Ask for the moon 01
Inilibot ko ang paningin sa ibang porters na nakikita ko nakasuot kasi sila ng pangbellhops na uniporme kaya ay natukoy ko kung ano sila. Sa ngayon ay mag-aaply ako dito sa isang hotel na pinapasukan ng kaibigan ko. I wonder if I suit here? Wearing a black blazer, white sleeved top and suiting bottom above my knee and heels. I walked confidently, Napatingin ako sa wrist watch ko ng mapagtanto na masyado akong maaga. May iilan na napatingin sa'kin kung kanina ay confident ako ngayon naman ay biglang bumaliktad ang sikmura ko na parang alam n'ya din na umaarte lang ako na confident.
Nginitian ako ng ibang porters na pawang alam nila kung bakit ako nandito dahil sa suot ko. Ayaw ni Mama at Papa na magtrabaho ako ang gusto nila ay magfocus ako sa pag-aaral at 'wag pagurin ang sarili para kumita ng pera. Kaya ko naman pagsabayin.
Mabuti nalang may kaibigan akong nagtatrabaho dito at inaya akong magtrabaho. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na si Angel na binabati ang ibang mga tao na nakakasalubong niya at gumawi sa'kin.
"Samahan kita kay Ms.Faith 'yung Supervisor of Guest Services," sabay hila niya sa'kin. "H'wag ka mag-alala dahil mabait 'yon at closed na namin. Sinabi ko na rin na mag-aapply 'yung kaibigan ko which is you," she said and looked around.
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng matinding kaba. Sabihin man ni Angel na mabait 'yung Ms.Faith ay may kaba parin akong nararamdaman. Nagpatuloy sa paghila sa akin si Angel at huminto sa harapan ng isang metal na pinto, mariing pinihit upang mabuksan.
Angel smiled "Good morning po, Ms. Faith," bati sa kaniya ni Angel. "Nandito na po 'yung kaibigan kong mag-aapply," she uttered and excused herself.
I took a deep breath, binigyan ko pa ng pahabol na tingin ang pintong nilabasan ni Angel. Agad akong naglakad palapit sa isang babae na may ngiti sa mga labi. Ang tantya ko ay matanda lang 'to ng kaunting taon sa'kin. How can she looked pretty with her pencil cut skirt and white plain blouse?!
"I'm Yoreh Selene Antares," I introduced and greeted her, handed my hand.
"I'm the Supervisor of Guest Services, Faith Villanueva," she shook my hand and smiled. "Take a seat," utos niya at tinuro ang upuan na nasa kan'yang harapan.
"I already sent my resume po sa online application nitong hotel po," I mumbled.
Ilang beses ako nag-isip kung mag-aapply ba talaga ako since wala pa akong experience pero gusto ko din kasi mapunan ang pangangailangan ko! Bumili ng mga damit na uso! Bumili ng kung ano-ano pa. Ayaw ko lang talaga na pati mga gusto kong bilihin ay galing pa sa pera na binibigay sa'kin ng magulang ko. Iba parin talaga kasi pagnakikita mo ang isang bagay na pinaghirapan mo 'yung perang pinambili. Pinaghirapan ko hindi ng magulang ko.
Ms. Faith nodded "Yes, nabasa kona 'yung sa resume mo. So, nag-aaral ka pa, right?" tanong n'ya habang pinaglalaruan ang hawak n'yang parker na ballpen. Gusto ko sana siyang sawayin kasi what the hell?! Parker 'yan Ma'am.
"Opo, M.W.F and the rest po na araw na available na ako," I desperately said.
Marami pa kaming pinag-usapan kung minsan ay nagtatawanan pa kami dahil sa mga pinagsasabi niya. Tama nga si Angel mabait si Ms. Faith.
Sa huli ay inassign ako bilang front desk clerk. Sinabi pa niya na sa iilang hotel ay kailangan pa na degree at years experience bago makapasok sa gan'tong trabaho. Sinabi din na pwede na akong magsimula bukas dahil tuesday naman bukas at wala akong pasok. Walong oras ang dapat na mailalaan ko sa bawat pagtatrabaho at t'wing kinsenas katapusan ang sahod, which is not bad.
