Angel With A Shotgun Chapter 34

Ezra's POV

Kasama ko si mommy ngayon sa mall, may kung ano-anu s'yang tinitingnang mga damit na hindi naman ako interesado at lahat ng madapuan ng kamay n'ya ay agad na binibitbit ng sales lady papunta sa counter. Isang oras na din naming nililibot itong isang sikat na clothing line at sa tingin ko ay hindi pa sapat ang isang oras para kay mommy. 

Napapagod at nabo-bored na ako dito sa kakasunod, plano ko pa naman sanang pumasok sa organisasyon ngayon pero bigla nalang tumawag si Commander Nazi na kailangan ko raw magpahinga. Hindi ko alam kung bakit biglaan naman ata n'ya akong hindi papapasukin, usually naman kasi ay halos araw-araw akong nakikita doon. 

Lumingon sa direksyon ko si mommy at ngumiti, lumapit s'ya sa akin dala ang isang white off-shoulder dress. 

"Ezra, I-try mo ngang sukatin 'to anak? I think this dress really suits you!" She giggled before handed me that dress she's holding. 

Ngumiti din sa akin ang iba pang staff at wala naman akong nagawa kundi ang pumunta sa fitting room. Ayoko namang mapahiya si mommy, kaya kahit labag man sa kalooban kong suotin ito ay no choice pa din ako. Yes, nagsusuot ako ng ganito pero hindi sa ganitong pagkakataon.

Napakamot ako sa ulo bago hubarin ang suot kong Jacket at t-shirt, kasunod kong inihubad ay ang pantalon. Agad kong isinuot ang dress na gustong ipasukat ni mommy, tumingin muna ako sa salamin bago lumabas at ini-ayos ang hanggang bewang na buhok. Mabuti nalang at strapless ang bra na suot ko ngayon, required ba kasing kapag sumama sa ina sa ganitong lugar kailangan pang magsukat ng kung anu-ano?

Tsk. 

"Oh, wow! I knew it darling! You're so beautiful.," Untag ni mommy habang prenteng nakaupo sa malaking sofa, "Sharon? Please pakikuha ng damit na isinuot ni Ezra kanina. Thank you!"

Napakunot ang noo ko sa narinig at mabilis na pinigilan si Sharon na makapasok sa fitting room kung saan naiwan ang mga damit ko. 

"Mom, akala ko ba sukat lang? Magpapalit din naman ako kaagad." sabi ko at mabilis na tumalikod para makapasok sa fitting room pero agad akong napigilan ni mommy at sumenyas kay Sharon na kunin ang damit ko sa loob. 

"Darling please, kahit ngayon lang! Ngayon nga lang tayo nagbonding tapos ayaw mo pang isuot 'yung binili kong damit!" 

May halong pagtatampo sa boses nito kaya mabilis akong napabuntong hininga, my mom is a good actress! Wala na akong nagawa kundi ang isuot ang dress na pinili n'ya para sa akin. Hinila n'ya ako sa footwear area at pumili ng ipapalit sa suot kong sneakers. 

After that, niyaya n'ya muna akong kumain. She ordered a pasta and cordon bleu for two. She added a milktea since she's a big fan of it. 

"I cannot deny the fact that you're gorgeous more than I am." I saw the admiration in her eyes while looking at me. 

"You're still gorgeous mom! As you say so, kayo ni dad ang puno!" saad ko at natawa naman s'ya sa narinig mula sa akin. 

Matapos naming kumain ay lumabas na kami sa restaurant, nandito pa rin kami sa mall at akala ko ay uuwi na kami ni mom pero mali pala. Dahil kaagad n'ya akong hinila papasok sa isang sikat at mamahaling salon na sa tingin ko ay madalas s'yang nandito dahil halos lahat ata ng nandito na staff ay tuwang-tuwa na makita s'ya. 

"Good morning ma'am Emerald!" Sabay-sabay nilang bati at dinaig naman ni mommy ang isang sikat na celebrity kung makangiti ay wagas at may pa kaway-kaway pa. 

"Hello everyone, I'm with my daughter., we are here to relax!" Masiglang sabi ni mom.

"Omg! Totoo nga ang balita! You have a real goddess daughter madame! May I know kung anong pinagkakaabalahan mo ngayon young lady?" Saad sa akin ng isang fashionista na beki at mabilis na umakbay sa akin "Kung hindi ka naman masyadong busy pwede kitang gawing international model! Or ipasok sa showbiz industry..,"

"Oh, I'm sorry to disappoint you bobby! My daughter is a busy woman!" My mom winked at him at napatango naman ito. 

