Tulalang nakatitig sa kawalan si Lester. Sa wakas, nakabalik na siya sa opisina matapos niyang dalawang araw na kulitin si Zeke na siya na ang gumanap sa sariling tungkulin.
Isa pa, mula ng managinip siya tungkol kay Ezekiel, hindi na siya mapakali. Pakiwari niya'y nagkakasala talaga siya kay Zeke. Kung kailan naman kasi nangako siyang kalilimutan ang lalake sa panaginip, saka naman siya tinukso nito.
Lubhang napakahirap para sa kanya ng nangyayari. Ang isipin ang dalawang lalake'y nagdudulot sa kanyang puso ng matinding kabalisahan, takot at labis na
pag-ibig.
Kailangan niya ng mapagbabalingan kung hindi'y mababaliw talaga siya ng tuluyan.
“Babe! Kanina pa kita kinakausap subalit tila hindi mo man lang ako naririnig. Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Aubrey.
Oo nga pala, ngayong nasa orihinal na posisyon na siya, ibig-sabihin ay araw-araw niyang muling masisilayan ang kasintahang babae.
Dagdag sakit pa sa ulo ko ito! Naisip ni Lester.
Subalit...
Tinignan niya ng nakakaakit ang babae. Bakit nga ba hindi niya sakyan ang laro ng tampalasang ito?
"Maaari mo ba akong ipakilala saiyong mga magulang babe? Ilang buwan na rin tayong nagkakamabutihan subalit hindi mo pa ako pinahihintulutang makilala ang iyong magulang."
Pinagmamasdang maigi ni Lester ang reaksiyon ni Aubrey kaya naman hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pamumutla nito at pangangatal ng labi.
Pilit itinago ang panginginig ng tinig ng sumagot ang babae, "Sa tamang panahon, babe! Isa pa, nag-out of town ang parents ko. Hehe." Balisang ikinuyom ni Aubrey ang mga palad ng hindi namamalayan.
Subalit may mabilis na tila guni-guning bigla na lamang nagdaan sa ala-ala ni Lester.
Nakita niya buhat sa isang malabong memorya ang isang matandang ginoong nakaupo sa kahoy na upuan, may tangan itong baso na may lamang alak. Nakangiti sa kanya at narinig niya ang tinig nitong nagsabi, "Sa tamang panahon, Lester. Sa tamang panahon."
Nahihilong sinapo ni Lester ang kanyang ulo.
Wala sa loob siyang napabulong, "Sino naman ngayon ang matandang iyon?"
Sa hindi kalayuan, nag-alalang tumayo si Aubrey at mabilis na kumuha ng malamig na tubig buhat sa dispenser at mabilis ding iniabot kay Lester, "Uminom ka muna babe. Teka, may masakit ba saiyo? Tawagan ko ba ang doktor?"
Nawala bigla ang pananakit ng sintido ni Lester at napalitan ng pagkasuyang napaisip, 'Napakagaling talaga umarte ng babaeng ito.'
"Ano babe? Maayos ka lang ba?"
"Ayos lamang ako, huwag ka mag-alala babe, hindi ko pa ito ikamamatay. Hindi ka naman siguro matutuwang mamatay ako, hindi ba? Hahaha!"
Napakurap na umiwas ng tingin si Aubrey kay Lester. "Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit ko naman ikakatuwa ang mangyari iyon? Baliw ka!"
"Hahahahaha."
"Mr. King! You cannot enter without an appointment. Please come back again once your appointment is settled."
"No! I need to see that bastard Lester Wang! Now!"
Napakunot-noo si Lester matapos marinig ang kaguluhan sa labas ng kanyang opisina. Napapaisip siyang tumayo upang pagbuksan ang pintuan, 'Mr. King? Kaano-ano kaya ni Miss Kathy King? Interesante!'
Subalit naunang nabuksan ni Aubrey ang silid at siyang umistima sa hindi inaasahang bisita.
"Good morning, what is the commotion about? Your voices are disturbing the Director."
Napataas ng kilay si Lester na huminto sa paglalakad at hindi na lumabas pa ng silid. Habang nasa tahanan siya at nagpapahinga, ang pekeng Lester ay ginawang Director ng kompanya. Samakatwid, isa na siyang director ngayon.
'Ah kaya pala mas lalong nag-iinit ang mga dugo ng mga tampalasang ito.' Napapailing na lamang siyang pilit ikinukubli ang ngiti.
"No! I want to see your boss! I need to talk to him!" matigas pa ring wika ng nagngangalang Mr. King.
"No one can talk to the Director without an appointment, Mr."
'Nauubos yata ang pasensiya ni Aubrey sa tantiya niya. Hahaha. Magkakaremalaso nga naman ang mga plano nila. Mukhang walang alam ang asawang ito ni Miss Kathy King. Teka, asawa niya nga ba ito?'
Kaya naman tumuloy siya palabas ng silid.
"Yes, what can I do for you?"
Sumenyas si Lester sa dalawang sekretarya na siya na ang bahala.
"You are the Director?" hindi kumbinsidong tanong ng panauhin na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.
"Anak ng tipaklong, mukha ba akong hindi Director?!"
"What did you say? Are you cursing me?!"
"No. Please come in."
Naunang naglakad si Lester pabalik sa kanyang mesa. Pilit ikinukubli ang mga ngiti sa labi. Hindi niya namalayang namutawi pala sa kanyang labi ang mga salitang dapat na kanyang iniisip lamang.
Pagkaupo niya pa lamang sa kanyang swivel chair ay nagtatalak na ang lalake.
"Earlier this morning, my wife, Kathy King has been arrested by the police! They said that she sabotaged your company! What is your proof? How can you do this to your employee?! She is a very good woman, and a good wife and mother, she can't never do your accusations!" Pinukpok nito ng dalawang kamay ang mesa matapos magsalita.
