nadatnan niya kasing nakangiti ang kasintahan at tila may kausap habang naka-promise handsign.
Pinigil ni Lester ang matawa at inabangan ang isasagot ni Zeke. Haha.
“Wala ah! May sira lang yata ang mata mo. Ni hindi nga ako nagsasalita dito,” maang-maangan na tugon ni Zeke.
Tumaas-kilay si Aubrey at iniba na lamang ang paksa, “Let's order then. Gutom na ako.”
Tinawag ni Zeke na mukhang si Lester ang waiter at nag-order na sila ng pagkain. Hindi naman natagalan at bumalik ang waiter na may mga dalang inorder nila.
Naglaway si Lester matapos makita ang mga pagkain dahil gutom na rin siya. Pakiramdam niya ay inisahan siya ni Zeke sa pagkain.
Pambihira!
Nakatayo lamang siya doon at gutom na gutom.
Tumunog ang tiyan ni Lester. Napalingon si Zeke na mukhang si Lester at...
'Snap'
Tumigil ang oras.
“Sit and eat. I'll give you five minutes.”
Mabilis pa sa alas-kuwatrong kumain si Lester na akala mo'y hinahabol ng kung ano. Dalawang minuto lamang, natapos niya ang pagkain.
Napanganga si Zeke na mukhang si Lester at hinagod na lamang ang likod ni Lester at baka mabulunan ang binata habang umiinum. Haha.
Tumayo siyang muli at ibinalik kay Zeke ang upuan.
Tik.
Pumatak muli ang orasan.
Napakurap si Aubrey na para bang may kalituhan. Mas lalo siyang nalito ng makita ang pinggan ni Lester na tila dinaanan ng bagyo. Napatingin din siya sa sariling pinggan na halos wala pang kalahati ang bawas.
“Ikinahihiya mo bang ganito kumain ang iyong kasintahan?” Panghuhuli ni Zeke sa dalaga.
“Of course not! Ano bang sinasabi mo diyan babe?! Ni hindi nga ako nagsalita.”
Ngumiti lamang si Zeke na mukhang si Lester at nagpatuloy na rin sa pagkain.
Hindi naman nagtagal, umalis na ang tatlo sa kainan.
Sa parking lot.
Kring! Kring!
Tumunog ang cellphone ni Aubrey. Palihim silang nagkatinginan ni Zeke ng lumayo ang dalaga upang sagutin ang tawag.
“Huh?! Oh my God! Where is she now??”
Mababakas sa tinig ni Aubrey ang pagkagulat at takot ng marinig nila ang sinabi ng dalaga. Nagkatinginan silang muli ni Zeke.
“Babe, I'm sorry but I need to go. My cousin is in the hospital!” nagmamadaling paliwanag ni Aubrey kay Zeke na mukhang si Lester.
“I'll drive...”
Bago pa man matapos sa sinasabi si Zeke ay may dumaang taxi at pinara ito ni Aubrey. Mabilis nawala ang babae sa kanilang harapan.
Nagkatinginan silang muli.
Binuksan ni Zeke ang pinto ng passenger seat at pinasakay si Lester matapos ay umikot siya sa driver seat. Nagbago na rin ang kanyang anyo at bumalik sa dating hitsura.
“Nagkamali ba tayo ng hinala ngayon?” kunot-noong tanong ni Lester kay Zeke.
Walang emosyon ang mukha ni Zeke. Hindi niya rin alam ang isasagot kay Lester.
“I don't wanna talk about her, maaari mo ba akong hagkan? Hindi mo ba ako na-miss?” paglalambing ni Zeke kay Lester.
“Let's go back to the office,” wika niya. Kunwaring hindi narinig ang panunukso ng binata.
“Ignoring me huh...” Kinabig ni Zeke si Lester at hinagkan sa labi.
Tinugon niya naman ang halik ng binata at naramdaman niya ang pag-kagat sa kanyang ibabang labi.
