Angel With A Shotgun Chapter 33

Ezra's POV

Kakauwi ko lang galing sa pag jo-jogging, dalawang oras ko ding nilibot ang buong lugar bago ko napagdesisyonang umuwi para maligo. As of now, puro katulong palang ang gising at naghahanda ng agahan. Alas-siete palang naman kaya tulog pa sina mom at dad. 

"Ma'am Ezra? May naghahanap po sa inyo sa labas" ani ng guard. 

Agad kong tinungo ang panauhin at nakita ko si Jim, isang police officer sa bayan na matagal ko ng kakilala. Tulad nga ng sinabi ko noon, may mga tao rin kaming kabilang sa kapulisan. 

Mabilis kong tinungo ang direksyon n'ya, sumakay naman ito sa kanyang kotse na medyo may kalayuan sa bahay namin at sinundan ko lang ito. Nang makalapit na ako sa kotse n'ya ay agad akong sumakay sa loob. 

"Anong balita?" Tanong ko sa kanya ng makasakay na ako. 

"Sinadya kitang puntahan dahil inilipat ako sa ibang field ngayon. Hindi kita basta maa-update. Masyadong matinik si Officer Gabriel, walang pinapalagpas!" aniya. 

Napatango naman ako sa narinig. Siguro naman ay hindi kami sasablay dito? 

"Alright. Ang sabi mo sa akin kahapon ay tutuloy sila dito, ako ba ang unang pupuntahan nila?"

"Hindi. Mauuna nilang puntahan si Justin at Dia. Pang huli kang iimbitahan sa presinto." aniya. 

May iniabot siyang brown envelope at mabilis kong tiningnan 'yon, mga kopya 'yon ng mga properties na nabili ni Alvazar sa iba't-ibang lugar. 

"As of now, 'yan palang ang nakuha ko. Babalitaan nalang kita kapag may nahanap pa akong iba. Mag-iingat ka, Captain!"

Agad akong bumaba ng kotse at umalis naman din ito agad. Bago ako bumaba ay inipit ko muna ang envelope sa loob ng aking short sa bandang tiyan. Naka-oversized t-shirt naman ako kaya hindi 'yon mahahalata. 

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kuwarto, naririnig ko pa ang malakas na tugtog na naggagaling sa loob ng kwarto ni Cody pero hindi ko na pinagtuunan 'yon ng pansin. 

Nalaman kong nag-aaral si Cody ngayon ng mga instrument. Hindi ko alam kung ano bang trip ng isang 'yon o baka nababagot lang at gustong may pagkaabalahan. Mas mainam ng iba't-ibang uri ng instrumentong pang musika ang paglaruan n'ya kesa sa babae, hindi ba? 

Nauumay na kasi akong makarinig ng balita tungkol sa pagiging babaero n'ya, minsan naiisip ko tuloy na baka may sakit na s'ya sa pag-iisip at hindi na mapigilan ang pagiging womanizer n'ya. 

Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko pa si mommy na nasa hallway, lumingon s'ya sa kanyang likuran at bahagya pang nagulat ng makita ako. Mabilis s'yang lumapit sa akin at kumapit sa aking kaliwang braso. 

"Bakit nandito ka 'nak?" Takang tanong nito na bahagya kong ikinatawa, siguro ay naninibago s'yang makita at maabutan pa ako dito ng ganitong oras. 

Madalas kasi ay halos hindi na kami magkita dahil ang aga kong umalis at ginagabi na sa pag-uwi. 

"Kasi dito ako nakatira?" Natatawa kong sagot at tumawa rin ito. 

"It's very unusual to see you here, then. Anyway? Kumain kana ba? Let's eat together darling! Sana, kagabi palang ay sinabi mong maaabutan kita dito para ako na mismo ang nagluto!" Nakanguso nitong sabi sa akin at marahan pa akong hinampas. 

Nginitian ko lang s'ya at patuloy lang kami sa paglalakad. 

My mom is really a sweet woman. I admire her so much, from being the queen and being the best mom? No one can beat her! I like the way kung paano s'ya maglambing, and take note., everytime na nandito ako ay s'ya talaga ang nagluluto ng agahan mula hapunan. 

"Ezra? Akala ko ay nasa trabaho kana anak?" Gulat na tanong ni dad ng makita kaming magkasama ni mommy. 

"Kahit ako ay nagulat din Patrick! Like OMG?! May sakit ka ba ngayon anak ko?" Exaggerated na sabi ni mommy at natawa lang din si kuya Shan sa narinig. 

"Kailangan ko rin ng pahinga mom! So, I consider this day as my day off!" Masiglang sabi ko at agad naman akong napalingon sa bandang kaliwa ko ng umakbay sa akin si Cody. 

"Alam mo pala ang salitang day off, sissy?" Nakangising saad nito sa akin. 

Inalis ko naman ang pagkakaakbay n'ya at naupo sa isang upuan na nasa tapat ko lang. Halatang puyat si Cody dahil naniningkit pa ang mga mata n'ya, wala rin sa hulog ang ayos ng buhok nito. 

