Angel With A Shotgun Chapter 30

Ezra's POV 

Si Mr. Alfonso na ang nag-ayos ng mga plano this week dahil kahit anong meeting ang gawin namin ay walang nangyayari dahil nauuwi lang palagi sa away. Si Vienna naman ay walang ibang ginawa kundi ang man-chansing kay Nexus. 

"Balitaan mo ako kapag may ibang nangyari sa organization.," saad ko kay Lance dahil inihatid n'ya dito sa condo unit ko ang iilang papeles na kailangan ko ring pirmahan. 

"Copy, Captain! Until now wala pa din kaming balita kay Marthinie at Chase. Marami na ding nakausap si Dia sa Black Organization pero mukhang nabayaran na ang mga 'yon!" aniya.

Saglit akong napahinto sa narinig. Malamang ay magkakampihan ang mga 'yan lalo na't sunod-sunod na death threat din ang natatanggap nila Nexus. Pero- mukhang lalo lang silang nag-eenjoy sa nangyayari, lalo na sina Drake. 

"Kapag natapos ko ang trabaho ko sa kumpanya ay babalik na ako sa organisasyon. What about Commander Nazi?" 

"He's doing great, pumunta s'ya kahapon sa America para sa mga palitan ng ilang baril na gagamitin natin." sabi nito at tumayo. 

Sabay na kaming lumabas at isinara ko na ang condo unit. Nang makarating kami sa parking lot ay agad s'yang sumakay sa motor n'ya at sumaludo muna bago umalis. Sumakay na rin ako sa kotse at agad na inihanda ang sarili para sa event mamaya. 

Ngayon na kasi ang araw para sa pagpunta namin sa orphanage. Nauna na raw ang tatlo doon sabi ni Mr. Alfonso, since hindi pa naman talaga tuluyang nag-uumpisa. 

Hindi ko alam kung anong pina-plano ng dalawa dahil pakiramdam ko may kakaiba silang gagawin, basta h'wag lang nila akong madamay-damay! Wala silang ginawa kundi ang magtalo o kaya naman magpa-yabangan. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa! 

Agad kong ipinark ang kotse at bumaba, nakasalubong ko ang ilang madre at binati pa ako ng mga ito. Ang sabi ni Mr. Alfonso ay dumiretso nalang ako sa kwarto kung nasaan sina Vienna. Agad naman akong nakarating doon dahil iba ang daan naming mga visitors kapag pumapasok dito. 

Nadatnan ko na si Nexus lang ang mag isa dito, tumingin naman s'ya agad sa gawi ko at napansin ko na para bang matamlay s'ya. Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan n'ya at naupo. 

"Nasaan sila?" Takang tanong ko dahil hindi ko makita ang dalawa. 

"I don't know- at wala naman akong pakialam sa dalawang 'yon.." masungit nitong sabi kaya naman ay bahagyang napakunot ang noo ko. 

Ano naman kayang problema ng isang 'to? 

"Can I sit beside you?" 

Mukha talaga s'yang matamlay na ewan, parang mas gusto ko pang kasama 'yong Nexus na akala mo nireregla sa sobrang kabugnutin eh! 

"Whatever!" saad ko at binasa ang mga papel na nasa table. 

Agad naman s'yang tumayo at lumipat sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. 

"Ezra..." 

Napalingon naman ako ng banggitin n'ya ang pangalan ko pero hindi s'ya nakatingin sa akin kaya muli nalang akong nagbasa. 

"Ezra.., Samantha Ezra."

Pinagti-tripan ba ako ng baliw na 'to!?

"Samantha Ezra Mendivel Atkinson.,"

Agad na akong napatingin sa kanya pero this time- ay sa akin na s'ya nakatingin at nakangiti. 

"Tumigil kana!" saway ko rito pero tumawa lang ang loko! 

"Damn, my last name really suits you!" Nakangiting saad nito kaya agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa katawan! 

Kainis ka, Nexus! 

"Hey! Look at me!" aniya pero ayaw kong tumingin kaya naman ay kamay ko naman ang kinuha n'ya at inilapat sa dibdib n'ya. 

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya, sa sobrang bilis, aaklain mong tumakbo s'ya ng ilang metro ang layo!

"Do you feel it? Nagiging abnormal 'yang tibok n"yan kahit pangalan mo palang ang naririnig ko Ezra, ganyan kalakas ang epekto mo sa akin!"

Wala akong masabi! Ano ba naman 'to! Required bang ganito kaaga may pa-ganyan na s'ya!? Hindi ako prepared!

Juice colored! 

Mabilis kong hinawi ang kamay ko at tumingin sa kanya, bakit ba ganito s'ya! 

"Baka kailangan mo ng mag pa-check up!" Saad ko at inirapan s'ya pero mas lalo lang s'yang ngumiti kaya naman ay mas kita tuloy ang dimples n'ya sa magkabilaang pisngi. 

