Angel With A Shotgun Chapter 11

Ezra's POV

Today is my father's birthday. Sobrang busy nila ngayon especially si mom para sa paghahanda. Kuya Shan and Cody sent the invitation dahil nitong mga nakaraan puro ay pag-inom ang inatupag nilang dalawa at nakalimutan na nilang ipamigay sa mga imbitado ang invitation cards. Kahapon lang din nakabalik si daddy galing sa business trip habang si mom naman ay talagang pinaghandaan ang araw na 'to. 

"Where are you going anak?" Tanong ni mom ng makasalubong ko s'ya sa sala. 

"Work?" Maikli kong saad at tsaka bumuntong hininga si mommy. 

"Anak, makakaabot kaba mamaya? You know you're dad. Matampuhin 'yon" wika ni mommy at halatang lumungkot ito.

Nginitian ko nalang s'ya at niyakap, I know her. Gusto lang magpalambing. 

"Don't worry mom, Hahabol ako." paninigurado ko at tumango naman ito bago kumalas sa pag kakayakap sa akin.

Nasabi ko na bang may maganda akong mommy? Well, kung hindi pa, s'ya ang pinakamaganda! 

"Well, it's better late than never," ngumiti ito bago ako muling niyakap.

My mom is just so sweet person. Lumaki kaming nakukuha ang mga gusto, or kahit hindi man namin hilingin kusa n'yang binibigay. We were so lucky dahil kahit nasa legal age na kami- kung asikasuhin parang mga baby pa din. 

"I love you my princess!" Malambing nitong sabi at tuluyan ng pumasok sa loob.

Tiningnan ko muna ito bago lumabas ng bahay. Maybe, may times na maingay si mom, lalo na kay Cody na walang ibang inatupag kundi uminom at mambabae. Hindi naman sikreto sa lahat na sa aming magkakapatid ako ang laging pinagbibigyan, paborito kumbaga. But I never become a spoiled brat- unlike Cody. 

May part sa akin ang nakukonsensya dahil sa mga pagsisinungaling ko. Pero-wala akong ibang choice, masyadong mabait ang parents ko para pagsinungalingan ko lang.

Alam kung darating ang araw na malalaman nila, pero matagal ko ng inihanda ang sarili ko para sa bagay na 'yon. I know, maiisip nila na may anak silang kriminal o kung ano pa man ang magiging term nila sa bagay na 'yan.

My dad wants na simple lang ang celebration at malalapit na kaibigan pati na kamag-anak ang nandito mamaya kaya dito nalang s'ya sa bahay mag ce-celebrate, unlike before na nagpa-reserved sila sa isang sikat na hotel sa Manila.

My dad is really a great father to me, to our family. He did everything and put efforts sa lahat ng bagay na tungkol sa amin. He even encouraged me before na ako nalang ang mag handle ng business but I refused it.

He trusted me a lot- pero masama bang umasa ako sa isang bagay? Hindi lang din ito para kay Chase, para na rin 'to sa mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang mga sarili nila. Mga inaabuso dahil walang kapangyarihan, everytime na makaka tulong ako- grabe 'yung saya na nararamdaman ko.

Hindi ako si super girl or wonder woman, but I am Captain Ezra Mendivel who will bring justice to those in need! And I will never stop when I'm tired- I will stop when I'm done. 

Ang hirap everytime na may hindi ka maliligtas. Nakakadurog ng puso, nakakabingi. Pakiramdam ko hindi pa sapat yung ginagawa ko, but Dia And Justin always comfort me. Na okay lang 'yon, na hindi ko kasalanan 'yon. 

Napatingin ako sa matayog na gate sa harapan ko. Ang itim na gate at may simbolo ng sagisag namin.

Awtomatikong bumukas ito ng ma detect ang sasakyan ko kaya nagpatuloy ako sa pagda-drive. Noong una akong pumunta dito natakot ako! Hindi madali ang training na pinagdaanan ko. I thought hindi ko kakayanin noon, pero- everytime na maaisip ko si Chase ay lumalakas ako, 'yung loob ko. 

"S-Si Captain Sierra!"

"Grabe ang ganda n'ya!"

"Balita ko mayaman talaga s'ya, 'yung family n'ya!"

"Yez naman! Crush ko nga 'yong Cody Mendivel!"

"Kung ganyan ako kaganda? Sasali nalang ako sa Miss Universe!"

Well, iilan lang 'yan sa daily bulungan nila. Hindi ko nalang pinapansin dahil ayokong masayang ang oras at energy ko kung hindi naman worth it.

Agad akong pumasok sa opisina at naupo sa swivel chair. Kinuha ko din ang mga file report na puro tambak dahil hindi pa nakukuha ni Dia. Ini-open ko ang laptop at natanggap ko naman ang email sa akin ni tito Pabio tungkol sa robot na pinag-aaralan n'ya.

"Morning bessywap!" Bati ni Justin at agad na naupo sa sofa.

