Ezra's POV
Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang party na naganap sa orphanage. Balik trabaho na rin ako sa organisasyon dahil nakabalik na sina mom at dad galing sa business trip nila.
So far, natuwa naman si dad sa naging performance ko sa company dahil tumaas ng 5.1 billion ang kinita within three weeks. He even offered me last week na ako na ang mag manage ng business sa America pero tinanggihan ko na 'yon.
I need to focus sa paghahanap kay Chase, hindi rin namin makausap si Marthinie. Patuloy pa din ang organisasyon sa pagtanggap ng daily calls and missions.
Kasalukuyan akong nakatingin sa laptop ng bigla itong magkaroon ng dot na pula! Natabig ko pa ang mug na nasa mesa at agad akong napatayo.
"Pampanga?" Usal ko at agad na lumabas!
Nakita ko namang palapit sa akin si Dia dala ang ibang papeles.
"Captain, may kai-"
"Alam ko na kung nasaan sila!" Saad ko at nanlaki naman ang mga mata ni Dia sa narinig.
"Teka? Sure na ba 'yan Captain?" Paninigurado nito at mabilis akong tumango.
Hindi pa nakakabalik si Commander Nazi! Ang sabi n'ya sa huling message n'ya sa amin na okay lang s'ya at within a week ay makakabalik rin. Wala din ngayon si Asher dahil may aasikasuhin raw itong importante kaya naman ay mukhang ako nalang muna ang pupunta roon.
"Teka Captain! Hindi pwedeng mag-isa ka lang doon!" Saad ni Dia at muli akong pumasok sa loob ng opisina para kunin ang susi ng motor.
"Hindi ko kayo hahayaang sumama Dia!" seryosong saad ko at naabutan naman kami ni Justin.
Nagtataka pa ito dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan naming dalawa.
"Shuta! Anong nangyayari?" Usisa nito ng makalapit sa amin.
"Na-track ni Captain ang device ni Marthinie!" ani ni Dia.
Katulad ng reaksyon nito kanina ay ganoon din ang kay Justin.
"Oh? Shuta! Tara na!" Saad nito at hinila pa kaming dalawa ni Dia.
"Ako lang ang pupunta doon!" Giit ko at mabilis itong napalingon sa akin.
"H'wag gano'n Cap! Tatlo tayo! Nandito naman si Lance, I'm sure na kaya n'yang i-manage itong organization.,"
Sa huli ay wala na rin akong nagawa. Ibinilin din namin kay Lance na h'wag sabihin kung saan kami pupunta. Gamit ang motor ko ay mabilis akong sumakay dito. Magkasama naman sina Justin at Dia sa isang sasakyan. Suot din namin ang earpiece namin para makapag-usap kaming tatlo.
"Teka Captain? Paano naman sila fafa Nexus? Wala ka bang balak sabihin sa kanila 'to?" Tanong ni Justin.
Narinig ko pa ang pagkasa ng baril sa kabilang linya at mukhang inihahanda na nila ang gagamitin kung sakaling malaman ni Alvazar na nahanap namin sila.
"Wala akong planong sabihin." saad ko at mas binilisan ang pagpapatakbo ng motor.
Ayoko munang masali sila dito, minsan naiisip ko na bakit bigla nalang kaming nagdikit ng ganoon kabilis at nasali na sila sa gulong ito.
Nagbabadya din na mukhang bubuhos ang malakas na ulan mamaya, pero hindi na importante 'yon. Kailangan kong makuha si Chase at maging si Marthinie.
Mahigit llang oras din ang inilaan namin sa pagbyahe. Nandito kami sa paanan ng bundok arayat, pero hindi dito mismo ang location dahil kailangan pa naming umakyat ng bundok. Gamit ang dalang silencer na kanina pa nakahanda ay inumpisahan na naming umakyat.
Magubat ang daan at hindi patag. Wala na ding masyadong nakatira dito na mas maganda dahil walang madadamay sa gulo.
Matalino talaga ang hayop na Alvazar na 'yon!
Napansin ko ang ilang lupa na para bang sinadyang hukayin. Sumenyas akong huminto sila sa paglalakad at dahan-dahan akong naupo. Tiningnan ko kung ano ang nasa ilalim ng lupa at nagulat ako sa nakita.
"CR-38 landmine.," saad ko at tumayo.
Sabay namang napamura si Dia at Justin dahil sa narinig.
This bomb can kill anyone, kung sakaling matapakan ito, I'm pretty sure- anyone who will step in to that landmine will be dead in any minute.
"Be careful. Tingnan n'yo ang daan!" saad ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaka gitna, malayo-layo na rin ang nilakad namin.
Malapit na ring bumuhos ang ulan at 'yon ang hindi maganda para sa sitwasyon namin.
