Ask for the Moon Chapter 9

Ask for the moon 07

Nagising ako dahil sa rinig kong ingay mula sa baba.

"Ako na nga ang magluluto! Umupo ka na lang d'yan!Ayaw pa mo?!" Rinig kong sigaw ni Mawi.

"Bisita ka dito! Ako na jusko po!" Sigaw na sagot ni Angel.

Bumangon na ako habang kinukusot ang mata. Nilibot ko ang paningin dito sa loob ng kwarto. Mukhang kakatapos lang mag-ayos ni Mawi ng mga gamit niyang dala.

Napadako ang tingin ko sa paper bag na nakapatong na sa'king study table.

"Anong bisita?! Mag-iistay na din muna ako dito! Kaya hayaan mo muna ako gumawa ng mga ganito!" Mawi proudly said.

Kinuha ko ang kulay puting envelopr na nasa loob ng paper bag.

"Thank you for being with me," basa ko sa nakasulat sa likod.

"Oo na! Ikaw na magluto!" Suko ni Angel.

Binuksan ko ang white envelope. So Cyrus secretly put this envelope here at my paper bag, huh? Bakit hindi na lang niya inabot? May pasecret-secret pa siya.

One...two...three...four...five thousand.

Actually hindi ko na naalala pa 'yung bayad niya sa pagsama ko sa kaniya hindi na din naman big deal 'yon sa'kin. Kailangan ko man ng pera kaya pumayag ako pero hindi naman talaga dapat ako oo ang sagot ko...kaso pogi kaya,

Ibinalik ko na lang sa loob ng envelope ang pera. Okay lang naman talaga kung hindi niya ako bayaran. Duh,

Siguro pag nagkita nalang kami ibabalik ko na lang 'to? 'Tsaka wala naman talaga akong natulong sa kaniya parang nakikain lang naman kami sa birthday ni Ben. Kaya tama lang naman siguro na ibalik ko 'to?

"Anong breakfast?" Tanong ko ng makababa na ako.

"Pritong itlog at hotdog 'tsaka nagsangag nadin ako ng kanin," Sagot ni Mawi habang ang paningin ay nasa kawali.

"Hoy!hindi ko inaalila 'yan, Yoreh! Nagvolunteer kasi s'ya," Depensa agad ni Angel.

I laughed " Oo alam ko, Angel. Narinig ko kayong nagtatalo kaya nga nagising ako! Kala ko naman kung anong breakfast kung makapagtalo kayo 'yan lang pala!" Biro ko.

"Edi wow," Angel said.

"Tae mo dilaw," Mawi joked.

"Tae kita," I fired her back.

Umupo ako sa tapat na upuan ni Angel sa dinning table.

"Ang aga aga usapang tae!" Angal ni Angel.

I laughed "By the way, May nagluluto na para sa'kin," I pointed Mawi. "Tapos may nag-aayos na ng kakainan," I pointed Angel who suddenly stood up.

Napahinto siya sa paglalagay ng plato sa'king harapan.

Her brows raised "Anong gusto mong palabasin?"

"Wala naman mga alipin ko," I proudly teased.

They murmured some curses reason why I laughed.

"Simulan na ang pagpupulong," Natatawang saad ni Mawi ng malagyan na ng pagkain ang plato namin.

Angel nodded " Live, Yoreh Selene Antares at Hot seat," she said pretending like a interviewer she even used her spoon as a mic.

"Hot seat?" Tanong ko.

"Bakit ka ginabi kagabi?" Angel asked.

"Anong ginawa niyo ni Cyrus Lavilla? Mawi playfully asked.

"Saan kayo nagpunta?" Angel asked.

Magtatanong pa sana si Mawi kaya nagsalita na'ko.

I laughed "Tigilan niyo nga ko! Ginabi kami kasi duh mag 6pm na kami nakarating sa venue! Pumunta lang kami sa birthday nung pinsan nung ex niya! Thats all!" Natatawang sagot ko.

"Weh?" Angel teased.

"Oo nga! Kumain ka na nga lang kung pati kutsara kaya mo edi go para manahimik ka!" I joked.

"Masarap?" Mawi asked.

"Anong masarap?" Kunot noong tanong ko.

"Alam mo na kaya kayo ginabi ni Cyrus kasi nasarapan kayo" Mawi said.

Hinampas ko siya sa braso dahil napagtanto ko kung anong gusto niyang sabihin.

"Gago ka!" Natatawang saad ko.

Angel laughed " Uy!Defensive!" She teased and grabbed my hair.

"Masyadong defensive! Tinutukoy ko yung handang pagkain! Ayan ha, masyadong napapaghalataan!" Mawi said.

Umirap na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Seriously? Magulo na nga kami dito sa apartment kait kaming dalawa lang ni Angel. Tas mas gugulo pa ata dahil nandito si Mawi! Well, Gusto ko din naman na nandito si Mawi. Pero araw araw na ba talaga kaming ganito?