Umagang umaga bakit parang pagod na pagod s'ya? 

"Anyare sayo? Pwede ng ibenta 'yang eyebags mo," saad ko at muling ibinalik ang tingin sa iba pang mga nag-email sa akin. 

"Puyat iz real talaga, dzai! Nag searched kasi ako kagabi tungkol sa mga robots etc. Kaso wala naman akong nakita na katulad ni Android Roward. Jusko nakakabuang!" Kumamot pa ito sa ulo at tuluyan ng nahiga sa sofa.

Napailing nalang ako at tumayo para magtimpla ng kape para sa amin ni Justin. 

Nitong mga nagdaang araw s'ya ang laging nagtitimpla ng kape ko, though hindi ko naman sinabing timplahan n'ya 'ko pero masyadong consistent. Tsk.

"C-Captain!"

Agad akong napalingon sa likuran ng makita kong humahangos pa si Dia at may dalang box. Maging si Justin ay napatayo sa gulat. Ini-lock pa nito agad ang pinto at tsaka ipinatong ang dalang box sa center table. 

"Shuta naman Dia. Daig mo pa 'yong hinahabol ng zombie! Anyare sayong babaita ka?" Takang tanong ni Justin at napairap bago ulit umupo. 

"May nagpadala sayo ng box!" Wika naman ni Dia at itinuro pa ang box na s'ya mismo ang may dala.

Agad akong lumapit at tiningnan muna ang kabuuan nito. Balot na balot ito ng tape. 

"What's so big deal ba?" Maarteng tanong ni Justin na nag takip na sa mukha ng panyo.

Agad kung inilabas ang kutsilyo na nasa bulsa ko lang at tinanggal ang tape.

Tumulong na rin si Dia para mas mapadali ang pag bubukas namin, hindi rin nakatiis si Justin at naki-usisa na rin. 

"Teka- kung para kay Captain 'yan bakit sayo ipinadala?" Nagtatakang tanong ni Justin at maging ako ay 'yan din ang unang napansin. 

"Aba ewan ko. Itanong mo sa nagpadala!" Si Dia na nakasimangot naman ngayon. 

Nang mabuksan namin ang box ay bumungad sa amin ang isang maliit pang box, kwintas na may initial na letter M. May isang flashdrive din doon at isang dahon.

Napakunot ang noo ko sa nakita at nagkatinginan pa kaming tatlo. Agad kong kinuha ang maliit na box pero hindi ito ordinaryong box. Dahil gawa ito sa metal, may passcode din ito kaya hindi basta-basta mabubuksan. 

"What the hell is this?" Wala sa sariling tanong ni Justin at hindi naman din nakapagsalita pa si Dia.

Muli akong napatitig sa flashdrive kaya agad ko itong kinuha at binuksan ang file. May isang video doon pero black kasi ang background. Nang mapindot ko na ang play button ay nag-play na ito at naki-usisa din ang dalawa. 

"Hi! This is Sanford Chase Mendivel. I am now heading to my first mission-" nanlaki ang mga mata ko sa nakita at narinig.

Ang batang Chase ang nasa video ngayon. 'yan ang suot n'ya bago umalis at 'yan din ang huli ko s'yang nakasama!

"Shuta!"

"Teka-"

"Lately may nadiskubre akong isang bagay. Ito 'yung metallic triangle na nasa akin. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa pagkawala nito. But one thing I'm really sure, this metallic triangle is a good ingredient for doing some experiment lalo na sa gamot. Kung makikita n'yo pa 'to possibleng buhay pa ko- kung hindi pa ito na kukuha ni-" bigla nalang namatay ang video at para bang tumilapon s'ya sa kung saan dahil sa lakas ng impact na nangyari.

"C-Chase.." bulong kong saad at nakatingin pa rin sa laptop. 

"That was ten years ago. Sino naman ang nagpadala n'yan?" Si Justin na ngayon ay siya na mismo ang nag-alis sa harapan ko ng laptop.

Nabaling ang tingin ko sa hawak na box. Ipinatong ko ito sa office table, bakit pakiramdam ko ito ang magkukumpirma ng lahat?!

"Dia, wala ka bang ideya kung sino ang nagpadala nito?" Tanong ko at mabilis siyang umiling.

Kinuha naman ni Justin ang box at nag pipipindot ng kung ano-anung number doon pero invalid pa din. 

Possible na konektado ito doon sa taong pumunta sa kumpanya ko. Iyong taong nakipag-usap kay Arielle! 

"Ay gago!" Napatingin naman kami kay Justin na busy sa pag butingting sa box! 

"Anong nangyari?!" Takang tanong ni Dia at inilapag ni Justin ang box sa harap ko. 

"Tatlong beses lang pala pwedeng mag-enter ng passcode!" Nag aalalang saad ni Justin at napa-buntong hininga naman ako.

Damn, ano ba naman 'to! 

