Angel With A Shotgun Chapter 27

Ezra's POV

Balik normal na naman sa gawain dito sa organisasyon, dahil hawak namin si Ranz si Commander na rin ang gumawa ng excuse in-case na hanapin siya ng mga executives. Patuloy pa din sa pag operate ang organisasyon kahit na alam naming may mataas na posibilidad na may tauhan pa dito si Alvazar. We should be careful this time lalo na't may nakakalat na mga tauhan. 

"Anong nangyayari?" Tanong ni Dia.

Kasalukuyan kaming tumatanggap ng call operation ngayon, at si Dia ang naka assigned sa phone calls. 

"Okay, give me your exact location.., okay. Just calm down, and we will going to save you right now!"

Nang mai-send ni Dia sa amin ang exact address ay mabilis kaming pumunta doon! Kasama ko si Justin. Si Lance naman ang may dala ng mga ibang gamit para sa pag rescue! 

"Kaya ba ng five minutes, Captain?" Tanong ni Dia sa kabilang linya at mas binilisan naman ni Justin ang pag da-drive. 

"Shuta, kaya 'yan syempre!" Nakangising saad naman ni Justin. 

Isinuot ko na ang mask para walang makakita sa mukha ko, pati ang cap! Ganoon din ang ginawa ni Justin at Lance. 

"We're here." Seryosong saad ko at agad na bumaba sa sasakyan ng mai-park na ni Justin ang sasakyan. 

Sumunod din si Lance at dala ang first aid. Nang makarating ako sa tapat ng elevator ay ang tagal bumukas kaya naman agad akong pumunta na hagdan at patakbong umakyat sa hagdan. 

"10th floor pa, Captain!" rinig kong sabi ni Dia

"Sa ibang way kami Cap!" Saad ni Lance.

"Bahala kayo kung saan kayo masaya..," malamig kong saad at nag tawanan naman sila. 

[Alright, darating si Captain Sierra para iligtas ka diyan. Just make sure na mapag bubuksan siya!] 

Tuloy-tuloy lang ako sa pag akyat ng marating ko ang 10th floor, walang mga tao sa hallway kaya naman convenient sa amin ang pag kakataong ito. 

"Room 506, Captain!"

Nag lakad pa ako at tinitingnan ang bawat kwartong na dadaanan. Napansin ko rin ang CCTV na naka tutok sa dinadaanan ko pero ipinagsawalang bahala ko ito. Huminto ako ng makita ang room 506. 

Kumatok ako sa pinto, may katagalan bago buksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae. Hindi ito masyadong katangkaran, medyo mapayat din ito at kayumanggi ang kulay. Hanggang balikat ang kaniyang buhok. 

"Ano!? Dumating na ba yung order ko ha, lily!?"

Malakas ang boses ng lalaki at tumango naman sa akin ang babaeng nag ngangalang lily at iyon ang naging hudyat para pumasok ako sa loob. Napatayo naman ang lalaki at mabilis na lumapit sa akin. 

"Nasaan na order ko ha!?" Sigaw nito at mabilis akong itinulak. 

Hindi naman naging sapat iyon para matumba ako. 

[Lily! Get out now!] Sigaw ni Dia kaya naman ay mabilis na lumabas ng unit si Lily at mabilis ko namang hinarang ang lalaki. 

"Lily!"

Agad ko itong sinuntok sa dibdib pero mabilis itong gumanti kaya naman ay agad akong umupo at mabilis itong pinatid. Agad itong natumba sa sahig at sinipa ako. Napaatras naman ako at binato niya sa akin ang isang mug. Mabilis ko itong iniwasan at hinugot niya sa tagiliran ang naka tagong baril. 

"Hayop ka, lily!"

Kinasa niya ang baril at mabilis na nagpa putok sa direksyon ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya at mabilis na sinipa ang baril na nasa kamay niya. 

[Lance! Ikaw na ang bahala kay lily!]

Mabilis kong hinablot ang kamay nito at pinihit patalikod, narinig ko ang pag sigaw niya pero wala na akong pakialam. Kinuha ko ang isang kamay niya at ipinag dikit iyon tsaka ko ipinosas. 

"Sino ka bang hayop ka!"

Hindi na ako nag abalang sumagot dahil narinig ko na ang wangwang ng mga pulis! 

"Captain! May mga pulis na sa hallway!"

Natatarantang saad ni Dia at akmang lalabas ako pero agad din akong napapasok sa loob ng di oras dahil may iilang mga pulis na ang papunta dito. 

