Angel With A Shotgun Chapter 14

Ezra's POV

It's been a week had passed ng makausap namin si Marthinie. Lagi naman s'yang nag u-update tungkol kay Chase at sa kalagayan nito.

Marami ding problemang kinakaharap ngayon ang organisasyon dahil sa pagkawala ng ilang tao at pati na ang ilang miyembro ng organisasyon! 

"Captain, na-hack na namin ang system nila!" Wika ni Ranz sa kabilang linya.

Habang kami namang tatlo nina Dia at Justin ay nandito sa abandonadong building kasama ang iba pa para makuha ang mga dinukot na buntis kahapon.

Mga walang hiya talaga! Pati mga buntis dinadamay pa! 

"Alright."  malamig kong saad at mas naging alerto ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw.

Tumingin naman sa gawi ko sina Justin at Dia at sinensyasan ko silang mauuna ako at tumango lang sila bilang tugon. 

Nauna akong mag lakad at habang palapit ako ng palapit ay palakas ng palakas din ang tunog ng sigaw.

Damn!

Agad akong pumasok sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita ko ang isang babaeng buntis na nakahiga sa isang sementong higaan at nakaposas ang mga kamay. Sumunod din ang iba ko pang kasama sa loob. 

"Bilis! Kunin n'yo na ang iba!" Utos ko at nagmadali naman silang kumilos.

"Fire?" Tawag ko kay Justin dahil tulad ng napag-usapan ay sasalisi sila sa ibang kuwarto. 

"Yes, Captain?" Halatang seryoso din ito

"Anong nangyayari d'yan?" Tanong ko at itinutok ang baril sa kadenang nakakabit sa paa ng babaeng buntis. Pawisan ito at para bang hirap na hirap sa sitwasyon

"Nandito na kami. Pero, walang ibang tao dito!" Sagot ni Justin na ipinagtaka ko.

"Pupunta na ba kami d'yan Cap-"

Hindi na natuloy ni Dia ang sasabihin ng biglang s'yang ma-disconnect. Agad kong dinaluhan ang babae para makatayo ito ng maayos. 

"S-Salamat!" Wika nito pero agad itong may dinukot sa dibdib at ngumiti muna ito bago niya inilabas ang baril! Ganoon din ang iba pa na tinulungan ng mga kasamahan ko! 

"Mamamatay kayo ngayon!" Ngumisi ito sa akin at doon na ako nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas!

Maging ang malakas na pagsabog! Ramdam ko ang malakas na pagyanig at mabilis naman akong kumilos at sinipa ito kaya nabitawan nito ang baril. 

"Retreat!" Sigaw ko sa ibang kasama ko pero lahat sila ay nakahandusay na sa sahig.

Hindi ko na din naririnig si Ranz na nagsasalita sa kabilang linya maging sina Justin! 

"Sinasabi ko na nga bang kakagat kayo sa pain namin!" Sigaw ng isang babae at mabilis itong nagpaputok ng baril sa direksyon ko. 

Agad akong umilag pero mabilis namang umatake ang isa pang babae gamit ang matalim na espada! Habang ang isa naman ay inaatake rin ako ng suntok. Mabilis akong kumilos at binaril ang isang babae na planong tanggalin ang pin ng granada!

Headshot! 

"Myraaaa!" Sigaw ng babaeng may hawak ng espada doon sa babaeng binaril ko at mabilis itong humarap sa akin. "Walang hiya ka!" Singhal nito pero mas naging alerto pa ako dahil lima silang nandito kasama na ang binaril ko. 

Panay ako ng ilag habang sabay-sabay silang umaatake sa akin. Hindi ko na alintana ang tagaktak kong pawis at akmang babarilin ko ulit ang isa pero mabilis nitong nasipa ang kamay ko.

Gumanti din ako ng sipa at mabilis itong natumba, sumugod din ang isa at mabilis ko itong hinarang sa akin at s'ya ang nabaril ng isa pang kasama n'ya.

Galit na galit silang tumingin sa akin kaya mabilis kong dinampot ang baril ko at mabilis ko silang pinaulanan ng bala. Sabay-sabay silang natumba na dilat pa ang mga mata. Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto at nakita kong duguan na ang iba at ang iba naman ay wala ng buhay. 

"Fire!" Tawag ko kay Justin pero walang sumagot maski-isa.

Damn!

Agad kong tinawid ang isang pasilyo na napakadilim at ng malagpasan ko 'yon ay may isang kuwarto doon kaya dali-dali akong pumasok doon.

Nakita ko naman si Justin na dahan-dahang bumabangon at para bang hilong-hilo ito kaya agad ko s'yang dinaluhan! 

"C-Captain, ikaw ba 'yan?" Tanong nito ng makalapit ako sa kanya.

May dugo rin ang noo nito at sugat sa binti. 

