Ask for the moon 28
Nang matapos na ang pinapanood nila ay kala ko ay hindi pa sila uuwi dahil sa kakulitan nila ay hindi na malabong mangbulabog pa sila. Ngunit may anghel ata na bumulong sa kanila at sinabing bigyan kami ng katahimikan kaya nagpaalam na sila na aalis.
"Oh," abot ko kay Cyrus ng laptop ko.
Ngumiti siya habang kinukuha. Na para bang sobrang dali lang ng ipapagawa ko sa kaniya. I mean ng gagawin namin! Dahil tutulungan ako.. No.. siya pala ang tutulong.
Nandito kami ngayon sa likod ng apartment at nakaupo sa tela na nilatag niya sa damuhan. Ayaw ko nga sana dito kasi nakakairita 'yung mga damo sa gilid na tumutusok sa balat ko. Kaso gusto niya daw na magstargazing kasama ako kaya pinagbigyan ko na.
Madilim na kaya ang sarap ng hangin.
"May pagkain ka ba na gusto ipadeliver?" Baling niya sa'kin.
Umusog ako ng kaunti palapit sa kaniya. Samantalang kalong-kalong niya ang laptop na nagloloading na. Umakbay naman agad siya sa'kin pero hindi na ako umangal pa. Bahagya niya pangpinisil ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako.
"Kakatapos lang natin kumain," Alma ko.
Totoo naman kasi nung pag-uwi nila Sai ay ilang minuto lang ay sabay na umuwi si Mawi at Angel. Nakita pa nga ni Angel 'yung mga kalat sa kusina kaya halos patayin na'ko ng masamang tingin.
He chuckled "Baka kasi gusto mo pa kumain, You know." Kamot ulo niyang sambit.
Ngumuso ako at iniangat ang tingin sa langit " Baka ikaw kainin ko," Biro ko.
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Hinarap niya ako Kinunutan ng noo pero may ngiti sa labi.
"Joke lang," pahabol ko.
Baka kasi bigla niyang seryosohin!
Binaba naman niya ang laptop sa kaniyang gilid. Umayos siya ng pagkakaharap sa'kin. Bigla tuloy akong kinabahan! Ang sinabi ako ay joke lang, right?!
Hinawakan niya naman ang kamay ko at dahan-dahan na dinampi sa magkabila niyang pisnge. Napabaling ako diretso sa kaniyang mga mata nakita ko pa ang paggalaw lang kaniyang adams apple na parang may gusto siyang pigilan na gawin.
Nakagat ko ang aking labi. Feeling ko tuloy ang harot harot ko na!
"Gusto mo ba?" Mapanlokong tanong niya.
"Huh?"
He chuckled the winked at me "Gusto mo ba?"
Na kainin siya?! Like what the hell! Joke lang naman!
I raised my brow "Na?" maang-maangan ko.
"Kainin ako," Tarantadong sambit niya.
"Gago!" Singhal ko sa kaniya.
Bahagya ko pa siyang sinampal at natawa naman siya. Umusog ako palayo sa kaniya dahil nararamdaman ko na agad ang pag-init ng paligid. Parang tanga!
"Baby.. If you want you can tell me immediately. Walang problema sa'kin willing ako naibigay ang sari--"
Pinalo ko siya ng tsinelas na nasa gilid ko kaya napatigil s'ya.
"Joke lang!" Inis kong sambit.
Natawa naman siya at tinuro ang pagmumukha ko.
"Baby, Namumula ka na agad! Tangina ang ganda mo!" Pambobola niya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Ayan na naman siya sa mga pambobola niya. Ang galing niya talaga mambola! Halatang sanay na sanay na! Sino namang mga babae kaya ang mga pinagsasabihan niya ng mga gan'yang salita? Madami kaya kami?
Bakit ba ganito na naman ang mindset ko?!
Nag-angat ako ng tingin sa buwan "Siguro madami ka na nabola kaya ang galing mong mangbola," Paratang ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pagtikhim niya at pagbuntong hininga kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Ano totoo?" Inis kong tanong.
Bakit ba ako naiinis? First of all break na kami! Wala na kaming label kaya bakit umaarte na naman ako ng ganito?!
Ngumuso siya at umusog "Hindi kita binobola," hinawi niya ang buhok ko "I'm just stating fact,"malambing niyang sambit.
