Ezra's POV
Umuwi muna ako para makapagbihis. Dito na ako sa condo dumiretso dahil magtataka naman sila mommy kung makikita ang itsura ko na animo'y kagagaling lang sa giyera. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumawa ng robot na 'yan. Inaalam pa ni tito kung ano ang mga naka-program sa kanya.
Kung titingnan, mukha lang itong normal na tao, hindi naman din s'ya ganoon kabigat.
Si Vladimir ba? Pero kung s'ya man- bakit? Para ano? Sa pagkakaalam ko madami namang tauhan ang isang 'yon! Kung s'ya nga ang may gawa n'yan ganoon na talaga s'ya ka-desperado!
Agad akong pumasok sa bathroom at isa-isang tinanggal ang damit sa katawan. Binuksan ko rin ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa akin.
Mahihirapan kami sa pakikipaglaban kung ganito ang kalaban! Hindi naman forever ang bala sa baril namin, napapagod din kami. Pero kung katulad n'ya na may kahinaan hindi naman din ganoon kahirap. Ang problema paano kung marami pang katulad ni Android Roward? Hindi magiging ligtas ang mga tao at maraming mapapahamak sa ganitong sitwasyon!
Matapos kong maligo ay agad akong nagpa-deliver ng pagkain at binuksan ko muna ang laptop. Isa-isa kong tiningnan ang mga larawan ni Chase, pati na din ang ibang records ng mga nakagawa ng mga imbensyong sumikat noong nakaraang taon. Mostly mga hightech na gamit lang ang nafi- feature. Hinanap ko din ang tattoo na nakita ko sa katawan ni Roward pero wala man lang nag-match kahit isa!
Agad kong dinampot ang cellphone ko ng makitang tumatawag si Arielle. Nagtataka kong sinagot ang tawag n'ya, at ini-loud speaker ko nalang.
"Yes Arielle?" Tanong ko rito at bumuntong hininga muna ito bago magsalita.
"Ma'am Ezra, may naghahanap po kasi sa inyo dito! Pinipilit pa nga 'ko eh" sagot nito kaya naman ay nawala ang atensyon ko sa laptop.
"Sino raw?" Tanong ko ulit at agad na kinuha ang susi na nakapatong sa center table.
"Hindi po nagpakilala ma'am. Hindi ko din na mukhaan kasi nakasuot po ng facemask eh. Pero, may sinabi po s'ya sa akin, Chase daw po ba 'yon? Parang ganoon eh! Tsaka grades ata 'yong sinabi n'ya na 84.75? Dati po ba kayong teacher ma'am? Or bagong profession n'yo po?" saad ni Arielle na mukhang naguguluhan din. Napahinto ako sa narinig at tila kumabog ang dibdib ko.
84.75?
Mabilis akong lumabas ng unit ko at sakto namang dumating ang delivery man para ihatid ang pagkain na in-order ko.
"Ma'am, nandyan po ba si Ms. Mendivel?"
Magalang nitong tanong pero agad kong kinuha ang pera sa wallet ko at iniabot sa kaniya ang iilang libo. Hindi ko na iyon binilang at agad na tumalikod.
"Sayo na 'yan" saad ko at mabilis naman s'yang nagtaka.
"P-Po?"
Rinig ko pang saad ng delivery man pero wala na kong panahon para kumain! Ang numero na sinabi ni Arielle sa akin kanina ay ang bilang ng pangalan ko at ni Chase.
Kaming dalawa ang nakaisip nito noon kapag nag lalaro kami. 'yan din ang palatandaan namin kapag naliligaw kami noon sa Condo unit nina tito Pabio kaya tinatandaan ko ang bawat numero na dinadaanan namin at sinabi n'yang kapag naligaw at nawala ako, hahanapin n'ya ako sa bawat numero na bilang ng pangalan namin!
Nagmadali akong makapunta sa parking lot at mabilis na sumakay sa kotse ko. Agad ko itong pinaandar at pinaharurot ang sasakyan. Mabuti nalang at anong oras na ngayon.
Wala ng masyadong traffic! Kung sino man ang taong 'yon ay malamang kilala n'ya si Chase! Baka alam n'ya kung nasaan si Chase!
Wala pang thirty minutes ng makarating ako sa SE Loan company. Napansin kong busy ang mga tao ko doon lalo na si Arielle. Nakita ko din sa kaliwang bahagi 'yong mga kalalakihan. Napatingin pa ang mga ito sa akin pero wala akong panahon sa kanila at dali-dali akong lumapit kay Arielle.
"Where is she?" Diretso kong tanong kay Arielle at lumapit pa ito sa akin.
