Lalo ko pa siyang tinitigan. No'ng nagpaulan ng kaswertehan si Papa God sinalo lahat ng genes nitong lalaking 'to. His dark eyes looks like it contain the darkness night, thick eyebrows, long eyelashes, pointed nose and red kissable lips. Is he for real?!
I heard him chuckled " Hey, You okay?... Breath," iiling-iling niyang sabi na pinipigilan ang pagtawa at nilahad ang kamay.
Ngayon ko lang napagtanto na napigilan ko palang huminga! I took a deep breath, binalik ko sa hwisyo ang sarili ko. Mariin akong tumingin sa kaniya at nagpakawala ng ngiti sa labi.
"Y-yes, here," nahihiyang baling ko sa kanya at iniabot ang papel na iniwan ng babae.
Sa gwapo naman nitong lalaking 'to hindi maipagkakaila na wala 'tong girlfriend. Siguro girlfriend niya 'yung kanina? Pero bakit hindi niya sinasagot 'yung tawag? Dapat hindi niya pinaghihintay 'yung girlfriend niya! To the point na pupuntahan pa siya rito! Is he heartless?
He rolled his eyes while looking at the piece of paper. Pati pag-irap napakagwapo niya hindi ko talaga inaakala na may gan'tong lalaki pala! Akala ko sa mga nababasa kong libro lang nag-eexist ang ganito!
He looked at me "Kahit kanino ay 'wag mo ibibigay kung anong room number ako," matalim niya akong tingnan.
I smiled "No need to tell me, Sir. This includes the policy not to provide guests information to other receptionists. So, don't worry," I answered while rubbing hands together.
His gaze directly land at me " Okay... then I need to go," may mapaglarong saad niya sa labi at kumindat pa sa'kin. "See you when I see you," saad iya bago tumalikod.
Halos matumba ako sa pagkakatayo habang sinusulyapan siya. He's just wearing a gray cargo khaki short and black t-shirt na dahilan upang madepina ang kaniyang magandang braso. Sa bawat hakbang niya palayo ay natatanaw ko parin ang kakisigan niya. Minamarkahan niya ang daan na nadadaanan niya! Napakagandang marka.
"Yung laway mo baka tumulo," Mawi teased me.
I pouted "Artista ba 'yon?" tanong ko habang kinukuha ang bag ko na nasa loob ng cabinet.
I heard her laughed "Hindi, sadyang artistahin lang 'yung itsura no'n. Gwapo niya 'no?" tanong niya at binalingan rin 'yung lalaking gwapo.
Tumango-tango lang ako bilang pagsang-ayon. Nagpakawala ulit ako ng mahabang pagbuntong hininga ng tuluyan na siyang maglaho sa'king paningin.
"Out na ako, ikaw?" paalam ko at bumaling sa kaniya.
Umiling siya "Mag-overtime ako ngayon, sige bye ingat ka!" saad niya at bumaling na sa guest na nagtanong sa kaniya.
Naglakad na ako palabas rito ko nalang hihintayin si Angel. Bumaling ako sa paligid at bahagyang napangiti ng masilayan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga sasakyan sa paligid. May iilan din ang napasok sa hotel na mukhang nagmamadali. May iilan din na mga students na nagdadaanan at nagtatawanan. Inabala ko nalang sa sarili ko sa pagbibilang ng mga sasakyan na nagdadaan. Sa susunod ay hindi kona hihintayin si Angel! Napakabagal pala ng oras.
"Hi, Miss beautiful," I heard a cold baritone voice said. Umayos ako ng pagkakatayo at bumuntong hininga. Alam kong maganda ako! Pero hindi naman ako assuming kaya hindi ako lumingon.
A guy appeared infront of me "You," he said while his finger pointing me.
Napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. Napakagwapo! Ngayon ay nakasuot na siya ng kulay puting t-shirt pero gano'n parin ang suot niyang cargo khaki short.
My brows furrowed "Me?" tanong ko habang tinuturo ang sarili. Luminga-linga pa'ko pero ako lang naman ang babae na nandito sa labas.