Heto na naman siya sa paghapit sa baywang ko!
"Stating fact," I murmured like a child and rolled my eyes.
Umusog pa siya at mabilis akong dinampian ng halik sa pisnge.. sa panga.. sa gilid ng ilong at sa sentido.
Muli akong tumagilid at iniangat ang tingin sa mga bituin na kumikinang. Naramdaman ko pa ang hininga niya na tumatama sa tenga ko pero hindi na ako nag-atubili pang bigyan siya ng tingin.
"Alam ko na kung bakit mas kinahiligan ni Tita Claire na tingnan ang buwan kaysa sa mga bituin," Sambit niya.
Nakahawak pa rin siya sa baywang ko kaya dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Sobrang lapit ng pagmumukha niya sakin. Nakaangat rin ang tingin niya sa kalangitan at pinagmamasadan ang mga bituin at sa buwan. Kaya nakangiti ko rin naibinaling ang tingin dito.
Napakaganda ng pagkislap ng liwanag ng bituin pati na rin ang buwan napakaganda.
"The moon is beautiful compared to the stars that are so numerous because the stars are good to look at the sky when it's numerous but the moon is alone yet still looks beautiful," He explained.
Napangiti ako dahil tama siya ng tinanong ko si Mama kung bakit hindi stars? Dahil raw mas maganda pa rin para sa kaniya ang buwan na kahit mag-isa ay nagagawa pa rin na magstand-out.
Tumango-tango ako habang nakatingala pa rin sa kalangitan. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa kanang kamay ko.
"You were my moon and you gave light to my night," bulong niya.
Umihip ang malakas na hangin dahilan kung bakit ko niyakap ang sarili ko. Napabaling ang tingin niya sakin at niyakap rin ako mula sa tagiliran.
"Sarap mong yakapin," Malambing niyang saad.
Mas lalo niya pa akong inilapit sa kaniya at hinigpitan ang pagkakayakap. Para bang isa akong unan na nasa tabi niya at feel na feel niyang yakapin ako. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto.
Bumitiw siya sa pagkakayakap "Gawin na natin 'to," Tukoy niya sa school work ko.
Gusto ko pa sana umangal at manatili sa pagkakakulong sa yakap niya pero hindi tamang unahin ang paghaharot!
Kaya tumango-tango at binalingan siya ng tingin na ngayon ay nagsisimula ng magtype.
Umusog ako palapit sa kaniya "Ako na," agaw ko sa laptop ko.
Hindi niya ako pinansin at iniiwas sakin ang laptop.
"Cyrus," may pagbabantang tawag ko.
Ngumuso siya at hinarap ako " Lalagay ko 'yung ibang ideas ko then lagay mo 'yung sayo," Sambit niya.
Nagsimula na muli siyang magtipa hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya bahala siya sa buhay niya. Hindi ko rin naman kasi maintindihan 'yung mga pinagsesend ni El mabuti ba kung alam ko 'yan.
"Idouble check mo na lang," Sambit niya.
Nakatitig pa rin siya sa screen ng laptop ko at mabilis na nagtitipa. Kaya imbis na ang mga bituin at ang buwan ang titigan ko ay sa kaniya ako bumaling.
His side profile wasn't exactly a joke. It was not tedious and it seemed I could stare at his side profile all day.
He chuckled "It was rude to stare, Baby." habang ang paningin ay nasa screen.
I grinned " Sorry,"
He was beaming at me when he saw me pouting my lips.
"Joke only, Pwede mo akong titigan kahit matunaw pa ako," He said while smiling ear to ear.
I looked at him with dirty look.
Sobrang confident!
"Kala mo talaga sobrang gwapo mo no?" Sarkastikong tanong ko.
He chuckled and pinched my cheeks "Oo naman," He proudly answered.
"Okay," suko ko.
Bahagya siyang tumawa dahil sa pagsang-ayon ko sa kaniya. Nagkibit-balikat pa nga ang mokong. As if naman kasi na hindi totoo!
He's handsome! Periodt.
"Inaamin mo talaga na gwapo ako no? Sabagay alam ko na naman 'yon pero bakit parang paggaling sayo kakaiba 'yung impact sakin?" Natatawang saad niya.
Umirap ako. "Alam mo kung baket?"
He raised his brow "Why?"
Muli akong umirap " It's baket," Mataray kong saad.