"Ma'am kakaalis lang po, hindi ko po alam kung bakit eh. Pero may pinapabigay po s'ya para sayo." sambit nito at kinuha sa bulsa ang isang kapirasong papel.
Agad ko itong kinuha at nilibot ang paningin sa kabuuan ng company. Gabi na pero madami pa ring tao dito na nag i-inquire ngayon. Tsk.
Pumasok ako sa opisina ko at mabilis na ini-lock ang pinto. Naupo ako sa swivel chair at agad na binuklat ang puting papel na ibinigay sa akin ni Arielle.
W-Walang nakasulat?
Dali-dali akong pumasok sa bathroom ng opisina ko at binasa ang papel ng tubig. Onti-onti ko ng nakikita ang mga naka sulat dito hanggang sa tuluyan na itong maging malinaw.
2|5|•|4|2
Huh?
Napakunot noo ako sa nabasa ko at kinuha ang basang papel.
"I'm Alive, help me?" Wala sa sariling banggit ko dahil 'yon ang ibig sabihin ng numero na nabasa ko.
Pero bakit hindi n'ya nalang sinulat sa salita? Lumabas ako sa bathroom at agad na lumabas sa opisina. Pumasok ako sa control room at napalingon pa sa gawi ko sina Ben and Hue.
"Good evening, ma'am!" Sabay nilang bati at tumango lang ako bilang tugon.
"Lumabas muna kayo at h'wag n'yong hayaang may pumasok dito." bilin ko at mabilis silang tumango at agad na sinunod ang sinabi ko.
Mabilis kong tiningnan ang CCTV control para makita ang nangyari kanina. Sa pagitan ng 8:00pm at 8:15pm ay dumating ang isang babae, nakasuot ito ng itim na t-shirt at pantalon. Naka- facemask din s'ya tulad ng sinabi ni Arielle kanina sa tawag.
Nag-usap sila at maya-maya pa ay naupo sa isang bakanteng upuan ang babae at tila naghihintay, nakita ko namang may tinawagan si Arielle at napagtanto na ako na ang kausap n'ya sa mga oras na 'to.
Mga ilang minuto lang ay may dumating na kalalakihan at parang hindi na mapakali ang babae, nagsuot pa ito ng sumbrero at ng may lumapit kay Arielle na isa sa mga lalaking dumating ay bigla nalang kinausap ng babae ang isa sa mga staff at may iniabot na papel. Itinuro n'ya pa si Arielle at nagmamadaling lumabas.
Tsk. Tumayo na ako at lumabas na sa CCTV room. Panay naman ang tingin sa akin ng mga tao ng makita nila ako.
"Ezra!"
Agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin at nakita ko si Kuya Shan kasama sina Cody at Nexus pati na ang iba pa. Wala nga lang si Drake na mukhang napuruhan ata.
Lumapit ako sa kanila at kumaway pa sa akin si Calliope. Kung nandito lang si Justin ay malamang walang minuto na hindi iikot ang mga mata non!
"What are you guys doing here?" Takang tanong ko at agad namang umakbay sa akin si Calliope at todo ang ngiti.
"Well, since kuya Shan and Cody are in one circle of friends, kasama ka na din sa amin. That's why we decided to invite you for a dinner- simple celebration sa bahay ni Nexus!" Masayang saad nito
Wait.
Close ba kami nito?
"Come on, Sumama kana sa amin. Buong maghapon ka ng nandito sa company mo. You need a break." wika pa ni kuya na muntik ko pang ika-ubo.
Napangisi naman sina Zack sa narinig.
"Ah hind-" balak ko sanang tumanggi ang kaso hinila na nito ako palabas. Tsk.
Narinig ko na rin ang pagsunod nila sa amin at para bang nag-aasaran sila sa likod.
Nang makarating kami sa parking lot ay kakamot-kamot sina Alexis at Zack dahil wala daw silang sasakyan. Kahit si Cody ay hindi dala ang kotse niya at sumabay lang ata kay kuya Shan.
"Ezra, kay Nexus ka nalang sumabay para sina Alexis na ang magkakasama sa kotse mo." suhestiyon ni kuya Shan at natahimik naman sila habang naghihintay ng sagot ko.
Si Nexus naman ay binuksan na ang pinto ng kotse at nag hihintay kung sasakay ba 'ko.
Bakit ako 'yung dapat makisakay? Tsk.
Lumapit naman sa akin sina Zack at nag puppy eyes pa.
"Sige na pliiitt! I promise iingatan ko ang kotse mo. Hindi naman ako kaskasero mag-drive hehe." si Zack na walang humpay sa pag-puppy eyes at natawa naman ang iba sa kanya.
