Angel With A Shotgun Chapter 8

Ezra's POV

"Baka naman gusto mong bilisan?"Mataray kong saad habang nakatayo dito sa rooftop at sinusundan ng tingin si Justin na kunwari ay bibili ng ipinagbabawal na gamot pero ang totoo ay set-up 'to para mahuli sila. 

"Don't worry Cap. Parang BDO lang 'yan, we find ways!" Tatawa-tawa nitong saad sa kabilang linya na suot n'yang earpiece.

Kahit kailan talaga puro katarantaduhan! Napairap nalang ako ng wala sa oras. 

Nakalapit na s'ya sa lalaking nakasumbrero at may dala pang attaché case. Nang buksan n'ya ito ay puro droga ang laman.

Tsk,

Bakit ba handa silang magbenta ng ganyan kesa ang piliing magtrabaho ng marangal? Alam ko namang hindi ka kaagad aangat sa buhay pero at least maayos ang trabaho mo hindi ba? 

Nang maisarado na ni Justin ang attaché case ay agad n'yang inihampas ito sa lalaking nasa harapan n'ya at naging alerto naman ang iba n'yang kasamahan at sinugod si Justin. Dinampot ko naman ang baril na pampatulog ang bala. Once na tinamaan ka nito tatlong araw ka lang namang matutulog! 

Lahat ng nagtatangkang sumugod sa kanya ay binabaril ko ng pampatulog. Mamaya ay darating din ang mga pulis para hulihin sila. 

"May parating!" Sambit ko at naging alerto naman si Justin sa baba.

Nagkalat din ang mga pera sa baba na akala mo'y inulan ng pera ang lugar. Agad na sinugod si Justin ng isang matangkad na lalaki at dinampot ko ang baril na may laman na talagang bala. Isa-isang lumabas ang bala sa aking baril pero hindi man lang ito natumba! 

"Ay shuta! Alien ata 'to Cap!" Sigaw ni Justin kaya naman maging ako ay nagulat.

Binaril ko ulit ito pero wala- hindi man lang s'ya natumba o nagkaroon ng sugat!

"Retreat!" Sigaw ko pero bago pa makaalis si Justin ay nahatak na s'ya nito at binalibag sa kung saan.

Hindi pa ito nakuntento at kinuha ang malaking bakal na lamesa at inihampas kay Justin. 

Damn! 

Tumakbo ako pababa para makuha si Justin. Nakahanda na din dito 'yong helicopter na gagamitin namin sa pag alis. Nagdala ako ng isang bomba at isang baril. Agad akong sumakay sa elevator at narinig ko na parang nag sasalita si Justin pero hindi ko maintindihan! 

"Fire!" Tawag ko rito pero wala na ulit akong narinig hanggang sa maging disconnected na. Inihanda ko rin ang pag baba ko. Nagkalat ang iba pang katawan dito at nakita ko namang hawak si Justin no'ng lalaking damuho na hindi man lang tinatablan ng bala! 

"Hoy!"

Sigaw ko rito at saglit itong napalingon sa akin at binitawan si Justin na halos panawan na ng ulirat. Umilaw ang mga mata nito at may lumabas na pulang ilaw!

Shit! Ano ba 'to!? Laser! 

"C-Captain! L-Laser 'yan! Ilagan mo!" Sigaw ni Justin at nahihirapan sa pagtayo. 

Agad ko itong binaril pero ngumisi lang ito sa akin at dahan-dahang lumalapit sa akin! Inilabas ko ang granada at nanlaki naman ang mga mata ni Justin at mabilis itong tumakbo palayo. Tinanggal ko pin ng granada at ibinato ko sa kanya.

Mabilis akong tumakbo pero hindi pa man ako nakakalayo ay sumabog na ito! Sa sobrang lakas ng impact ng pagsabog ay tumilapon ako sa harap ng sasakyan na nandito. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko at pinilit na tumayo, lumingon naman ako sa direksyon ng lalaki kanina at puro usok lang ang nakikita ko, pero ng onti-onti ng mawala ang usok ay gano'n nalang ang gulat ko sa aking nakita!

Hindi man lang s'ya tinablan! Proud na proud pa itong nakatayo at animo'y naghahamon pa ng mas matinding laban!

"Tangina, halimaw gago!" Malakas na sigaw ni Justin at agad akong tumayo.

Matangkad ito kesa sa amin ni Justin, sobrang puti ng balat at mamula-mula ang bibig na aakalain mong dugo na ang laway n'ya! 

"Sino ka!?" Sigaw ko at mas lalo itong ngumiti 

"Android Bort, Roward Bort!" Nagsalita ito pero hindi bumubuka ang bibig.