"Magdamag ka bang nag-gitara Cody at ganyan ka-panget ang itsura mo?" Sarkastikong tanong ni kuya Shan at napasimangot naman si Cody sa narinig. 

"Ako parin ang pinaka-gwapo 'no!" Ani ni Cody at natawa naman si dad. 

"Mga bunga lang kayo! Ako pa rin ang orihinal na gwapo rito, aba! Kung hindi kami magandang lahi baka hindi ganyan ang mga itsura n'yo ngayon!" Sambit naman ni dad kaya maging ako ay natawa din. 

Hindi ko alam na may itinatago din palang kahanginan itong pamilya ko. 

"Aba! Ang yayabang., mag-ama nga talaga kayo! Kung hindi din naman sa kagandahan ko baka fifty percent lang din ang pagiging kapogian n'yo 'no!" Sabat naman ni mom at napangisi si Cody sa narinig. 

"That's our queen! Grabe sa confidence mommy ha? Baka binabagyo kana d'yan!" Tatawa-tawang sabi ni Cody at maging si dad ay napahalakhak na. 

"Oh bakit, hindi ba? Nako...-"

"Para lang sa alam niyo, ang mommy n'yo talaga ang nanligaw sa akin noon! Patay na patay pa s'ya sa akin kaya agad akong pinakasalan! Kaya ayan tuloy! Nabuo agad kayo!" Mayabang namang sabi ni dad at mabilis s'yang hinampas ni mommy. 

"Ang kapal mo din 'no? Sino kaya itong muntik ng nahimatay para lang umakyat ng ligaw?! Aba, Patrick Mendivel lang naman ang pangalan!" 

Nagtawanan kami sa narinig dahil talagang nabulgar na si dad! Sumimangot lang s'ya kay mom at si mommy naman ay ngiting tagumpay dahil nananalo s'ya sa payabangan! 

"Good morning Mr. and Mrs. Mendivel?"

Napatingin kami sa bagong pasok lang na mga kalalakihan, nangunguna ang lalaking matangkad, maputi at seryosong nakatingin sa amin. May tatlo pa s'yang kasama na nasa likuran n'ya lang. 

"Officer Gabriel! Magandang umaga! Anong maitutulong namin sayo?" 

Si dad ang lumapit sa tinawag n'yang Officer Gabriel at nakipagkamay dito pati na sa iba. 

"Gusto lang naming iimbitahan sa presinto ang isa sa mga anak n'yo para sa ilang katanungan." walang paligoy-ligoy nitong sabi at nagkatinginan naman sina daddy at mommy at mabilis na tumingin kay Cody. 

"Oh? Bakit ganyan kayong makatingin? Wala naman akong alam d'yan!" depensang saad ni Cody. 

"Umamin kana Cody ha? Ano na namang kalokohang ginawa mo?" Tanong ni mom pero agad din s'yang napatigil ng marinig na magsalita si Officer Gabriel. 

"Hindi po si Cody ang iimbitahan namin, kundi si Ms. Ezra.," kaswal nitong sabi at agad na tumingin sa akin. 

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nilang lahat sa narinig, dahil first time in the history na nasangkot ako sa ganitong bagay na ngayon lamang nila nalaman. Kaya naman, hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan na lamang ang mga reaksyon nila. 

"T-Teka? Tama ba ang narinig ko Officer? Si Ezra., si Ezra ang iimbitahan n'yo?" Tanong ni mom. 

Kusa na akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila, sinundan naman ako ng tingin ni Officer Gabriel at para bang anytime ay may lalabas na apoy sa mga mata nito dahil halos hindi na kumurap at seryosong nakatingin sa akin. 

"Ano bang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni dad.

"Kung gusto n'yo, puwede kayong sumama sa presinto para malaman ang ibang detalye!" pormal na sabi ni Officer Gabriel at dali-dali naman silang nagsi-kilos para makasama. 

Nang makarating kami ay agad akong dinala sa interrogation room. Naabutan ko rin sina Dia at Justin na mukhang kakatapos lang din. Naupo ako sa bakanteng upuan at ganoon din ang ginawa ni Officer Gabriel. 

"Totoo bang pumunta ka ng pampanga? May ebidensya kaming hawak na ikaw mismo ang nakasakay sa motor na nakuhanan ng piktuyr ng araw na 'yon." Diretsong tanong nito habang nakatingin sa akin. 

"Totoo 'yon, Officer" kaswal kong sagot at ni hindi man lang ako kumurap.

Diretso akong nakatingin sa mga mata n'ya at handang sagutin ang lahat ng gusto n'yang itanong. 

"Sino-sinu ang mga kasama mong pumunta roon?" 

"Si Dia at Justin." sagot ko. 

Napasandal naman siya at saglit na napahinto. Tila ba nag iisip ng panibagong itatanong. 

"Anong koneksyon mo sa kanilang dalawa? At bakit kayo pumunta sa Pampanga? Kayo ba ang pumatay sa mga taong natagpuan sa bundok arayat?" Walang preno ang bibig nito kung magtanong. 

