Ask for the moon 08
"Ayan na si Sadnie," Bulong ni Angel at siniko ako.
Tahimik na bumaling si Sadnie sa'kin at ngumiti so I rolled my eyes. #AttitudeMuna
"Kami 'yung nauna! Bakit sa kanila kayo magpapakuha? ang unfair naman!" busangot na reklamo nitong med'tech student.
"Sorry, Miss." Cyrus friend apologized and looked at me with a playful smile.
The other girl shrugged "Kahit na, Kami ang nauna dapat sa'min kayo magpapakuha ng blood!"
Cyrus chukled and played again his lips "But even someone came first," He stopped and bit his lower lips "Yoreh was the same choice I would choose... We choose,"
Napatahimik kaming lahat. He would choose? why do I felt like there's something at my stomach got crazy?!
'Tsaka hindi naman kami masyado pang close para masabi niya 'yon. Is he not concerned with the feelings of others like if he can flutter hearts of them? Wait! What? Did my heart fluttered?
"Okay," The girls said and walked out.
"Pwede bang d'on tayo sa clinic? Nakakahiya naman sa ibang students na ditto tayo magkuhaan ng dugo," Sadnie awkwardly said.
Tumango-tango sila at tumayo na. Nung una kala ko suplado din 'tong ibang kaibigan ni Cyrus but I'm wrong. Para din pala silang mga living microphone dahil sa ingay. Kung makapagreklamo naman 'tong si Cyrus sa'kin na maingay parang hindi sanay.
Habang naglalakad kami ay nagpakilala sila sa amin. Si Jake, Sai, Izi, Wendrix, Hugo ang pangalan ng mga kaibigan niya.
"Sai and Hugo! Can you both please shut your mouth? Wala kayo sa playground kung makatakbo kayo at makapagtawanan," iritadong saway ni Cyrus sa mga kaibigan.
Sai laughed " Ayan Sadnie! Highblood na si Cyrus kuhaan mo na agad ng dugo!" Biro niya.
Bahagya kaming natawa dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, kung kuhain pa kaya ni Sadnie 'yung sobrang dugo kay Cyrus? Kidding.
"Pumirmi na kasi kayo baka tayo ang maging duguan na mamaya," Saad ni Wendrix at may mapanlokong ngiti sa labi na bumaling kay Cyrus.
I looked at Cyrus who suddenly walked faster. Na para bang sobrang irita na siya sa mga kaibigan niya. Walang pakialam siyang naglakad habang ang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. May iilan na nginingitian siya pero madalas ay napapako ang tingin sa kaniya. Alright, Let's admit it! He's so damn attractive on his white t-shirt reason why we can saw his masculine arm also his black slacks suits him reason why his long legs compensate.
Simpleng-simple lang siya but he's really distinguished by his great charisma and manly posture. How can a guy exist like this!?
"Hello, Mrs. Isidro. Kuhaan ko lang sila ng dugo po para sa requirements," Paalam ni Sadnie sa Nurse na nandito sa clinic.
May apat na kama dito. Nagtakbuhan naman agad si Hugo at Sai sa unang kama samantalang si Wendrix at Izi sa ikalawa. Napatingin ako kay Cyrus na nakaupo na sa kama at mariin akong tinaasan ng kilay.
Napaiwas tuloy agad akong ng tingin. Pati ba naman pagtaas ng kilay niya ay mapapansin kong napakaattractive?! Hindi na 'to normal! And I hate it! I really do!
"Tangina ano 'yan?!" Natatawang tanong ni Sai.
Nakatingin siya sa injection na hawak ni Sadnie masyadong mahaba 'to kumpara sa ginamit sa'min. Kaya nag-aalala akong napatingin kay Sai na mukhang natatawa lang talaga na parang sanay na sanay na siya sa karayom na tinuturok sa kaniya.
Iwas lang ang tingin ko habang kinukuhaan siya ng dugo dahil I'm scared of blood. Pero kaya ko naming tingnan 'yung ibang dugo na nasa tube pero hindi matagal dahil naiimagine ko palang ang injection---nasakit na 'yung dibdib ko kaya umiling-iling na lang ako.
