Ask for the Moon Chapter 7

Ask for the moon 05

"Ano ka ba Armando tumigil ka nga! Tingnan mo namumula na si Yoreh!" Hampas na saway ni Tita kay Tito Armando.

"H-hindi naman po," Nahihiyang sabi ko.

"Pasensya na!" Natatawang awat ni Tito Armando sa asawa.

"Dad," iritadong tawag ni Cyrus sa ama. " Stop it, We're just friends," saad niya at bumaling sa'kin.

Tito Armando shrugged " Well--"

"Tumigil ka na Armando!Tara na nga at puntahan na'tin ang ibang kaibigan na'tin! Bwiset ka, Pinagtitripan mo na naman ang anak mo," Saway ulit ni Tita Alejandra.

Bahagya akong natawa dahil sa inasta ni Tita Alejandra. Nakakatawa kasi silang tingnan parang mga teenagers na nag-aaway.

"Oh, Sige. Aalis muna kami. Bibigyan muna namin kayo ng quality time," Natatawang pahabol ni Tito kaya binatukan na naman s'ya ng asawa nya.

Bumaling sa'kin si Tita Alejandra at awkward na ngumiti sa'kin na para bang nahihiya dahil sa pinagsasabi ni Tito kaya ngumiti na lang ako pabalik.

Napabaling ako kay Cyrus ng dahan dahan n'ya na namang kumapit sa baywang ko at tumitingin tingin na sa paligid.

"Nanghihipo ka lang ata!" Iritadong saad ko at pinalo ang kamay n'ya.

He laughed "Buti alam mo," lokong sagot n'ya at mas lalong nilapit ako sa kanya.

"Nako, Tigilan mo'ko Cyrus. Baka makita ka ng Ex mo magselos 'yon. Baka hindi ka balikan sige ka," nananakot kong sabi.

He pouted "Ayos lang na makita n'ya ako at magselos s'ya. Kung magseselos ni kahit kailan nga simula ng maghiwalay kami walang pakialam sa mga babaeng kasama ko," saad nya at pekeng tumawa.

"Mas lalong hindi ka babalikan kung pinalilibutan ka ng babae, Sige ka," natatawang sagot ko.

Umirap lang sya at kumalas sa pagkakahawak sa'kin. Tumahimik lang sya at hindi na nagsalita. Nagguilty tuloy ako dahil sa sinabi ko!

Sa di kalaunan ay lumapit na kami sa ibang server at kumuha ng pagkain.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa may birthday? Nakakahiya naman kung makikikain ako pero hindi ko siya binabati. Hindi n'ya nga ako bisita," saad ko habang nilalahad sa server ang plato.

Napatingin naman ang ibang server sa'kin na para bang gusto nilang bawiin ang pagkain na nasa akin pero agad akong tumabi kay Cyrus na mukhang kilala naman nila.

Buti na lang nilagyan padin ako kung hindi ay matitikman nila ang hinagpis ng isang Yoreh Selene.

He chuckled "H'wag na sinama kita dito hindi para makilala siya," walang emosyong sagot niya.

Seriously? Minsan talaga napapaisip ako kung anong ugali ang mayr'on 'tong lalaking 'to siguro baliktad utak nento.

"Ang rude naman kasi kung hindi ako babati wala nga akong regalo sa kaniya pati ikaw wala din tapos ang kapal ng mukha natin na makikain. Ibalik mo 'yang lumpiang shanghai wala ka namang regalo. Pag nagbirthday talaga ako 'No gift,No Shanghai' di ka nahiya lima pa kinuha mo," iiling kong saad at naglakad pabalik saming pwesto.

"Binigay ko sa kaniya 'yung regalo ko kahapon pa dahil hindi nga ako sure kung makakapunta ako dito. Kasi akala ko wala akong masasama na babae na hindi magiging clingy after nento. Kaya siguraduhin mong hindi ka magiging stalker ko alam kong gwapo ako pero--"

"Oo na kala mo naman talaga," awat ko sa kaniya.

Dahil baka maging mmk na ang mga pinagsasabi niya sa haba. Siguro ganito din nararamdaman niya sa twing nagdadaldal ako. So right now the feeling is mutual.

