Angel With A Shotgun Chapter 28

Ezra's POV

Nang makarating ako sa bahay ay pagod akong naupo sa sofa, napatingin naman sa akin si Cody at talagang tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

Ano na naman kayang problema ng isang 'to?

"Kakauwi mo lang naka busangot kana naman!?" Puna nito at sinamahan pa ng iling-iling.

Napairap nalang ako dahil ayan na naman siya. Umandar na naman ang pagiging pakialamero! 

"Required bang kada uwi ko nalang ang dami mong side comments?" Inis kong sabi at ngumuso naman ito.

"Anyway, nang galing kanina dito si Nexus-"

Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa narinig, nakita ko naman agad ang pag tataka sa mukha ni Cody. 

"T-Teka, Galing siya dito? Bakit naman daw?" Tanong at saglit na pumikit. 

Wag niya lang talagang ma-kwento kwento sa pamilya ko ang ginawa niya kung hindi malalagot siya sa 'kin! 

"Ahh, kasi may pinatawag siya ni dad.," kaswal nitong sagot at para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa narinig! 

Ano nalang ang magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nalaman nilang hinalikan ako ng taong 'yon!

Nakakahiya! 

"Nga pala, wala sina mom and dad. Nasa business trip sila, si kuya Shan naman nasa Canada habang ako susunod kila mom dahil may mga pinapa hatid silang papers. Pinapasabi nila na ikaw muna ang bahala sa company, nandiyan naman daw si Mr. Alfonso para i-update ka sa mga plano this week ng company." Lintaya nito at agad na tumuyo at pumunta sa labas. 

Si Dia nalang kaya ang papuntahin ko sa company?

Kaso, alam kong busy din siya ngayon kaya sige.., ako nalang!

Alas-sais palang ng gabi ay tapos na akong kumain.

Maaga ring natulog si Cody dahil bukas daw ang alis niya at bukas rin ang umpisa ko sa company. May alam naman ako kahit papaano, but I think kakailanganin ko ng husto si Mr. Alfonso. 

Si Mr. Alfonso ay ang secretary ni dad, he trusted him that much and matagal ng kilala ng family namin ang mga Alfonso. Halos si dad at Mr. Alfonso na ang magka sangga sa lahat. Kaya I know that I can trust him too. 

For sure, kung ano man ang mga plano ng company for this week ay alam na ni dad iyon. Mag mula sa mga taong involved at mga activities. He has eyes everywhere in the company,  kaya naman I must say na iniingatan ng bawat isa ang posisyon sa company. 

Maaga palang ay ready'ng-ready na ako sa pag punta roon. Nai-suot ko na din sa wakas ang regalo pa sa akin ni mom last year ago na business attire.

She would be glad na makita 'tong suot ito. I even check myself in the mirror bago ako lumabas ng kwarto, nag lagay din ako ng light make-up para naman once for a while bago maabutan ng expiration date ang mga make-up ko na si mom pa ang bumili ay magamit man lang. 

Aminado akong pagdating sa family, si mommy ang pinaka gastosera. Sumunod si Cody at kuya Shan. Next si dad and last ay ako! I wonder how my dad managed my mom being the gastosera queen!

Sa tatlong buwan, she can spent one to two million, just that quick! But knowing my dad he love to spoiled my mom too.

No one can resist the queen of Mendivel! 

Nang makarating ako sa company ay halos gulat na gulat naman sila dahil sa akin. They start looking at me intently, hindi ko alam kung bakit karamihan sa mga tao sa company ay ganito.

Tsk. 

You know, I really hates attention and people. I'd rather sleep all day than doing this thing but I don't have a choice! Diba? 

'It's Ms. Ezra! Gosh, she's so beautiful!"

'Hindi naman 'to surprise kasi nainform naman tayo ni sir kaso super ganda kasi 'no?'

'Hay, sana dito nalang talaga siya mag work!'

'I like her, bukod sa maganda hindi katulad ng ibang anak mayaman na todo flex at pang hahamak!'

'Pwede mo 'kong maging carpet Ma'am Ezra!'

'Pangarap ko nalang ata maging sahig!'

Iyan na naman yung pag chichismisan nila at bulungan na rinig naman.

Really nigga?

Napailing nalang at mabilis na naka punta sa opisina. 

