"Sa wakas ay nasa kulungan na si Miss Kathy King, subalit hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari," wika ni Mr. Johnson habang kumakain sila ng hapunan kinagabihan.
"Talagang ganoon ang tao Tito. May mga bagay na hindi mo inaasahang posible nilang gawin ng dahil lamang sa salapi," tugon ni Lester.
"Tama ka nga iho, pinagkakatiwalaan ko siya kaya mahirap tanggapin para sa akin ang nangyari."
"Kanina sa opisina ay dumating ang asawa ni Miss Kathy. Nais niya akong kasuhan ng maling akusasyon sa kanyang asawa," napapailing na tugon ni Lester.
"Marahil ay walang kaalam-alam ang asawa niya ukol sa mga bagay na pinagagawa ni Mr. Han sa kanyang asawa. Nakakaawa tuloy ang mga nadadamay. Tsk. Tsk." Iiling-iling na wika ng tiyuhin.
Totoo nga naman. Ayaw man nilang malagay sa problema ang pamilya ng mga King subalit sila na rin ang naglagay ng kanilang pangalan sa alanganin.
"Sana makakuha na tayo ng ebidensiya kay Mr. Han upang wala ng madamay na iba."
Binitawan ng tiyuhin ang mga kubyertos at mataman siyang tinitigan, seryoso ang tinig nito ng magwika, "May naiisip ka na bang plano upang magamit ang peke mong girlfriend? Bakasakaling may malaman tayo o makuhang ebidensiya."
Sumubo si Lester ng pagkain bago sumagot pagkalunok, "Inaya ko siyang ipakilala ako sa kanyang magulang. Baka makakuha ako ng impormasyon sa kanyang ina."
"Pero hindi ba't walang kaalaman ang asawa niya tungkol sa pagiging bastarda ni Aubrey? Sa palagay mo ba ay basta na lamang siya magsasalita saiyo?"
"Anong silbi ng ating salapi Tito?" nakangiti niyang tugon. Madali lang naman bumili ng impormasyon sa panahon ngayon. Iyon ang naiisip niya.
"Sige, kung anuman ang plano mo, nakahanda akong tulungan ka. Pero dapat kang mag-ingat. Paano kung bigla ka nilang tambangan habang naroroon ka sa kanila? Dapat na kasama mo si Zeke."
Nilingon niya ang tahimik na katabing kumakain. Kanina niya pa napapansin ang kaselensiyuhan ng nobyo. 'Ano na naman kaya ang problema niya?' Sa totoo lamang ay malakas ang loob niyang sumama kay Aubrey sapagkat inaasahan niyang hindi siya pababayaan ng lalake. Kaya naman nagulat siya sa malayong tugon nito.
"Magpapaalam sana ako ng tatlong araw Tito. Mayroong importanteng trabaho sa opisina na tanging ako lamang ang makapag-aayos."
Nagulat siya maging ang tiyuhin. Bumaling siya sa kasintahan at nagtanong, "Bakit ang tagal naman nun? Kailangan ba talagang ikaw?" Nang-aarok ang kanyang titig kay Zeke. Hindi kasi siya naniniwala.
"Oo nga naman, Zeke. Marami naman kayong tauhan doon, bakit kailangang ikaw? Isa pa, sino ngayon ang magbabantay kay Lester kapag umalis ka? Hindi biro ang tatlong araw ng iyong pagkawala, baka sumalisi ang mga kaaway. Tandaan mong hindi pa nahuhuli ang pinakapuno," pangungumbinsi ni Mr. Johnson.
"Magpapadala po ako ng magbabantay kay Lester habang wala ako. Importante po talaga ang aking gagawin, pasensiya na Tito."
Nawalan ng gana si Lester sa narinig at halos hindi niya na malasahan ang kinakain. Samu'tsaring isipin ang dumaloy sa kanyang isipan.
'May kasalanan ba ako? Pinipilit ko namang itaboy sa aking isipan ang imahe ng lalaking iyon sa aking panaginip. Isa pa, hindi rin naman siya totoo upang magalit si Zeke ng husto. Bakit ba ganyan siya.'
Walang salitang tumayo siya at nagpaalam, "Tapos na akong kumain, maiwan ko na kayo."
"Subalit Lester, wala pa sa kalahati ang iyong pagkain. Hindi ba't paborito mo ang sinampalukang baboy?" takang tanong ng tiyuhin.
Siyanga naman, wala itong kaalam-alam tungkol sa relasyon nila ni Zeke. Baka mamaya atakehin ito sa puso. Nakupo.
"Busog na po ako Tito," sagot niya at tuluyan niya ng nilisan ang hapag-kainan.
"Baka nga busog siya Tito. Lumabas sila ng kasintahan niya eh," sarkastikong tugon ni Zeke.
Napahinto si Lester sa paglalakad matapos marinig ang sagot ni Zeke. 'Hindi kaya galit siya sa akin dahil sa paglabas namin ni Aubrey? Hindi niya ba alam na sinasakyan ko lamang ang tampalasang iyon?'