"Anyway, I'm so glad to meet you in personal Miss Ezra. Ano bang gusto mong gawin sa junakis mo madame? Para kasing hindi na n'ya need ng make-over eh! Super perfect ang kagandahan!" ngumiti ito kay mom at saglit na tumingin sa akin si mom. 

"Hmm., bahala ka kung anong gagawin mo sa pag-aayos sa anak ko, but make sure that the results will be perfect!" Ani ni mom at naupo sa isang sofa. 

May lumapit sa kanyang iilang staff, hinila naman ako ng bakla na pangalan ay bobby. May tinawag pa s'yang ilang staff at agad na silang nag-umpisa.

Naupo lang ako habang nakaharap sa salamin, may nag-aayos sa buhok ko, may nagpe-pedicure, manicure at maging sa mukha! That's why I don't do such thing like this!

It's a waste of time! 

Kung si mommy ay enjoy na enjoy at naririnig ko pa ang pagtawa, ako naman dito ay para ng gini-giyera! Sa dami nilang nag-aayos sa akin. Grabe, dapat sinabi nalang ni mommy na gusto n'ya palang naka make-over ako edi sana ako nalang ang gumawa diba? Sayang naman 'yong mga make-up na binili n'ya sa akin! Nakatambak na naman doon. 

After a couple of hours I manage to relax myself, nagugustuhan ko rin ang bahagyang pag-massage sa mga paa ko. Nakapikit lang ako sa buong session ng pag-aayos nila sa akin at walang ideya kung ano na ba ang ginagawa sa mukha ko. 

Nang maramdaman ko ang pagtigil nila sa ginagawa ay napadilat ako, diretsong napatingin sa aking sarili sa harap ng salamin. 

"It's done young lady!" 

Ngumiti sa akin si bobby at inalalayan akong tumayo, he even kissed my hand. 

"Thank you!" bahagya akong ngumiti at tumingin kay mom na mukhang kanina pa tapos at hinihintay nalang ako. 

"Let's go, darling!" aniya at humawak sa braso ko. 

Nang makalabas kami ay agad kaming dumiretso ni mom sa parking lot, since nauna si mommy na pumunta dito at sumunod lang ako kaya naman may dala akong sasakyan. 

"You sure na ayaw mong sumabay sa akin?" Tanong nito bago sumakay sa sasakyan n'ya. 

Mabilis akong umiling at bahagyang ngumiti. Tinapik naman ako nito sa balikat at yumakap bago sumakay sa kotse. Agad naman akong sumakay sa kotse at ini-start na ito, pero bago pa man ako makaalis ay may biglang kumatok sa windshield ko na ikinahinto ko. 

Sinilip ko ito at nakita ko ang isang babae at isang batang lalaki. Madungis ang mga ito at punit-punit ang mga suot na damit. May dala rin silang malaking sako at mga karton. 

Agad kong kinuha ang wallet ko at dumukot ng pera, ibinaba ko ang windshield ng sasakyan at mas lalo silang lumapit ng buksan ko 'yon. 

"Ate? Pahingi po ng tubig?" Sambit ng isang batang lalaki, nakalahad ang mga kamay nito sa akin at mabilis kong iniabot ang perang kinuha ko sa wallet. 

"Kumain ka don ha? Bumili kayo ng pagkain!" nakangiti kong sabi at kitang-kita ko ang kasayahan sa mga mukha nila. 

"Maraming salamat po!" Sabay nilang sabi at mabilis na tumakbo. 

Humawak na ako sa manibela at akmang magda-drive na ng bigla nalang akong makaramdam ng pagkahilo. Mabilis akong napahawak sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay nanlalabo din ang mga paningin ko.

Nakuha ko pang patayin ang makina ng sasakyan at agad na kinapa ang cellphone na nakalagay sa bag na malapit lang sa kinauupuan ko pero parang wala ding lakas ang mga kamay ko para kunin 'yon. 

Dahan-dahan ng pumikit ang mga mata ko at narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ko hanggang sa maramdaman kong may bumuhat sa akin. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, bago tuluyang lamunin ng antok ang buong diwa ko ay narinig ko pa ang pagtawag sa pangalan ko hanggang sa hindi na kayanin ng diwa ko at tuluyang nakatulog. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang kadiliman, agad akong tumayo at napansin ko ang puting kamang kinahihigaan ko kanina dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ay naaaninag ko parin dito sa loob. Inilibot ko ang paningin at napansin ko ang malaking bintana.

Naglakad ako papunta sa pinto pero naka-locked 'yon., hindi sa door knob kundi sa labas mismo! 