"Tangina, ang sagwa!" si Alexis na tatawa-tawa pang nakatingin sa amin.
"Shut up gunggong! Sa gulong kita papasakayin mamaya! Tamo!" wika naman ni Zack at ibinalik ang tingin sa akin.
Mukha kaming mga tanga dito na nakatayo sa parking lot. Tsk. Iniabot ko nalang sa susi ko sa kanya at napasigaw pa ito sa tuwa.
Si Nexus naman ay nanatiling nakatayo at hinihintay na sumakay ako sa sasakyan n'ya. Dahil wala naman akong Choice kaya sumakay na 'ko. Nakita ko rin na naunang magpaandar ng kotse si kuya Shan.
Napasandal naman ako ng wala sa oras sa kinauupuan ko ng biglang lumapit sa akin si Nexus at kinabit ang seatbelt ko.
Di ko ata namalayan ang pagsakay n'ya!
"Your seatbelt." saad nito at pinaandar na ang sasakyan.
Damn. Ang awkward!
Mali ata 'yung desisyon kong sumabay sa kanya! Bakit pakiramdam ko naisahan ako?! Nanatili lang akong nakatingin sa labas at ayokong tumingin sa iba pang direksyon.
Dito lang sa labas. Dito lang.
"You're too quiet." narinig kong saad ni Nexus kaya naman ay napalingon ako sa kanya at nagulat naman akong nakatingin pala s'ya sa akin at mabilis n'yang inialis ang tingin sa akin.
"Dapat bang may sabihin ako?" Saad ko.
Okay I'm trying to be nice here- pero parang ayaw makisama ng dila at utak ko dito! tsk.
"Well, I just want you to know that maybe you're trusting a wrong person." makahulugang sabi nito kaya tuluyan na akong tumitig sa kanya.
Ano bang pinagsasabi n'ya.
"Base on your reaction mukhang hindi pa nasasabi sayo ng tito mo ang isang bagay- na 'yong robot na dinala n'yo kanina ay may halong Black Crystal. That means, na posibleng isa sa organisasyon n'yo ang may gawa or talagang ang may pinakamataas na posisyon na may access sa mga itim na kristal" sambit pa nito at sumilay sa mga labi n'ya ang isang ngisi.
Napamaang naman ako sa narinig. Inilabas ko ang cellphone at nakita kong may missed calls doon si tito.
"So you're trying to say.. na si Commander ang may gawa no'n, ganoon ba?!" May halong inis ang boses ko at lumingon pa ito sa akin at may button s'yang pinindot sa sasakyan at bumitaw na s'ya sa manibela at kusa isang umandar mag-isa.
"Yes and no. It's just a hunch. Kung s'ya nga ang may gawa para na rin n'yang binabato ng putik ang sarili n'ya and then- you can take over his power sa organisasyon dahil pangalawa ka na may mataas na posisyon o ranggo. And no- dahil napilitan lang s'yang saluhin ang Black Crystal Revolution for the sake's of his father's last will." confident nitong saad kaya naman mas lalo akong naguluhan dahil paano n'ya nalaman ang mga bagay na 'yan?!
Hindi kaya si Dia!
"Yes Captain Sierra. Dia is one of my ally!" sambit nito at ngumiti sa akin ng nakakaloko.
Kahit ngitian mo pa 'ko hindi ako madadala d'yan! Kung ibang babae pa siguro makukuha n'ya sa ngiting 'yan pero hindi ako!
Damn ano ba 'to?! Bakit ngiti n'ya pa ang napapansin ko!?
"Hindi na 'ko magtataka sa isang mafia boss na kagaya mo." mukhang s'ya naman ngayon ang nagulat sa narinig dahil nalaman ko ang bagay na 'yan.
Sa paanong paraan? Well, dahil kay Justin na usasero.
Kailangan kong maging maingat ngayon! Hindi ko alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Kailangan kong makumpirma kung may kinalaman nga ba si Commander Nazi sa paggawa ng robot na 'yon! Masama ang epekto ng itim na Kristal sa paggawa ng robot.
Kaya kami ang nangangalaga nito para wala ng ibang makakuha n'yon at inilagay nalang ito sa isang sulok kung saan walang makakakuha. Pero bakit ganito ang nangyayari?
Si Commander Alvazar ang nakatuklas sa itim na Kristal pati na ang epekto nito pero imposible namang s'ya ang gagawa nito ngayon. Kailangan kong makausap si Commander Nazi para makumpirma ang isang bagay!
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