Ezra's POV
Ilang oras na ang nakalipas simula ng nakarating kami dito at naghihintay sa babaeng nagpadala ng box. Hindi na rin ako mapakali sa kinalalagyan ko kaya palakad-lakad at babalik ang ginagawa ko. Nandito rin ngayon sina tito Pabio pati na rin sina Nexus. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kanila para pumunta dito, basta abala ako sa pag-iisip kung darating ba s'ya o hindi.
"Damn. Bakit ba ang tagal n'ya?!" Hindi na ako nakatiis at naisatinig ko na ang iniisip.
"Kalma Captain. Baka na traffic!" Sabat naman ni Drake habang kumakain ng pizza.
"Hey fucker, track her down." malamig na utos naman ni Nexus sa isa sa mga tauhan niya at mabilis nitong sinunod ang iniutos sa kaniya.
Nasabi ko na bang mafia boss ang isang 'to?
Panay naman ang tingin ko sa wall clock at naupo sa bakanteng sofa. Si Dia at Justin naman ay nilalantakan ang pagkaing dala nina tito Pabio galing sa birthday ni dad.
Oo, galing na raw sila doon at tinatanong nga raw ako nina mommy kay tito. Napahinto ako sa pag-iisip ng may kumatok. Nahinto rin ang iba sa ginagawa nila maging sina Alexis ay napatingin sa pinto. Si Justin na ang nag-presintang mag bukas ng pintuan at ang pumasok ay si-
Flare.
"Oh? Anong mga itsura 'yan? Ako lang 'to guys! Ang guwapong si Flare!"
Natatawang saad ni Flare at tumabi sa akin dahil doon nalang ang may bakante. Narinig ko naman ang pag-ubo nina Zack at napansin ko rin ang masamang pagtingin ni Nexus kay Flare.
Ano bang nangyayari sa mga 'to? Mabilis namang nakisiksik si Flare sa iba at naiiling pa.
"Usod nga gago! Ayoko pang mamatay!" Saad nito pero nakangisi.
"Sagot na namin ang lamay mo kapag nagkataon!" Nagtawanan naman ang iba dahil sa sinabi ni Alexis at agad na sumalubong sa kanya ang middle finger ni Flare.
"Possessive amp!" Wika pa ni Flare at naki-kain nalang din.
"Why don't you just eat for a while?"
Napatingin naman ako kay Nexus at agad nagtagpo na naman ang aming paningin. Halata namang naghihintay ng sagot ang iba mula sa akin. Para silang mga tanga sa itsura nilang 'yan!
"Wala akong gana." seryosong saad ko at natawa naman si tito Pabio kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Problema ba ng mga 'to?
"Stop making those foolish request!" Si Drake na kita na ang ngala-ngala sa katatawa.
"GG, lods!" Si Zack naman na nakangisi pa sa akin.
"Egul!" Si Flare habang lumalamon.
"First blood, gago!" Alexis.
Nakarinig naman ako ng pagkasa ng baril kaya agad akong napalingon kung sino ang may gawa no'n, walang iba kundi si Nexus na itinutok na ang baril sa magkakadikit na sina drake, Zack, Alexis at Flare habang si tito naman ay bumulanghit ng tawa.
"Kneel, fuckers!" Malamig na saad naman ni Nexus sa apat at halos mag-unahan naman sila sa pag luhod. Habang nakataas pa ang mga kamay.
"Bossing, sorry na. Joke lang naman 'yon hehehe," alanganing sabi ni Drake at panay ang bow.
"Boss patawarin mo 'ko! Ikaw ang pinaka-gwapong nilalang at pinaka-panget si Flare!" Si Zack na literal na nakadikit na ang noo sa sahig at nakalapat ang kamay.
Narinig ko naman ang tawanan nila Dia at Justin.
"Gunggong amp! Boss naman. Sorry na--sige na- diko naman.., sinasadya! Patawarin mo ako, sa kasalanan ko sayo!" Pakanta-kanta namang sabi ni Flare pero mas lalo atang nainis si Nexus.
Minsan normal madalas mga abnormal itong mga 'to.
"Hehehehe. Boss ikaw lang ang nararapat sa kanya. Kaya kalma boss!" Makahulugang sabi naman ni Alexis.
"Masanay na kayo sa mga 'yan Ezra, Dia and Justin. Madalas talaga kulang sa turok at aruga ang mga 'yan!" Komento naman ni tito Pabio at napasimangot naman silang apat.
"Halata naman uncle! Guwapo pero mga shungabels!"
"No wonder Mr. Pabio." at nag peace sign naman si Dia sa apat.
Napahinto sila at literal na nanahimik ng may nag-buzzer sa labas. Dali-daling tumayo si Drake at maging ako ay napatayo din. Itinago naman ni Nexus ang baril at ang tatlong mga baliw ay umayos ng upo.
Nang mabuksan ni Drake ang pinto ay nagmamadaling pumasok ang isang babae. Hindi s'ya katangkaran at hindi din ganoon ka-puti pero makinis ang balat at walang peklat.