“Why you're always restraining yourself towards me? Samantalang palagi akong nasasabik sa iyo?” nakatitig si Zeke sa kanya habang nagsasalita at nangingislap din ang pilak nitong mga mata.
“Nasa parking lot tayo. Umayos ka nga.”
Subalit ang totoo ay nais niya lamang lambingin siya ng lalake. Hihi.
“Tss. Come here.”
Hinila ni Zeke ang kanyang dalawang kamay at ipinatong sa balikat niya matapos ay hinaplos siya sa mukha bago nagsalita muli, “Kiss me.”
Ilang sandaling tinitigan niya ang makisig na binata. Ang daliri ng lalaki'y naglalaro sa kanyang labi.
Pumikit siya at inilapat ang labi upang hagkan ang lalake. Iyon lamang ang magpapanatag sa kalooban niya. Kinabig siya ni Zeke sa kanyang batok.
Marubdob ang halikang nagaganap.
Pakiramdam ni Lester ay nagbabaga ang loob ng sasakyan. Nag-aapoy ang kanyang kaibutaran.
Magkasabay na kumawala ang mumunting ungol sa kanilang mga labi. Parehas silang nawalan ng kontrol sa sarili.
Dumako ang mainit niyang palad sa maumbok na harapan ni Zeke. Lalong nagwala ang kanyang damdamin.
“Suck me while I'm driving...” mainit ang hiningang bulong ni Zeke sa kanyang tainga.
Tahimik niyang sinunod ang lalake. Binuksan niya ang zipper ng pantalon ni Zeke at walang babalang isinubo niya ang tayong-tayong pagkalalake ng binata.
Kasing kisig ni Zeke ang kanyang alaga. Sa kanyang palagay.
Mabagal na nag-umpisang paandarin ni Zeke ang sasakyan pabalik sa opisina habang ninanamnam ang sarap na ginagawa ni Lester sa kanyang alaga.
Mahinang isinabunot ni Zeke ang isang kamay sa buhok ni Lester habang nasa manibela naman ang isa niya pang kamay.
Dahan-dahan lamang ang ginagawang pagmamaneho ni Zeke upang namnamin ang sarap na inaalay sa kanya ni Lester. Isa pa dahil pababa ang kalsada. Dapat lamang maging maingat sa pagmamaneho.
Ramdam ni Lester na malapit ng katasan si Zeke base sa reaksiyon ng katawan ng lalake. Pinag-igihan niya pa ang ginagawang pagsipsip sa alaga ni Zeke kasabay ng paglalaro ng isa niyang kamay sa katawan ng binata sa loob ng damit.
“I'm cumming...d*mn...ugh!”
Hindi nga siya nagkamali.
Subalit...
“Ahhhhh!!!”
Kasabay ng panginginig ni Zeke ay ang pagpalahaw ng malakas matapos mamalayang walang preno ang sasakyan! Limang minuto bago makarating sa gusali na kanyang pinagtatrabahuhan.
“F*cking bullshit! Walang preno!” sigaw ni Zeke.
Naalarma si Lester sa narinig. Mabilis niyang ipinasok sa pantalon ni Zeke ang alaga at tumingin siya sa daan. Nakita niyang nawala sa focus si Zeke at ramdam niya ang pangamba sa binata.
“Sh*t! So this is her f*cking plan! Bullshit!” wika niya matapos mapagtanto ni Lester ang lahat.
Mabilis na ang andar ng sasakyan dahil sa kawalang preno at paibaba ang kalsada.
Napuno ng takot si Lester dahil sa bilis ng andar ng sasakyan. Malapit na silang makarating sa gusali. Kapag nagtuloy-tuloy ang andar ng sasakyan ay mas delikado. Intersection ang nasa unahan nila. Maraming madadamay!
Nang may maalala siya.
“Stop the time Zeke! Stop the f*cking time!” Inuga niya ang lalake habang sumisigaw. “Zeke! Baby focus! Stop the time!”
