Ask for the moon 14
Iniayos ko ang pagkakasabit ng kulay putting sling bag ko bago bumaling sa mga kaibigan ko.
"Nakakahiya naman!" Inis na sambit ni Mawi.
Sinabihan ko din kasi sila nasumabay na lang sa'min ni Cyrus dahil parehas naman sila ng shift at paalis na'din naman ako.
Angel laughed "Nako! Kunwari ka pa! Tara na," Aya ni Angel.
Umiling-iling na lang ako habang palabas.
Nakasuot lang ako ngayon ng ripped jean and white longsleeve. Iaabot ko lang naman na lang 'tong resignation letter na ginawa ko dahil tinawagan ko na kahapon si Ms. Faith. Kala ko nga ay pag-iistayin pa ako hangga't wala pang nakakapalit sa'kin. Pero mayr'on naman daw kaya ayos lang.
Napadako ang tingin ko kay Cyrus na kinawayan ako at todo ang ngiti. Nakasandal siya sa kotse niya at bahagyang pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok.
He's just wearing a black khaki short and white t-shirt. Sobrang simple pero ang lakas ng dating! He bit his lower lips when I stopped infront of him.
"Tara na," Aya niya.
Binuksan niya 'yong front seat at sinenyasan ako na pumasok. Kaya walang pag-aalinlangan na akong pumasok. Pinagbuksan niya din naman ng pinto ang dalawang kong kaibigan sa back seat. Binigyan pa nila ako ng mapanlokong ngiti.
"Infairness ang gentleman," sinundot pa ako ni Angel sa tagiliran.
Umirap ako at binalingan na lang si Cyrus na umikot para makapasok na din.
"Nagbreakfast kana?" Tanong niya sa'kin.
Tumango-tango akong bumaling sa kaniya.
His side profile is not a joke!
"Yes," simpleng sagot ko.
"Kayo?" Baling niya sa mga kaibigan ko.
My friend laughed " Oo naman! Kami pa ba?" Makapal ang mukhang sagot ni Angel.
Napatingin naman ako kay Mawi na nakapikit mukhang napagod kasi mag-aalas dose na ata s'ya ng umuwi kagabi.
Bahagyang natawa naman si Cyrus dahil sa sagot ni Angel. Napatingin ako sa kaniya na diretso ang tingin sa daan.
Walang pag-alinlangan kong sinuri ang pagmumukha niya. Nakaside view siya dahilan upang makita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Ang malalim niyang mata at magandang hulma ng kaniyang labi. Nagtiim bagang siya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mga mata.
Nagkatitigan pa kami ng saglit. Did he think that I fantasize something about his lips? Nahuli n'ya akong nakatingin sa kan'yang labi. Kaya nahihiya kong iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Nakausap mo na si Ms. Faith?" Tanong niya.
Ang paningin niya ay nananatili pa din sa daan na kung minsan ay bumabaling sa'kin.
Tumango ako "Kilala mo si Ms. Faith?" Curious kong tanong.
"Yes," simpleng sagot niya.
Tumahimik na lang ako at tumango dahil hindi ko na naman na gustong tanungin pa kung paano niya nakilala.
He glanced at me and smiled "Sinabi ko nga pala kay Mom and Dad na nililigawan kita at gusto ka daw nila makita ulit,"
Awang ang labi akong bumaling sa kaniya at nilakihan siya ng mata.
Ngumuso siya "Nagtanong kasi sila kung nagkikita pa tayo then I answered them that yes kasi nililigawan kita," paliwanag niya.
"Okay," Tanging sagot ko.
Umayos ako ng pagkakaupo at sinandal ang ulo sa bintana nitong kotse. Natatanaw ko pa ang naglalakihang building mabuti na lang at hindi masyadong traffic ngayon.
"Ayos lang ba?" Tanong niya.
Tumango-tango ako bago tinanggal ang pagkakaseat belt.
"Oo naman," nakangiting sagot ko.
Mabait naman ang Mama at Papa niya kaya wala naman akong dapat na ikabahala sa kanila. Sadyang nagulat lang ako dahil sa sinabi niya.
"You sure?" Tanong niya.