Tama nga ang sabi nilang matinik ang isang 'to, hindi na ako magtataka kung bakit sa edad n'yang 'yan ay mataas na ang ranggo. 

"Ka-sosyo ko sa negosyo sina Dia at Justin, naisip naming pumunta sa Pampanga para maghanap ng mabibiling lupa para sa panibagong negosyong gagawin namin. Dahil mas maraming lupa ang ibinebenta malapit sa bundok arayat ay naisip naming i-checked muna ang lugar kung maganda bang pagtaniman- since 'yon naman talaga ang plano namin sa negosyo. Naalala ni Justin na may groto sa gitna ng bundok kaya naman niyaya n'ya kaming umakyat! Bago pa kami mismong makarating doon ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog kaya naman nagmadali kaming umalis dahil sa takot.." 

Napahawak s'ya sa baba at iniiwas ang tingin, mukhang ina-analyze n'yang mabuti ang lahat ng sinabi ko. Kahit mag-back ground check pa s'ya ay may mga tao na kaming inutusan para sa mga alibi naming ito. 

Pumasok naman ang isa pang pulis at may iniabot na brown envelope. Tumingin muna sa akin si Officer Gabriel bago n'ya binuksan ang envelope na iniabot sa kanya. 

Sa itsura n'ya ay mukhang disappointed s'ya sa nakita kaya naman ay iniiwasan kong mapangisi. Alam ko kung ano ang nilalaman ng envelope na 'yan, hindi naman kami susugod sa giyera na walang dala-dalang bala. 

I'm sorry Officer, pero mukhang ito ang unang kasong hindi mo malulutas! 

"Nakalagay dito na si Mr. Quano Perez ang nag mamay-ari ng lupain na malapit sa bundok arayat, ayon sa interview na isinagawa sa kanya ay s'ya mismo ang nag-rekomenda sa inyo ng mga lupain n'ya. Kaya ibig-sabihin lang no'n ay matibay ang alibi n'yo na wala kayong kinalaman sa kasong ito!" aniya. 

"Tulad nga ng sinabi ko, hindi pa kami nakaabot sa groto ng may bigla nalang sumabog. Hindi namin alam na may namatay na pala doon kaya imposibleng masangkot kami dito dahil lang sa nakuhanan ng mga litrato ang mga sasakyang ginamit namin. Kahit sino naman ata matatakot kapag nakarinig ng napakalakas na pagsabog, Officer Gabriel..," Saad ko.

Lumabas na kami sa interrogation room at mabilis itong lumapit sa akin, medyo maaliwalas na ang mukha nito kumpara kaninang nasa loob kami ng interrogation room. 

"Pasensya na sa abala Ms. Ezra, ginagawa lang namin ang trabaho namin lalo na at maraming namatay sa kasong ito. Kung sakaling may malaman kang impormasyon patungkol dito, puwede kang pumanta rito para mag report." ngumiti ito sa akin at hindi ko inaasahang inilahad nitong ang kamay. 

"I'm Officer Gabriel Almonte, it's nice meeting you Miss, Ezra Mendivel"

Kinamayan ko ito bilang respeto, bahagya n'yang pinisil ang kamay ko. Mas lalong lumiit ang singkit n'yang mga mata dahil sa pagngiti n'ya. Ako na ang kusang bumitaw dahil may iilan na ding tao rito. 

"Nice meeting you too, Officer. Goodbye." pormal kong saad at tumalikod. 

Naabutan ko sina mommy na prenteng nakaupo sa bakanteng upuan, agad silang lumapit sa akin ng makita ako. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala dahil sa nangyari. 

"Jusko! Akala ko kung ano ng kinasangkutan mong gulo! Okay ka lang ba anak?" Usisa ni mommy. 

"Okay lang ako mommy. Wala naman akong ginawang kasalanan kaya hindi kayo dapat mag-alala!"

Sinungaling! 

"At kailan mo pa nabili ang motor na 'yon sissy? Pwede ko bang mahiram? Ang ganda eh!" Singit ni Cody.

"I thought puro four wheels lang dina-drive mo? First time kasi itong may motor ka." sabat naman ni kuya Shan."But anyway, I liked it. Magkano ba 'yon?"

"Sa bilis mong magpatakbo anak at kung hindi ka naimbitahan dito iisipin kung sumali ka sa karera! You should be careful anyway, mahirap na at baka may masagasaan ka!" paalala naman ni dad. 

Sumenyas naman sina Justin at Dia na aalis na kaya tinanguan ko lang ang mga ito. Ang dami ring kuwento ni Cody na kesyo daw baka nakapatay na ako, or baka nag-drugs at kung ano-anu pa negative shits na tumakbo sa isip n'ya. Hindi ko nalang ito pinansin at nanatiling tahimik lang. 

Nag-aya rin silang sa labas nalang kami kumain dahil hindi pa sila nag-aalmusal. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.