Mabilis akong pumunta sa bintana at walang pag aalinlangang tumalon. Pinindot ko ang blue button na naka kabit sa braso ko at mabilis na lumabas ang parachute. Dahan-dahan akong bumabagsak pababa. Pinindot ko naman ang black button sa bandang balikat ko para wala ng maka pansin sa parachute sa pag baba ko. 

Mabilis kong tinungo ang parking lot at nakita ko pang nag kakagulo ang mga tao. May iilang pulis din ang humabol.

"Shutaneeees, Captain!" Sigaw ni Justin ng maka sakay ako sa sasakyan. 

Mabilis niyang pinaandar ito, napapatingin ako sadaan at tsaka tinanggal ang gloves na suot ko. 

"Good job Captain!" Bati ni Dia at napasimangot naman si Justin.

"Hoy, barbielat! Bakit si Captain lang!?" Inis nitong tanong at narinig ko ang pag halakhak ni Dia sa kabilang linya. 

"Gaga! Wala kang dulot remember?" Bakas sa boses nito ang pang aasar at nag roll eyes naman si Justin. 

Nang makarating kami sa organization ay agad akong pumunta sa opisina. Tambak na naman ang mga papeles dito at galing sa executives. Nasaan daw ngayon si Ranz, at kung ano ang ginagawa nito. Bakit raw biglaang nawala etc. 

Itinabi ko iyon at binuksan ang data ng organisasyon, as of now medyo naging maayos naman ang mga takbo ng misyon. Naka balik na rin ang team na pumunta sa ibang bansa para sa ilang importante misyon. Nakapag padala rin galing france ng mga bagong gamit. 

Sa ngayon may mga gamot na nagawa si Asher, napag desisyonan ng ibang mataas na posisyon na mas pag aralan ito ng mabuti, lalo na't plano niya itong ilabas ng bansa at doon unang ibenta ang mga gawa niya. 

Naka lagay naman sa contract nila na pwede siyang gumawa ng gamot at ibenta. Basta walang pwedeng maka alam kung anong koneksyon niya sa organisasyon.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa kaya naman mabilis ko itong kinuha. Nakita kong unregistered number ang tumatawag, nag alangan pa akong sagutin ito pero sa huli ay naisipan ko pa ding sagutin. 

Baka importante. 

"Hello, Ezra?"

Awtomatikong napa taas ang kilay ko ng makilala ang tumawag. Paano naman nito nalaman ang number ko?

"Yes, Asher?"

Speaking of the devil, right? Sa pagkaka alam ko wala siya ngayon sa organisasyon, at wala akong pakialam kahit na hindi na siya magpa kita pa. 

"May urgent kasi.., It's about the organization, nag set ng meeting si Mr. Alejandro ang isa sa mga mag aaproved ng gamot na ginagawa ko. Since busy si Commander Nazi and you have the second highest rank in the organization I hope it's fine with you kung ikaw ang witness sa usapan namin." aniya.

Bahagya akong napaisip at napa buntong hininga. May times na parang ayoko nalang maging Captain dahil ito ang reason na madalas kaming magka sama ni Asher sa isang bagay. 

Tamad akong napatayo at isiniksik ang cellphone sa bulsa. Nai-send na rin niya ang location kung saan daw sila mag mi-meeting ni Mr. Alejandro. 

Bago pa man ako maka labas ng opisina ay muli na naman tumunog ang cellphone ko kaya inis ko itong kinuha at sinagot ang tawag. 

"Ano na naman ba!?"

Inis kong tanong, bakit kasi kailangan paulit-ulit pang tatawag. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa at baritonong boses. 

"Why so angry? Kakatawag ko lang naman!" aniya.

"N-Nexus.., sorry, akala ko kasi-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng marinig ko na mag salita siya ulit. 

"Are you busy?"

Napaisip naman ako sa tanong niya, hindi naman ako busy diba? 

"Hindi naman masyado, bakit?" Tanong ko at naupo muna sa sofa. 

Kamusta naman kaya ang apat na baliw? Mukhang hindi niya kasama ang mga 'yon dahil tahimik sa lugar niya. 

"Aayain sana kita, I mean..,uh-damn!"

Napangiti ako sa narinig dahil halatang frustrated siya. 

"Mamaya pa ba? May lakad kasi ako ngayon." saad ko at saglit itong bumuntong hininga.

"Ngayon sana, but it's alright. Marami pa namang ibang araw!" 

Ibinaba na nito ang tawag at nag kibit-balikat nalang ako. Agad na akong dumiretso sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Hindi na ako nag abala pang mag palit ng damit dahil hindi naman iyon special. 

Nang makarating ako sa isang mamahaling restaurant ay agad akong dumiretso sa receptionist. Ngumiti naman ito sa akin ng makita ako bago mag tanong. 

"Do you have a reservation ma'am?"