Napatingin ako kay Mawi na masayang nakain. Wow ha parang walang problema ha. Kung makasunggab sa pagkain akala niya naman aagawan siya.

Napailing nalang ako na binalingan si Angel. Na nakanganga na naman, syempre nakain.

I pouted when I remembered Cyrus. Is he fine? Hindi pa siya nakakamove on sa ex niya at halatang mahal na mahal niya padin. How can he survive? If in the first place he's already drowning.

I hope that he can survive immediately because time is running reason why the more chances to drown deeper.

Ngising aso akong nakatingin kay Sadnie na hindi magkandaugaga sa paglilista ng mga pangalan ng nakuhaan niya ng dugo si Mawi ang huli niyang kinuhaan ng dugo. Dumayo pa talaga 'tong babaitang 'to sa apartment para manguha ng dugo.

Classmate ko na kasi 'tong si Sadnie nung grade 10 palang kami ni Angel kaya alam niya na kung saan 'yung apartment namin. Duh, nakikikain kaya siya minsan.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mag-istay si Mawi sa apartment at dalawang linggo na din akong laging nabubulabog sa kaingayan nilang dalawa ni Angel.

"Isang order pa ng fries and lemonade," Saad ko tinderang straight ang kilay.

Tiningnan ko si Sadnie na tumango tango at hinagis sa'kin ang wallet niya. By the way nabayaran na niya ako sa utang niya.

"Sa'kin apat na cordon bleu 'tsaka bottled water," makapal ang mukhang sabi ni Angel.

Napatingin ako kay Sadnie na binalik na sa loob ng bag ang papel.

Sadnie brows furrowed "Hindi ba pwedeng dalawa para 'Thank you' kailangang apat?"

Iniabot ko na lang sa tinderang straight talaga ang kilay ang bayad baka magbago pa 'tong si Sadnie at ibalik ang dugo sa'min kapalit ng pagbalik namin ng perang nagastos na namin kanina pa.

Angel laughed " Apat para 'Thank you, very much' kaya wag kana maingay tutulungan ka pa naming maghanap ng makukuhaan ng dugo,"

"Ilan pa ba ang kulang?" Tanong ko.

Iniabot na din nung tindera ang order namin sa christmas party dito sa campus talagang bibigyan ko 'to ng brown na pangkilay.

"Pito pa," Sagot ni Sadnie.

"Bakit ka ba kasi ng medtech," angal ni Angel at kumagat sa cordon bleu na hawak niya.

"Wala lang dapat magnenurse ako kaso nagmini mini maynimo na lang ako tas 'yon medtech," Sadnie explain.

" Hayaan mo desisyon ni Sadnie, Angel ikaw wag kang magreklamo kala mo di nakalibre ng pagkain," I teased.

"Manahimik kanga," she said and grabbed my hair.

Naglalakad kami dito sa canteen at may nangiti sa'kin...sa'min, feeling close lang?

I pouted " You don't have the right to shut me off! Mayr'on tayong freedom of speech. I have the right to say or even express my opinion!" I said emotionally like her words hurt me so much.

"Oks," Angel simply replied.

"Pito pa kailangan ko," Malungkot na sabi ni Sadnie ng umupo kami.

I laughed "Malungkot si SADnie," I joked.

"Mais ka? Corny mo," Pambabara ni Sadnie.

"Uy!" Natatarantang sabi ni Angel. " Ayan oh! Sila Cyrus, Hingian na'tin ng dugo!" Saad niya at ininguso ang gawi nila Cyrus.

I turned around and looked at him.

He's just wearing a white t-shirt and black slacks. May mga kasama siyang lalaki na mukhang kaibigan niya dahil nagtatawanan sila.

"Nasa lab 'yung instruments!" Sadnie panicked.

Halos dalawang linggo na din ang nakakalipas nung huli ko siyang nakita. Hindi ko na din kasi siya nachetyempuhan sa hotel.

I even think about him, If he's doing fine? Is he alright? Weird, but I don't know.

"Sabi ko naman kasi sa'yo kanina na dalhin mo na para pag may nakita tayo!" Angel said.

Sadnie pouted "Parang tanga naman kasi na nandito tayo sa canteen tapos may dala-dala akong injection,"

"Bilisan niyo na maunahan tayo," saad ko at sinenyas ang iilan na babae na naglalakad na sa gawi nila Cyrus.

Mukhang med tech students din dahil sa dala-dala nila. Wow, Dito talaga magkukuhaan ng dugo? How disgusting.

"Putangena, Saglet!" Sadnie panicked again.

Angel laughed " Boba ka bilisan mo na kunin mona 'yung mga gamit!"

"Oo na!" saad ni Sadnie at natatarantang tumayo.

