Ask for the moon 04
He gazes at me back to the road "D'on ka sa kaibigan ko papaayusan," Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri kung isa ba talaga akong tao or what. "Just... Please keep quiet. Mamaya ko na ieexplain pagpapunta na tayo sa venue for now you can sleep," malamig n'yang sabi.
"Hindi naman ako makakatulog kaya magmamasid nalang ako," Mamaya rape-in pa ko nento.
Hindi naman porket gwapo s'ya ay hahayaan ko s'ya mga maitim n'yang balak! Pinalaki ako ni Mama na always ready kaya dapat hindi ako maiisahan nino man. Kahit na ikaw na gwapo!
He just nodded, Walang lumilikha ng ingay gustong-gusto man bumuka ng bibig ko at magpakawala ng pangmalakasang panakit sa tainga ay pinigilan ko. Baka ay matitigan na naman ako ng masama nitong lalaking 'to o dikaya ay bigla akong ihulog dito sa sasakyan edi nganga?
Huminto ang sasakyan n'ya sa isang parang parlor.
"Get out," He commanded so I nodded.
Para naman tuloy akong isang robot dito pero ayos lang kung gan'yan kagwapo ang mag-uutos ay ayos lang.
He chuckled and looked at me "Pag nagtanong s'ya ang isasagot mo ay 'We're just friends' alright?"
"Noted," saad ko habang nakangiti.
Kaya sinundan ko na s'ya na pumasok. May sumalubong pa sa'min na bakla at grabe ang pagkembot pero mas grabe pa din ang pagkembot ng mga grade 7 sa ULMC hindi ata papakabog 'yon!
Nagpakilala s'yang Eva, Naalala ko tuloy 'yung guard namin dati na ang pangalan ay Ate Eva. Naimagine ko pa nga na nakembot si Ate Eva pero hindi ko nalang masyandong inimagine masakit sa ulo.
Halos 30 minutes din ang nilaan n'ya para sa pagmemake-up sa'kin. Well, magaling s'ya sinabi ko din kasing light lang pero pagtiningnan ko ang reflection ko sa salamin. Light nga lang pero may dating! Hindi ko alam kung dahil sa make up o dahil mismo sa'kin.
"Ayan bongga na 'yung make-up! Ang pretty pretty mo talaga! Tara d'on naman tayo sa fitting room at suotin mo 'yung biniling gown ni Fafa Cyrus!" saad n'ya at hinila na ako papunta sa kung saan.
Kala ko parlor 'to? Bakit may fitting room? May fitting room ba talaga sa mga parlor? Bakit ba kasi ako hindi naggagawi sa mga gan'to mukhang tanga tuloy ako sa kakaisip maybe next time?
Gusto ko sana na tanungin si Cyrus na nasa labas kung bakit kailangang nakagown pa pero hindi ko na inabala pa ang sarili dahil alam kong pagsusungitan n'ya na naman ako.
Pinasuot sa'kin ni Eva ang kung kulay silver na gown. Fitted s'ya sakin dahilan upang humulma ang baywang at balakang ko. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero kasi sexy ako! Tumalikod pa ako para tingnan sa salamin ang likod ko dahil backless din pala 'to pag ako talaga nagkasakit dahil sa gan'tong damit!
Eva clapped "Ang ganda mo! Tara na lumabas ka na baka ay bugahan na ako ng apoy ni Cyrus dahil sa tagal na'tin," saad n'ya at ginawi ako palabas.
Cyrus eyes immediately met mine. He's crossing his arm over his chest and standing straight beside his car. He looked seriously when he examined me head to toe. Trip n'ya ba talagang titigan ako mula ulo hanggang paa?
Tumalikod ako upang kunin ang paper bag kung nasaan ang uniform ko na iniabot ni Eva. May sinabi pa s'ya kay Cyrus pero ang mga mata ng kausap n'ya ay nasa akin.
Hindi ko alam kung napapangitan ba s'ya sa'kin? o kaya'y hindi?
"Hindi ba bagay sa'kin 'tong ayos ko?" I seriously asked.
His eyes directly looking at the road and because of what I asked his jaw clenched like he didn't like the words that I said.
He chuckled "Ayos lang," he simply said.
Tiningnan n'ya pa'ko ulit na parang sinuri ulit ang aking mukha. He looked away and shallowed hard while bitting his lower lips.