Nakasuot ito ng maong na pantalon at isang black plain t-shirt habang nakasuot ng mask at sumbrero. Agad n'yang hinubad ang mask at sumbrero at diretso itong tumingin sa akin.
"C-Captain, Captain Ezra Mendivel.." diretsong saad nito kaya naman ay tumitig ako sa kanya.
S'ya na nga 'yan! Iyan ang boses kanina na narinig ko sa cellphone na nakausap kong babae.
"Ikaw ang nakausap ko kanina hindi ba?" Tanong ko rito at mabilis itong tumango.
Hinatak ni Drake ang isang single sofa at pinaupo doon ang babae.
"Oo, ako si Marthinie. Marthinie Garcia." pakilala n'ya, halata sa mukha ni Marthinie ang pagod. "Pasensya na kung naghintay ka ng matagal. Pero, sinigurado ko lang na hindi ako masusundan dito." paliwanang n'ya at palipat-lipat lang sila ng tingin sa aming dalawa ni Marthinie.
"Sabihin mo, buhay.. buhay pa ba si C-Chase?" Tanong ko sa kanya at nakita ko ang sunod-sunod na paglunok n'ya.
Kasunod n'yon ay ang pagtango n'ya at ang pag-iyak. Maging ako ay napaluha sa narinig.
"B-Buhay s'ya. Buhay na buhay s'ya! pero, hindi s'ya maka-alis! Hindi ko s'ya maitakas sa taong nagkulong sa kanya." umiiyak nitong sabi at halata sa boses n'ya ang hinanakit.
"Anong ibig mong sabihin? Sinong kumuha kay Chase?" Tanong ko sa kanya at saglit s'yang napahinto.
Nag-aalangan at para bang natatakot sabihin kung sino ang salarin sa pagkawala ng kakambal ko.
"Ipangako mo sa aking ililigtas mo si Chase kahit anong mangyari! Malakas s'ya Ezra! Marami s'yang tao. Onti-onti s'yang bumubuo ng giyera sa pagitan ng organisasyon n'yo pati na din dito sa mga normal na mamamayan!" Takot na takot nitong saad at hindi ko rin maiwasang mapaisip kung sino ang tinutukoy n'ya.
Marthinie's POV
Natatakot ako sa mga posibleng mangyari pero ito ang tama na dapat kong gawin!
"You're one of them, aren't you?"
Nangilabot ako sa malamig na boses ng lalaking nasa kaliwang parte ng sofa. Kung nakakamatay lang ang mga tingin n'ya- baka pagpasok ko palang namatay na ako. Kinakabahan man ay pinipilit kong sumagot ng maayos.
Napatingin naman ako kay Ezra, tama nga ang kuwento sa akin ni Chase tungkol sa kanya. Maganda s'ya, napakaganda. Walang araw na hindi ko naririnig mula kay Chase ang kuwento n'ya tungkol sa kakambal nito.
"O-Oo. Isa ako sa mga tauhan n'ya.." Kabadong sagot ko at halos wala ng nagsalita sa kanila.
Sana lang ay hindi nila ako patayin!
"Paano? Paano ka naging isa sa kanila?"
Tanong ni Ezra at halata sa itsura nito ang pagkasabik, takot at pagod. Sa huling pagkakataon ay nakuha kong lumunok ng laway at kumurap bago ako nag-umpisang magsalita at binalikan ang nakaraan kung saan nagumpisa ang lahat.
Mahirap lang ang pamilya namin. Matagal ng patay ang papa ko at iba't-ibang lalaki na rin ang nakasama ng ina ko. Mahilig magsugal si mama at walang ibang aatupagin sa buong maghapon kundi ang magsugal.
"Marthinie! Ano ba, putangina tumayo kana d'yan ha! Prinsesa ka ba ha!?"
Ang aga-aga ay ang ingay-ingay na ng nanay ko! Samantalang wala naman s'yang ibang aatupagin kundi ang mag-tongits sa bahay ni aling bebang!
Hindi nga n'ya ako tinutulungan sa gawaing bahay at parang alipin pa ako o katulong kung ituring!
"Oho! Babangon na!" Sigaw ko para naman hindi na s'ya mag-effort na akyatin ako dito at pagsasampalin kung mag bibingi-bingihan pa ako!
Nang makababa ako ay naabutan ko si mama na bihis na bihis. Naamoy ko pa ang inutang n'yang pabango sa kapit-bahay namin at suot rin n'ya ang hininging damit sa kakilala.
"Hoy babae! Asikasuhin mo 'tong bahay ha? Dahil mamaya pupunta dito ang mga prends ko! Siguraduhin mo lang na matatapos mo agad ang mga gawain dito!" Utos nito at nanlalaki pa ang mga matang tumingin sa akin.
Hay, heto na naman. Bakit pakiramdam ko hindi na naman ako makakapasok sa eskwelahan?
"Ma. May pasok po ako mamaya." malungkot kong sabi at agad na nagsalubong ang kilay ng mama ko at binato sa akin ang suklay na hawak.