"Captain baka may ideya ka sa passcode? Wala ka bang nalaman nitong nakaraang araw? O baka special number n'yo ni Chase?" Natataranta ding saad ni Dia kaya saglit akong napaisip. 

Teka, 'yung number na nalaman ko sa papel! Hindi kaya iyon ang sagot? Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang number na 

'2-5-4-2'

Matapos kung mapindot 'yon ay kusang bumukas ang box! 

"Ay shutaneeees! Thanks God!" Rinig kong sabi ni Justin at napangiti naman ako sa sobrang relief na naramdaman. 

"Dang! Ito ang metallic triangle na sinabi ni Chase!" Saad ni Dia at kinuha ito at pinagkatitigan sa malapitan, ibinigay din naman n'ya ito sa akin agad. 

"Dahil nasa atin pa ito ibig sabihin buhay pa si Chase!" Sambit ko pa at mabilis akong niyakap ng dalawa. 

"Sa wakas Captain! Magbubunga na ang lahat ng paghihirap mo!!" Masaya nilang sabi at hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

Tama, matapos ng maraming taon heto! Nagkaroon ako kahit papano ng isang bagay na pinanghahawakang buhay pa si Chase! 

"Teka ano 'to?" Sambit ni Justin ng makita ang papel sa ilalim ng box na

kinalalagyan ng foam ng metallic triangle. Iniabot niya sa akin 'yon at mabilis kong binuksan ang papel. 

"Captain Ezra. Kung matanggap mo man ang box na ito at mabuksan at makita mo ang metallic triangle, please tawagan mo ako!

09*********

-M" sabay na malakas na basa nina Justin at Dia.

Agad kung kinuha ang cellphone ko at akmang tatawgan na ang numerong na nakasulat sa papel pero agad naman kinuha ni Justin ang cellphone ko kaya nagtataka ko itong tiningnan.

"What the hell are you doing?" Takang tanong ko. 

"Captain, paano kapag patibong pala 'to?"

Si Justin na may halong pag-aalala at natigilan din ako sa narinig mula sa kanya. Pero agad ko itong isinantabi at kinuha ulit sa kamay niya ang cellphone ko. 

"Wala akong pakialam Justin. Ang importante malaman natin kung nasaan si Chase! Kung sino ang may hawak sa kaniya" seryosong saad ko at agad na idinial ang number.

Natapos ang isang tawag na walang sumasagot pero idinial ko ulit ang numero at ganon ulit ang nangyari hanggang sa umabot na ng sampu ang pagtawag ko. 

"Hay. Baka naman nanti-trip lang 'yan?" Walang ganang sambit ni Justin. 

"Captain-"  malungkot na saad ni Dia at naupo sila sa harap ko.

Walang gana kong inilapag sa table ang cellphone ko at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako sa nangyayari. Nakakalungkot. False hope lang ba 'to? Pero bakit nandito ang video ni Chase? Itong metalic triangle? 

"Bessywap h'wag kang umiyak! Dahil iiyak rin ako!" Saad ni Justin pero hindi ko na napigilan.

Sa mahigit sampung taon ngayon lang ulit! Ngayon ko lang ulit naramdaman na mabasa ng luha ang mga mata ko!

"Bakit ba ang damot ng panahon!" Makahulugang saad ko at agad nila akong dinaluhan ng yakap. 

"Captain, mahahanap natin siya. Don't lose hope okay? Alam kung mahahan-"

Napahinto sa pagsasalita si Dia ng mag-ring ang cellphone ko at nagkatinginan muna kami bago ko ito sagutin.

Nanginginig ang kamay kong pinindot ang answer button at ini-loud speaker. 

"H-Hello?"

Bakit boses babae?

"H-Hello Captain Ezra Mendivel? Ikaw ba to?" Pag-uulit ng babae kaya hindi na ako nag-alinlangang sumagot. 

"A-Ako nga! Ako si Ezra. Sino ka? Saan mo nakuha itong mga pinadala mo sa amin?" Sunod-sunod kong tanong at pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa kaba. 

Ngayon lang ulit ako nakaramdam nito. Ngayon lang ulit ako natakot! 

"Mabuti naman at nakuha mo. Alam ko kung nasaan si Chase. Pero puwede bang magkita nalang tayo?" Tanong ulit nito mabilis naman akong napatango kahit na alam kung hindi naman n'ya 'yon makikita. 

"Oo! Sige. Sabihin mo kung saan at kailan!" Saad ko pa at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. 

"Pwede bang sa lugar mo nalang? Iyong magiging ligtas tayo!" Desperado na din ito at halatang natatakot. 

Bakit? Anong kinakatakutan n'ya? 

"Sige. Alam mo naman ang Condominium Dynasty hindi ba? Doon mo ako puntahan," seryoso kong sabi at narinig ko pa ang pag tugon niya ng 'OO' tsaka nito mabilis na pinatay ang tawag.

Ibinalik ko ang mga gamit sa box at mabilis nag mamadali kaming pumunta sa parking lot para pumunta sa condo ko. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.