Ezra's POV
Handa na ang lahat. Ngayong gabi, susugod kami sa lugar ni Alvazar. Hindi pwedeng puro depensa lang ang ginagawa namin. Handa na ang mga baril at iba pang gamit na kakailanganin namin.
Wag na wag siyang mag papahuli sa akin dahil ako mismo ang papatay sa kaniya. Palihim kaming nag plano kasama si Commander Nazi sa hide out nila Nexus. Si tito Pabio ang bahala na i-hack ang system nila.
"Banggain ang lahat ng haharang, walang ititira kahit isa..," malamig kong saad habang hawak ang riffle na matagal ko ng nabili at ngayong gabi ko palang magagamit.
"Roger, Captain!" Sabay na sabi ni Dia at Justin.
Kalalabas lang din ni Commander Nazi sa kwartong kinalalagyan ng iba pang gamit sa pakikipag laban at malamang ay pumili na siya ng natipuhan niyang gagamitin.
"Let's get it on!" Saad ni Nexus at isinuot ko na ang mask na ipinang tatakip ko sa mukha ko.
Pero wala din namang silbi iyon lalo na't aware ang demonyong iyon tungkol sa aming lahat.
Naunang lumabas si Flare at sumunod naman kami. Agad kong tinungo ang aking pinaka mamahal na MV Agusta Motorcycle na sa italy ko pa nabili. Isinuot ko ang helmet ko at tsaka sumakay dito. Tumingin sila sa akin bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan.
Nauna akong magpa andar ng motor at nakita ko sa side mirror ko na naka sunod sa akin si Nexus at Drake pati na ang iba pa. Mas binilisan ko ang pag papatakbo ng motor habang seryosong naka tingin sa daan.
"This is the biggest night for us, we'll work as one! As a team!" Rinig kong sabi ni Commander sa kabilang linya.
"Roger, Commander!" Sabay-sabay nilang sabi kaya naman ay napangisi ako.
Walang makakapigil sa aking makuha si Chase! Kahit pa ang pamilya ko. Hindi ko hahayaang masayang ang mga pinag hirapan ko, kahit pa buong buhay ko siyang hanapin ay gagawin ko basta makasama lang namin siya ulit.
Lalaban ako para kay Chase, para sa lahat ng nangangailangan! Hinding-hindi ako makakapayag na matalo lang kami ng sakim na demonyong Alvazar na iyon!
"Alam niyo na kung saan kayo pu-pwesto kapag nakarating tayo roon." rinig ko namang sabi ni tito Pabio dahil siya ang naka assign sa pag hack ng system nila.
"Anong tayo? Kami lang kaya!" natatawang sabat ni Alexis.
"Ezra..,"
Natahimik naman sila ng mag salita si Nexus. Napa higpit ang hawak ko sa manibela, ramdam ko pa din ang lamig na tumatagos sa suot kong itim na leather jacket.
"Keep safe..," aniya.
Bahagya akong napa tingin sa side mirror at napatingin sa itim na kotse kung saan nandoon siya at nag mamaneho.
"I will!" tugon ko at narinig ko naman ang hiyawan nina Drake.
"Yown oh!"
"Kami boss walang pa-keep safe?" Ani ni Alexis kaya naman ay naiiling ako.
"Shutaneeees respeto naman sa mga single!" Natatawang saad ni Justin at narinig ko pa ang pag tawa ni Dia at tito Pabio.
"Keep safe, assholes!" Malamig na saad ni Nexus at muli silang nag tawanan sa narinig.
Mahigit isang oras at kalahati din bago kami nakarating, medyo malayo din ito sa kabahayan at talagang sinadya na iyon. Halos ang buong lupain ay sakop ng malaking mansyon. Puno ng ilaw, maaliwalas at hindi mo aakalaing demonyo pala ang nakatira.
Napansin ko naman ang pag kakahati ng mansyon, apat na malalaking bahay. Sa pinaka likod na bahagi ang medyo may kataasan kesa sa tatlo na para bang naka dungaw sa amin.
Parang malalaking mga kastilyong hindi basta-basta mapapasok.
Gamit ang March X-series sniper lens tiningnan ko ang mga taong nag lalakad at nag babantay sa buong paligid. Paikot-ikot, talagang mahigpit silang mag bantay.
"Fire..,"
Saad ko at agad namang binaril nina Flare at drake na nasa bandang unahan dahil silencer ang gamit nilang baril. Sampu agad ang tumumba sa mga ito.
"I already hack the main gate system. Pwede na kayong maka pasok doon.," rinig kong sabi ni tito Pabio.
Nauna akong pumasok dahil ako ang pinaka malapit, sumunod si Nexus na nag babantay sa likuran ko. Nakita ko naman ang mga duguang kalalakihang binaril nina Flare at Drake kanina.