"Why don't you check me up then?" Nakangising saad nito kaya mabilis ko s'yang hinampas. 

"Hello- Oy! Spg gago!"

Agad akong napatingin sa likuran at nakita kong nandoon sina Drake, Flare, Zack, Alexis, Justin and Dia? Anong ginagawa nila dito? 

"Kay sarap ng may minamahal!" Pakanta-kantang saad ni Justin kaya mabilis akong umirap. 

Bwiset talaga! Paniguradong hanggang bukas ay pang-aasar ang makukuha ko! 

"Ayayay; ayayay! ang pag-ibig! pag pumasok sa puso ay maligalig!" pakanta-kanta din ni Drake. 

Nagtawanan naman sila kaya napasimangot ako. 

"What the hell are you doing here fuckers!?" Si Nexus na mukhang sinapian ng ibang espiritu. 

"Kalma boss! Hindi kami naparito para manggulo! Diba?" Ani ni Alexis at siniko si Zack

"Naparito kami para mambabae!" Saad naman ni Zack at mabilis naman s'yang nakatanggap ng batok kay Flare.

"Pedophile, ang gago!" Komento nito kaya naman ay napangiti ako. 

"Tangina ang pangit n'yo kausap!" Nakangusong saad ni Zack at sinegundahan naman s'ya ng batok ulit ni Drake. 

"Mas panget ka tanga!" Asik nito at lumapit sa amin. 

"So, ipinadala lang naman kami dito ni Don Henry para tumulong!" saad ni Flare.

"Yup! Inaya narin namin sina Dia at Justin!" Sabat naman ni Zack. 

Agad akong napahinto ng tumunog ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa bag at sinagot, si Mr. Alfonso ang tumatawag. 

"Yes, Mr. Alfonso?"

"Mag uumpisa na, kumpleto na rin ang mga bata rito!" aniya.

"Alright, pupunta na kami d'yan!" saad ko at ibinaba ang tawag. 

Tumayo na ako at nag-aabang naman sila sa sasabihin ko. 

"Let's go guys. Nandoon na raw ang mga bata! And please lang, pasayahin n'yo sila!" paalala ko at sumaludo naman sila sa akin. 

"Shutaneeees! Magiging clown pa ata ako!" Saad ni Justin na ikinatawa ng iba. 

Katulad nga ng sinabi ni Mr. Alfonso ay kumpleto na nga sila. Nakasuot ng mga party hat at nakangiti sa amin. 

Iisa lang din ang disenyo at kulay ng mga damit nila. They look too innocent! Dumating na rin sina Asher at Vienna. 

"Magandang umaga mga bata! Pati na rin sa ating mga nagdadalaga at nagbibinata na! Sa ating mga guwapo at mga magagandang bisita ngayong araw!" Masiglang bati ni sister Ana. 

"MAGANDANG UMAGA PO!" sabay-sabay nilang sigaw at halata sa boses nila ang saya at excitement. 

"Sila ang magpapasaya sa inyo ngayong araw na ito! Kaya enjoyin n'yo ang araw na ito!" Saad nito at pumalakpak naman kami. 

Iniabot kay Zack at Drake ang microphone at mabilis naman silang pumunta sa gitna ng stage. 

"Hello mga bata! Ako si kuya Zack! At ito namang kasama ko ay si kuya Drake. Ang gu-guwapo namin diba?" Nakangising saad ni Zack at napasapo naman ako sa noo dahil sa kalokohan nito. 

"Excited na ba kayo sa magiging activity natin ngayon!?" Tanong ni Drake at nagsi palakpakan naman sila

"OPO!"

"Good! Ngayon ang lalaruin natin ay ang bring me games! Alam n'yo ba 'yun?!" Masiglang tanong ni Drake. 

"Okay! Be ready and be attentive kids! Bring me a PAPER!" 

Kanya-kanya na sila ng diskarte kung saan makakakuha ng papel. May iba pang kinuha ang kalendaryo! Hanggang sa may tatlo ng pumunta sa harap! 

"Damn,  I didn't know that those two idiots will be good at this!" Saad ni Nexus habang nakatingin kay Drake at Zach. 

Tumango rin ako bilang pag sang-ayon. 

Matapos mabigyan ng tatlong nanalo ay umayos na rin sila ng upo. Kung ano-anu pang palaro ang naisip nina Drake at halatang masayang-masaya sila. 

Napakabilis lang talaga ng oras kapag masaya ka, hindi namin namalayan na mag aalas-dose na pala kaya naman namahagi na kami ng mga pagkain nila. Maging kami ay nakisabay narin at kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya dahil kahit sa simpleng pagpapasaya mo sa mga bata ay iba rin ang dulot nito sa akin. 

Napansin ko ang isang bata sa wheelchair, hindi n'ya pa ginagalaw ang pagkain n'ya kaya naman agad akong lumapit sa kanya. 

