Angel With A Shotgun Chapter 24

Ezra's POV

Nakauwi ako sa bahay ng maayos at hindi na ako nagpa hatid pa kay Nexus kahit na paulit-ulit siyang namimilit. Enough na iyong puyat siya sa kakabantay sa akin. Sinabihan ko rin siyang magpa hinga para naman makabawi ang katawan niya. 

Nakita ko naman sa labas pa lang ay may kausap na si daddy sa phone at seryoso ang mukha nito. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin. 

"Anak, ang sabi ng mga pulis wala silang nahanap na CCTV footage noong araw na, na may naganap na patayan doon sa main event na collaboration ng apat na companies!" bagsak ang balikat nito na para bang disappointed sa nangyayari. 

Naikwento na rin ni Dia ito sa akin na pinapa imbestigahan nga nila dad ang nangyari. They even hired a private investigators para malaman kung sino ba ang salarin sa napakaraming namatay. 

"Don't worry dad. Makakahanap rin tayo ng mga ebidensya na mag tuturo sa atin kung nga sino ba ang may kagagawan no'n!" pangungumbinsi ko rito at tumango lang ito bilang tugon. 

Pumasok kami sa loob at maging sina mommy ay seryoso din ang mga mukha. Even si Cody na puro kalokohan ang alam ay heto at hindi napansin ang pag dating ko dahil seryoso sa binabasa niyang news sa diyaryo. 

Kalat na kalat ang nangyari, kaya mukhang hindi maganda ang nangyaring collaborations nila daddy. Habang ang pamilya naman nila Nexus ay may ideya na tungkol dito. 

"We should do something about this. We are reliable sa pagkamatay ng mga taong nadamay doon!" seryoso namang sabi ni kuya Shan na halata ding frustrated ito. 

"Don't worry son. Napag kasunduan na namin na kami na ang sasagot sa mga nangyari doon. Sa ngayon patuloy nilang iniimbestigahan ang nangyari at ang nakakapag taka ay walang makuhang CCTV footage!" ani ni dad at napailing naman si mom. 

"Anyway, sweetheart.." tapik sa akin ni daddy. "Can you please do me a favor? Attend my business meeting to Mr. Montaire." saad nito kaya naman ay mabilis akong tumango. 

"No problem, dad!" sagot ko. 

Pambawi ko nalang 'to sa daddy ko kung bakit hirap na hirap sila ngayong humanap ng ebidensya. Isa pa, ay medyo okay na rin naman ang pakiramdam ko. Alam kong bago nila iniwan ang lugar na 'yon ay sinigurado nilang wala kaming maiiwang bakas. 

Mag iisang oras na 'kong nag hihintay dito sa isang sikat na restaurant kung saan ang meeting place na sinabi ni dad. On time naman akong pumunta, tama naman ang address pero wala pa ding Mr. Montaire na sumisipot. 

Hindi kaya nagka roon ng emergency? Or na traffic? Pero sa pag kakakilala namin kay Mr. Montaire ay disiplinado ito sa oras, lalo na at si dad dapat ang ka meeting niya ngayon. 

Napapatingin nalang ako sa bawat pumapasok at lumalabas sa restaurant since transparent at wall glass ito. Napatingin ako sa orasan na nasa pinaka center ng entrance. Will I still wait? 

Akmang tatayo na ako ng biglang may nag kukumahog at agad na namang yumuko. 

"I'm sorry. Mr. Montaire have an emergency. Kaya ako ang ipinadala niya dito para sa meeting!" saad nito at agad na nag angat ng tingin sa akin. 

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at bahagya pang naka nganga ng makita ako. Nagulat din ako pero pinanatili ko na walang maging emosyon. 

"S-Samantha..."

"It's Ms. Mendivel, have a sit Ms. Iscobar!" pormal kong saad at alanganin itong umupo. 

"A-Ah S-Sam, I mean Ms. Mendivel I'm sor-"

"Where's the papers?" Mabilis kong tanong at mukhang naguluhan pa ito. 

What now Vienna? I didn't expect na magkikita pa tayo dito. What a small world right? Madaming nag bago sa kaniya. Noon she used to have a short black hair. Now she looks fine with her long brown hair. 

"Papers?" Tanong nito kaya naman ay diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. 

I used to admired her back then. We used to be very closed that no one can ever break our friendship, but not until I saw her with Asher kissing each other while naked. 

"The one I need to sign after you discuss your business here.." malamig kong saad at mukha namang nataranta naman ito at mabilis na inilabas ang mga papeles na kailangan kong makita. 

Iniabot nito sa akin ang mga papeles at agad ko itong kinuha. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng papel at ibinaling ko ang tingin sa kaniya. Mukha itong kinakabahan na natatakot o ewan. 