Kaniya kaniya na kaming pumunta sa naka assign naming lugar. Kami ni Nexus ang titingin sa kaliwang bahagi, sila Justin at Dia ay sa kanan kasama sina Zack at Alexis.
Ang gitnang bahagi naman ang naka assign kay Drake at Flare. Wala namang masyadong importante doon, ang sabi ni tito nandoon lang ang mga mamahaling gamit na tinatago ni Alvazar. Pero wala akong pakialam sa mga kagamitan niya, ang gusto kong makuha ay si Chase!
Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang mga puting tela na naka takip sa mga gamit. Wala ding nag babantay dito, puro kwarto lang din ang makikita.
Agad kaming naka rinig ng putukan sa labas, may mga hiwayan din, pero agad akong napa tingin sa itaas ng may sumigaw doon. Nagka tinginan muna kami ni Nexus at agad ding kumilos para puntahan kong saan nanggaling ang malakas na pag sigaw!
Nang maka akyat kami sa second floor ay nakita kong naka bukas ang isang kwarto. Agad akong tumakbo papunta roon! Naabutan ko naman ang dalawang lalaking pilit na hinalikan ang babae.
"Bitawan mo 'kong hayop ka!"
Agad kong hinila ang isa at binaril ito sa tiyan, nagulat naman ang kalbong lalaki at mabilis nitong kinuha ang baril na nasa higaan pero bago niya pa maikasa ang baril na hawak ay pinaputukan na siya ng mga bala sa katawan ni Nexus!
Nanlalaki naman ang mga mata ng babae at naiyak sa nangyari.
"S-Sino kayo?" Natatakot nitong tanong.
Habang naka tutok naman ang baril ni Nexus sa babae.
"Ezra! Sa kabilang kwarto ay may mga babae pa roon!" Rinig kong sigaw ni tito kaya nag madali akong pumunta roon.
Naka-lock ang pinto kaya agad kong itinutok ang hawak na baril sa door knob at kusa na itong bumukas. Bumungad sa akin ang mga buntis na kababaihan!
Sila ang mga naireport na nawawala!
"Parang awa niyo na! Tulungan niyo kami!" umiiyak nilang saad at halata sa itsura ng mga 'to ang pangangayayat.
Dali-dali namin silang dinaluhan, may iba pang dinudugo na. May iba namang karga na ang anak at walang saplot ang bata! Halos manginig ang buong kalamnan ko sa nakikita!
"Ako na ang bahala sa kanila! Hanapin mo si Chase!" Seryosong saad ni Nexus at agad naman akong tumalima.
"Captain, clear ang laboratory! Walang mga tao nandito." rinig kong saad ni Dia.
Napahinto naman ako sa pag lalakad ng may humarang na tatlong lalaki sa pinto.
"Saan ka pupunta miss?" Naka ngising sabi ng matabang lalaki habang hawak ang shotgun na baril.
"Mag laro muna tayo, bago ka umalis!" Sabi naman ng isa pa at tumawa lang ang maitim na lalaking katabi nito.
Napa ngisi naman ako at mabilis silang pinaulanan ng bala! Sabay-sabay silang natumba at nanginginig pa.
"You're heartless!" Natatawang komento ni tito Pabio, "Nexus, may isang daan pa diyan sa kaliwang bahagi. May ten wheeler truck na naka parada sa oras na makalabas kayo diyan! Iyon na ang gamitin mo!" Dagdag pa ni tito.
"The fuck!?" Imported an pag mumura ni Nexus at natawa naman ang iba.
Nag kakagulo na ang lahat.
Maraming naka handusay na katawan sa dinadaanan ko. Binabaril ko din ang bawat nakikita kong lumalaban pa!
Nakita ko rin sila Dia na nahihirapang makapasok dahil ang daming naka harang na mga lalaki at bumabaril. Kailangan naming maka punta sa pinaka likod!
"MAGANDA GABI SA INYO MGA MAHAL KONG BISITA! DADANAK MUNA ANG DUGO, BAGO NIYO AKO MAKITA MGA LINTEK KAYO!"
Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang boses ni Alvazar! Patuloy pa din ang labanan hanggang sa ang mga lalaking naka harang sa pinto ang nag desisyon na lumabas dahil ubos na ang mga bala nila!
Wala na akong pakialam kung puro dugo na ang suot ko! Desidido na akong mabawi si Chase! Kaya naman kahit isa ay wala akong pinapalampas.
Napatumba naman ako ng may sumakal sa akin sa likod at inipit ang leeg ko gamit ang malaking braso niya. Habang ang isa naman ay nasa harapan ko at plano akong saksakin.