Mabuti na lang at may prinsipyo si Ms. Faith na "Wala sa degree or experience maibabatay ang kakayahan ng isang aplikante kundi sa kung hanggang saan ang kakayanin." sa una ay hindi ko gets dahil sa medyo may pagslow talaga ako at ngayong pauwi ko palang nagets para bang sinasabi n'ya na "H'wag maging mapanghusga sa kung ano na ang narating nung isa" at "Huwag maging batayan it."
Kanina rin ay sinama ako ni Ms. Faith para tingnan kung pa'no ang ginagawa ng mga front desk clerks. Hindi naman masyadong mahirap kaya ay naexcite pa ako ng kaonti. Nakangiti akong napatingin sa paper bag na hawak ko. Dito nakalagay ang uniform ko para bukas kaya maingat ko na ipinatong sa kama ko.
Nandito ako ngayon sa apartment na inuupahan namin ni Angel. Nagbihis ako at nagluto dahil mamaya pang gabi ang uwi ni Angel. 8 hours rin siya sa pagtatrabaho ang alam ko ay room service siya. Naghahatid ng pagkain sa mga guests na ayaw bumaba para bumili ng sarili nilang pagkain. Nang matapos ako na magluto at kumain ay nagbasa nalang ako ng notes ko dahil baka sa wednesday ay may surprise quiz na naman ang iba naming prof.
Ang BSEd- Social Studies o kilala bilang Bachelor in Secondary Education Major in Social Studies ang kinuha kong degree. Yes, mag-ti-teacher ako. Gusto kasi ni Mama at pamilya kami ng mga teacher. Marami pa'kong pangarap na sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Gusto kong maging nurse or doctor pero hindi pwede dahil takot ako sa dugo. I mean, nanghihina ako kapag nakakita ako ng sugat na may lumalabas na dugo! Gusto ko rin na maging architect or engineer. Marami rin kasi akong passion. Passion sa pagpipinta at pagdedesign ng gown but maybe I'm not passionate enough? Minsan gusto ko rin maging secret agent pero hindi ko sinabi kahit kanino kasi gusto ko secret lang.
"How are you, Yoreh Selene my friend?!" tanong ni Angel ng makapasok sa kwarto ko. "Balita ko sa front desk clerks ka? Kayang-kaya mo 'yon! You can do it," she smiled and hugged me.
I took a deep breath and hugged her too. Napakaclingy talaga nitong kaibigan ko pero ngayon lang, I wonder why? I laughed "Bakit ang clingy mo ngayon, Angel? What do you want?" tanong ko at bumitaw na sa pagkakayakap. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpout lang siyang umirap sa'kin.
"Magpapatulong ako gawin 'yung sa research paper namin. Ako kasi naassign sa introduction at significance of the study pero patapos na'ko sa intro sa signifi----"
I cut her off and nodded "Sige ako na gagawa nung sa significance of the study. I know you've already tired kaya sige magpahinga kana ako na bahala bilang thank you dahil nirecruit mo'ko don sa J Hotel. I-te-take down notes ko nalang 'yung explanation," saad ko at sinara na ang filler na hawak ko kanina at binuksan ang laptop na nasa study table.
"Omg! Thank you! Hindi ko na kasi talaga kaya inaantok na'ko masyadong maraming guests kanina," she pouted while handling me a flash disk drive. "D'yan nakalagay 'yung iba na naka-assign sa iba kong groupmates baka makatulong. Salamat talaga ng marami!" masayang saad niya at humikab.
Tumango-tango lang ako at ngumiti. Nang lumabas na siya sa kwarto ko ay sinimulan ko na gawin ang pinakisuyo niya sa'kin. Tulungan lang talaga lagi kaming dalawa. Through my ups and down, thin and thick she's always there beside me and cheering me up.
She is Angel Delos Reyes.
She is a good friend of mine.
My unique and noisy friend.
Angel is rare person because she's real.
Para sa'kin ay madali lang naman 'tong pinapagawa niya kailangan lang ng malawak na understanding.
Narinig kong may pumihit ng door knob "Patapos ka na ba? Kung hindi pa, matulog kana ako na bahala d'yan. Bukas sa school ko nalang gagawin," she smiled at me.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Tapos na, ikaw na lang ang bahala sa pag-e-edit ng format," inabot sa kaniya ang flash drive niya.