Nakangisi pa din ito sa akin. Agad kong inilabas ang kutsilyo at mabilis na tumakbo sa direksyon n'ya! Idinikit ko ang matalim na kutsilyong hawak ko sa kanyang braso, nahiwa ito pero walang dugo na lumabas!

"Captain Sierra! Umalis na tayo!" Sigaw ni Justin sa kabila pero umiling ako sa kanya.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa demonyong nasa harap ko at nanatili lang s'yang nakatayo, nakangisi at matamang nakatingin sa akin! Akmang lalapitan ko s'ya pero s'ya itong lumalayo. 

Anong problema?

"Teka Cap! Bakit s'ya lumalayo!?" Tanong ni Justin at lumingon naman sa kanya ang lalaking nasa harap ko.

Agad n'yang sinugod si Justin at nanlaki naman ang mata nito sa gulat! Nang makabawi ay agad n'yang dinampot ang baril at nagpa-ulan ng bala! Pero tulad kanina ay walang nangyari! Sinakal nito si Justin hanggang sa mabuhat na s'ya nito gamit lang ang isang kamay! 

"C-Cap...u-umalis k-ka n-na!" Utal na sabi ni Justin pero imbis na iwan s'ya ay mabilis akong lumapit sa direksyon nila at binitawan nito si Justin at mabilis na humarap sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito pero nakangisi pa din. 

Mayamaya lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at sabay-sabay kaming nabasa. Nakita namin kung paano s'ya onti-onting natumba at nakapikit na ang mga mata. Nagtatakang lumapit si Justin at tinapik n'ya pa ito. 

"Hoy! Anong drama 'yan?!" Wika n'ya at bahagya pa s'yang natawa.

Sinundot n'ya pa ang ilong nito pero hindi talaga ito dumidilat! 

"Hindi s'ya tinatablan ng bala! Pati narin sa bomba.. hindi kaya-"

"Baka robot 'to Captain!" Mabilis na saad ni Justin at itinaas pa ni Justin ang T-shirt nito "Ay pandesal!" Tili niya at nangunot naman ang noo ko sa nakita.

Tattoo?

Kulay orange ito at may simbolo ng tatlong mata na pa-triangle! May lion din na nasa gitna. Parang nakita ko na 'to kung saan?

"Shuta Cap? Anong gagawin natin sa kanya?"

Takang tanong nito kaya naman ay mabilis kong inakay ang robot na ito at dinaluhan naman din n'ya ako para madala namin s'ya ng maayos. Pumasok kami sa basement at sumakay sa elevator. 

"We need to know him. Kung sino man ang developer n'ya malamang magaling ang isang 'yon!" saad ko at sinang-ayunan naman ako ng tango ni Justin.

Napansin ko rin ang button sa leeg nito. Kung hindi mo pa tititigan ay hindi mo mahahalata. Nang makarating kami sa rooftop ay agad naming tinungo ang helicopter at isinakay namin s'ya. Si Justin na ang nagpaandar habang ako ay nakatanaw sa baba.

Ano ba itong nangyayari? Bakit gagawa pa sila ng ganito. 

"Saan natin 'yan dadalhin Cap?" Tanong ni Justin at saglit akong bumuntong hininga. "Should we bring him sa organization?" Mabilis akong umiling. 

"Dalhin natin s'ya kay tito Pabio." saad ko at tumango lang s'ya bilang tugon. 

Magaling si tito pagdating sa mga ganitong bagay, I'm sure na matutulungan n'ya kami. Naging sikat na developer si tito noon five years ago, pero may nagnakaw ng imbensyon n'ya.

Walang nakakaalam kung sino ang may kagagagawan at hindi na din inalam ni tito ang bagay na 'yon. Pinag-aralan ko din at tiningnan kung sino ang lapastangang may lakas ng loob na pag nakawan ang isang Mendivel pero wala akong nakita. 

Nang makarating kami sa hide out nila ay agad kaming pumasok sa loob. Hindi naman naka-lock kaya tumuloy-tuloy na kami. Gulat pa silang lahat na napatingin sa amin. Inihiga namin s'ya sa isang sofa, walang gumalaw o nagsalita sa kanila. Maging si tito Pabio ay takang-taka kung bakit nandito kami. 

"Who is this?" Takang tanong ni tito Pabio ng makalapit sa amin at tiningnan ang lalaking walang malay.

May ibang mukha ang hindi pamilyar sa akin na nandito kaya agad kong ibinalik ang tingin sa tito kong takang-taka sa mga nangyayari. 

"We don't know him. Napaka-imposible mang marinig pero hindi s'ya tao.." seryoso kong saad at kita ko ang lalong pagkalito n'ya. 

"Robot s'ya guys!" Histerikal na sabi ni Justin at bahagya pang natawa ang iba.

Lumapit naman sa akin si Drake at umakbay pa sa aming dalawa ni Justin. 

