Angel With A Shotgun Chapter 15

Commander Nazi's POV

Today I will make a decision to sell the half of company to Mr. Montague. He arrived here at o'clock in the morning. At ilang oras na ang lumipas ay nandito pa din s'ya.

May ilang tawag kasi s'yang natatanggap kaya hindi agad matapos-tapos ang usapan naming dalawa patungkol sa organisasyon. Nang pumasok ulit ito ay bahagya pa itong ngumiti at sa itsura naman n'ya ay mukha s'yang mabait. 

"I am very sorry Commander. Sana hindi magbago ang isip n'yo. Alam n'yo namang medyo busy din ako." hinging paumanhin nito at naupo sa swivel chair.

Tumikhim muna ako bago magsalita at iniabot sa kanya ang mga dapat n'yang malaman tungkol sa organisasyon. 

"I understand. Sana sa oras na nasa iyo ang kalahati ng organisasyon ay walang magbago." saad ko pa at nanatili lang ang mga ngiti sa labi n'ya. 

"Of course! Ganoon ba kasama ang tingin mo sa akin Commander? Anyway, I changed my mind. Hindi na ako mangingialam sa operation ng organisasyon pero gusto kong malaman ang bawat misyon na gagawin ng bawat grupo. After all- hawak ko na din sila. Gusto kong masigurado ang kaligtasan ng mga miyembro ng organisasyon. Hindi ako mangingialam sa mga rules and regulations, about sa members and anything. Iyon lang ang gusto ko!" saad nito at inayos ang suot na salamin.

Hindi ko alam kung talaga bang malabo ang mga mata n'ya o sadyang gusto n'ya lang magsuot ng salamin.

"Okay. Papayag ako. Kung hindi lang sana umabot sa ganitong pagkakataon, hindi ako magdedesisyon ng ganito." sambit ko pa at natawa naman ang binata sa narinig.

"I understand Commander. Minsan talaga may mga bagay na nangyayari na hindi naaayon sa plano. But it's alright, alam kong inuuna mo lang ang mga tao mo at 'yon ang  mas mahalaga." saad nito at bahagyang ngumisi.

Iniabot ko naman sa kanya ang kontrata at ang iba pang dapat n'yang pirmahan. Matapos n'yang basahin ang mga ito ay nag umpisa na s'yang pumirma sa mga papeles na kinakailangan ng pirma n'ya. 

"Thank you so much for trusting me, Commander. Hindi ko sasayangin ang tiwala mo sa akin. Asahan mong mamaya ay darating na agad ang mga antidote at iba pang gamot na kakailanganin dito sa organisasyon." saad nito at tumango lang ako bilang tugon.

Tuluyan na itong lumabas ng opisina. 

Ezra's POV

Tamad akong nanunuod ng tv kasama si Justin sa sofa, nandito kami sa bahay ngayon dahil ang gusto ni Commander ay makapag pahinga kami at makapag-isip ng maayos.

Ayoko mang pumayag pero 'yon ang utos n'ya at hindi puwedeng suwayin. I still respect him. Nagpunta din dito sina tito and as usual kasama ulit sina Nexus. Kausap ni Nexus sina mommy at daddy pati na ang dalawa kong kapatid kasama si tito at wala akong ideya sa mga pinag-uusapan nila ngayon.

May tiwala naman akong wala silang sasabihin sa mga nalalaman nila patungkol sa akin. Nasanay na din akong kasama sila at madalas na nakikita. 

"Shutaneeees! 'yang mga couple talaga unang mga namamatay sa palabas eh!" Inis na sabi ni Justin habang tutok na tutok sa palabas na pinapanuod.

Napairap nalang ako sa sobrang ingay n'ya. Nakatatlong palabas na kami pero 'yung bibig n'ya walang kapaguran sa pagdadaldal.

Kung hindi n'ya sasabihin ang buong nangyari sa palabas ang dami n'yang side comments sa kung ano-anu! 

Narinig namin ang tawanan nila mommy ng makarating silang lahat dito sa sala. Bahagya ko silang sinulyapan at ibinalik ulit ang tingin sa palabas na pinapanuod.

Napasulyap naman ako kay Nexus na nakangiti pa din kaya naman ay napakunot ako ng noo.

What's that? S'ya kasi 'yong tipo ng tao na akala mo everyday may dalaw dahil sa sobrang lamig ng pakikitungo. Tiningnan ko naman si Justin na nakasimangot at nakanguso pa habang nanunuod.