Nakakairita nga talaga parang 'tong juice na matabang!

"Tss," iritadong sabi niya at sinunggaban na ang lumpiang shanghai.

Minsan naiisip ko kung 'yung ex niya ba talaga ang punterya niya dito o yung shanghai na'to. Kaya kumain na lang kami ng tahimik.

"C-cyrus," mahinhing saad ng babae na huminto sa'ming harapan.

She' wearing a red long tube gown na nagpaangat lalo sa maputi at makinis n'yang balat. Maikli lang din ang kulay brown niyang buhok na hanggang balikat. Nainsecure tuloy ako sa maamo at malaanghel n'yang mukha kahit na nakalight makeup lang din siya.

Napatingin ako agad kay Cyrus ng dali-daling tumayo. So ito 'yon? Yung babaeng mahal niya padin?

"Akia," malambing saad ni Cyrus at yinakap ang babae na yinakap din s'ya pabalik.

Bakit kailangan niya pa na nandito ako? Kung at the first place ay magiging marupok din naman pala siya?

Napakaganda sa paningin ang pagmasdan silang bagay. Pero bakit parang may ewan akong naramdaman? Why I felt like insecurity hit me again?

"Iniabot ko na sa pinsan mo ang regalo ko kahapon pa hindi kasi ako sigurado kung makakadating ako ngayon," kamot-ulong paliwang ni Cyrus.

Akia laughed "Gan'on ba?" Saad nito at bumaling sa'kin. "Akia and you are?" Nakangiting saad nya at nilahad ang kanyang kamay.

Pati pagtawa n'ya nakakainsecure. Napakaganda n'ya padin. Pati miski kamay n'ya ang ganda parang nahiya ang morena kong balat.

I smiled and stood up "Yoreh Selene," sagot ko.

Napabaling ako kay Cyrus na ang titig ay nanatili padin kay Akia.

"Nice to meet you. I need to go home na," paalam ni Akia saming dalawa.

I nodded " Ingat ka,"

Cyrus took a deep breath "Bakit ang aga naman? Kakadating lang namin uuwi ka na agad?" malungkot na saad nya.

Akia pouted "Kailangan ko na umuwi may mga kailangan pa akong gawin at kanina pa kasi ako dito kaya pumayag na si Ben na umuwi ako," paliwanag nito at bahagyang hinawi ang buhok.

Nanatili akong nakatayo habang nag-uusap sila ang rude naman siguro kung bigla akong uupo?

Cyrus chuckled "Hatid na kita," alok nito.

Gulat akong napabaling sa kaniya dahil sa sinabi n'ya. Ano?! Maiiwan ako dito?! Mag-isa?! Nilibot ko ang paningin upang hanapin si Tita Alejandra at Tito Armando. Parehas silang may kausap pa kaya bumuntong hininga na lang ako. Ano? Ganito ang role ko? Isasama pagkatapos ay iiwan?!

Akia looked at me and smiled awkwardly "Ano kaba, Cyrus walang kasama dito si Yoreh,"

At sa wakas ay napabaling na sa'kin si Cyrus pero agad ding ibinalik sa kausap.

"Kahit d'yan lang sa exit," pilit ni Cyrus at bumaling sa'kin. "Ayos lang ba,Yoreh?" He even raised his brows when he asked me.

Na para bang pinapamukha n'yang babayaran niya naman ako at wala akong karapatan na tumanggi o magreklamo manlang kasi sino ba naman ako?

"Oo naman,"tanging sagot ko.

Napamasahe naman si Akia sa sentido dahil sa biglaang pagsagot ko.

Walang pag-alinlangan na tumalikod si Cyrus sa'kin at humawak sa baywang ni Akia at ginawi na palabas. Like he didn't remember that I also have a feelings.

Kahit saang part masakit ang maiwan sa ere. Ako 'yung una niyang kasama pero bat ako ang maiiwan? Mabuti ba kung mayroon akong kilala dito kahit na isa. Sana iniwan niya na lang ako kung nasaan si Tita at Tito.

I sat on the chair because right know I left dumbed, I left behind.