"Anong nangyari!?" Tanong ko at nakita ko si naman si Dia na nakahandusay na sa sahig at walang malay. 

"H-hindi ko alam. Shuta pumunta kami dito dahil may naririnig kaming humihingi ng tulong tapos pagpasok namin nakita naming nang galing lang pala sa recorded taped ang narinig naming boses. Tapos bigla nalang may humampas sa ulo ko!" sagot nito at agad ko namang nilapitan si Dia.

Kinapa ko agad ang pulso nito at humihinga pa naman s'ya. Ngunit, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga kamay n'ya. 

Nangingitim ito na para bang may mga ugat! 

"Shuta, nalason si Dia!" Sigaw ni Justin ng makita nito ang pangingitim sa kamay ni Dia.

Agad kaming napalingon sa taong biglang pumasok sa kinaroroonan namin at nakita ko sina tito Pabio! 

"Uncle?" Takang tanong ni Justin ng makita ito. 

"Tinawagan ako ni Nazi. Nawalan sila ng koneksyon sa inyo kaya naman nagmadali kaming pumunta dito." paliwanag nito at agad naming inakay si Dia.

Nang makarating kami sa baba ay nakita ko sila Nexus na tinutulungan ang ang iba na makasakay sa sasakyan.

Nanlumo ako sa nakita kung saan napakaraming miyembro ng Black Crystal Revolution ang wala ng buhay. Agad na lumapit sa amin sina Nexus ng makita kami nito. 

"How are you?" Nag-aalala nitong tanong sa akin at binuhat naman ni Drake si Dia at isinakay sa sasakyang dala nila.

Bumuntong hininga naman ako bago sumagot at maging si Justin din ay apektado sa pagkawala ng mga kasamahan namin. 

"Ayos lang ako. Pero- dahil sa palpak na misyon na ito.. ang daming buhay na nasayang," inis kong saad at tinapik naman ako ni tito sa balikat.

"Don't blame yourself Ezra. Walang may gusto sa nangyari.." malungkot na sabi ni tito Pabio at napilitan itong ngumiti ng bahagya para makumbinsi ako.

Pero hindi 'yon ang nararamdaman ko! Pakiramdam ko ang laki kong tanga! Nakakainis! Paano ko maliligtas si Chase kung sa mga kasamahan ko palang ang dami ng nasaktan, ang dami ng namatay!

"Bumalik na tayo sa organisasyon." saad ko at naunang maglakad.

Nang makarating kami sa organisasyon ay panghihinayang ang nakita ko sa mukha ni Commander Nazi at lungkot naman sa iba ko pang kasamahan. Ngayon lang ito nangyari, ngayon lang kami nalagasan ng ganito kadaming tao!

"Ranz, kontakin mo isa-isa ang pamilya nila at ipaalam ang nangyari." malungkot na utos ni Commander Nazi at agad namang tumalima si Ranz para sundin ang sinabi ni Commander. 

"I'm sorry, Commander." malungkot kong sabi habang nakayuko.

Wala akong mukhang maihaharap sa kanya, sa kanilang lahat! Pakiramdam ko wala akong silbi. 

"Don't be Captain, alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.." saad nito at pinunasan ang luha.

Wala ding nagsalita sa grupo nila Nexus at nakikiramdam lang sa paligid. Malalim din ang iniisip ni tito Pabio. 

"Commander!? Captain? Si Dia!!" Sigaw ng isa sa mga naka-assign na bantayan ang kondisyon ni Dia kaya dali-dali kaming tumakbo kung saan ang kinaroroonan ng kasama namin.

Nakahiga ito sa hospital bed at madaming nakakabit sa kanya. Nakita ko naman ang doctor na mukhang wala ng nakikitang pag-asa sa sitwasyon na 'to.

"I'm sorry, Commander. Pero tanging antidote lang ang makakapagpagaling kay Dia. Within five days kailangan na ang antidote dahil kung hindi ay dahan-dahang manghihina ang katawan n'ya hanggang sa mauwi ito sa pagkamatay. Mahirap mahanap ang antidote na 'yon dahil matapang na lason ang inilagay sa katawan n'ya." saad ng personal na Doctor ng organisasyon at agad akong lumapit kay Dia at hinawakan ko ang kamay n'ya.

Dia. Gagawa kami ng paraan. Lumaban ka, lumaban ka lang! 

"H'wag kang mag-alala Captain Mendivel. May kilala akong tao na may antidote na kailangan ni Dia." saad ni Commander kaya mabilis akong napalingon sa kanya. 

"Talaga? Edi papuntahin mo na s'ya dito Commander. Hindi na natin kailangan pang patagalin ang ganitong kondisyon ni Dia." saad ko pa pero para bang may pag-aalinlangan din ito.