He chuckled and nodded. "Baket?"
I laughed "Pwet mo may raket," I joked.
Bored niya akong tiningnan na parang walang nakakatawa sa sinabi ko.
Okay, Hindi nakakatawa pero wala lang anong pakialam niya kung dito ako masaya?
Umiling siya "You're crazy," natatawang saad niya.
Binalik niya ang paningin sa screen ng laptop at nagsimula muling magtipa.
Bakit sa kaniya kaya na niya agad na makapag-isip ng maiitype?
Bakit sakin kailangan ko pa na mag-isip ng mga kung ano-ano or mga fake scenario para makapag-isip ng mabuti ng itatype?
"Hindi ka ba natawa?"
Lumingon siya "Nagjoke ka ba?" Natatawang tanong niya.
Ngumuso ako at hinampas siya sa braso "Epal,"
Natawa naman agad siya at hinuli ang kamay ko bago pisilin.
"Stop," utos niya.
Huminto naman ako sa paghampas sa kaniya.
Am I robot?
"Gawin mo na nga 'yan,"sabay turo ko sa laptop.
Nginiwian niya ako. "Okay,"
Umirap na lang ako, Seriously gagawin niya talaga? Minsan may pros din pala ang pagkakaroon ng boyfriend.. ka m.u? Kaharutan? Sa academic performance.
Joke..
Kung malaman 'to ni Ate na nagpapagawa ako baka nanakit na anit ko dahil sa sabunot niya.
Well, She have a point naman kasi na dapat hindi nagpapagawa sa iba para matuto ako.
Pero wala naman siya dito kaya go lang, palakpakan ko na lang 'to si Cyrus.
"Alam mo kung malaman ni Ate na ganito. I mean na nagpapagawa ako sayo ng school work ko binugahan na ako ng apoy n'on. Ayaw niya kasi ng ganito," Paliwanag ko, natawa.
Tumitig siya sa'kin bago bumuntong hininga "Gusto lang kita tulungan dahil alam kong pagod ka kakaisip sa nangyari kanina," Sabay iwas niya ng tingin.
Tumahimik lang ako.
"Hindi ka makakapag-isip ng maayos dahil kanina ay alam kong pagod ka kakaisip and I'm sorry about that,"
Nanatili pa rin akong tahimik. Bumibilis na naman ang bawat paghinga na dahilan upang kung saan saan ako bumaling ng tingin.
Ayaw kong sabihin na ayos lang sa'kin kasi hindi naman.
For whatever he did it wouldn't be okay.
It will never be okay. Even so, The moon will be two.
Narinig ko ang pagtikhim niya kaya binalingan ko na siya ng tingin. 'yung mga mata niya na puno na ng pagsusumamo ay nakakapaglambot ng tuhod.
Ako 'yung nasaktan pero ba't parang siya ang nasaktan?
Ako 'yung nasaktan pero ba't parang siya ang napagod?
"Sorry," He sadly apologized.
Nginitian ko lang siya kasi bakit nasasaktan na naman ako?
I know he's just being a good friend to Akia who been harassed but it is hard for him to trust me? To tell me the real reason was?
Kailangan pa talaga namin na maghiwalay para lang masabi niya sa'kin 'yung rason?
Bahagya siyang nagpakawala ng mahinang tawa pero bakas sa tawa niya ang pagkakapilit.
"Ang ganda talaga ng buwan," Malambing niyang sambit.
Maganda ang buwan? Pero bakit sa'kin siya nakatingin. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil kahit sa mga mata niya ay bakas ang halo-halong emosyon.
"Oo nga," pagsang-ayon habang nakabaling sa maliwanag na buwan.
Umusog siya "You are the moon, The most beautiful moon to the point that I want to lock my eyes by staring at you." at pinaglaruan ang dulo ng aking buhok.
Hindi ako umimik sa mabulaklak niya namang salita dahil kapag umimik ako baka pagsisihan ko mamaya ang isasagot ko.
Hindi ko naman pagsisisihan na sabihin ko sa kaniyang mahal ko siya.
Baka magsisisi ako na sumugal na naman ako.
Dahil baka sumugal na naman ako.
Dahil baka sumugal ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Sumugal sa isang bagay na alam kong matatalo na naman ako.
Wala naman kami sa Role Player World, Pero pagnahulog ka pala talaga talo ka.