"That's all? Mas masakit pa palo ni Mommy gamit belt ni Dad," Sai joked and moved aside.
Hindi naman gaanong katagal ang ginawa ni Sadnie dahil hindi naman katulad ng iba 'tong kaibigan ni Cyrus. 'Yung iba kasi grabi kung makaarte kahit hindi pa nga nagsisimula naarte na agad. Maaarte!
Umayos ako ng pagkakatayo at pasimpleng bumaling kay Cyrus at agad ding nag-iwas ng tingin dahil nagtama ang paningin namin. I heard his chuckled, a sexy one.
"Si Cyrus na," Bulong sa'kin ni Angel.
Napatingin ako sa kaniya dahil sa makahulugan n'yang titig.
Umirap ako " Alam ko," Iritadong sagot ko.
"Yiee," She teased.
My brows furrowed " What?"
"Wala, namumula kana agad," She teased me again.
Nag-iwas na lang ako sa kaniya ng tingin at bumaling kay Cyrus.
Seryoso lang niyang pinapanood ang ginagawa ni Sadnie sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at bumaling sa'kin. Na para bang masgusto niya pang suruin ang pagmumukha ko kaysa sa ginagawa ni Sadnie. Walang bumibitaw sa titig naming dalawa gustuhin ko man pero may sarili atang buhay 'tong mata ko at ayaw na siyang lubayan.
"Baka matunaw kayong dalawa," Bulong ni Angel.
Kaya napabaling ako sa kaniya. Omg! Did she saw that?! Tangna, Bakit ba kasi ang weird nitong si Cyrus ngayon! Nadadala tuloy ako!
"Tangina niyo nandito lang pala kayo," Inis na sabi ni Ben. "Oh, Yoreh," Nakangiti na n'yang sabi.
I smiled " Dito ka din pala nag-aaral,"
"Ah, Oo," nangiting saad niya.
"Magkakilala ka'yo?" Tanong ni Izi at ngumiti.
Tumango-tango ako, Sinong makakalimot dito kay Ben? At 'tsaka siya 'yung kumausap sa'kin nung iniwan ako ni Cyrus!
"Oo, Kasama siya ni Cyrus nung birthday ko," sagot ni Ben. "Bakit kayo nandito?" Tanong niya sa kaibigan.
"Hiningian lang namin sila ng dugo para sa requirement ng kaibigan kong si Sadnie," Sabat ko at tinuro si Sadnie.
Napatingin ako kay Sadnie na mukhang nagulat dahil sa binigkas kong pangalan. She even looked red! What the hell? Did I say something wrong?
"Ikaw magpakuha ka din Ben kulang pa ng isa," Saad ni Jake.
Tumango-tango si Ben "Sure,"
Napatingin tuloy ako sa kaniya. Nakasuot din siya ng white tshirt at black slacks na katulad sa mga kaibigan niya. He also looked attractive but Cyrus is the best.
"Your turn," Sulpot ni Cyrus sa'ming harapan.
Napatingin tuloy ako sa kan'ya. Masungit niya akong tinaasan ng kilay at nagtiim panga. Tumikhim siya at tahimik na nakatayo sa tabi ko habang binabalingan si Ben na nakangiti kay Sadnie na mukhang naging balisa.
"Hoy! Bakit sa kaniya maliit na karayom?!" Angal ni Izi.
"Tangina, Ano 'yan special treatment?" natatawang sabi naman ni Sai.
"I smell something fishy," Wendrix teased and smiled playfully at Sadnie.
"A-ah hindi, kasi a-ano, s-sige palitan ko," Sadnie panicked.
Umiling ako " H'wag na, Sadnie. Go na," natatawang sabi ko.
Nakalagay na kaya sa injection! 'tsaka last na naman siya kaya mas maigi na hindi na palitan. Maybe Sadnie have a reason why?
Jake looked at me "Sama na kayo mamaya," pangungulit niya.
"Saan Jake? sa Lacasa mamaya?" Baling na tanong ni Ben.
Hugo nodded " Oo, Kaso ayaw nila,"
"Bakit naman? Sama na kayo, " saad niya. " Ikaw, sama ka din Sadnie,"
Napatingin naman agad sa kaniya si Sadnie.