"Yes, Kay Mr. Montague."

Nakita ko ang pag laki ng ngiti nito at tsaka tumingin sa computer data. 

"Oh, alright. This way ma'am!"

Sa dami ng tao dito sa restaurant, mukhang hindi naman lugi ang may ari nito. Maganda din ang uniform ng mga nag tatrabaho rito. Maayos, malinis at mabango ang lugar. Iniwan na ako ng babae at nag patuloy naman ako sa pag lakad. 

Bumungad sa akin ang puro rose petals na paligid. May iilan din namang nandito pero patuloy lang ako sa pag lakad hanggang sa makarating ako sa lamesa kung nasaan si Asher. Naka tayo ito at naka ngiti sa akin. 

"Have a sit!" untag nito at mas lalong ngumiti.

"What is the meaning of this?" 

Ipinahalata ko ang irita sa boses ko, nanatili akong naka tayo kaya naman ay lumapit siya sa akin at pina upo ako. 

May kandila, wine at mga pag kain na para sa dalawang tao lang. 

"Can you just calm down and relax? Let's enjoy the view, babe!"

Hindi pa man ako kumakain ay gusto ko ng masuka. 

Babe? 

Disgusting! 

"You're just wasting my time Asher, I should have spend my time with something important." Malamig kong sabi.

Nakita ko agad ang sakit na dumaan sa kaniyang mga mata, pero pinanatili niyang naka ngiti sa harap ko. 

"May kulang pa ba? I'm a grown up man now Ezra, I can give everything to you. The love and everything you wanted! I don't understand you. Bakit ba lagi mo akong tinutulak palayo? Ikaw ang nang iwan sa ating dalawa, but damn! ako 'tong nag hahabol sayo!" Ramdam ko ang hinanakit niya. 

Gusto ko siyang sampalin ng maraming beses hanggang sa mapagod ako! Gusto ko siyang sumbatan sa mga nagawa niyang panloloko sa akin noon! Pero worth it pa ba? Kahit pa anong gawin niya wala ng mag babago. 

"I'll go ahead." walang emosyon kong saad at tumayo. 

"I'm going to court you again! Until I'll make you mine!"

Saktong pag tayo ko ay nakita ko si Nexus, seryosong naka tingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at pakiramdam ko kitang-kita niya ang kaluluwa ko dahil sa paninitig niya. 

Agad itong lumabas at hindi ko alam kung bakit ba pakiramdam ko ay naka gawa ako ng malaking kasalanan. Feeling ko, niloko ko siya sa hindi malamang dahilan. Binilisan ko ang pag lalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Wala akong nakitang mga tao, wala rin siya dito. 

"Umalis na ba siya?"

Wala sa sarili kong tanong.

Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at akmang sasakay na ng may biglang humala sa akin at tinakpan ng mabilis ang aking bibig. Mabilis ako nitong isinadal sa pader at iniharang ang dalawang braso para hindi ako maka alis. 

"Nexus!"

Tanging nasambit ko ng makita ko ang seryoso niyang mukha. 

"I thought you would do something important.." 

Hindi iyon tanong! Naka titig lang siya sa akin at pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko sa mga oras na to! 

"You got it wrong, Nexus! Ang sabi-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang ako nitong hinalikan! 

Nanlalaki ang mga mata ko habang magka lapat parin ang mga labi namin. Naka pikit lang siya, habang ako ay parang hindi na maka hinga!

Pakiramdam ko biglang rumupok ang mga buto ko! Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko 'yon nalang ang tanging naririnig ko sa mga oras na 'to! 

"That's your punishment for making me jealous!" 

Nananatili akong hindi gumagalaw! Sumakay na ito sa motor niya at mabilis na pinaandar 'yon!

Napalunok ako ng maraming beses dahil sa nangyari! 

Damn! 

First kiss ko to!!

"HOW DARE YOU!" Malakas kong sigaw at agad na pumasok sa kotse. 

Damn, baka naman may naka kita sa ginawa niya!?

Nakaka hiya! 

At Oo uulitin ko, first kiss ko to dahil hindi naman kami nagka roon ng time ni Asher noon para sa kiss thingy na iyan! Kaya siguro hindi na siya naka tiis at si Vienna na ang hinalikan! 

May hindi ako maintindihan sa sarili ko! Hindi ko alam kung galit ba ako o ano!? Naiinis ako na ewan!

Urgh! Ganito ba ang epekto ng kiss!? 

Everytime na pipikit ako ay mukha ni Nexus ang nakikita ko! Nababaliw na ata ako! Yung tibok ng puso ko hindi na normal! Dapat ba magpa check up na 'ko?

Dumiretso na kaya ako ng ospital? 

Kainis!

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.