She smiled "Thank you! Sige na inumin mo 'yan at matulog ka na. Start kana bukas diba?" she sincerely said.
"You're welcome," saad ko at ininom ang dala niyang gatas.
"Alright," she said before shutting off the door.
Nang matapos na ako uminom ng gatas ay sumalampak na ako sa malambot kong kama. Mag-aalas onse na ng gabi kaya mariin na akong pumikit.
And all went black.
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa'king mukha. Naririnig ko pa ang kalampagan ng kung ano'ng metal sa ibaba malamang nagkakandahulog hulog naman ang ibang gamit namin sa kusina mga baso, kutsara at tinidor na hinuhugasan ni Angel. Nakatiles kasi 'tong apartment at bukas ang pinto ng kwarto ko dahilan upang marinig ko. Sabi nila kapag daw may nahulog na tinidor ay may bisita daw na dadating? I wonder how about pag ang kutsara ang nahulog? May bwisita na darating?
"Yoreh! Gumising ka na! 10 am ang shift mo ngayon!" rinig kong sigaw ni Angel.
Napatingin ako sa wall clock ng mapagtantong 8:30 na. Kaya bumangon na'ko para bumaba. Natanaw ko siya na abala sa pagluluto ng itlog at sinangag. Dumaretso na ako sa c.r para maghilamos.
"Ano'ng oras shift mo?" tanong ko pagkatapos na maghilamos at bahagyang nag-inat-inat.
She looked at me while holding a pot holder "Mamayang 10:30 pa,"
My brows furrowed " Mamayang 10:30? Night shift?" tanong ko habang naglalapag ng plato sa dinning table.
She rolled her eyes "Kung mamayang night shift pa'ko edi sana ngayon nakanganga pa'ko at natutulog,"
"Okay!" I sarcastically said and made a thumbs-up gesture.
"Mauuna ka sa'kin kasi exactly 5 PM out mo sa'kin 5:30 pa. Hintayin mo ba ako or mauuna kana umuwi?" tanong niya bago lagyan ng pagkain ang plato namin.
I glared at her "30 minutes lang naman ang pagitan malamang sabay tayo,"
Thin laughter escaped "Edi wow!" she said.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya daldal ng daldal. Kinukwento niya kung ga'no karami 'yung guest kagabi kaya pagod na pagod siya pabalik-balik. Tumango-tango lang ako sa kaniya habang patuloy parin sa pagkain. Nang matapos na kami ay ako ang nauna na naligo dahil sabi niya siya na daw ang maghuhugas ako naman ang tagahugas at tagaluto paggabi.
I looked at the mirror when I saw my reflection. Wearing a white fitted skirt above the knee, color white suite, black sleeved top and black 2 inches heels. I smiled because of the satisfaction. Nilapitan ko ang wrist watch, necklace and earings ko na nakapatong sa study table ko.
Patuloy parin ang dakdak ni Angel habang naglalakad papuntang sakayan. Tinatanong niya pa ako bakit daw naikot ang gulong. Kung bakit din daw ako humihinga. Puro mga nonsense pero natatawa ako dahil sa mga walang kwenta niyang tanong na alam kong iniirita lang ako.
Huminto kami sa paglalakad at sumilong sa waiting shed kung saan may humihintong bus. Hindi naman kalayuan 'yung hotel na papasukan namin pero dahil nasa Pilipinas kami ay malamang ubos ang oras namin dahil sa traffic. Agad kaming sumakay ng may humintong bus.
"Here we go again," I annoyed said while running my fingers through my hair when the bus stopped because of the traffic.
"Masanay ka na, Yoreh. Kasama na 'to sa daily routine na'tin ang mastucked sa traffic," Angel lazily said with her narrowing eyes.
Umirap na lang ako sa sobrang pagkairita. Seriously? Wala na talagang solusyon about dito?! Well, Welcome to the Philippines.
"Hintayin kita mamaya. Sige na punta kana sa quarters niyo," I said when we entered the hotel, thanking God.
Angel looked at me holding a hand over her chest "Ow! I'm touched, sige! Goodluck!" she said and wave her hands and turned around.