Iiling-iling na lamang siyang lumabas ng kusina. Habang nasa pasilyo ay naulinigan niya ang mga tinig na nagmumula sa salas. Sa pagkakaalam niya ay nasa karatig bansa ang tiyahin upang bisitahin ang anak na si Arnold sapagkat naaksidente ito at ang asawa subalit maayos naman na ang kalagayan kaya naman ang tiyahin lamang ang pomaroon.
Kung ganun, sino ang nasa salas??
Imbes umakyat sa kanyang kuwarto ay nagtuloy siyang naglakad patungong salas. At doon ay naabutan niya ang pinsang si Arnold, ang tiyahin at isa pang napakagandang babaeng may saklay.
"Good evening Auntie. Hello, Arnold. You didn't tell us you will come home today. We did not pick you up."
Nakangiting tumugon si Arnold, "Hello, Lester. It's nice to see you again. Nothing to worry about. We've planned to surprise you all, that's why. Haha. By the way, she's my wife, Samantha."
"Hi, I'm Samantha," kiming pakilala ng babae.
Napatingin siyang muli sa babae at muntik ng tumaas ang kilay niya dahil sa halos hindi kumukurap na pagkakatitig sa kanya ng babae. Naisip niya tuloy na baka gumagana na naman ang kapogian niya. Hihi. Naaalala niyang habulin siya ng mga babae noong kabataan niya pa.
"Lester, are you free now? Can you help Samantha go their room?" wika ng kanyang tiyahing si Mrs. Johnson.
Nalito si Lester. Hindi ba dapat ay si Arnold ang gumabay sa babae tutal siya naman ang asawa?
"But auntie..." Subalit naiwan sa ere ang mga salita ni Lester sapagkat umalis na ang pinsan at tiyahin sa kanyang harapan at nagmamadaling nagtungo sa kusina kung saan maririnig ang kalansing ng kubyertos. Marahil ay upang makita ang kanyang tito.
"Daddy, guess who's here! Haha!"
Narinig niya pa ang hiyaw ng pinsan patungong kusina. Napapailing na lamang na binalingan niya ang babae.
"Pambihira, bakit ako?" reklamo niya.
"Ayaw mo bang samahan ako? Salamat naman at may dugong pilipino ka rin." wika ni Samantha.
"Ay kabayo ka!" Nagulat na bigkas ni Lester. Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa ng hindi makapaniwala.
Ngumiti naman si Samantha at kinumpirma ang nasa isip niya. Mahaba itong nagpaliwanag, "Yes, I'm half-filipino. Hindi nga lamang halata sa hitsura ko. Hehe. Pero matatas ako magsalita ng tagalog. Lumaki kasi akong kasama ang Lola ko at tinuruan niya ako sa wikang pilipino."
"Oh okay. Ikinagagalak kong makilala ka. Nagtataka lamang ako kung bakit sa akin ka inihabilin ng iyong asawa."
"Hehe." Iyon lamang ang tugon ng babae at umiwas sa kanya ng tingin.
Nakaramdam siya ng kakaiba subalit hindi na siya kumibo at tahimik na kinuha ang maliit na maleta sa tabi nito, "Tara sasamahan na kita sainyong silid, sainyo ba itong maleta?"
"Oo, pasensiya ka na sa abala," nahihiyang wika ni Samantha.
"Walang anuman iyon. Tara."
Tahimik niyang inilalayan sa kanang kamay ang babae habang hawak niya naman sa kaliwang kamay ang maleta. Umakyat sila sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang silid ni Arnold.
Subalit napalingon siya sa ibaba ng marinig ang tinig ni Zeke, "...Yes. I'm Zeke Xiao."
"Are you staying here? So nice! Can we have a drink over there?" Masiglang tinig ni Arnold ang tumugon sa nobyo.
Napakunot-noo si Lester. Hindi niya namalayang napahinto siya sa gitna ng hagdanan kung hindi nagsalita ang katabi, "Don't be surprise. You're cousin is gay."
"Huh?!"
Hindi kaya't may nagmana sa kanyang Lolo?? Pero hindi nga ba't halos ganoon na rin siya dahil lalake ang talagang kasintahan niya?
'Shit.'
Kumakabog ang dibdib niyang hindi maintindihan. Subalit pinilit niyang ibaling ang atensiyon sa kasama at inakay na ito hanggang makarating sa silid.
Subalit hindi napigil ang kanyang kuryusidad kaya naman mahina niyang isinatinig ang mga katanungan sa babae.
"How did you know? Kung ganoon, maaari ko bang malaman kung bakit naging, o paanong naging mag-asawa kayo?"
Ngumiti ng malungkot si Samantha bago sumagot, "Simple. I fell in love with him. Binayaran siya ng malaki ng pamilya ko para magpakasal sa akin. But I'm very surprised pagdating namin dito. Sa laki ng bahay niyo, I never know na mayaman din pala siya. Baka nga mas mayaman pa sa amin."
"Nakapagtataka nga naman..." mahina niyang tugon. May kakaiba tuloy siyang nararamdaman sapagkat kahina-hinala ang mga nangyayari.