"Yes," natatawa kong sagot.
Bumaba na kami kaya napabaling ako sa mga kaibigan ko.
"Sige na," nakangiting sambit ko sa kanila.
"Sige!" sambit ni Mawi. " Hoy, Cyrus, Salamat! Iuwi mo 'yan si Yoreh ha," Biro ni Mawi.
"Ay te! Kahit 'wag na," sabat ni Angel.
Kaya bahagya ko s'yang hinampas.
"Sige na, Puntahan ko na si Ms. Faith," Paalam ko.
Agad naman na tumalikod sa'kin ang mga kaibigan ko at nagmadali na sa pagpasok sa hotel.
Napabaling ako kay Cyrus na tinagilid ang ulo para dungawin ng may ngiti sa labi ang mukha ko. Natawa naman agad ako sa kaniya. Umayos siya ng pagkakatayo at ipinasok ang kamay sa kaniyang bulsa.
"Tara na abot mo na 'yan para makapagdate na tayo," Aya niya.
Tumango-tango ako at naglakad na. Sumabay naman agad siya sa'kin. May iilan na bumabati sa kaniya. May iilan din ang napapatingin sa kaniya na malamang ay naagaw ang atensyon. Sino ba naman ang hindi mapapalingon dito? Ang simple simple ng suot pero ang lakas ng dating.
"Dito ka na lang," awat ko kay Cyrus.
Akma kasi s'yang papasok.
Umirap ako "Ikaw ba ang magreresign?" sarkastikong tanong ko.
Natawa naman agad siya dahil sa sinabi.
"Sorry, Sige hintayin kita dito," Natatawang tatango-tangong saad niya at sumandal sa pader.
I pouted "Okay,"
Pumasok na ako at nginitian si Ms. Faith.
"Ms. Faith, sorry po talaga ha kung biglaan," Paumanhin ko.
Umiling siya at bahagyang natawa "Ayos lang madami namang nagaaply dito kaya hindi mahirap na makahanap ng iba pang empleyado,"
"Ito po 'yung resignation letter ko po," sambit ko.
Inilapag ko sa kaniyang harapan niya ang white envelope na dala ko kung saan nakalagay ang resignation letter ko.
Hindi naman na ako agad nagtagal pa kaya lumabas na ako may ilan pang sinabi si Ms.Faith at medyo busy din kasi s'ya kaya hindi na nagtagal pa.
"Tapos na?" Tanong ni Cyrus.
Umayos siya ng pagkakatayo at lumapit sa'kin.
"Yes," Nakangiting sagot ko.
Inaya na niya ako na lumabas ng hotel kaya tumango-tango na lang ako. Natatawa kasi ako sa kaniya dahil para s'yang isang bata na nag-aaya na lumabas kasi gusting maggala.
Tinaasan ko ng kilay si Mawi bilang pagbati ng makita ko siya sa front desk. Kumaway naman agad siya sa'kin kaya kumaway din ako sa kaniya.
"Saan mo unang gusto na pumunta tayo? Gusto mo ba muna na kumain?" Malawak ang ngiti niya.
"Sa mall na lang tayo d'on sa Tom's world din. Gusto ko d'on matagal na ako hindi nakakapaglaro d'on," sagot kong parang bata.
Bahagya niya namang binasa ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila at binigyan ako ng isang pamatay na ngiti bago papasukin sa kaniyang sasakyan. Umikot na din siya para makasakay.
"Kahit saan mo gusto pupuntahan na'tin!" Mayabang niyang sagot.
"Weh? Kahit saan?" Tiningnan ko siya ng parang hindi ako kumbinsido.
He chuckled "Oo naman! Saan mo ba gusto?"
Nasa daan pa din ang tingin niya at sumusulyap sa'kin.
"Sa puso mo," barumbado kong sagot.
He pouted. "Andito ka na, Hindi mo ba alam?" Emosyonal niyang saad.
Hinawakan niya pa ang dibdib niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko.
Natawa naman ako dahil sa inakto niya.
"Ewan ko sa'yo," Natatawang sagot ko.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa at tinuon na lang ang pansin sa dinadaanan.