Tulad ng tinuro sa'kin ni Ms. Faith kahapon pagdating ko raw dito ay dumaretso na ako sa pwesto kung sa'n kaming mga Front desk clerks. May bitbit akong maliit na sling bag na nilagay ko sa maliit na cabinet na nasa ilalim ng lamesa.
"Ikaw si Yoreh Selene Antares?" a petite girl asked.
Napatingin ako sa kaniya tumingin sa'kin. Kitang-kita sa pagmumukha niya ang pagiging curious. Is she chismosa?
I smiled and nodded "Yoreh Selene Antares and you?" I introduced and gesture my hand.
She shook my hand "Mawi Bernadeth Roscova. Maganda ka pala talaga, " she smiled. I know.
I smiled "Pinag-uusapan niyo ko behind my back? Sino-sino kayo?" tanong ko na may pagtataka pero mayro'n ding amusement. Nagpakawala ako ng mahinang tawa ng makitang nabigla siya sa tanong ko.
She pouted "Kanina kasi naririnig ko sa ibang mga bellhops na may iniinterview nga daw si Ms. Faith. Ang sabi nila, maganda raw so ikaw nga 'yon kasi wala naman akong bagong mukha na nakikita dito and you're beautiful!" Tumango-tango ako at ngumiti. Feeling ko ay working student rin siya dahil halata na magkasing edad rin kami.
"A-ah, thanks for the compliment," nahihiyang saad ko.
Tulad ng ineexpect ko ay madali lang ang ginawa namin. Nagverify lang ako ng reservation ng guests at kapag walang reservation ay ginagawan ko na agad. Tumatanggap ng credit card, taga-abot ng pass card at taga-sagot sa mga concerned nila. Minsan ay tinutulungan rin ako ni Mawi sa mga isasagot. Pinapanood at pinapakinggan ko din siya kung pa'no n'ya ineentertain 'yung guests kaya nagkakaro'n pa'ko ng idea. Hindi na ako naglunch kasi hindi naman ako gutom. Lumabas lang ako ng hotel at nagpahangin pero agad din akong bumalik dahil imbis na simoy ng hangin ay usok ang nalalanghap ko. Napaayos ako sa pagkakatayo ng may lumapit sa'kin na babae.
I smiled "Good Afternoon, Miss. How can I help you?" I asked while standing straight.
" I would like to meet Mr. Cyrus Lavilla. Hindi niya sinasagot ang tawag ko sa cellphone number niya," she said while looking repeatedly to the time on her wrist watch.
I smiled and nodded "So his name is Cyrus Elio Lavilla," I said while looking at the record book. Room 26029. "Sorry Miss but based on our policy we cannot provide information about his stay here but this is the telephone and you can call him using it,"
Tumango-tango siya at kinonect ko na ang numero sa telephone number na sa 26029. Tinawagan niya naman agad and I think there's still no response. Gusto ko sana magtanong pero pinigilan ko.
"Still no response," she annoyed said "I'll leave a message,"
"Sure, just write it down on paper and here's the ballpen," I said at binigay ang ballpen at papel. " I'll just give him this message, Miss."
Ngumiti lang siya at nagsulat. Pinagmamasdan ko siya habang nagsusulat ng matapos na siya ay nagpasalamat pa s'ya sa'kin bago tumalikod at umalis. Isang oras nalang ay matatapos na ang shift ko. Kung minsan ay tulala pa ako sa kawalan dahil wala lang trip ko lang.
"Omayghad!" rinig kong hagikgik ni Mawi kaya napatingin ako sa kaniya.
Agad akong napatingin sa tinitingnan niya. A man who distinguished with his charisma and manly posture appeared infront of me, smirking. He raised his brows when he noticed that I'm staring too much.
He chuckled "I am Cyrus Elio Lavilla from room 26029. Is there any bullshit message for me?" he asked while touching his lips.
Para bang inaakit niya ako sa bawat titig niya. I swear kung gan'yan lagi ang lalaking guests dito ay baka pumasok ako ng nakahubad. I swallowed hard, in my 20 years of existence! just now I'm confused! What do I look now? Am I pretty good enough?!