Walang emosyong humalukipkip si Lester at matiim na tinitigan ang kausap.
'Nakakaawa siya, dahil sa hindi maayos na pamumuhay kaya ginamit ni Mr. Han ang kapatid niya sa sariling kasamaan. Tsk tsk.' Naisip niya.
"I am sorry Mr. King. As the Director of the company, I am making sure to give all the employees all the rights they need. In a matter of fact, since I worked here, their salaries increases greatly! But what she did is unacceptable. After all I have done, she planned to kill me..."
"Nonsense! Show me your proof! She can't do your accusations!" Pagputol ni Mr. King sa sinasabi niya.
Napahilot siya sa sintido. Dagdag kunsumisyon, kairita.
Nang may marinig siyang bulong, "Tell me, Lester. What do you want me to do to him?"
Ah! Kung ganoon, naririto pala ang kasintahan niyang engkanto. Kaya sinabi niyang, "Get out. Let's talk in court."
"You bastard!" protesta ni Mr. King.
Subalit bigla na lamang naglaho sa kanyang harapan ang lalake.
Nanlalaki ang mga matang napahiyaw si Aubrey, "What happened?! What the hell happened? How he suddenly disappeared?!"
'Lokong Zeke. Hindi niya pala inihinto ang oras...'
Nakangiting binalingan niya si Aubrey. "Pinadala ko siya sa impyerno, gusto mo bang sundan siya?"
"Anong pinagsasabi mo Lester?!"
"Lester? What happened to 'babe'?
"Hindi ako nagbibiro. Anong ginawa mo sa kanya? Bakit bigla na lamang siyang naglaho?!"
"Ganoon talaga ang mga nangyayari kapag iniistorbo ako," nakakaloko niyang tugon at walang anupamang ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga dokumentong nasa harapan niya.
Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang pamumutla ng kasintahang babae. Nakakatuwa siyang tignan. Hahaha.
"Ano naman ang ikinakatakot mo? As long as wala kang ginagawang masama sa akin, hindi ko naman siguro maiisip na ipadala ka rin sa impyerno, tama ba?"
"Magtigil ka Lester! Hindi nakakatuwa!"
Nangangatal ang tinig na tugon ni Aubrey.
"Haha."
'Ano kaya ang plano ni Zeke? Sinadya niya kayang ipakita kay Aubrey iyon?' Napapaisip na naman siya.
"Naging pabaya lamang ako at nawala siya sa isipan ko. Subalit hindi ko inaasahang tatakutin mo siya dahil doon," muling tinig ni Zeke na kanyang narinig.
Nilingon niya si Aubrey at inatasan, "Pakikuha ako ng kape, babe. Salamat."
Dali-daling lumabas ng silid ang babae na para bang may humahabol ditong maligno.
Labis na natuwa si Lester sa nasaksihan.
"Hahahaha! Sa totoo lamang, natuwa ako sa iyong ginawa, Zeke. Siyanga pala, ano ang ginawa mo kay Mr. King?"
"Wala naman. Dinala ko lamang siya sa malayong kakahuyan upang hindi ka maistorbong muli."
Nagulat si Lester sa narinig. Nanlalaki ang mga matang sinita ang kasintahang hindi nakikita, "Nababaliw ka ba? Nais mo bang lalo akong mapagbintangan kapag nawala siyang bigla at malaman nilang dito siya nagtungo bago nawala?!"
"Haha. Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari iyon, isa pa, tama rin marahil ang nangyari upang matakot silang gumawa pa ng masama laban sa'yo."
Napaisip si Lester, 'Kapag tumigil sila, paano nila mahuhuli ang utak ng pagpapapatay sa kanya? Mali.'
"Hindi maaari, paano pa natin mahuhuli ang mga tampalasang iyon?"
Natahimik si Zeke. Maya-maya'y, "Hayaan mo na lamang kasing parusahan ko sila ng matapos na ang lahat. Mas madali pa iyon at mapapanatag na kayo."
"At paano ko iyon ipapaliwanag kay Tito, aber?"
"Oo nga ano?"
"Kanina ka pa nawawala sa pokos, may problema ka ba Zeke?" Nag-aalala niyang tanong.
Bumukas ang pintuan ng silid at dala-dala ang tasa ng kape ng pumasok si Aubrey. "Here is your coffee, babe," wika nito.
"Wala, mayroon lamang akong iniisip," tugon ng hindi nakikitang si Zeke.
Hindi na sumagot pa si Lester sapagkat maging siya ay magulo rin ang isipan. Binalingan niya na lamang si Aubrey at nagpasalamat.
"Napag-isipan ko ang iyong sinabi, nararapat nga lamang talagang ipakilala kita sa aking mga magulang. Ipapaalam ko sa kanila ang iyong pagbisita upang makapag-set ng araw," wika ni Aubrey.
Napakurap siya sa narinig. 'Teka, wala bang kwenta ang pananakot ko kanina?' naguguluhan niyang naisip.
"Okay, sure, babe." Alanganin tuloy ang mga ngiti niya ng sumagot kay Aubrey.
"Ilang panahon na rin tayong hindi kumakain sa labas babe, bakit hindi tayo maghapunan sa paborito nating restaurant?" Pag-aaya ni Aubrey.
Nagdadalawang-isip man dahil hindi niya matandaan kung saan ang paborito nilang kainan daw at dahil na rin sa takot na baka gawan na naman siya ng masama ng tampalasang babae ay sumang-ayon pa rin siya. 'Okay, walang kaso," sagot niya. 'Bahala na si Batman'.
Subalit halos hindi niya rin naman ikinatuwa ang kanilang paglabas. Ni hindi siya nakakain ng husto.
Ang nais niyang makasama ay si Zeke.