Ask for the Moon Chapter 16

Ask for the moon 13

"Pwede na ba ako magtanong?" Tanong ni Angel.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Gustuhin ko man na umiling ay hindi ko ginawa. She's my friend at tingin matutulungan niya ako.

Kasi gulong-gulo na ako.

"Nililigawan niya 'ko," pag-amin ko. "Pero hindi ko alam kung bibigyan ko ba siya ng chance? Kasi nung una namin na pagkikita, he's broken at mahigit tatlong linggo palang kami na magkakilala. Is that possible? Ang sabi niya the first time he saw me nakuha kona agad ang atensyon niya at nababaliw na daw ata siya," Iiling-iling kong pagkwento.

Nilapagan niya ako ng plato sa harapan dahil nagluto siya ng adobo.

"Pero halata na naman sa inyo na may something na. Lalo na sa'yo the way na nakikipag-usap ka sa kaniya. Para kayong ewan kanina nung una halata na siya ang nagseselos then ikaw naman. Siguro ayaw mo lang siya bigyan ng chance kasi dahil past niya," she took a deep breath and smiled at me. "Malay mo totoo naman ang sinasabi niya? Na ikaw na ang mahal niya baka naman ikaw lang 'yung naiwan pa sa past niya pero siya hindi na,"

Napatahimik ako dahil sa sinabi niya.

"Alam mo kasi ayan ang hirap sa'tin,e. Lalo na sa'yo you have the right naman para magdoubt kasi ex niya 'yon. Minahal niya 'yon the way he loves you o mas higit pa. Pero hindi naman dahil d'on tatanggalin mo na 'yung chance na maging masaya kayo sa isa't-isa,"

"Natatakot ulit ako na baka sa huli iwan niya ko," Pagdadahilan ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at tiningnan siyang maigi. Naglagay ako ng kanin sa'king plato at gan'on din ang ginawa niya.

"But if you love him you need to take the risk," seryosong saad niya.

Yeah...

"I'll give him a chance," saad ko.

She looked at me seriously "Give him a chance because you want ha?" Tumango ako.

I really do.

I can't deny it anymore.

'Tsaka hindi naman basehan ang tagal bago mo madevelop ang nararamdaman sa iba, right? Masyadong mabilis, oo. Pero once you fall inlove kahit mabilis pa 'yan sa ikot ng elisi fan.

Once you fall, you fall.

I just remembered when I asked Merls. One of my friend back in to highschool.

Tinanong ko pa siya non if she believes na pwedeng bang mafall ang isang tao na agad-agaran and she answered na maybe crush lang ang tawag d'on? Infatuation.

Sabi pa ni Merls crush lang 'to.

'Yung mga ganito.

But we're not a elementary or highschool kids for this. College students na kami! So I can't call this as infatuation!

They said Love recognizes no barriers.

Napaayos ako sa pagkakaupo dahil sa biglaan na pagtunong ng cellphone senyales na may natawag.

"Sagutin ko lang," Paalam ko kay Angel.

She nodded "Sure,"

Tumayo ako at inabot ang cellphone ko. Unknown number isa lang ang biglang pumasok sa utak ko. Na siguradong nagbunyi ang kaloob-looban ko dahil alam kong siya 'to.

"Hello?" Bungad ko.

[Kakatapos ko lang maligo. What are you doing? Hmm?] He softly asked.

Napakagat ako sa labi!

"Ahm...Kakain palang sana nagluto si Angel e," sagot ko.

Bahagyang lumingon kay Angel na abala sa pagkain.

[Then eat first, Mamaya tatawagan na lang ulit kita,] Paalam niya.

I pouted, I can multitask naman!

"Sige, bye," Pagpayag ko.

[Alright... I love you," He sweetly said.

Halos magdugo na ang labi ko dahil sa kilig. Napatalon-talon pa ako at sumuntok sa hangin kaya umiiling-iling na napatingin sa'kin si Angel. I took a deep breath, Kinalma ko ang sarili bago magsalita.

"I love you too," Sagot ko at mabilis na pinutol ang tawag.

Pinagpatuloy ko ang pagtalon at ngayon ay napatili na ako!

"Putangina!" Kinikilig kong sigaw habang natalon.

"Putaina!Putaina!" Nababaliw kong ulit.

Angel laughed " La, Muntanga amputa. Kumalma ka!"

Sinunod ko naman agad ang payo niya at kinalma ang sarili. Bumalik ako sa pagkakaupo at nakangiting inabot ang tubig at uminom. Pilit kong kinakalma ang sarili pero dama ko padin ang mabilis na tikbok sa'king dibdib na hula ko anytime pwedeng mag-explode.

"Kinikilig ako,"

"Halata nga," Natatawa niyang sagot.

Napatingin ako sa cellphone ko ng sunod-sunod na nagvibrate.

Unknown Number:

Selene, I love you more.

Unknown Number:

I love you with my whole heart.

Napayuko ako at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad bago tumili ng malakas.

"Hoy!" Natatawang saway sa'kin ni Angel.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya ng tumayo siya at dinungaw ang cellphone at ng mabasa niya bahagya niya kong sinabunutan.

"Ikaw na!"

Ramdam kong maiiyak ako dahil sa sobrang saya at kilig. I never felt this before! Ngayon lang!

"Kakain pa ba ako? Eh, busog na ako sa matamis n'yang salita," Biro ko.

She rolled her eyes "Edi wow,"

Natawa naman ako dahil sa sagot niya.

Hindi na ako nagreply pa baka ay atakihin ako sa sobrang kilig.

Pinagpatuloy ko ang pagkain gan'on din si Angel. Wala sa'ming nagsasalita dahil lutang akong nakain. Napapangiti at hagikgik ako t'wing binabasa paulit-ulit ang text n'ya.

