Ang Pag-ibig ni Lester Chapter 22

"Wala ng dapat pang alalahanin Lester baby, maayos na ang lahat sa hospital. So far naniwala naman si Tito na nasa maayos ka subalit hindi pa tamang oras upang ikaw ang gumanap saiyong papel sapagkat mas maigi kung nakakasama kita habang wala silang malay na kasama kita. Nais kong matiyak ang iyong kaligtasan," mahabang paliwanag ni Zeke kay Lester matapos ang mainit nilang pagtatalik.

Napaisip siya sa sinabi ni Zeke. Kung sabagay ay may punto ang lalake. “Subalit paano ang opisina?”

“Huwag mong alalahanin iyon, simula bukas ay maaaring ang pekeng Lester ang gumanap saiyong papel. Ako na ang bahala roon.”

Matuling lumipas ang mga oras at payapang nakatulog si Lester sa mga bisig ni Zeke. Buo na ang kanyang kalooban na ibuhos sa lalake ang buong pagmamahal at kalimutan gaano man kahirap ang lalakeng nabubuhay lamang sa kanyang panaginip.

Subalit...

"Lester..."

"Lester..."

Masayang lumingon si Lester matapos makilala ang tinig ng lalakeng hinihintay. Nakaupo siya sa batuhang nasa dalampasigan. May usapan sila ni Ezekiel na magtatagpo sa lugar na iyon ngayong gabi upang manghuli ng isda. Katabi niya ang pana at maliit na buslong yari sa net.

"Ah! Bakit kay tagal mong dumating mahal ko?" tanong niya sa bagong dating kasabay ng masiglang pagtayo at salubong ng yakap sa lalake.

Mainit namang tumugon ng yakap si Ezekiel at nakangiting ginulo ang buhok ni Lester.

“Nasabik ka bang makita ako?” nangingislap ang mga matang tanong ni Ezekiel kay Lester.

“Kulang ang salitang sabik para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa bawat minuto, nais kong makita ka!”

Puno ng lambing ang tinig ni Lester ng sumagot kasabay ng paghapit niya sa beywang ni Ezekiel. Lubos na nagningning ang pilak na mga mata ng huli.

“Nais kong madama ang iyong pagkasabik sa akin mahal kong Lester," masuyong bulong ni Ezekiel sa punongteynga ni Lester.

Nangalisag ang buhok sa katawan ni Lester at nakaramdam siya ng kakaibang init ng katawan na nagmumula sa sentro ng kanyang kaibuturan. Init na hindi niya pa naranasan kailanman simula ng magkasama sila ng engkantong katipan.

“Sa paanong paraan mahal ko?”

“Puntahan natin ang hardin ng Eden...” 

Naguluhan si Lester sa sagot ni Ezekiel subalit bago pa man niya maihayag ang katanungan, nagbago sa isang iglap ang kanilang kinaroroonan.

Sa gitna ng napakagandang kaparangang mabulaklak na iba't-iba ang kulay, sa ilalim ng bilugang buwan, doon sila lumitaw ni Ezekiel na magkayakap.

Namangha ng lubos si Lester sa nasaksihan. Ang mga mata niya'y nanlalaking nagniningning sa pagkamangha habang nililibot ng tingin ang paligid.

“Nasaan tayo, ito ba ang hardin ng Eden?"

Nakangiting sumagot si Ezekiel sa manghang katipan, “Hindi, kundi sa aking paraiso.”

"Napakaganda! Bakit ngayon mo lamang ako isinama sa lugar na ito?" may tampo ang himig ni Lester sa kanyang pagtatanong.

Masuyong sinuyod ng tingin ni Ezekiel ang nagtatampong katipan. Ngumiti siya at nagwika, “Sapagkat espesyal ang araw na ito mahal kong Lester."

Kapagdaka'y matinding kumalabog ang dibdib ni Lester na parang tambol matapos makitang unti-unting hinuhubad ni Ezekiel ang suot niyang malapad na telang sinturon. Nakatingin ito sa kanya ng matiim at nangingislap ang kanyang kulay pilak na mga mata. Kasunod ay ang paghubad ni Ezekiel ng kanyang mahabang kasuutan.

Tumambad kay Lester ang nangingislap nitong katawan. Malaporselana ang kaputian ng kutis ng lalakeng nasa kanyang harapan.

Tuluyang nanuyo ang lalamunan ni Lester at halos panginigan siya ng mga tuhod matapos tuluyang tumambad sa kanyang hubad na mga mata ang kahubdan ng Prinsipeng engkanto.

"Ezekiel..." paanas lamang na namutawi sa kanyang labi ang pangalan ng lalakeng pinakamamahal kasabay ang paghagod niya ng may pagsambang tingin sa kabuuan ng lalake. Mala-diyos ito sa kanyang paningin.

"Ako'y iyo lamang aking Lester. Pagmasdan mong mabuti, ikaw at ikaw lamang ang nag-iisang pag-aalayan ko ng lahat sa akin."

Tila may sariling isip na humakbang palapit si Lester kay Ezekiel at masuyong hinaplos ng kanyang mainit na palad ang  katawang nakahain sa kanyang harapan.

"Ezekiel, ang pakiramdam ko. Napakainit ng pakiramdam ko. Bakit ganito?" Nagbabaga ang kanyang mga mata sa tindi ng antisipasyong nadarama.