Naupo ako sa swivel chair, at tiningnan ang bawat papeles na naka lagay dito sa table. Opisina ko talaga ito, ipinasadya ni daddy at mommy. Maging sina kuya Shan at Cody ay meron din. Gusto kasi nilang maramdaman na welcome na welcome kami dito anytime. 

May kumatok naman sa labas kaya napahinto ako sa pag buklat ng mga papel. 

"Come in!"

"Good morning young lady, masaya akong nandito ka ngayon. Ipapaalam ko po sa inyo na may meeting po kayo-"

"Mr. Alfonso?" Tawag ko rito at ibinaba ang papel na hawak.

"Y-Yes po ma'am?" May tanong sa mukha nito ng tumingin ako sa kaniya. 

"Can you please stop that? That 'PO' and young lady blah blah. Hindi magandang pakinggan!" saad ko at narinig ko pa ang pag bumuntong hininga siya. 

"Okay, Ms. Ezra. As I was saying, you will have a meeting to Atkinson Corporation, Montague group and Montaire Company" 

Napahinto ako sa narinig, hindi naman siguro si Nexus ang pupunta hindi ba? 

"Ang mga CEO naman ang makakausap ko hindi ba?" Nag aalangan kong tanong at mabilis naman itong tumango. 

"Yes, Ms. Ezra!" tugon nito at tumango nalang din ako. 

Marami pa siyang sinabi patungkol sa magaganap na meeting mamaya. It's all about the orphanage, every year kasi ay may roong event na nagaganap para sa mga bata.

Nag bibigay sila ng regalo at pag kain. Iyon din daw ang pag uusapan mamaya. Umalis na rin ito dahil may iba pa siyang gagawin, If I have more questions pa raw tawagan ko nalang siya after the meeting. 

Well, as far as I remember ang Atkinson lang ang kasama namin noon patungkol sa bagay na iyan. But since nag do-donate din doon ang Montaire at Montague ay naisip ng head ng orphanage na bakit hindi nalang daw pag samahin ang apat na kumpanya. 

Iisa lang naman daw ang layuning maka tulong at makapag pasaya sa mga bata at matanda. At first my dad was hesitant that time, magka away ang Montague at Mendivel noon, but for the sake of our relationships back then they'd decided na maging isa na nga lang. 

Kahit na nagka hiwalay na kami ni Asher kahit papaano ay naging maayos naman at hindi na naapektuhan ang hinahawakan nilang negosyo. Since wala naman dito si Nexus wala akong dapat na ipag alala. Iiwasan ko nalang siya for the mean time, isa pa hindi naman kami madalas na mag kasama ah?

Not unless kung si tito Pabio na ang magpapa tawag sa akin.

"Ms. Ezra, mag uumpisa na ang meeting!"

Tumayo na ako dala ang mga papers na ibinigay ni Mr. Alfonso kanina. Agad akong pumunta sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si-

Vienna.

Asher at 

Nexus?

Ano 'to prank ganoon?!

Nilingon ko si Mr. Alfonso at agad itong lumapit sa amin. Umupo ako sa pinaka gitnang upuaan, habang sina Asher at Vienna ay nasa kaliwa at mag katabi. Si Nexus naman ang nasa kanan at matamang naka tingin sa akin. 

"Sila po ang kasalukuyang aattend ng meeting ngayon Ms. Mendivel. Ang sabi sa akin ng bawat CEO ng company ay sila din ang makakasama mo hanggang sa matapos ang project para sa orphanage. Ngayon lang din nila ipinaalam sa akin." paliwanag nito at lumabas na. 

Apat nalang kaming nandito, mataman silang naka tingin sa akin at tamad kong sinulyapan kung saan naka pwesto si Vienna, her looks are better this time than the last time we've meet. 

"So, I guess maybe we should start this meeting with the introduction of ourselves?" Tamad kong saad at sa tingin ko ay sumang ayon sila doon. 

"Hi everyone, especially to you Ms. Mendivel. I am the representative of Montaire's Company!" maarteng saad ni Vienna at tsaka naupo. 

"I am the heir of Montague group. Please to meet you everyone!" ani ni Asher.

"Creed Nexus Atkinson, The billionaire!" malamig nitong sabi at matalim na tingin naman ang ipinukol ni Asher sa kaniya. 

Nakita ko naman ang malagkit na tingin ni Vienna kay Nexus kaya naman ay napairap nalang ako sa kawalan. Kahit saan talaga malandi ang isang 'to! 