"Nag-apply s'ya bilang doctor ng organisasyon. Ibibigay n'ya lahat ng antidote na kailangan natin at personal din s'yang mag-oopera sa mga kasamahan nating napinsala ng husto. Pero-"

"Pero ano?" Takang tanong ko ng mapahinto si Commander.

"Gusto n'yang bilhin ang kalahati ng organisasyon at isa s'ya sa mga magkakaroon ng posisyon sa Black Crystal Revolution." malungkot na sabi ni Commander at nanlumo naman ako sa narinig. 

Damn.

Bakit ba kailangang umabot sa ganito!?

Antidote lang naman ang kailangan namin sa kanya! Hindi ang buong serbisyo n'ya dito sa organisasyon! Hindi namin basta puwedeng isuko ang organisasyon sa kahit na sino.

Malalagay kami sa alanganin dahil kung sakaling pumayag kami ay makikihati s'ya sa bawat desisyon na gagawin namin! Posibleng may mga magbago sa mga rules at pwede s'yang magtanggal ng kahit na sino mang gustuhin n'ya! 

"S'ya lang ang may antidote na kailangan natin at wala ng iba pa. Kung hindi ako papayag ay mawawala si Dia sa atin, kung papayag naman ako ay manganaganib din ang organisasyon." may pangamba nitong sabi.

Napapikit ako ng mariin dahil hindi madali ang magiging desisyon na ito! Pero hindi pwedeng mamatay si Dia! 

"Kung ano man ang tingin mong desisyon na makakabuti Commander ay susuportahan kita." saad ko at agad itong lumabas ng kwarto.

Tumingin naman ako kay Dia na nag iiba na ang kulay ng balat at umaakyat na ang pangingitim sa braso. Pumasok naman si Ranz sa kinaroroonan namin at tulad namin ay malungkot din ito. 

"Nakontak mo na ba ang mga pamilya nila?" Tanong ko at mas lalong lumungkot ang mukha nito sa narinig.

"I'm sorry, Captain. Pero, lahat ng namatay nating miyembro ay walang pamilyang kukuha sa kanila." sagot nito at bumuntong hininga.

Mapait akong napangiti sa narinig. Damn, bakit ba ganito ang nangyayari!? Bakit ang lupit naman ata ng mundo!?

"Sabihin mo kay Glenn na ihanda ang crematorium." malamig kong saad at mabilis itong umalis sa harap ko.

Binitawan ko naman ang kamay ni Dia at bagsak ang balikat na lumabas sa kwarto. Nakita ko naman si Justin na mukhang planong pumasok sa loob pero napahinto ito ng makita ako. Nandoon din sila tito Pabio na nakaupo lang sa mga upuan.

"Buo na ang desisyon ni Commander. Ibibenta n'ya ang kalahati ng organisasyon alang-alang sa paggaling ni Dia." saad ni Justin at naupo rin ito. 

"Alam ko, kilala natin si Commander. Uunahin n'ya ang mga tao n'ya kesa sa ibang bagay." saad ko at pagod na naupo sa tabi ni Nexus.

Ipinikit ko ang mga mata ko at tsaka inalala ang mga nangyari. 

"Wala sanang magbago sa organisasyong ito." rinig kong saad ni tito Pabio

"H'wagag kayong mag-alala Ezra. Nandito kami para sa inyo." saad ni Zack kaya naman ay dumilat ako at tumingin sa kanila. 

"Walang mali sa ginawa n'yo. Sadyang madudumi lang makipag laban 'yang mga kalaban natin." Komento ni Flare at bahagya namang ngumiti si Drake. 

"Salamat sa inyo." saad ko at lumapit naman si Justin at niyakap ako.

"Captain? Naihanda na po ni Glenn ang crematorium," sabi ng bagong dating na kasamahan ko kaya agad akong tumayo. 

"Aalis muna ako." walang gana kong sabi at akmang tatalikod na ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. 

"I'll go with you.." seryosong sambit ni Nexus at tila ba nagsukatan muna kami ng tingin bago ako tumango.

Nang marating namin ang crematorium na ilang layo lang sa ospital na kinaroroonan namin kanina at agad na sumalubong sa akin si Glenn na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Sumisinghot-singhot pa ito dahil sa pagkamatay ng mga kasamahan namin. 

"Hayop talaga sila Captain! Napakabait ng mga kasamahan natin para lang humantong sa ganito." saad nito na inumpisahan na ang pagki-cremate sa mga katawan ng kasamahan namin. 

"Sometimes, we need to lose the small battles inorder to win a war." komento ni Nexus at napatango naman si Glenn sa narinig. 

"I'll make sure na pagbabayaran nila ang ginawa nilang 'to." malamig kong saad at nanatili lang ang mga mata ko sa lumalagablab na apoy. 

Bibigyan ko ang mga pagkamatay n'yo ng hustisya! Hindi ko hahayaang manalo sila sa giyerang sila mismo ang nagpasimula! 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.