Puno na ng takot ang kanyang dibdib. Malapit na sila sa intersection at may mga sasakyang dumadaan sa kabilang kalsada.
Biglang kinabig ni Zeke ang manibela at iniharap sa punong nasa gitna ng kalsada, nagsisilbing harang ang magkakasunod na punong iyon sa gitna ng kalsada upang ihiwalay ang kaliwa at kanang daanan. Walang ibang paraan upang ihinto ang sasakyan kundi ang ibangga ito sa punong naroroon kundi'y siguradong may madadamay kapag nagtuloy-tuloy ang takbo nito.
Namutla si Lester at halos mawalan na ng boses sa pagsigaw.
“Zeke!!! Stop the time!!!”
Nakikita niya na ang kanyang kamatayan!
Sasalpok na ang sasakyan sa punong naroroon!
Nang biglang tumigil ang lahat.
Subalit hindi ang mabilis na tibok ng kanyang puso! Tila ito luluwa sa kanyang dibdib sa tindi ng kalabog. Mahapdi na rin ang kanyang lalamunan.
“Damn! Are you ok? Baby are you ok?” Mabilis na hinila ni Zeke si Lester at dinala sa kanyang mga braso.
Nanginginig si Lester at puno pa rin ng takot ang kanyang dibdib. Gahibla na lamang sila sa posibleng kamatayan.
“C'mon. Let's get out of here. Mauubos ang aking lakas sa pagpatigil ng matagal sa oras.”
Nanginginig man ay sumunod si Lester na parang basang sisiw na walang lakas. Dinala siya ni Zeke sa isang tabi at pinasandal sa pader na naroroon.
“Don't move.”
Naglaho sa kanyang harapan ang binata at lumitaw ito sa loob ng sasakyan! Matapos ay biglang gumalaw muli ang lahat at tuluyan ng sumalpok ang sasakyan sa puno.
Muling napahiyaw si Lester, “Zeke! What the f*ck are you doing?!”
Sa bilis ng pangyayari, hindi malaman ni Lester ang gagawin. Natulala siya at napuno ng sobrang takot ang dibdib.
“Zeke!!!” tanging pagsigaw lamang ang kanyang nagawa. Ni hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Naglalandas na parang agos ng talon ang kanyang mga luha.
Umusok ang sasakyan. Mas lalong natakot si Lester. Inipon niya ang natitirang lakas upang humakbang nang makita niyang bumukas ang pinto sa gawing driver seat.
Iika-ikang lumabas si Zeke at naglakad patungo sa kanyang kinaroroonan. May dugo ito sa mukha.
Napatigil siya sa paghakbang at nanghihinang dumaosdos na lamang si Lester sa pader at napaupo sa semento. Wala ng lakas ang kanyang mga tuhod upang suportahan pa ang kanyang katawan.
Paano na kung walang kakayahan si Zeke? Paano na kung hindi ito kakaibang uri ng nilalang?! Sigurado sana ang aksidente niya kanina! Maaaring hindi siya makaligtas sa oras na iyon.
Subalit bakit sinalo niya ang aksidente ganuong maaari naman silang makaligtas pareho?!
Naramdaman ni Lester ang paghila sa kanya ni Zeke at dinala siya sa mga braso ng lalake.
“Calm down. We are safe now. Hindi ako papayag na muli ka pang malagay sa peligro!” galit na galit ang tinig ni Zeke.
Nanlalamig pa rin siya at nanginginig sa sobrang takot. Subalit ngayon ay may kasama na iyong galit.
“What is your problem Zeke?! Nagpapakamatay ka ba?!” Inuga niya ang lalake habang inaaway. Ang dugo niya sa ulo'y nagbibigay sindak sa kanya.
Hinaplos ni Zeke ang kanyang pisngi bago sumagot, “I am fine. Don't worry about me. Ginawa ko lamang ito upang maniwala sila sa iyong aksidente.”
Naintindihan ni Lester ang lahat ng magbagong anyo muli si Zeke at naging kamukha niyang muli.