Talagang dinadamdam n'ya ang panunuod! Nagpahatid pa si mommy ng merienda dito at may kung anoanu silang pinag-uusapan na hindi ko maintindihan kaya naman ay napapakunot din ang noo ko habang nanunuod ng palabas at nakikinig sa usapan nila. 

"Don't worry Nexus. Suportado ka naming lahat!" Nangingibabaw ang boses ni mommy at para bang kinikilig pa s'ya.

Tsk, ano ba kasing pinag-uusapan nila? 

"Right, Ezra?" Si mommy ulit kaya agad akong napatingin sa kanya.

Nakita ko rin na halos lahat ata sila nakangiti at kaming dalawa lang ni Justin ang nakasimangot dito. 

"Huh?" Tanging nasabi ko nalang dahil bigla-bigla nalang akong sinasali ni mommy sa usapan nilang wala man lang akong kaide-ideya kung ano nga ba 'yon. 

"Hehehehe. Wala. H'wagag mo na nga lang isipin." kumindat pa sa akin si mommy kaya ibinalik ko ang tingin sa palabas.

"Ma'am, may bisita po kayo" saad ng guard namin ng pumasok 

"Papuntahin mo nalang s'ya dito ha?" Ani ni dad. 

Pinipilit ko pa ding mag-concentrate sa panunuod pero parang hindi ata naa-absorb ng utak ko itong palabas na 'to.

Ni-hindi ko nga alam ang title nito dahil si Justin lahat ang pumili. 

"HELLO, EVERYONE!" 

Para naman akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa narinig na boses. Agad akong napatingin sa bagong bisitang bagong dati.

Parang libo-libong kabayo ang nasa dibdib ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Sumilay sa labi nito ang isang ngiti, ngiting paborito kong tingnan noon. 

"Asher?" Naka kunot-noong sambit ni Kuya Shan at maging ang mga magulang ko ay gulat na gulat din. 

"The one and only!" Nakangiting saad nito at halata namang clueless ang iba dito.

Si Justin naman ay napahampas pa sa akin ng makita si Asher. Todo ngiti ito sa amin na animo'y model ng isang brand ng toothpaste.

Malak idin ang pinagbago n'ya simula noong huli ko s'yang nakita. Nakasuot pa ng tuxedo pero halata ang paglaki ng katawan nito, clean cut ang style ng buhok at talaga namang wala kang maipipintas. 

"What are you doing here Montague?" Pormal na tanong ni dad pero sa akin parin nakatingin si Asher.

Pakiramdam ko mapupugto na ang hininga ko sa mga tingin n'ya! 

"How about, visiting my girlfriend?" Maang nitong sabi at para bang welcome na welcome siya dito sa bahay. 

"Oh? Correction! Ex-girlfriend!" Pagtatama naman ni Cody pero ngumisi lang ito sa narinig. 

"Girlfriend, ex-girlfriend o kahit ano pa man. I'm already here, para sa akin hindi kami naghiwalay." confident nitong saad at napatayo naman si Cody sa narinig.

Napatingin din sa akin ang iba, gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko sa mga oras na ito.

Bakit? Bakit ka pa bumalik Asher!

"May I remind you na matagal na kayong tapos ng anak ko Montague. Wala ka ng babalikan pa." malamig na sabi ni dad kaya naman ay napalabi ako sa narinig.

Tumawa muna ito at para bang tuwang-tuwa sa mga naririnig n'ya. Salitan naman ang tingin nina Drake kay Asher at kung sino pa ang magsasalita. 

"Wala nga ba? We'll let's see."

Ngumisi ito bago tuluyang lumabas at pakiramdam ko doon lang ulit nagkaroon ng hangin sa loob ng bahay at puwede na akong makahinga.  

Kita ko ang inis at galit sa mukha ng dalawa kong kapatid.

Asher was my ex-boyfriend, five years na kaming hiwalay. At alam kung sapat na ang taon na 'yon para makalimutan s'ya. He's not even worth it, kung meron mang taong ayokong bumalik pa ay s'ya 'yon. 

"Gago talaga 'yon! Ang kapal ng mukha n'yang lokohin ka noon tapos babalik-balik pa dito!? Magpapakita pa sayo!" Nanggagalaiting saad ni kuya Shan at nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Nexus.

Maging sina Drake, Zach, Alexis at Flare ay nakapaskil din ang inis sa mga mukha-as if namang apektado sila. 

"He's a fucker! Ano pa bang aasahan mo sa taong 'yon!" Sabat naman ni Cody at maging si tito Pabio ay para bang na-stress sa mga nangyayari. 

"May ideya ka bang pupunta dito ang Montague na 'yon?" Tanong ni kuya Shan at sumulyap pa ito sa akin.