Agad akong tumakbo sa bintana at mabilis itong binuksan, nakita ko na nasa pinakataas ata ako na parte ng bahay! 

Hinila ko ang kurtina at maging ang kumot at bedsheet ng higaan. Ipinag dugtong-dugtong ko ito at agad na itinali sa poste ng higaang mahogany. Itinali ko naman sa bewang ko ang dulong parte ng kumot at mabilis na tumalon sa bintana.

Agad akong nakarating sa baba ng walang kahirap-hirap. Agad na bumungad sa akin ang buong paligid na punong-puno ng mga bulaklak. 

Dahan-dahan akong naglakad at napansin ko ang tinatapakan ko ay uri ng bermuda grass na kumakalat sa kalupaan.

Nakita ko ang fountain na may iba't-ibang kulay at ng malagpasan ko 'yon ay ang isang ginupit na arrow na gawa sa karton. Nasa maliit na red carpet na ako nakatapak at talagang isang tao lang ang pu-puwede. 

Nakita ko ang isang sulat kaya agad ko itong kinuha at mabilis na binasa. 

"Continue Walking.,"

Basa ko sa papel at nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nakakita na naman ako ng isang pulang papel pero may kasama na itong mga pulang rosas. 

"Flowers to the most beautiful woman, just keep going baby!"

Iyan ang nakalagay sa papel kaya kinuha ko ang bulaklak at muling naglakad. 

May mga ilaw din sa paligid at masasabi kong napakaganda dito. May nakakalat ding rose petals sa buong paligid. Muli na naman aking nakakita ng pulang papel. 

"You are my world, my life and I'm yours!"

Pinipigilan kong mapangiti, dahil sa hindi ko maintindihang emosyon. Nakaramdam ako ng excitement at para bang gusto ko ng takbuhin ang daan na 'to. 

"I'll keep your heart in mine!" 

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang malawak at magandang hardin. Puno ng mga iba't-ibang bulaklak at sa gitna no'n ay ang isang puting lamesa na may kandila at iba't-ibang pagkaing nakahain. 

Akmang maglalakad pa ako ng marinig ko ang boses ng lalaking paulit-ulit at madalas na pumasok sa isipan ko. 

"Mi Amor..."

Agad akong napalingon sa aking likuran at nakita ko s'yang nakatayo at mataman akong pinagmamasdan. Ngumiti s'ya sa akin ng magtama ang aming mga mata, para bang nag-slow motion bigla ng dahan-dahan s'yang maglakad palapit sa akin. 

Bakit naman napaka-guwapo ng isang 'to? 

"Ezra..."

Anas n'ya ng tuluyang makalapit sa akin. Sa suot n'yang tuxedo ay mas lalo s'yang naging guwapo, naalala ko tuloy ng magkasama kami noon sa event. 

Inilahad n'ya sa akin ang palad at iniabot ko naman 'yon. Naglapat ang mga kamay naming dalawa at mas hinigpitan n'ya pa ang paghawak sa akin. Ipinaghigit n'ya ako ng upuan at mabilis naman din s'yang naupo sa harap ko. 

"Come on, say something baby..."

Muntik na akong masamid dahil sa narinig. Ngumiti s'ya dahil sa nakitang reaksyon mula sa akin. 

"So, paano ako napunta dito?" Tanong ko. 

I heard him chuckled before he answer my question. Nakita ko pa ang paglunok n'ya at ang paggalaw ng adams apple n'ya. 

"I asked your parents about this.." Kaswal nitong sabi na ikinalaki naman ng mga mata ko. 

Sina mommy at daddy!? 

"Pero-"

"And of course Commander Nazi helped me though, lahat ata sila ay tumulong para dito!" proud na proud pa itong sabihin sa akin ang maganda nilang nagawang plano! 

Great. 

Just great!

So, kaya pala hindi ako pinapunta ni Commander Nazi para dito? And my great mom took advantage of the situation and asked me to go out, kaya pala pinag-dress at ipinag make-over ako para dito? 

Dahan-dahan akong pumalakpak at bahagya namang tumaas ang kilay n'ya pero nanatiling nakangiti ng makahulugan. 

"Nice! Akala ko nagkataon lang ang lahat pero hindi pala. Nice move!" Saad ko at mas lalo na s'yang napangiti sa narinig, to the point na kitang-kita ko na ang malalalim n'yang mga dimples! 

So, malamang s'ya ang kumuha sa akin mula sa sasakyan at dinala ako dito. 

Nexus the great! 

I just can't believe na talagang kinasabwat n'ya sina mommy at talagang napapayag n'ya ang mga ito! 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.