Kung minsan ay napapatingin pa ako sa kaniya.
"Pagkatapos natin sa tom's world. Where do you want to go next?" Nakangiti pa din na tanong niya.
I smiled "Uhm... Pwede ba samahan mo din ako saglit sa Watson may iba lang akong bibilhin. Then kain tayo tas after n'on. Manood tayo ng sine!" Excited kong sagot.
Wala na kasi akong lipstick at iba pang light makeup.
Gusto ko din na manood ng sine. Sana may horror!
"Sure!" Suportadong sagot niya.
Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil hindi ko ineexpect na papayag siya. Well, Si Josh kasi kapag nagdedate kami ayaw niyang papuntahin ako sa Watson kasi ang tagal ko daw kasi mamili ng kung ano-anong bagal. Mukha daw kasi siyang tanga na naghihintay sa labas ng stall. Napakasama ng ugali niya! Walang ka support support sana mabilaukan siya nagyon o di kaya ay madapa! Okay! Binabawi ko na hindi dapat ako nag-iisip ng masama. He also made me laughed naman and smiled! Bawal ang bitter!
Nang makapasok na kami sa mall naglakad na kami papunta sa Tom's world madami na din ang tao dahil sa linggo ngayon at family day.
Napapatingin ako sa mga batang mukhang nasa edad katorse na nagkukumpulan sa just dance. Sana all dancerist.
"500 pesos na token nga," Matigas na boses na sambit ni Cyrus.
"Hoy!" Awat ko sa kaniya. "Kahit 200 lang,"
He pouted "It's fine," saad niya.
Wala na akong nagawa kasi iniabot na niya ang pera at baka umangal naman kasi ang ibang nasa likod namin kung magtatalo pa kami.
Narinig ko pa ang hagikgikan ng iilan na babae sa aming likuran kaya tinaasan ko sila ng kilay dahilan upang maglaho ang ngiti sa kanilang labi.
"Selene, Let's go." Aya niya sa'kin.
Hinawakan niya pa ako sa siko kaya luminga-linga ako.
I smiled " D'on tayo!" Aya ko.
Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinila.
"Basketball?" Kunot-noo na tanong niya.
I nodded " Yes! Namiss ko dito!" Masayang sagot ko.
He laughed "I don't know that you loved playing this. I'm so proud, my baby." Nakangusong saad niya.
Napabaling naman ang atensyon ng iilan sa'min. Seriously? Proud? Just because of this?
Natawa na lang ako.
"Bilis na!" Natatawang utos ko.
"Alright," Natatawang sagot niya.
Naghulog na siya ng dalawang token kaya nagsimula na akong maglaro. Hindi niya ako tinutulungan nakasandal lang siya sa isang pwesto na walang naglalaro at pinapanood ang ekspresyon ko.
Sumulyap ako sa kaniya ipinatong niya ng maayos ang kaniyang siko sa kung saan at sumalumbabang nakangiti sa'kin.
"Pag-ikaw natamaan baliktad 'yang utak mo," Natatawang saad ko.
Natawa naman din siya sa sinabi ko. Iniangat ko ang bolang hawak ko at ishinoot sa ring. Hinihingal na ako pero hindi ako tumigil dahil natakbo pa ang oras.
Natanaw ko naman sa'king peripheral view na nilabas niya ang kaniyang cellphone kaya natawa naman ako.
Mukha atang pinipictureran niya ako kaya isang beses akong sumulyap sa kan'ya at ngumiti.
"Go baby! Go my moon! Shoot that Ball! You can do it, My moon!" He proudly cheered.
Feeling ko naman bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Nakanguso akong humarap sa kan'ya may iilan na kinikilig dahil sa sinabi niya. Nasa amin na tuloy ang atensyon ng iilan!
Natawa naman s'ya sa reaksyon ko kaya ibinalik ko na lang ang aking atens'yon sa nilalaro. Nakakainis siya! Kinikilig ako! Hindi tuloy ako makapagfocus sa nilalaro ko! Napakaepal! Hindi ako natutuwa dahil kinikilig ako! At hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko. For Pete's! sake I felt like my heart gonna explode!