"Hi, anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong at para bang nahihiya ito sa akin, pero nakuha n'yang ngumiti ng bahagya. 

"J-Jamer, po!" nahihiya nitong sabi kaya naman ay tumango ako. 

"Ayaw mo ba ng pagkain? Hindi ka pa kasi nag-uumpisang kumain eh?" malumanay kong saad. 

Mag isa lang din s'ya sa table at ni isa ay walang kasama. Hindi ko napansin kung may iba pa nang bata bata na nakaupo dito kanina.

"Paborito ko po ito, kaso naaalala ko po 'yung kapatid ko. Gusto n'ya rin nito- ang kaso lang wala na s'ya..," malungkot nitong sabi. 

"Wala na s'ya?" Pag-uulit kong tanong. 

"Opo, nasa heaven na. Hindi po kasi s'ya naka-survive sa sakit n'ya.," pumatak na ang luha nito at agad ko itong dinaluhan. 

Lumapit din sa amin si Nexus. 

"Ssshhh, it's alright. I know binabantayan ka n'ya, don't be sad, okay?" Saad ko at mabilis itong tumango. 

"Hey kiddo!" Si Nexus at bahagya pang hinila ang upuan palapit sa amin. 

"Be strong, ipangako mo na pagbalik namin dito brave ka pa din ha!" malambing nitong saad kaya naman ay bahagya akong napangiti sa narinig. 

Nag-umpisa na rin s'yang kumain, patuloy parin sa pagpapatawa sina Drake sa harapan. May iniabot si sister Ana kay Alexis na may mga papel. 

"Okay, dahil kasama ito sa naka program dito. Bubunot tayo ng kakanta sa harapan! Gusto n'yo ba 'yon!?" Tanong ni Alexis.

"OPO!" 

Napailing nalang ako, for sure naman wala ang pangalan ko d'yan diba? 

Agad na silang nagbunutan at tahimik naman ang lahat at nag hihintay na matawag kung kaninong pangalan ang nabunot. 

"Okay, ang nabunot namin ay si- EZRA!"

Nagulat naman ako sa narinig! For real!?

Urgh!

Sabi ko kay Mr. Alfonso h'wag akong isama eh! Nakangiwi akong tumayo dahil talagang isinisigaw ng mga bata ang pangalan ko! 

Iniabot sa akin ni sister Ana ang isa pang mikropono ng makarating ako sa harap. Nawala ang pag-aalangan ko ng makita ang mga bata kung paano sila ngumiti sa akin. 

"Sure na ba 'to? Wala ng bawian?" Natatawa kong tanong at mabilis silang nagtanguan ng sabay-sabay. 

"Yown naman pala eh! So, anong gusto n'yong kantahin ng magandang si Ezra?" Si Justin naman ngayon. 

"A million dreams po!" Sigaw nila. 

A million dreams?

Nakita ko rin ang pagngiti ni Asher sa akin, kung makatingin si Vienna ay daig pa ang pinaglihi sa sama ng loob! 

"Paborito nilang lahat ang kantang 'yan! saad ni sister Ana. 

Itinapat ko na ang microphone sa aking bibig ng marinig kong mag-umpisa na ang tugtog. 

Narinig ko ang pagsabay nila sa kanta. Hindi lang din ako ang kumakanta ngayon, kundi lahat kaming mga nandito. 

Pumunta sa gitna sina Nexus at binuhat ang maliit na bata. Ganoon din ang ginawa nina Drake. 

Sina Dia naman ay niyakap ay mga batang malapit sa kanila. Nakitata ko rin ang pagpahid ng luha ni Sister Ana pati na ang iba. 

Itinapat ko ang microphone sa kanila at ramdam ko ang pag kanta nilang lahat! 

"A MILLION DREAMS IN A WORLD WE GONNA MAKE.." 

Nang matapos naming magkantahan ay yumakap sila sa isa't-isa. Kaliwa't kanan naman ang ginawang pagkuha ni Vienna at Asher ng mga litrato sa mga bata. 

Sina Nexus naman ay nagbibigay pa ng mga libro at kami naman ang namimigay ng mga biscuits at iba pang pagkain na paborito nila ayon kay sister Ana. Sina Justin naman ang namimigay ng bawat regalo. 

Malalaki ang mga ngiti nilang nakapaskil sa kanilang mga labi. Iba ang ningning at saya na kitang-kita ko sa kanilang mga mata. 

I'm rooting for their success in the near future. I will never ever forget this moment of my life- parang noon lang din ay pinapangarap namin ni Chase na magawa namin ito ng magkasama. Pero- ganoon talaga ang buhay. Maraming pagbabago na nagaganap. 

I'm hoping and praying na sana lang ay pagkatapos nito ay okay na- maayos na at wala ng problema. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.