Natapos ako na puro s'ya ang iniisip. I think I'm really drowning.

"Umakyat kana ako na bahala dito. Magharot kana tawagan mo na!" Pagsuporta sa'kin ng kaibigan ko.

Napatingin ako sa kaniya at nagthumbs-up gesture bago tumakbo paakyat sa kwarto. Huminga ako ng malalim bago siya tawagan. Ang sabi niya s'ya ang tatawag ba't ako ang ata?!

[You're mine,] Panimula niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa salitang binigkas niya.

[Baby...]

[I've totally fallen for you...]

[Are you done eating?] malambing niyang tanong.

Binasa ko ang labi ko gamit ang dila at bumuntong hinga.

"Yes, Kakatapos lang. Ikaw kumain kana ba?" Tanong ko.

Umupo ako sa kama at hinintay ang sagot niya.

[Hmmm, Yes, Kakatapos lang din hinintay ko lang na matapos din ako kumain bago ka tawagan but you already called me,] Paliwanag niya. [Did you miss me already huh?]

Inis kong sinabunutan ang sarili ko sa hiya. Ayan! Atat!

"I miss you," Wala sa hwisyo kong sambit.

Narinig ko ang bahagya niyang mura na parang inilayo sa sarili ang cellphone.

[Selene... My baby... Did you know that you take my breath away? Huh?] malambing niyang saad.

"Ikaw din," Pag-amin ko.

[Tangina!] sigaw niya. [Sorry, Baby... Hindi ko na napigilan! Tangina bakit kinikilig ako ng ganito!] Natatawang saad niya.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"By the way, Magreresign na ako bukas sa hotel. Hindi na kita masyadong makikita," Malumanay kong sambit.

I heard his sexy chuckled "What the hell are you saying? Hindi ako papayag na hindi ka makita sa isang araw at kahit na minsan ay hindi tayo magkita. I will still love you more than the distance between the two of us,] he stopped. [Gagawa ako ng paraan para makita ka dahil kasama kana sa basic needs ko. Kapag wala ka hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin,]

Para naman akong binuhusan ng malamig dahil sa sinabi niya. Nanlaki pa ang mata kong napatayo at dahan-dahan na tinakpan ang bibig. Baka kasi hindi ko mapigilan ang pagtili. Sasabog na talaga ang puso ko!

[Selene...Are you still there? May sasabihin nga pala ako sa'yo bukod sa mahal na mahal kita,] malambing ang boses niyang sambit.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

[Sinearch ko 'yung name mo sa google,] He stopped.

"Then?" Pagsingit ko.

[Yung Yoreh pala other name o tawag sa moon. Tapos 'yung Selene 'yong goddess of the moon,] Manghang sambit niya.

"Ah, Oo nung pinagbubuntis kasi ako ni Mama nakahiligan niya ang pagsulyap sa buwan," Paliwanag ko.

[Wala lang nabored din kasi ako kanina habang nakain and I think to browse something regarding at your name.]

I bit my lower lips and played my hair.

[And my name Cyrus is a persian name means Sun while the Elio is a Spanish and Italian name means Sun din,] He explained.

I nodded.

I sighed.

I'm the moon.

He's the Sun.

We cannot be together.

Because...

It was blurry to see the two of us.

"Ah," tanging sambit ko.

Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. I can't find any words to say.

[Bukas kana magreresign diba? After n'on let's date," walang pag-aalinlangan niyang aya sa'kin.

May kung anong mayr'on sa utak ko na sinisigaw na 'Label muna'

Nilagay ko ang ibang buhok ko sa likod ng aking tenga at binasa ang labi. Sunod-sunod ang paglunok ko dahil hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.

"Sige," Tanging sagot ko.

I smiled, Narinig ko ang bahagya niya ulit na pagmumura na mukhang dahil sa saya. Nararamdaman ko na sumasakit na ang panga ko dahil sa todong pagngiti.

Minahal ko naman din si Josh pero hindi ganito maybe 'yon ang infatuation? Maybe I didn't love him? Maybe its just a infatuation? Or maybe not?

Umiling ako.

[Are you sure? Baka napipili--]

"Gusto ko!" Agap kong sigaw.

Bahagya kaming dalawa na natahimik.

Tangna! Ang harot harot ko na talaga!

[Sige, Sunduin kita bukas d'yan sa apartment niyo. Hahatid kita sa hotel tapos magdate tayo,] Masayang sambit niya.

Kagat labi akong tumayo at dumungas sa bintana dito sa'ming kwarto.

Sobrang liwanag ng araw na dahilan upang mapapikit ako. Bahagya akong ngumiti na kahit na maaraw at mainit ay may malakas na hangin ang tumama sa'king mukha.

"Sige,"

At pagbalot na naman ng isang katahimikan.

Naririnig ko pa ang paghinga niya na mukhang naghahanap siya ng mga salita na sasabihin pa sa akin.

[Gusto mo ba na ligawan kita o napipilitan ka lang dahil ang kulit ko?] Halatang kinakabahan niyang tanong.

"Gusto," seryosong sagot ko.

I heard his sighed.

"Gustong-gusto," Ulit kong sagot.

[Mahal kita,] malambing niyang sambit.

Harot!

[Mahal kita sobra,] ulit niya.

[Mahal kita sobra pa sa sobra,]

Napapikit ako dahil sa kaniyang sinabi.

Tangina ha.

"Okay, Bye na," Paalam ko.

Tumahimik siya na parang may kung ano pang salita ang inaasahan.

[Okay,] saad niya.

Ngunit hindi pa'din ako pinapatayan.

"Sige na bye na talaga. See you tomorrow," ulit kong paalam. "I love you, Until the moon became two," I happily said.

Pinatayan ko na siya dahil hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya dahil sa mga sinabi ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.