Ask for the Moon Chapter 32

Ask for the moon 29

Walang gana kong tinutusok ang spaghetti gamit ang tinidor na kanina ay dala-dala ni Mawi. Tinatamad raw kasi siya na magluto ng almusal kaya bumili na lang siya.

"Nako! Kailangan kahit papaano ay nagjojogging ka! Para naman maging healthy at malakas 'yung pangagatawan mo. Hindi 'yung paggising mo kain ka agad at kapag walang pasok ay nakasalampak ka lang sa kama," asik sa'kin ni Mawi.

Dinuro-duro niya pa ang kabuuan ko na para bang napakaunhealthy kong tao. I knew na nag-aalala lang siya sa'kin dahil puro katamaran ang ginagawa ko to the point na hindi na healthy sa katawan ko.

Bahagya niya pinunasan ang pawis sa kaniyang noo, buong mukha at braso gamit ang puting face towel. Nakasports bra lang siya at black legging also a nike rubber shoes. Halatang alagang-alaga ang katawan niya.

"Flat tummy and my curve pa naman ako," Pagdadahilan ko.

Sumubo na ako dahil natatakam na talaga ako. Mabuti na lang at masarap kasi kung hindi baka hindi ko patulan 'tong pagkain na 'to.

She chuckled "Hindi naman about sa pagpapaflat ng tummy ang pag-exercise,"

Lumapit siya sa gilid ko at inabot ang baso para uminom ng tubig. Kaya nag-angat ako sa kaniya ng tingin hindi na siya pawisan kumpara kanina na halos naliligo na siya sa pawis. Amoy na amoy ko pa rin ang mabango niyang pabango na tumatama sa ilong ko.

She shrugghed " Sabagay, Your body your rules," sabay salin niya muli ng tubig sa baso bago tunggain ulit.

Umirap na lang ako.

Ngumisi siya "Nasaan nga si Angel?"

Nagkibit-balikat ako at tinuon ang pansin sa kinakain.

"Kayo ang magkasabay na nagjogging diba? Ba't ako tinatanong mo?" Mataray kong balik sa kaniya.

Umupo siya sa tapat kong upuan.

"Oo nga pero kasi nagkahiwalay na kami kasi sinabi niya magpatuloy raw ako sa pagjojogging kasi may kinausap siya. Kala ko nandito na," Iiling-iling niyang saad.

Dinilaan ko ang labi gamit ang dila at tumungga ng tubig bago mag-angat sa kaniya ng tingin.

"For sure may nakita 'yong gwapo at nakipagharutan na 'yon," walang gana kong sambit.

Dahil si Angel 'yan proven and tested.

"Ay, Oo nga nakita ko nilapitan niya 'yung poging maputi kala ko kilala niya," Natatawa niyang saad.

Tumayo ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Makalipas ang ilang araw or oras sabihin n'on nagjost na siya or siya ang nangghost," Iiling-iling kong saad.

Humalakhak siya "Angas,"

Umiling-iling na lang ako, Nagsimula na 'ko na maghugas ng pinagkainan ko.

"Akyat na 'ko magpapalit na ako ng damit," paalam niya.

Tumango ako " Okay," sabay punas ko ng kamay.

Naglakad naman agad siya paakyat.

Sumalampak na lang ako sa sofa at nag-angat ng tingin sa puting kisame.

Kagabi pagkatapos gawin ni Cyrus ang school work ko ay nagpaalam na siya na aalis na siya dahil baka gabihin na siya masyado sa pag-uwi. Nagpumilit pa nga siya na sa tabi ko raw siya matutulog pero hindi ako pumayag.

Mamaya raw ay babalik siya dito dahil sabado naman at wala akong pasok mabuti na nga lang at day-off nila Mawi at Angel ngayon at hindi ako mabobored ng sobra.

Babalik si Cyrus mamaya para raw ipaliwanag sa'kin 'yung ginawa niyang powerpoint presentation at dahil wala talaga akong idea sa mga pinaglalagay niya d'on ay sumang-ayon na ako.

Ang sinabi niya pa ay magstargazing ulit kami at pagmasdan ang kagandahan ng mga bituin at buwan sa kalangitan.

Hindi na tuloy ako makapaghintay na maggabi kahit umaga pa lang.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagtitig sa kisame at kung ano-anong bagay dito sa apartment. Grabi talaga pagkasama sila Mawi at Angel napakaswerte sa'king tamad. Napakalinis hindi ko nga alam kung allergic ba sila sa alikabok kasi wala akong makita dahil sa sobrang linis.