"Iparamdam mo sa akin ang iyong pagkasabik, mahal kong Lester."

Nang ilapat ni Ezekiel ang kanyang mga palad sa kamiseta ni Lester at hubarin ito, lalong nag-init ang pakiramdam ni Lester. Tila nag-aapoy ang kanyang buong katawan at siya na mismo ang nagmadaling tanggalin ang lahat ng kanyang sagabal na mga saplot matapos ay hinila niya ang mga kamay ni Ezekiel at inilapat niya sa kanyang bruskong dibdib.

"Katulad mo, nakahanda akong ialay ang aking sarili mahal kong Prinsipe."

Ilang saglit silang nakatitig lamang sa isa't-isa at kinakabisado ang bawat guhit sa kanilang mukha at inaanalisa ang bawat emosyong nakabakas sa mukha ng isa't-isa.

Nang maglapat ang kanilang mga labi at humaplos ang mainit na palad ni Ezekiel sa hindi namalayang pagkakatigas ng pagkalalake ni Lester, nabaliw siya.

Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Lester ay nagdedeliryo siya sa gitna ng napakagandang paraiso. Perpekto ang kapaligiran pati na ang bilog na bilog na maliwanag na buwan sa kalangitan. Nang maglapat ang kanilang mga labi'y napatid ng lahat ang gahiblang pagtitimpi sa kanilang mga ugat.

Sa unang pagkakataon, sa gitna ng paraisong iyon, naranasan ni Lester ang matinding kirot, matinding sarap at pagkabaliw dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan.

Saksi ang bituin, ang buwan, ang kaparangan, ang kalangitan, ang mga bulaklak at kuliglig sa kanilang pag-aalay ng mga sarili sa isa't-isa.

"Kumapit ka sa aking mabuti, tayo'y maglalabay patungo sa Hardin ng Eden," makahulugang sambit ni Ezekiel matapos ang sunod-sunod na matitinding ulos sa katawan ni Lester. Labis na kasiyahan ay hindi mailalarawan sa kanyang mukha.

“Ezekiel! Ahhh!” hiyaw ni Lester matapos maranasan ang matinding sarap ng pagsabog ng milyong-milyong kiliti buhat sa kanyang kaloob-looban patungo sa malabakal niyang pagkalalake. Kasunod ang pagbulwak ng mainit at malapot na likido sa kanyang kaibuturan buhat sa matigas na pagkalalake ng kaniig.

Magkasabay na nanginig ang kanilang mga katawan na magkahugpong at pawisan habang nakaupo si Lester sa kandungan ng kaniig.

"Ito na ba ang Hardin ng Eden, mahal kong Prinsipe?" Nakapikit ang mga matang bulong na tanong ni Lester kay Ezekiel. Halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa tindi ng sarap at pagkaliyong nadarama.

“Tama ka, magkasabay tayong naglakbay sa Hardin ng Eden! Nagustuhan mo ba?"

Hinila ni Lester ang buhok ni Ezekiel at baliw na baliw ang pakiramdam na dinilaan niya ang leeg ng kaniig matapos ay malalim ang tinig na bumulong, “Akin ka lamang Ezekiel! Tatandaan mong akin ka lamang! Labis kitang iniibig!”

"Lester... Aking Lester! Ohhhh!"

"Dalasan natin ang pamamasyal sa Hardin ng Eden mahal ko..." bulong ni Lester.

Ang mahinang pagtawa ni Ezekiel ang pumuno sa pandinig ni Lester at kinabig siya nito ng mahigpit at inilapat ang kanilang mga katawan.

"Oo mahal ko..."

"Huh!"

Pawisang napabalikwas ng bangon si Lester at nagulat siyang makitang nakaupo sa paanan ng kama si Zeke at matiim lamang na nakamasid sa kanya.

"Panaginip..."

Napanaginipan ko siya, nais niyang idugtong subalit alam ni Lester na maling-mali ang banggitin iyon.

"Bakit ganyan ang mga titig mo sa akin, Zeke?" nenenerbyos niyang tanong.

Alam niya kaya ang napanaginipan ko? Nais niya sanang malaman.

Doon tila nagising si Zeke at napakurap ng makailan bago sumagot, “Nanaginip ka, matulog kang muli at babantayan kita. Huwag kang mag-alala."

Subalit hindi nakaligtas sa pandinig ni Lester ang lumbay sa tinig ng kausap. Kinakabahan man ay nagkunwari siyang nagtanong, "Binangungot ba ako? hindi ko kasi maalala ang napanaginipan ko. Tsaka hindi mo ako dapat bantayan. Bakit nga ba andiyan ka at hindi mo ako tinatabihan dito sa higaan?

"Matulog ka na," malamig na tugon ni Zeke matapos ay tumayo ito at pumasok ng banyo.

Kabadong sinundan ng tingin ni Lester ang katipan.

'Mayroon ba akong maling nagawa o nabanggit ko ba ang kanyang pangalan?'

Puno ng kaguluhan ang kanyang isipan kasabay ng pagdaloy ng ala-ala ng nagdaan pa lamang na panaginip. Muling tumahip ang kanyang dibdib ng malinaw na masilayan sa kanyang isipan ang makisig na kaniig sa kanyang panaginip.

Si Ezekiel.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.