"Do you date someone right now Mr. Atkinson?" Malanding tanong ni Vienna pero ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Nexus at sa akin parin ito naka tingin. 

"Well, as of now I'm trusting the process of courting Ms. Samantha Ezra Mendivel."

Bulgaran ang pag kakasabi niya at walang pag aalinlangan. Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Vienna at maging si Asher ay mukhang hindi natuwa sa narinig. 

"The fuck you're saying!?" Inis na tanong ni Asher kaya naman ay naka ngisi siyang hinarap ni Nexus. 

"I'll make her mine and you can't do anything about it. You lost her, and you will never ever win her back!" Malamig ang pag kakasabi ni Nexus. 

Iyon ang naging hudyat para hawakan siya sa kwelyo ni Asher. Malakas na napa sigaw si Vienna ng masuntok si Nexus sa mukha at mabilis niya namang ginantihan ng suntok si Asher! 

"Stop it!"

Malakas kong sigaw pero para silang mga bingi! Patuloy sila sa pag susuntukan at pati ang ibang gamit dito ay nadadamay na! 

"You asshole! She love me! I know it! Bakit ba pilit mo siyang inaagaw!?"

Malakas na sigaw ni Asher pero bago pa siya naka bangon ulit ay nasuntok na naman siya ni Nexus! 

"She doesn't love you anymore, shithead! You're not the man she even deserve!" Sigaw din ni Nexus at patuloy sila sa sigawan. 

"Fuck you! And whom she deserves then!? YOU!! Goddamit!"

"Tumigil na kayo!" Sigaw ko.

Mabilis kong kinuha ang tablet at ibinato iyon sa babasaging table! Napahinto sila sa narinig. Inis na inis akong tumingin sa kanila. 

"I am so disappointed with the two of you! Paano kayo naging business tycoon kung ganiyan ang mga asal niyo!" Sigaw ko at mukha naman silang natauhan at mabilis na nag layo. 

Puro dugo ang mga labi nila at magugulo ang buhok. Lumapit naman sa kanila si Vienna at isa isa silang chineck, para-paraan din ang isang 'to! 

"Mag usap nalang tayong apat kapag malamig na ang ulo niyong dalawa!" Inis kong saad at tumalikod. 

Dumating naman sina Mr. Alfonso at agad na nilapitan ang dalawa, nakita ko naman ang pag hawi ng kamay ni Nexus kay Vienna ng akmang hahawakan siya nito. 

Buti nga sayo! Masyado kang papansing babae ka!

"Ezra!"

Rinig kong tawag ni Nexus pero hindi na ako lumingon pa. Dire-diretso lang akong nag lakad at agad ako nitong hinablot sa kamay. 

"I'm sorry." Anas nito. 

Pero mabilis akong tumalikod, humarang naman siya agad sa dadaanan ko at mabilis akong niyakap. 

"Come on, I'm sorry.."  

Ramdam ko ang malalim niyang pag hinga, hinawakan ako nito sa ulo at hinalikan sa noo. Ako na mismo ang kumalas sa pag yakap at matamang tumingin sa kaniya. 

"Bakit kasi kailangan mo pang sabihin iyon?

"Why? Do you think hindi ako seryoso sa sinabi ko? I'm damn serious Ezra. Gusto kita! at lunod na lunod na ako sayo!" 

Diretso siyang naka tingin sa mga mata ko, wala akong makita sa mukha nito ng kahit na anong pag bibiro mula sa sinabi. Bumuntong hinga ako bago siya nilagpasan. 

"Ngayon lang iyan, Nexus! Baka masyado ka lang nabibigla or na o-overwhelmed sa presensya ko. Mawawala rin iyan Nexus!" saad ko at muli siyang nilingon. 

Nakita ko ang pag daan ng sakit sa kaniyang mga mata, mas pinili ko nalang na umalis kesa ang manatili na kasama siya. Mahirap na namang sumugal, baka naman kasi nabibigla lang siya? O baka natatapakan ang ego niya. 

Ang hirap na namang ipagkatiwala ang sarili mo sa ibang tao. Ayokong masaktan ulit dahil lang sa lalaking pinili ng puso ko. 

Ang hirap mag umpisa sa ibang tao, pero naguguluhan ako pag dating kay Nexus. Dahil parang ang dali lang ng lahat kapag siya yung nandiyan. Ayokong mag padalos-dalos sa desisyon ko. 

Ayokong pareho lang kaming masaktan dahil sa mga maling desisyon namin. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.