Bilang isang ganap na chismosa gusto ko sana itanong sa kaniya kung kinukulit pa rin ba siya nung ex niyang si Mark. Pero ang awkward naman kung itatanong ko baka ang isagot niya ay hindi ugma sa ineexpect ko. Kaya shut up muna ako at tamang hula muna kung ano na ba, Cause why not, right?

"Yoreh!" Rinig kong sigaw ni Mawi.

Binaling ko ang tingin sa pinto ng kwatro namin na iniluwal siya.

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakadekwatro at nakacrossed arm.

"Natawag si Angel sa cellphone mo," Sambit niya.

Umirap ako "Ba't hindi mo sagutin? si Angel lang pala," Inis kong balik.

Ngumiwi siya at namaywang "Sa'yo natawag at cellphone mo 'yon ba't ako ang sasagot?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Bumuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Minsan nakakainis din pala 'yung mga taong hindi pakilamera!

Naglakad ako palapit sa kaniya.

"Sa study table," Turo niya.

Inirapan ko lang siya kaya umirap din siya pabalik. Sige, Mag-irapan kami kahit panghabangbuhay.

Nakita kong umilaw na naman ang screen ng phone ko at nagflash ang epic na mukha ni Angel sa screen. Outrageous!

"Oh, Why?" Iritadong bungad ko sa kaniya.

Naririnig ko ang sunod-sunod niyang pagpapakawala ng malalim na pagbuntong hininga. Nakagat ko tuloy ang labi ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Huy," ulit ko.

Tumikhim siya.

[Babe, Anong order mo?] Rinig kong malamig na boses.

Umirap ako, So gusto niyang inggitin ako?

"So? Gusto mo lang ako inggitin? F.Y.I pupunta dito si Cyrus mamaya may tatawag sa'kin na Baby," nakangising saad ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na parang hindi natuwa sa sinabi ko.

[He's here,] Tanging sambit niya.

Napakunot ako ng noo.

"Who?" I asked.

She sighed [Cyrus,] simpleng sagot niya.

"So?" I curiously asked.

Ano naman? hindi naman pwedeng magkulong lang sa bahay si Cyrus.

Binabaan niya ako ng tawag.

Parang hindi kaibigan!

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa study table pero agad na tumunog ang cellphone ko.

Telegram

Angel 10:03 AM

Yoreh...

Bigla tuloy akong kinabahan! Why Angel acting weird?!

Agad akong humugot ng malalim na hininga at nagsimulang magtipa.

"Why?" 10: 04 AM

"Nandito si Cyrus pumunta ka dito," 10:04 AM

Naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko at ang pagbilis ng paghinga.

"Bakit ba? Kung nandiyan siya ayos lang sa'kin hindi ko siya pagmamay-ari at ayaw kong masasakal siya sa'kin, Bakit ba? Pinapakaba mo ako," 10:05 AM

Nararamdaman ko na rin ang dahan-dahan na pangangatog ng mga kamay ko.

Ano na naman ba kasi 'to?

Nawindang ang buong pagkatao ko ng magsent siya ng picture.

Parang may kung anong sumabog na parte ng puso ko dahil sa paghirap kong huminga. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay sa dibdib dahil biglang paninikip. Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Gulong-gulo na naman ako!

Ano na naman ba 'to, Cyrus?

Ibinalik ko ang tingin sa screen.

Nakangiti si Cyrus habang nakatagilid kitang-kita ang hulma ng malapad niyang likuran na parang hindi niya talaga makikita na may kumukuha sa kanila ng litrato. May kaakbay siyang babae na nakatagilid rin at malawak ang ngiti sa kaniya. Ang mga labi naman ni Cyrus ay nakadampi sa noo ng babae. Sa gilid nila ay malawak ang ngiti ni Tita Alejandra.

So ano 'to?

Sinabi niya ba sa mga magulang niya na hiwalay na kami kaya may bago siyang pinapakilala?

Tangina!

Alam kong wala kaming label or what pero hindi pa ba sapat sa kaniya na magstick na lang sa'kin? Kasi nagpapakita siya ng mga motibo na gusto niya ako?! Kaya bakit gan'to?!

Huminga ako ng malalim at humikbing muli. Sabay-sabay na naman na nagsibagsakan ang mga luha ko at ang pangangatog ng balikat ko. Unti-unti akong napaupo dahil sa biglang panlalambot ng aking tuhod. Naramdaman ko pa ang malamig na sahig ngunit hindi ko na pinansin. Nagsisimula na naman na manlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Kaya agad kong pinahid.

Nakakainis bakit ba kasi ganito na naman? Bakit parang paulit-ulit na lang? Kung ganito baka gawa-gawa niya lang 'yung sinabi niya tungkol kay Akia!