He chuckled and looked at me "Yes," he answered and run his finger to the hair. "Can you come with me tomorrow at 5pm? Susunduin kita dito," malamig niyang sabi. Kahit na mukhang may pag-aalinlangan sa mukha.
"W-what? Why?" nagtataka kong tanong.
He chuckled again and glared at me "Just be with me don't worry wala akong gagawing masama sa'yo," he touched his lips and examined me, head to toe. "Pero kung gusto mo naman--"
I cut her off "I mean bakit? Kasi first of all we're not friends," nagtataka kong tanong. "May pasok ako bukas," pagdadahilan ko, it's true tho. Natanaw kong nasa likuran niya si Angel at may mapaglarong ngiti sa labi. Para bang walang balak na abalahin kami.
He rolled his eyes and stare at me "Saan ka ba nag-aaral? I'll fetch you,"
I shook my head "Hala! h'wag na may mga kailangan pa akong gawin bukas. Bakit ba?" tanong ko at nagcrossed arm.
"I need you," he seriously said. "Just go with me, babayaran ko ang oras mo. Samahan mo lang ako," He looks desperate because of his tone.
I bit my lower lips "Ano ba gagawin? Promise wala kang gagawin na masama sa'kin? Kasi marami pa akong pangarap at bawal pa ako maglaho--"
"I just need your presence and that's all. Where I can fetch you?" he lazily asked and looked at me with a narrowing eyes.
Hindi naman siya mukhang masama? "A-ah sige, Sa ULCM sa exit," saad ko at ngumiti.
He just nodded and leave me. Wow, that's all?! Rude! Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan siya na naglakad palayo.
"Kilala mo pala si Cyrus! Ayan ha," Angel teased me and touched my arm. Muntik pa akong matumba dahil sa bahagya niyang pagtulak kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi naman pero kilala mo siya?" balik kong tanong at naglakad na. Naramdaman ko naman na sumunod rin agad siya sa'kin.
She laughed "Sinong hindi makakakilala don sa gwapong 'yon. Sa ULCM din 'yon nag-aaral at three years ang tanda no'n sa'tin," napabaling agad ako sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Wow! Are you stalking him?" I laughed and teased her.
She rolled her eyes and murmured something "Sorry ka! Hindi ko siya ini-i-stalk sadyang naririnig ko lang sa mga students na nagbubulong-bulungan," may humintong bus sa harapan namin kaya agad na kaming sumakay at umupo.
"Nagbubulong-bulungan pero narinig mo?" tanong ko na may mapanlokong tinig. Tiningnan niya lang ako ng masama kaya bahagya akong natawa.
She chuckled "Alam mo habang nagtatagal nagiging tanga ka," she joked and laughed.
"Alam mo baket?" tanong ko.
"Baket?" balik niyang tanong.
"Pwet mo may raket," barumbado kong sagot at tumawa. Agad niya kong binatukan dahil sa sagot ko kaya masama ko siyang tiningnan.
"Pero engineering student 'yon," nakangiting saad niya at makahulugan akong tumingin.
I bit my lower lips "Edi soon to be engineer s'ya?"
She rolled her eyes "Malamang!"
I laughed " Engineer," I said and massage my temple reason why Angel stare at me.
"Why? Masakit ulo mo?" nag-aalalang tanong niya.
I nodded and smiled "Medyo,"
"Mas masakit 'pag walang ulo," barumbadong sagot ni;ya.
"Ewan ko sa'yo! So soon to be engineer nga talaga siya?" seryosong tanong ko na tinutukoy si Cyrus.
She pouted "Oo nga!"
"Mahal ko na ata siya," birong saad ko kasabay ng pagkurot sa braso nitong katabi ko.
"Ulol! Porket engineer mahal mo na agad? Kumusta 'yung sinabi mong engineer na taga-outside world lang ang gusto mo?" she sarcastically asked.
My brows furrowed "So sinasabi mo ba na gusto kong engineer ay half meteor, half meteorites and pure meteoroid?" I joked. Mabuti nalang at hindi gaanong traffic kaya ay nakauwi na kami.
"Alam mo ewan ko sa'yo," aniya.