Naagaw nga atensyon ko ang iba pang bisita na nagsisidaan sa'king harapan ang iilan ay nginingitian ako kaya ngumingiti ako pabalik at ang iilan naman ay iniignora ako.

Nakatunganga lang akong naghihintay.

"Hi," bati sakin ng maputi, gwapo at may dimples na lalaki.

I stood up "Hello," awkward kong sagot.

"Benedict Francisco and you?" Nakangiting pakilala niya at naglahad ng kamay.

"Yoreh Selene Antares," pakilala ko at tinanggap ang kaniyang kamay.

He smiled and nodded "Ang sabi ni Tita Alejandra ay nandito ang pwesto ni Cyrus. Nasaan siya?" Tanong niya at nilibot ang paningin.

"Ah hinatid 'yung pinsan nung may birthday si Akia," sagot.

He chuckled "Ako 'yung may birthday at 'tsaka hinatid si Akia? Iniwan ka? Loko talaga 'yon," iiling niyang saad at umupo sa tabing upuan ko kaya umupo na din ako.

"Ay! Ikaw pala 'yon? Yung Ben? Ay oo nga Benedict, Happy Birthday! Pasensya kana kung wala akong regalo. Si Cyrus kasi sabi ko batiin ka namin kaso ayaw kaya sorry talaga nakikain na kami," nahihiyang paliwanag ko.

He nodded "Ayos lang, Salamat! Upo muna ako dito ha? Hintayin na natin si Cyrus," Aniya.

"Ah sige," saad ko at tumango-tango.

"So where did you meet my friend, Cyrus? I didn't think he would come here with a nice looking girl," bolerong saad niya at tinitigan ako kaya bahagya akong natawa sa kaniya. Natitigan ko tuloy ang maganda niyang mga mata.

He stroke his fingers on his chin and examined my face with his brown eyes reason why I glanced downward.

Sasagot pa sana ulit ako pero natanaw ko na ang imahe ni Cyrus na palapit sa'min.

"Ben... Don't hit on her or do you want me to hit you? Using my hands?" He stopped and looked at me back to Ben "You want?"

"Oh! Chill bro, Nagtatanong lang ako kung pa'no kayo nagmeet at 'tsaka buti nga pinigilan ko sina Kendrick na lumapit dito kasi nakita na nila 'tong si Yoreh," saad niya at tinaas ang dalawang kamay in an I give up- gesture.

"Let's go," Cyrus commanded and glared at me

Bumaling ako kay Ben at ngumiti.

"Nice to meet you, Ben. Alis na kami Happy birthday ulit!" Nakangiting saad ko.

He laughed " Salamat ulit! Sige ingat!"

Ben walked towards me "Don't you dare," Mariing suway agad ni Cyrus ng tangkang yayakapin ako.

Ben chuckled "Alright, Bye," he said and stepped backward.

Agad naman na akong hinila ni Cyrus palapit sa kaniyang magulang na abala sa pakikipag-usap ng ibang kakilala.

Nagpaalam na kami at pinayagan na naman nila agad kami. Hindi parin maialis ang nang-aasar na titig ni Tito Armando saming dalawa ng kaniyang anak.

Naglakad kami palabas habang ang kaniyang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa nakasunod lang ako sa kaniya dahil ayaw kong magsalita baka mabugahan pa ako ng apoy.

"Are you happy?" He seriously asked and opened the front seat of his car for me.

Kaya napatingin ako sa kaniya at tumango-tango. Sinara niya ang pinto at umikot papasok sa driver seat.

"Masarap 'yung pagkain at mabait yung parents mo. Ang ganda dito kaya oo masaya ako, Why?" Saad ko at pumasok na sa loob ng kaniyang kotse.

Nananatili pa din 'yung seryoso niyang mukha. Ano? Hindi maayos ang usapan nila ng ex niya? Hindi sila nakapagbonding ng matagal? Kaya ba sa'kin niya ibubuhos ang inis niya?

"No... I mean," he stopped, Kinabit niya ang kaniyang seatbelt kaya kinabit ko din ang akin. "I mean, You? Flirting with my ex- girlfriend cousin," matigas niyang paratang sa'kin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.