"Bilisan na natin!"
Saad ko at muling naglakad. Nakakapagtaka lang dahil ni-isang tao ay wala man lang kaming nakasalubong. Hindi kaya ay naibenta kay Alvazar ang ilang lupain dito?
Agad kaming nagtago ng may marinig kaming mga yabag, nang makalagpas ito sa amin ay pumunta ito sa isang puno at mukhang iihi. Suot pa nito ang isang riffle sa katawan at nakapalibot sa bewang ang bala. Tumingin muna ako kay Justin at Dia bago dahan-dahang lumapit sa lalaki. Itinapat ko sa ulo n'ya ang baril at mabilis nitong itinaas ang dalawang kamay.
"Don't you dare to make a noise, kung hindi tataniman ko ang ulo mo ng bala!" Usal ko at naging alerto din sina Dia at Justin.
"Humarap ka dito!" Utos ko at agad naman niyang sinunod.
"Sino kayo?" Walang mababakas na takot sa tono ng boses nito.
Palipat-lipat ang tingin n'ya sa aming tatlo.
"Hindi na importante kung sino kami! Nasaan si Alvazar?" Matapang kong tanong at kitang-kita ko ang mabilis n'yang paglunok.
"Wala akong alam sa mga pinagsinasabi mo!" Saad nito at mabilis na umatake sa akin.
Bago pa man n'ya ako matamaan ng suntok ay mabilis ko ng naiputok ang silencer kong baril sa ulo n'ya. Agad itong tumumba at nagpa gulong-gulong pababa.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ilang metro palang ang layo ay nakarinig kami ng pagputok sa baba. Mas nagmadali ako sa paglalakad at halos takbuhin ko na ang gubat na daan dahil malamang ay naalerto na si Alvazar sa pagsabog na 'yon!
Tanaw ko na ang isang malawak na bahay! Hindi pa naman kami umabot sa tuktok ng bundok arayat ay kita ko na ang iilang tauhan ni Alvazar na pababa. Nagulat pa ito sa amin kaya mabilis kaming nagpaputok ng baril.
"Putangina- anong!?"
Nakita ko ang paglabas ni Alvazar pero mabilis din itong pumasok sa loob ng paputukan ko ito ng bala.
"Walang hiya ka talaga, Mendivel!" Sigaw nito.
Dahan-dahan akong lumapit at ganoon din ang ginawa nila Justin at Dia.
"Ilabas mo si Chase, duwag!" Sigaw ko at nagpa-ulan s'ya ng bala sa direksyon namin.
"Ibigay mo sa akin ang kailangan ko at ibabalik ko ang walang kwentang kakambal mo!" Aniya.
May ilang tauhan ang lumabas at sumugod sa direksyon namin. Ang iba ay itak pa ang dala at hindi alintana kung dahan-dahan ng bumubuhos ang ulan.
"Papatayin namin kayo!" Sigaw ng mga ito at muling sumugod.
Agad naman kaming nagpaputok ng baril. Marami na namang buhay ang nadamay, alam kong ginagamit lang sila ni Alvazar pero kailangan din naming lumaban!
Naghagis sila ng granada kaya halos tumalon na kami para lang maiwasan ito at mabilis itong sumabog!
"Captain!" Sigaw ni Dia at agad akong bumangon.
Nawalan naman ng malay si Justin at wala na ring mga tauhan si Alvazar bukod sa may hawak kay Dia.
Nakatutok kay Dia ang hawak nitong baril, hindi ko malaman ang itsura n'ya dahil may balabal itong suot at tanging mga mata n'ya lang ang nakikita.
"Hanggang d'yan ka lang!" Malamig nitong sabi at agad naman akong natigilan sa narinig.
Bakit pamilyar sa akin ang boses n'ya?!
Naglalakad silang nakaharap sa amin at kitang-kita ko naman na hawak ni Alvazar si Marthinie.
"Hayop ka talagang babae ka!" Sigaw nito kay Marthinie at marahas na isinakay sa helicopter!
"Tulong!" Sigaw ni Marthinie at agad na sumakay si Alvazar.
Nakita ko ang mabilis na paghampas n'ya ng baril kay Dia at agad itong natumba. Sumabit s'ya sa helicopter na ilang metro na ang taas mula sa lupa kaya agad ko itong pinaputukan ng bala. Binaril din ni Alvazar ang direksyon ko!
"Kay Commander ito!" Sigaw ni Dia at itinaas ang kwintas na hawak.
Teka? Paanong napunta sa kanila ang kwintas ni Commander Nazi!?
Naka-alis na naman ang gagong Alvazar na 'yon.
Nakita ko ring pa ika-ikang maglakad si Justin. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ang nangyayari! Hindi kaya hawak ni Alvazar si Commander Nazi!? Patakbo akong pumasok sa loob ng malaking bahay. Inisa-isa ko ang bawat kwarto at nakita ko si Commander na naka-kadena sa kama.