Umiling-iling ako, Biglang tumunog na naman ang cellphone ko senyales na natawag na naman si Angel.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba dahil pati paggalaw ng daliri ko ay nanlalambot ako.

"Bilisan mo, Dito sa C. E Restaurant. Puta bilisan mo," Inis ni sambit niya.

Agad niya akong binabaan ng tawag.

Niyakap ko ang tuhod ko kasabay ng pagtulo muli ng luha na galing sa aking mga mata. Nakakapagod.

Iniangat ko ang paningin at bumuntong hininga.

Natatakot ako sa pwede kong malaman kapag sumunod ako.

Pero hindi naman ata tama na lagi na lang ako matatakot.

Kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay sinikap kong tumayo. Wala akong mapapala kung magmumukmok na naman ako at mag-iiyak dito habang hinihintay ang paliwanag niya na hindi ko na rin alam kung dapat ko pa ba paniwalaan.

Hindi na ako nag-abal pa na magpalit ng damit. Nakasuot lang ako ng malaking kulay puting t-shirt at maong na short.

"Hoy, Saan ka pupunta?" Bulyaw sa'kin ni Mawi.

Nagulat pa siya dahil sa luhang bumagsak sa pisnge ko. Parang nataranta pa siya.

Humikbi ako " D'yan lang," Simpleng sagot ko.

Napatayo naman siya " Samahan na kita!" Sabay hawi niya sa buhok.

Pilit akong ngumiti at tumango-tango.

Nagsimula na ako maglakad hindi naman kalayuan 'yung Restaurant na nasabi ni Angel nasa kanto lang 'yon ng subdivision dito.

Tahimik akong sinusundan ni Mawi habang ako ay hindi pa rin matigil sa paghikbi at paglandas ng luha sa'king mukha.

Nang makarating agad kami sa restaurant ay napatayo si Angel ng makita niya ako. Agad kaming pumasok pero hindi kami nagpahalata. Umupo kami sa tabi ni Angel wala na siyang kasama ngayon mukhang kakatapos lang kumain.

Nanatili kaming tatlo na natahimik sa gilid at pawang hinihintay ang mangyayari.

Hinihiling ko kay Bathala, sa mga maliwanag na bituin at sa napakagandang buwan na hindi tama ang hinala ko.

Na hindi siya nagloloko sa'kin.

"Mabuti naman at napag-isipan mo na Liane na ipakilala sa amin si C.E," rinig kong sambit ng babae na mukhang kaedad ni Tita Alejandra.

C.E? It's Cyrus Elio!

Natawa naman 'yung Liane na kaakbay ni Cyrus.

"Oo naman po," Sabay baling niya ng tingin kay Cyrus.

Maganda siya! Oo, Mukha siyang anghel! 'Yung mga mata at ngiti niya!

"Tita," baling ni Cyrus sa babae. "Malaki na 'tong si Liane and I'm thankful for her," at dinampian niya ng halik muli sa noo si Liane?

Agad akong nag-iwas ng tingin, Hindi ko na matagalan na titigan sila dahil sa bawat sulyap ko sa kanila parang pinipiga na naman ang puso ko.

Pinahid kong muli ang luha na bumagsak sa pisnge ko naramdaman ko naman agad ang panlalambot ng tuhod ko at mahinang paghikbi.

Hindi ko alam kung saan ako babaling. Inabutan naman agad ako ni Angel ng tissue ganun din si Mawi.

Nangangatog ang tuhod akong tumayo. Nahihirapan na naman ako huminga!

Nagsimula na ako humakbang palayo. Wala na akong maisip pa kundi ang kagustuhan ko na lumayo.

"And she's pregnant! I'm so excited!"

Naestatwa ako dahil sa masiglang sambit ni Cyrus. Lumipad ang palad ko sa harap ng bibig para pigilan ang pagkawala ng malakas na paghikbi. Nagsisimula na naman mangatog ang balikat ko dahil sa pag-iyak.

"You really happy, My Son. Huh?" Masayang saad ni Tita Alejandra.

Nagsimula muli ako humakbang kahit na nanginging ang tuhod ko. May napapalingon pa sa'kin dahil sa naiyak ako habang naglalakad.

Sa bawat hakbang ko palayo ay parang bumabagal ang oras.

Sa bawat hakbang ko palayo ay parang tumigil na ang mundo.

Sa bawat hakbang ko palayo ay parang pinipigang maigi ang puso ko.

Maybe we weren't meant for each other since he was a Sun and I was a Moon.

That no matter what part we look at, we can't be together.

That we will never be.

Hard to say but I'm ready .. I'm ready to let him go.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.