"I think., I should cancel this meeting." 

Laglag ang panga nito sa narinig. Rumehistro agad ang gulat sa buong mukha nito at kitang-kita ko ang sakit na dumaan ng panandalian sa mga mata niya. 

"W-What.., teka dahil ba sa na-late ako? We can talk about this!" sa boses niya palang ay halatang desperada na siyang pigilan ako sa pag alis. 

"Give me a reason kung bakit kailangan pa nating ituloy 'to?" tamad akong tumingin sa kaniya habang siya naman ay nag mumukhang kaawa-awa sa paningin ko. 

"Mr. Montaire expect me to have this deal. Na makakuha kami ng kontrata sa inyo!" May halong inis sa boses nito at tumulo na ang isang luha sa kaliwang mata. 

"Well, It's not my fault kung hindi ka prepared sa business proposal na 'to!"

"Why do you need to be like this? Mag kaibigan tayo-" aniya.

Mag kaibigan? 

"Mag kaibigan tayo NOON, at hindi porket mag kakilala tayo hindi ibig sabihin no'n ay pag bibigyan na kita. You can't please anybody, kung gusto mong umangat. Wag kang susugod sa giyera na wala kang dalang bala" ngumisi ako bago tuluyang tumayo. 

Natulala naman siya sa narinig. 

"You're heartless!" Lumuluha nitong saad at binigyan ko lang siya ng isang napaka tamis na ngiti. 

"Thank you. See you around Ms. Iscobar!" saad ko at tuluyan na siyang iniwan doon. 

Sa dinami-rami ng taong pwede kong makita ngayon bakit siya pa? If she think na madadaan niya ako sa kaibi-kaibigan, she's wrong!

Heartless?

Ako? Well, she doesn't even deserve my kindness. 

Mabait naman ako sa mabait. But her? Nah. Hindi na bale na mag mukha akong kontrabida sa kwentong 'to. Hindi ko ugaling makipag plastikan sa mga taong ayaw ko, not even a fake smile. 

Agad akong pumunta sa parking lot at tanaw ko na ang sasakyan ko.

Naramdaman ko na may biglang humawak sa balikat ko at marahas akong hinila paharap. Nakita ko si Vienna na basang-basa ng luha ang buong mukha. 

She looks so wasted! 

"Sino ka para sirain ang mga pangarap ko!" Sigaw nito at halos mag labasan na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa malakas na pag sigaw. "Akala ko kaibigan kita! Pero ikaw pa ang dahilan ng pag bagsak ko! You ruin everything!" Pag wawala nito kaya agad kong iwinaksi ang kamay niya ng hawakan ako nito sa braso.

"Ikaw ang sumira sa sarili mo, wag mong isisi sa akin iyang pag bagsak mo!" Sigaw ko rito at sumakay na ng kotse. 

 Kinakalampag niya pa ang windshield pero agad kong pinaandar ang sasakyan. Nakita ko pa siyang humabol pero sa huli ay paluhod itong tumigil sa pag takbo. 

You can't do anything against me Vienna. Kung akala mo ako pa rin ang taong madali mong nasaktan noon pwes nag kakamali ka. Matagal ng namatay ang dating Ezra na nakilala mo. Wala na 'kong awa na nararamdaman para sayo. 

Hindi kita sasaktan sa paraang ginawa mo sa akin noon, at wala din akong panahong gantihan kayo sa kahayupang nagawa niyo. I learned, kaya naman lalaban ako ng patas. 

Sana lang ay ito na ang huling pag tatagpo ng landas naming dalawa, dahil sa totoo lang ayoko ng makita pa siya. Bagay lang silang mag sama ni Asher, parehong mapagpanggap! Parehong manloloko. 

Kaya ang hirap sumugal sa taong hindi mo alam kung sigurado na ba sayo! Ang hirap mag tiwala ng paulit-ulit tapos sa huli sasaktan at lolokohin ka lang. Nang dahil sa kanila mas namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng sumusuporta sayo ay totoo. 

Iyong iba may tinatagong inggit! Tapos planong ibaon ka sa lupa! Wala ng mas sasakit pa doon sa mga bagay na akala mo nasa side mo sila pero sila pala itong handa kang hilain pababa. At iyon din naman ang nangyayari sa organisasyon! 

Wala na 'kong ibang gusto kundi ang matapos ang gulong ito at makasama ulit si Chase. Wala pang ideya sina mom sa mga ginagawa ko ngayon pero sana mag tagal pa iyon! 

Agad akong napatingin sa cellphone ko ng mag ring ito. Kinuha ko ito agad at madaling sinagot ang tawag. 

"Do you have anything to do right now Captain Sierra?"