Kasi sa mga binabasa kong romance books ay nagkainterest ako sa mga engineer kung minsan sa attorney ewan! Nadala ng emosyon, hindi ako pakarat ha. Dumaretso agad ako sa kwarto ng makarating kami sa apartment. Minasahe ko pa ang binti ko dahil sa walong oras kong pagtayo at nakaheels pa ako kaya bahagyang nangawit.
Napatingin ako sa cellphone ko at sinulyan ang lockscreen ko na ang nakadisplay ang class schedule ko sa bawat araw na may pasok ako. Nagpalit na din ako ng pambahay. Kulay brown na cotton pajama at white tshirt. Tinali ko din ang mahabang wavy kong buhok.
"Anong ulam?" rinig kong tanong ni Angel na nakasalampak sa sofa. Nakasuot parin siya ng uniform niya at mukhang tinatamad na naman magpalit.
"Bubog," siraulo kong sagot kaya binato niya sa'kin ang unan na nasa tabi niya.
"Tangina mo!" she laughed and go upstairs.
Nagsimula na ako magluto. Actually, mga basic foods lang ang kaya kong lutuin. Hindi ako marunong magluto ng mga sinigang na baboy, adobong manok o menudo. Ang kaya ko lang ay magprito ng itlog, hotdog, bacon or whatever. Pero atleast medyo marunong na ako siguro next time pag-aaralan ko kung pa'no.
Nagsaing na rin ako at nagprito ng isda dahil wala naman kaming choice dalawa dahil ito lang ang nasa ref na kaya ko pang lutuin. Bumaba na rin si Angel at kumain kasabay ko. As usual ay may kinukwento na naman siya na kung ano. Kaso this time ay nakikinig na talaga ako sa kaniya dahil ang kinukwento niya ay si Cyrus.
"Minsan nakakasalubong ko 'yon sa campus at halos mabali leeg ko kakatingin sa kaniya! Akala ko kilala mo siya pero sabagay wala ka namang pakialam sa paligid mo," saad niya at nagkibit balikat bago uminom ng tubig.
I nodded "Gaga! Ang lawak lawak ng ULMC malamang hindi naman ako nag-iikot ikot do'n! Pero bukas baka maikot ko 'yon," Nakangiti kong saad. Tumango-tango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Ay baka bukas ay gabihin ako hindi ko pa sure what time ako makakauwi. Ako nalang ang magluluto at maghuhugas bukas bago ako pumasok at ikaw na pag-uwi mo. Hindi parin ba papasok 'yung prof niyo kinareer talaga 'yung one week na absent?" tanong ko.
Her brows furrowed, she looked at me "One week raw aabsent may sub naman siya pero wala akong maintindihan do'n mas magaling magturo 'yung prof namin. Bakit ka gagabihin saan ka pupunta?" tiningnan n'ya pa ako ng masama at nagtaas ng kilay habang hinihintay ang sagot ko.
"May sideline ako 'wag kana magtanong! Akyat na'ko!" Paalam ko ng matapos na akong kumain.
Bumalik na ako sa kwarto. Narinig ko pa ang pagsigaw niya na maghugas pa daw ako ng plato! Pero syempre mamaya na lang baka ay batuhin n'ya na ako ng mga tanong.
Ginugol ko na lang ang oras sa paglabas sa terrace at pinagmasdan ang mga bituin na kumikislap. Bahagya pa akong napapikit ng humampas sa mukha ko ang malakas na simoy ng hangin. Nang sipagin na ako ay bumaba na ako at naghugas ng plato natanaw ko pa sa sala si Angel na nakanganga na nanonood ng movie. Kung minsan ay bumabaling pa s'ya sakin na naghuhugas ng plato at nagmemake face, parang tanga lang.
Nang matapos na ako ay nagpaalam na ako kay Angel na matutulog at tumango-tango lang siya na parang walang pakialam. As usual, parang tanga parin. Hirap akong makatulog pero mas lalong hindi ako makatulog ng marealized na bukas magkikita ulit kami ni Cyrus. Wow, maka Cyrus talaga feeling close agad.
He looks interesting like a attractive painting in art exhibit.