"At anong pakialam ko ha?! Hindi ka papasok mamaya dahil mag-iinuman kami dito! Sinong pag bibilhin ko ng alak mga amega ko pa ha!? Mag isip ka ngang boba ka!" Singhal nito at dinampot ang bag at padabog n'yang sinarado ang pinto ng makalabas.
Naiiyak nalang akong dinampot ang mga nagkalat na damit sa sahig at pati na ang mga plato.
Lumipas ang ilang araw at ganoon pa din ang set-up dito sa bahay. Kung hindi iinom ay maglalaro ng tongits ang mama ko. Bagsak rin ang mga grado ko dahil hindi ako nakapasok sa araw ng mga exams ko.
"Hoy! Ano na namang inaarte mong putangina ka!" Sigaw ni mama ng makitang hindi ako kumakain.
Napatingin din sa akin ang kinakasama ni mama pero hindi ito kumibo.
"Bagsak po kasi ang mga grado ko." malungkot kong sabi at ipinagpatuloy nila ang pagkain.
"Kasi nga- bobo ka! Naku, Marthinie h'wag kang umasa na makaka-graduate ka! Hindi ka matalino tulad ng iba!" Singhal ni mama na ikinainis ko.
"Kung nakakapasok lang naman ako sa school hindi ako babagsak! Kung hindi mo 'ko ginagawang katulong dito kapag may mga bisita ka edi sana, matagal na 'kong naka-graduate!!" Sigaw ko at hindi ko na napigilang umiyak.
Malakas naman n'yang ibinagsak ang kutsara't tinidor na hawak at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan ni mama ang buhok ko at ilang beses akong pinagsasampal sa aking mukha.
Wala s'yang pakialam kahit saan pa dumapo ang mabigat n'yang kamay.
"Ako pa talaga ang sinisi mo ha!? Tarantado ka talagang babae ka! Palamunin lang kitang punyeta ka!" Sigaw nito at pinaghahampas sa akin ang mga nadadampot n'ya.
Iyak lang ako ng iyak at hindi pa s'ya nakuntento ay iniuntog ako sa pader.
"M-Ma! Tama na po! Tama na po!" Pagmamakaawa ko pero para lang s'yang bingi!
"Tama na?! Matapos mong sumagot-sagot na gaga ka!" Walang humpay ako nitong pinagsasampal at pinaghahampas.
Sigaw naman ako ng sigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong mukha ko at mahapdi ang bandang balikat at leeg ko.
"Ano!? Anong sinisilip-silip n'yo dito ha!? Mga chismosa talaga kayo!!" Sigaw ni mama at iniwan ako nito sandali para isarado ang pinto at bintana.
Hilong-hilo ako at para akong lantang gulay! Halos hindi ko na din mai-mulat ang mga mata ko!
"M-Ma...T-Tama N-Na.."
Pinahinto na ako ng tuluyan ni mama sa pag aaral ko. Bakit ba kasi ganito ang pinagdadaanan ko! Bakit ba ang malas na nga ng kapalaran ko tapos ganito pa si mama sa akin!
Pakiramdam ko, hindi n'ya 'ko mahal. Pag nagkakasakit ako puro mura at masasakit na salita ang naririnig ko. Ni-minsan ay hindi man lang n'ya ako magawang alagaan.
Isang araw ang lumipas na hindi umuwi ng bahay si mama at si tito Edward. Baka iniwanan na nga nila ako dito at nagpaka layo-layo, pero akala ko lang pala 'yon.
Dahil mga bandang dapit hapon ay umuwi sila, pero iba na ang suot. Mukhang mga mamahalin at si mama punong-puno ng alahas ang mga kamay, patong-patong din ang mga kwintas na suot!
"Ma?" Tawag ko rito at mukhang masaya siya dahil ngumiti pa ito sa akin.
"Oh? Nakakain kana ba ha? O eto pang Jollibee mo!" Inihagis sa akin nito ang limang libo pati na ang ibang damit na s'ya mismo ang bumili.
"Ma, saan galing itong mga pera mo?"
Tanong ko ng makitang binuksan n'ya ang apat na malalaking bag na puno ng tig-iisang libo! Hindi kaya nagnakaw sila!?
"Well, may nagpa-utang lang naman sa amin ng malaking halaga. Baka naman pumasok na agad d'yan sa utak mong walang laman na nagnakaw na kami?" nakangisi nitong saad.
At sa totoo lang first time kong makatanggap ng limang libong piso galing kay mama. Dahil s'ya itong tipo ng tao na napaka-kuripot o madamot pagdating sa akin.
Nagpainom rin s'ya ng araw na 'yon at umorder ng napakaraming pagkain. Halos buong kapit-bahay namin ay nandoon at nakiki-chismiss at ang iba naman ay nakikikain.
Kumpleto din ang mga kaibigan ni mama at si aling bebang na pasimuno ng tongits at bingo. Napailing nalang ako sa nakita.
Basta kapag may pera si mama, kulang nalang ay ubos-ubusin n'ya ang pera.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