"Diba may onting encounter naman na kayo ni Cyrus? Bakit hindi mo na lang siya kausapin muna? Nakakaawa naman kasi si Sadnie," malungkot na sabi ni Angel.

Napatingin kami kay Sadnie na halos madapa na sobrang pagmamadali.

"Hindi naman kasi kami totally close n'yang si Cyrus pero tingin mo iapproach ko siya?" Tanong ko.

She nodded " Oo, Kawawa naman si Sadnie,"

"Nakakahiya naman kasi,"

"Hay nako! Ngayon ka pa nahiya samantalang 'yung iba sinasabihan mo ng kung ano anong mga mabulaklak na salita para makakuha ng dugo.Pasado ka na nga sa pagiging vampire," balik niyang sabi.

"Okay, Samahan mo'ko," sabi ko at tumayo, naglakad sa gawi nila.

Tumango tango naman siya.

Pa'no ko ba s'ya tatanungin? Or iaapproach?

'Cyrus, pwede bang mahingian ka ng dugo?' Masyadong pantanga.

'Cyrus, 'Yung kaibigan ko kasi kailangan na maka 50 person na makuhaan ng dugo para sa requirement niya,' masyado namang mahaba.

"Cyrus please kailangan lang," Malanding sabi ng babaeng med tech student din.

"Oo nga,please," sabat naman nung isa.

Napadako ang tingin nila samin ni Angel na mukhang tanga na sumulpot sa gilid ni Cyrus.

He raised his brows when he looked at me. He even played his lips with his index finger and stare at me with 'anong kailangan mo' look.

Maarte kong hinawakan ang kaniyang tshirt gamit ang thumb at index finger.

He chuckled " What" tanong niya.

"Pengeng dugo," bulong ko.

Tama lang para marinig niya.

"Ano?" Ulit niya.

Napatingin ako sa mga kaibigan niya na nakatingin sa'min at nakikinig.

"Sabi ko pengeng dugo," iritadong ulit ko.

They laughed, Pati ang mga kaibigan niya ay natawa dahil sa sinabi ko.

"Gaga ka, Ayusin mo pagkakasabi," Natatawang bulong sa'kin ni Angel.

"Sino ba 'yan, Cyrus? Parang nanghihingi lang ng candy," Natatawang sabi ng kaibigan niya.

Kala mo naman pogi medyo lang naman!

Cyrus laughed " Bakit ba kayo nanghihingi ng dugo? Seriously? My blood?" Iiling niya tanong.

"Kailangan lang nung kaibigan namin requirements kasi and if okay lang," I stopped and looked at his friends. " Kayo din? Need kasi na 50 person and kailangan pa ng pito,"

"Anim lang sila," bulong ni Angel.

Pero madali na lang naman makahanap pa ng isa.

"Oo naman!Basta sama kayo sa'min mamaya sa Lacasa 'yung bar d'yan lang sa kabilang kanto." Aya ng isang maputing lalaki.

Why Cyrus surrounding with this good looking guys?!

"Sige!" Agap na sagot ni Angel.

Seriously? Basta gwapo talaga!

"Kami ang nauna!" Inis na sabat nitong babaeng kulang na ata din sa dugo dahil sa pamumutla.

Sasagutin ko na sana siya kaso nagsalita na ulit si Cyrus.

"Stop it, Jake!" Saway ni Cyrus. "Yoreh don't come," matigas niyang sabi at tiningnan ako ng masama.

Oh, ba't parang kasalanan ko?

Gusto ko sana sumama sa Lacasa dahil kakatapos lang ng iba naming exam at gusto ko sanang magrelax muna kahit papano. Kaso kung titingnan naman ang mukhan ni Cyrus? Parang ayaw niya talagang kasama kami!Kaya 'wag nalang.

Umiling ako " May gagawin pa kasi ako," tangging pagsisinungaling ko.

"Ano ba 'yan," bulong na angal ni Angel.

Tiningnan ko lang s'ya ng masama kaya umirap lang s'ya na parang alam niya na nagpapalusot lang ako.

"Gan'on ba? Sayang naman! Pero may next time pa naman, right?" Tanong ulit ng kaibigan ni Cyrus.

Tumango-tango ako " Sure, Next time,"

"Nice," Saad ng mga kaibigan ni Cyrus.

They clapped there hands like a child. Parang mga tanga lang.

"Ano pengeng dugo ha," nakangiting saad ko.

Tumingin sila sa'kin bago magpakawala na naman ng tawa. I looked around, binalingan ko ng tingin si Cyrus na nakataas ang kilay na nakatingin...titig sa'kin like he's examined my while existence.

I don't know but the way he looked at me looks sexy! Is this normal? Bakit sa bawat pagtitig niya sa'kin parang ang saya saya? May mga gusto pa akong sabihin but realizing that he's staring at me made me shut up?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.