"Teka lang mga bessywap ha? Baka naman naka-drugs kayo?" Tatawa-tawa nitong saad at natawa narin ang iba. 

"Do you think sasayangin ko ang oras ko para lang sa kalokohan?" Walang gana kong tanong sa kanya at saglit din s'yang napa-isip. 

"How come na robot s'ya? I mean look at him, he's sleeping peaceful-" hindi na natapos pa ni Zack ang sinabi ng makitang tumayo agad ang lalaking robot na kanina lang ay nakahiga.

Ngumisi pa ito sa amin at mabilis na umilaw ang mata

"Shit!"

Tanging nasabi ko at dali-daling inilayo sina tito Pabio pero agad na nahatak si Drake ng robot at sa sobrang bilis ng pangyayari ay inihagis n'ya 'to sa pader. Kinasa naman ni Flare ang baril at pinaputukan n'ya ng bala pero mas lalo lang itong ngumisi sa gawi n'ya. 

"Damn! Robot nga gago!" Sigaw ni Zack na natatarantang kinuha ang baril niya. 

Patuloy na pinaputukan nila ang robot sa harap namin pero walang nangyayari. Inihagis nito ang ibang gamit hanggang sa maubusan din sila ng bala. Lumapit rito si Nexus at kung nakakamatay man ang mga tingin niya baka nakahandusay na ang robot na 'yan sa sahig. 

"Nexus!" Sigaw ng isang babae sa kaliwang banda at halata ang pag-aalala n'ya.

Sinugod ito ni Nexus ng suntok pero parang nababasa n'ya ang bawat galaw n'ya at s'ya naman ang umaatake ngayon kay Nexus!

Duguan na ang mga kamao ni Nexus dahil sa pag suntok n'ya sa robot pero daig n'ya pa ang naka-anesthesia dahil parang wala man lang s'yang nararamdaman na sakit.

Inilibot ko ang mga mata sa paligid at nakita ko ang isang bottled water na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong kinuha at nakita kong nakahiga na rin si tito Pabio sa sahig, dali-dali akong lumapit sa robot at buong lakas na ibinuhos sa kanya ang tubig.

Dahan-dahan nitong ipinikit ang mata at napakuhod dahil sa pagkawala ng malay. Natulala naman ang lahat sa nangyari. Nakatayo naman na sina tito Pabio at Nexus, ganoon rin si Drake. 

"This is what I mean." saad ko at nakahinga naman ng maluwag si Justin. 

"Grabe ang sakit ng katawan ko!" Reklamo ni Drake at tumutulo pa ang dugo sa noo n'ya. 

"Justin, gamutin mo si Drake!" Utos ko at agad naman itong tumalima. 

"Zack, dalhin mo s'ya sa Cr or kung saan man ang may tubig! Hindi s'ya pwedeng maka-recover sa pagkakabasa!" sambit ko at pinagtulungan nilang buhatin ni Alexis ang robot. 

"This is my first time na makakita ng ganoon!" Saad naman ng isang lalaki.

Nang tingnan ko ito ay kamukha ito ni Nexus. Maybe it's his father. 

"You must be, Ezra." sabat naman ng babae kanina na nag-aalala kay Nexus. Maganda ito kahit na medyo halatang may edad na. 

"O-Opo.." alanganin kong sagot at ngumiti ito sa akin. Yung tipong kapag ngumiti s'ya ay mawawala ang pagod mo.

"Saan ba galing ang robot na 'yan?" Tanong ni tito Pabio at naupo na sila.

Seryoso lang na nakatingin sa akin si Nexus at nag-aabang rin s'ya sa sagot ko. 

Bumuntong hininga muna ako bago i-kuwento ang mga nangyari kanina. Mataman naman silang nakikinig sa bawat pag ku-kuwento ko. Nakita ko rin na para bang natulala si Justin, natakot talaga s'ya ng husto. Sino bang hindi diba? Everytime na ngingisihan kami no'ng robot na 'yon ay talagang nakakapangilabot. 

"I think you should need to rest, hija." sambit ng magandang babae. If I'm not mistaken anak n'ya si Nexus! 

"No need na po ma'am. Kailangan na din naming umuwi." saad ko pa at ngumiti lang ito sa akin. 

Samantalang naiilang naman ako sa tingin ng Nexus na 'yan. Hindi ko maintindihan ang isang 'to kung galit ba o hindi. Dahil lagi s'yang ganyan, 'yung daddy naman n'ya mukhang mabait-though same features na sila eh, para na ngang kambal! Kaso matured na kasi ang mukha ng daddy n'ya tapos siya naman dinaig pa ang may red flags palagi. 

Walang biro gwapo s'ya. Ang sinungaling ko namang tao kung sasabihin kong hindi diba!

Gwapo s'ya. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.