Nakita ko ring sumunod sina Dia at Justin sa akin. Mabilis kong binaril ang kadena at tinanggal ang nakatapal sa bibig ni Commander!
"Ezra! Umalis na kayo!" Sigaw nito at ikina kunot ng noo ko.
"Commander, ano bang sinasabi mo! Sabay-sabay tayong aalis dito!" Saad naman ni Dia.
"Umalis na kayo! Nilagyan ni Alvazar ng bomba ang buong lugar at maging ang katawan ko ay meron din!" Sigaw ni Commander Nazi.
Marahas nitong binuksan ang coat na suot at nakita namin doon ang napakalaking bomba na nakakabit sa katawan n'ya.
May tama rin s'ya ng bala sa kaliwang balikat. Agad kong inilabas ang cutting wire sa aking bulsa. Palagi ko talaga itong dala in case na may mga ganitong senaryo!
Mabilis akong lumapit kay Commander at ginupit ang blue wire, pink at white. One wrong move sa paggupit paniguradong magiging abo kaming lahat!
Nagmadali kaming bumaba dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Naging maputik na rin ang daan kaya naman ay nahihirapan kaming umapak nalang kung saan-saan.
Nang makababa kami ay agad nilang ipinasok si Commander sa loob ng sasakyan, ako naman ay mabilis na pinaandar ang motor. May takip parin ang mukha ko, nakita ko rin ang kumpulan ng mga tao sa baryo na mukhang curious sa nangyaring pagsabog kanina.
"Captain! Marami ng dugo ang nawala kay Commander! Hindi na aabot kung dadalhin pa natin s'ya sa organisasyon!" Natatarantang saad ni Dia.
"Alright. Kapag may nadaanan tayong ospital ay ipasok n'yo agad s'ya doon. Ang problema, dahil sa nangyaring pagsabog kanina malamang ay mapaghihinalaan tayo!" saad ko.
Narinig ko pang magsalita si Commander na h'wag s'yang dalhin sa ospital, wala na kaming choice dahil kung hindi, 'yon ang ikakamatay n'ya!
"Shuta! Tumatawag si fafa Nexus!" Tarantang saad naman ni Justin at mas lalong humigpit ang hawak ko sa manibela!
"Sasagutin ko ba, Captain?" Tanong nito kaya naman ay bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Sige." saad ko.
"Hello fafa-"
"The hell!? Bakit hindi niyo sinabing pupunta kayo ng Pampanga!?" Nang gagalaiti ito sa galit at hindi naman nakasagot sina Dia at Justin sa kabilang linya.
Paano n'ya nalaman!?
"Ah, eh...pabalik na kami Nexus. Kailangang magamot agad ni Commander. Hindi na s'ya aabot pa kung dadalhin pa namin s'ya sa organisasyon o kaya sa lugar n'yo. May mai-rerekomenda ka bang ospital na malapit dito?" Malumanay na saad ni Dia.
Narinig ko pa ang imported nitong pag mumura sa kabilang linya, maging ang boses nina Drake ay naririnig ko din.
"Hello people!? Si Alexis 'to!"
"Oo, naririnig ka namin! Required bang sumigaw!?" Inis na saad ni Dia.
"Ay, sorry naman. So, ayon na nga. May ospital kaming malapit d'yan kung hindi n'yo pa nalalagpasan. Maniego Hospital!" Saad nito at sa kabutihang palad ay nasa tapat na nga kami ng ospital na sinabi ni Alexis.
Inihinto ko ang motor at ganoon din ang ginawa nina Dia. Inilabas nila si Commander at may tumulong naman sa amin para buhatin s'ya. Agad s'yang inilagay sa stretcher at idiniretso sa operating room.
"Ah, mga ma'am, sir? Pwede po bang mag bihis muna kayo? May ilang pasyente po kasing dumadaan baka maging dahilan na madulas sila.." saad ng isa sa mga nurse sa amin.
"Okay, sorry. Bibili nalang kami ng damit. Pasensya na!" saad ni Dia at tumayo.
"Barbielat, maiwan ka na dito! Kami na ni Captain ang bibili ng damit mo dahil hindi ka naman masyadong basa." saad ni Justin at agad akong hinawakan sa braso.
Huminto na rin ang pag-ulan at may iilan naman kaming nakitang nagbebenta ng damit sa gilid ng daan. Pumili agad ako ng maisusuot, black V-neck t-shirt at black pants ang binili ko. May roon ding mumurahing sapatos doon kaya binili ko na.
"Keep the change" saad ko ng iabot ang bayad sa matanda.
Todo naman ang pasasalamat nito bago kami makaalis.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