Saglit akong natigilan at mas humigpit ang hawak sa manibela at diretsong naka tingin sa kalsada. 

"I have more time, Commander!" sagot ko at mas binilisan ang pag da-drive. 

"Let's meet!" aniya at namatay na ang tawag. 

Bago ko mailapag ang cellphone ay nabasa ko na kung saang lugar kami magkikita kaya naman ay dinukot ko sa bag ang isang singsing na may recorder sa loob at sinuot. Kung ano man ang mapag uusapan namin ni Commander ay kusa itong ma re-record at pwede malipat ito sa computer. 

Wala akong mapag kakatiwalaan sa buong organisasyon sa ngayon, kung sa kabila ng lahat ay mas pipiliin ni Commander Nazi ang ama niya. Mas uunahin ko ang kakambal kong si Chase. 

Agad akong pumunta kung saang table siya naka upo, mas pinili niyang maupo sa pinaka dulo at walang masyadong tao. Naka suot siya ng sumbrero at prenteng naka masid sa labas. Tumingin naman siya sa akin ng tuluyan akong maka lapit sa kaniya. Sumenyas siyang maupo ako na ginawa ko naman. 

"I know you've doing great this past few days, you discover a lot of things but you still choose to stay with our organization. You're still doing your responsibilities.." panimula nito at halata ang pagod sa kaniyang mukha. 

Everytime I look at this man, alam kong sukong-suko na siya. Ayokong mag doubt sa kaniya! He's my father's best friend since then. 

"Commander..."

"Ezra.., ang papa! S-siya ang simula ng lahat ng ito! Binuo niya ang organisasyon pero plano niya ring sirain iyon! Napaka walang hiya niya! Niloko niya tayo. Tayong lahat!" galit nitong sabi pero wala namang nakaka rinig sa amin. 

Awa, iyan ang una kong naramdaman ng marinig ko iyan kay Commander Nazi. Pakiramdam niya ay pinag trayduran siya. Wala akong masabi. Nakonsensya ako dahil sa kawalan ng tiwala sa Commander namin. 

"Alam ko na ho iyan, Commander!" Tugon ko at marahan itong tumango at pinunasan ang luha. 

"You know what is more painful? Iyong babaeng plano kung pakasalan noon...nasa kaniya ngayon!" halos bulong na nitong saad at napakurap ako dahil sa narinig. 

"She choose my father over me!" malamig nitong saad. 

"C-Commander..."

"Desidido na ako. Desidido na akong talunin sila sa kahit na anong paraan. Ayokong sayangin ang buhay ng mga buhay ng kasamahan nating nawala para lang hayaan sila sa kasamaan nila!" the rage on his eyes. 

Sa pag kakataong ito pakiramdam ko panibagong Commander na ang kaharap ko. 

"We're here Commander. Handa kaming tulungan ka, at palagi akong magiging handa para mabawi si Chase sa kaniya!" seryosong saad ko at maging siya ay tumango mula sa narinig sa akin. 

"Kailangan na nating kumilos. Ayokong pag usapan ang mga plano sa Organization. Sa tingin ko marami siyang taong inilagay doon para malaman ang mga gagawin natin.." aniya.

Iyon din ang plano ko. Mas mabuti ng kami lang ang nakaka alam. Dahil mas mataas ang tyansang masabotahe na naman kami sa mga misyon!

"Tama ka diyan, Commander. Kailangan din nating malaman kung sino-sinu nga ba ang mga tauhan ni Com-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita ulit ito. 

"Don't call him that way. Hindi niya deserve ang tawaging Commander matapos ng lahat ng ginawa niya." Saad nito at naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin

"Pipigilan natin si Alvazar, Commander Nazi!"

"At mababawi natin si Chase. Maililigtas natin ang lahat at mawawala sila sa landas natin. Kung ano pa man ang magiging plano nila ay kailangan nating maunahan sila sa lalong madaling panahon!" Napatingin naman ako sa paligid.

Sinisigurado kong walang nakaka rinig sa amin. Sunod-sunod na problema ang dumarating pero alam kong makakaya namin 'to. 

Marami pa kaming napag usapan ni Commander Nazi bago kami nag pasyang umuwi. Gusto niya pang maihatid ako pero ako na agad ang tumanggi dahil kaya ko naman. Sinabi rin niyang naka usap niya rin si dad ngayong araw bago ako at inalok siya nitong maging parte ng negosyo nila. 

Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa mga susunod na araw at wala na ring kasiguraduhan ang mga kaligtasan namin, lalo na ng bawat pamilya namin. Pero hangga't kaya ko ay gagawin ko ang lahat para lang mapigilan ang kasamaan nila. 

Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan naming lahat!

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.