"O-okay," nauutal na sagot niya.
"Yes," Natatawang sabi ni Angel. " Dalawa kami ni Sadnie pumayag kana, sumama kana kasi ang kj mo naman,"
"Oo nga sama na kayo," Ulit naman ni Sai.
"Para masaya!" saad naman ni Wendrix.
Tumango-tango nalang ako " Sige na nga," suko ko.
I looked at Cyrus when he chuckled. Tiningnan niya ako na para bang iritadong-iritado sa sinabi ko. Kaya kunot-noo ko siyang tiningnan pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nag-iwas ng tingin.
Ano na naman ba? Sungit alert na naman ba?
Masama s'yang tumingin sa'kin bago umalis.
Ano ba? Bakit ako nababothered sa biglaan niyang pagsususngit? kanina naman masungit siya pero bakit parang mas naglevel up ang kasungitan niya? Kanina binabalingan niya ako ng tingin tapos ngayon parang iniiwasan niya lang ako!
Hindi ko alam pero sinundan ko siya palabas nginitian pa ako ni Angel hindi naman napansin ng iba ang paglabas ko dahil abala sila sa pag-aasaran at kulitan.
"Why are you here? D'on ka na titigan mo si Ben magdamag," Iritadong sabi niya ng lumabas ako at huminto sa tabi niya.
I pouted "Ano na naman ba? Inaano ba kita d'yan?"
Wala naman akong ginagawang masama bakit nagaga;lit siya? at ano naming pakialam ko kung magalit siya?!
Tiningnan niya lang ako ng masama at nag-iwas ng tingin.
"Bakit ka pa sasama?" Seryosong tanong niya.
Nakasandal siya sa pader at ang mga kamay ay nasa loob padin ng bulsa habang pinagmamasan ang mga estudyante na naglalakad. May iilan pang babae na nginingitian siya na mukhang nanlalandi sa paraan ng pagtitig. Kapag ba nadaan at nakakita ng gwapo katulad nitong nasa tabi kailangan ngumiti at mapupungay ang matang tingnan?! Ano naming pakialam ko?!
I rolled my eyes " Malamang sasama mga kaibigan ko. 'Tsaka bakit ba? Inaano ba kita d'yan at kung makapagsungit ka sa'kin. Kung ayaw mo akong kasama then tell to your friends na 'wag na kami isama dahil naiirita ka! Hindi 'yung pagenyan-genyan ka pa!" Inis kong sabi.
Kasi naman bakit kailangan niya pa iparamdam na sobrang iritado siya sa'kin? Bakit hindi na lang niya daretsuhin 'yung mga kaibigan niya?
He chuckled " Basta si Ben hindi ka talaga nakakahindi tapos kanina ayaw mo pa talaga na malaking karayom ang gamitin sa kaniya," Iiling-iling niyang sabi.
Kunot-noo ko siyang tiningnan " What do you mean by that?" curious kong tanong.
Anong basta kay Ben? Nababaliw na ba siya?
"Nothing, Sige sumama kana mamaya kung 'yan ang gusto mo," Masungit niya na namang sabi.
"Nababaliw ka na ba?"
"I'm not,"
"You are,"
"I'm not,"
I pouted " You are,"
"Okay," Suko niya.
Tiningnan ko ulit siya na bumuntong hininga at umiwas ng tingin.
"Oh, Mamaya ha, mga 7pm sa lacasa nakausap ko na 'tong si Sadnie," Nakangiting sabi ni Ben ng makalabas na din sila.
Hindi na lang ako nagsalita pa ulit dahil baka mabugahan na naman ako ng apoy ni Cyrus.
Abala naman na naglakad si Angel dahil kausap niya si Sai na todo ang daldal. Samantalang si Sadnie naman ay kinakausap nila Wendrix at Hugo na kung minsan ay bumabaling kay Ben na kausap si Jake.
Napatingin ako kay Cyrus na kasabay kong malakad.
"Just don't wear clothes too much revealing," Paalala niya bago lumiko sa kabilang daanan.
The hell he care?!