Sa bawat tingin nila ay pakiramdam ko parang mga scanners ang mga mata nila na anytime ay mababasa nila ang sasabihin ko pati na ang emosyon na nararamdaman ko. 

"No. I'll go upstairs." maikli kong sagot at sinigurado kong walang kahit na anong reaksyon ang mababasa sa mukha ko.

No, don't get me wrong. I am just really off-guard sa pagpunta n'ya dito, at hindi ko alam kung saan s'ya nakakuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha para magpunta dito at magpakita pa sa akin!

He's my first boyfriend and considered as my first loved. He's kind, gentleman and lovable that every girls would dream to be his girlfriend. He was my best friend back then, and our relationship last two years, two years before I caught him doing dirty things with my ex-bestfriend Vienna. 

Kasali na ako sa organisasyon noon bago maging kami ni Asher. Wala s'yang alam tungkol sa mga misyong pinupuntahan ko, maging si Vienna ay walang ideya tungkol sa organisasyong sinalihan ko.

Madalas akong busy sa organisasyon at pati na sa school dahil kailangan kong i-maintained ang grades ko noon dahil scholar ako sa unibersidad na pinasukan ko.

Masaya ako dahil napaka maintindihin ni Asher, 'yong tipong mag-aalala s'ya pero hindi namin pinagtatalunan ang mga bagay na 'yan. Bumabawi naman ako sa kanya kapag may libreng oras ako.

Aware din ang parents ko tungkol sa relasyon namin noon, hindi nila gusto si Asher dahil magka-away sa negosyo ang pamilya namin. Pinaglaban ko s'ya kila dad hanggang sa maging maayos na ang lahat. Sabay kaming nangarap sa mga bagay na gusto naming matapos.

Matalino si Asher at talaga namang walang babae ang hindi gugustuhin ang katulad n'ya at hindi naman pala exempted si Vienna sa mga babaeng gusto s'ya noon.

Hanggang sa pauwi na ako galing sa organisasyon at plano kong sorpresahin s'ya, I even bought a flowers and gift that time kasi he deserved it for being the most Mr. Understanding boyfriend.

Nang mapuntahan ko s'ya sa condo n'ya,n kong bahagya pang nakabukas ang main door n'ya at ng makapasok ako sa loob ay kitang-kita ko kung paano sila maghalikan habang hubad at para bang wala na silang pakialam sa mga taong masasaktan nila. 

Dali-dali akong umalis ng walang sinasabi parang gusto kong sumabog sa mga oras na 'yon. Nakipaghiwalay ako kay Asher kinabukasan ng makita ko s'ya sa unibersidad na pareho naming pinapasukan noon. 

Takang-taka s'ya kung bakit gusto kong makipag hiwalay pero hindi ko sinabi ang dahilan! Alam kong magsisinungaling lang siya at maghuhugas kamay at gagawa ng dahilan pero kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano nila ako lokohin.

Nalaman ng mga magulang ko ang nangyari but they'd remained silent at nagdesisyon nilang sa france ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sinigurado ng pamilya ko na hindi ako makikita at mahahanap ni Asher dahil 'yon ang hiniling ko. 

At doon ko ipinagpatuloy ang pagiging miyembro ko sa organisasyon. Mas naging malaya ang mga kilos ko dahil mag-isa lang ako doon at bihira lang ding mabisita nina mom at dad.

Palaging sinasabi ni kuya Shan na madalas pumunta si Asher noon dito para hanapin ako at gusto makipag-usap. Umabot pa sa puntong nagkasakitan sina kuya Shan at Asher- ipinakaladkad ito paalis dahil sa panggugulo.

Wala na din akong naging balita kay Vienna matapos kong umalis ng bansa at wala din akong planong maki-balita sa kanya. Minsan kung sino pa 'tong tinuring nating kaibigan sila pa pala 'yung mananakit sa atin, 'yong gagawa ng rason para madurog tayo.

Kung sino pa 'yung mga taong mamahalin natin sila 'yong dahilan kung bakit matatanong mo nalang sa sarili mo na 'ano pa ba ang kulang?' alam ko namang halos hindi kami magkasama pero sapat na ba 'yon para magloko? And worst sa tinuring mo pang kaibigan.

Kaya simula noon ay nag-focus nalang ako sa paghahanap kay Chase kesa pansinin pa ang walang kuwentang pagmamahal na 'yan tapos at the end masasaktan ka lang.

Kahit ilang beses pa s'yang bumalik sa buhay ko ay hinding-hindi ko na s'ya hahayaang makapasok sa puso ko.  

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.