Mabilis ko itong sinipa at kinuha ang patalim gamit ang mga paa ko. Mas naramdaman ko namang humigpit ang pag sakal sa akin ng lalaking nasa likuran ko. Kinuha ko ang kutsilyo at mabilis na isinaksak sa tagiliran niya, nabitawan naman niya ako at narinig ko pa ang malakas niyang pag sigaw!
Tinanggal niya ang kutsilyo na naka tarak sa tagiliran niya ang kitang-kita ko kung paano umagos ang dugo mula roon. Kinuha ko ang baril na bitawan ko, mabilis siyang binaril sa ulo!
Konti nalang ang naka tayo, hinihingal akong tumakbo sa loob ng bahay at madilim doon! Kahit isang ilaw ay wala!
"Tito? Kaya mo bang mabuksan ang mga ilaw dito?" Tanong ko at narinig ko pa ang pag titipa ni tito Pabio sa mga keyboard.
"Sinadya nilang i-shut down ang system diyan! Mahihirapan tayong ma identify kung ano bang meron sa bahay na iyan at kung marami pa bang mga tao! Ang apat na bahay ay iba-iba ang bawat system. Kaya naman kahit i-shut down ang isa ay hindi makaka apekto sa isang system!" Paliwanag ni tito Pabio.
"Masyadong matalino!" Saad naman ni Commander. "Nexus, anong kalagayan niyo diyan?" Nag karoon ng problema sa earpiece niya kaya ngayon lang ulit siya naka konekta sa amin
"Malapit na kami sa ospital!" Bakas ang ka-seryosohan sa boses ni Nexus at nakaramdam naman ako ng kaonting ginhawa sa narinig.
Sa wakas ay matitingnan ang kalagayan nila! Hindi biro ang pinag daanan nila at nasa maselang kalagayan pa sila. Sana lang ay maging maayos sila.
Mas hinigpitan ko naman ang hawak sa baril. Dahan-dahan akong nag lakad. Palipat-lipat ang tingin ko sa paligid, nasaan ba si Marthinie?
Biglang bumukas ang ilaw at napatingin ako sa paligid. Puno ng bangkay ang bahay! Nag kalat din ang mga dugo mula rito. Sumulpot naman sa tabi ko sina Drake, at halos lahat kami ay nandito na.
Sinensyasan ko silang umakyat sa taas at agad namang tumalima sina Zack at Drake pati na si Justin. Habang kasama ko naman sina Dia at Flare.
Dire-diretso lang kaming nag lakad hanggang sa may isa pang pinto. Nang buksan namin iyon ay bumungad sa amin ang malawak na espasyo ng hardin at sa dulo no'n ay ang isa pang bahay!
Nagmadali kaming tumakbo at nahirapan pa kaming buksan ang pinto, pero kalaunan ay nabuksan din namin ito! 10th floor buong palapag ng bahay na ito! Mas malaki at mas malawak pa ito sa mall!
Agad naman akong napa yuko ng may balang tumama sa direksyon ko! At hindi na ako nagulat sa nakita. Automatic gun ang naka kabit sa pader. Dalawang poste ang layo ko kay Dia. Wala ng ibang daan papunta sa elevator kundi sa gitna kung saan doon mismong tatama ang bala sa oras na dumaan kami.
"Captain! Mahihirapan tayong maka akyat!" Sigaw ni Dia.
Lumingon ako sa kanila at kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagod. Tagaktak ang pawis ko at ramdam ko ang hapdi ng ibang galos ko sa katawan, pero wala na akong pakialam doon!
Mabilis akong tumakbo at sunod-sunod naman ng bala ang humahabol sa akin! Narinig ko pa ang pag sigaw nila pero hindi na ako lumingon! Nang maka lapit ako sa elevator ay agad itong bumukas, sumunod naman sila Dia sa akin at maayos naman silang naka pasok.
"Tangina!"
Hingal na sambit ni Flare. Saglit akong napa pikit at umaasang mabilis kaming makarating sa rooftop!
"Ang bagal naman nito!" Komento ni Dia at sumandal.
"Walang hagdan at ito lang din ang daan paakyat!" Sabi ko naman at nag mulat ng mga mata.
"Hoy mga gunggong! Anong meron diyan!?" Tanong ni Flare.
7th floor pa!
Ito na ata ang pinaka mabagal sa lahat! Bahagya na akong napapapadyak sa sahig.
8th floor..,
Agad kong ikinasa ang baril at inihanda ang sarili.
9th floor..,
Narinig ko din ang pag kasa nila sa baril at idiniin ko ng husto ang earpiece na suot ko.
Ting!
Agad na bumukas ang pinto at mabilis kaming lumabas. Nakita ko si Alvazar na akmang sasakay na sa helicopter kaya mabilis ko itong pinaputukan ng bala pero agad siyang naka iwas!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