I took a deep breath " It's okay," I shrugghed "Kung sasabihin mong hindi bagay sa'kin 'to. Well alam ko naman maganda ako lahat ng babae ay maganda! Pero may part talaga sa babae na kahit mag-ayos ay hindi babagay ang mga ginamit na make-up or what! Just say it if---"
He glared at me reason why I stopped talking.
"Damn," rinig kong iritadong bulong n'ya habang hinahampas ang manibela ng sasakyan n'ya. Bumaling ulit s'ya sa'kin while his jaw clenching " You're...Damn, B-beautiful... Very... beautiful... Damn it," saad n'ya na mukhang nagsusumamo.
I bit my lower lips and looked away! I heard him whispering some curses. I bowed my head and holding my breath. I also hide my face with my curly hair.
Natatanaw ko pa sa'king peripheral view ang pagsulyap n'ya kaya napapasulyap din ako sa kan'ya na agad namang nag-iiwas ng tingin.
What the hell?!
Para siyang ewan na umiiwas ng tingin!At mas lalong parang ewan ako dahil sa pagkakataranta ko dahil sa kinikilos niya. Bakit niya kinakagat ang labi niya?!How can he looked fucking sexy while bitting his freaking lips?! Ang sabi nila masama ang magmura! Pangit pakinggan! But... Why hearing him cursing some words is so damn different?!
Kanina habang nasa byahe kami ang akala ko ay hindi na niya ako kakausapin dahil sa medyo awkwardness. Pinaliwanag niya sa'kin kung bakit niya ako inaya ngayong gabi sinabi ko na din na sa apartment niya ako ihatid pabalik dahil hindi na safe buti na lang hindi siya umangal.
His ex-girlfriend is back at ayaw niyang naaapakan ang ego niya kaya gusto niyang may maidala na babae sa birthday ng pinsan ng ex niya.
I wonder why? Kung nasasaktan bakit hindi na lang ipakita na nasasaktan? Kung nahihirapan bakit hindi na lang ipakita na nahihirapan?
May mga part naman talaga sa buhay natin na mahihirapan at masasaktan tayo kaya natural lang 'yon pero bakit kailangan itago?
Ang alam din daw ng iba ay hindi siya makakadalo kasi nga sinasabing "BITTER" padin daw siya which is true naman!
Tanging-tango lang ang sinasagot ko sa kaniya kasi sa bawat amba na bubukas ang bibig ko ay tinitingnan na niya ako ng masama.
Is he not grateful?! Madalas akong maingay at madaldal pero minsan ay hindi dahil tinatamad akong magsalita.
Nilibot ko ang paningin sa paligid nandito kami ngayon sa loob ng isang resort. Medyo madilim na dahilan kung bakit may mga makukulay na ilaw.
Napatingin ako sa iilan at hinihintay itong katabi ko na igawi ako kung nasaan ang magulang niyang naghihintay dito.
Kanina ay gusto ko pa sana siyang tanungin kung may kapatid ba siya na mas bata sa kaniyang ng ilang taon na pwedeng ireto sa'kin. Kasi malay ko diba kung katulad niya ang kapatid niya! I mean... Leche wala!
"My ex-girlfriend is here," Walang ganang saad ni Cyrus na nasa tabi ko kaya ay napabaling ako sa kan'ya. "Just act like we're friends, Hindi kita pagpapanggapin na girlfriend ko," saad n'ya pa at bahagyang natawa sa sinabi.
I looked at him "Talaga lang ha? So, Nandito ako para hindi ka maging lonely?" I joked.
He seriously looked at me "Maybe?" Mahinang saad n'ya habang ang mga mata ay nakatitig sa'kin habang dahan-dahan pinapadausdos ang kanyang palad sa'kin baywang dahilan ng pagtayo ng balahibo ko. "Help me... help me not to feel sorry tonight," bulong n'ya at masnilapit ako sa kan'ya.
Napalunok ako dahil sa biglaan n'yang pagbabago. Parang kanina lang ay ang sungit-sungit n'ya tapos ganito na? Is this part of his plan?
"Let's go," Bulong n'ya.
Hawak hawak niya ako baywang kaya napadikit ang braso ko sa matipono n'yang dibdib. Right know he's wearing a black suit na para bang sinisigaw talaga na isa s'yang pinagpalang lalaki.
May iilan pa na napapatingin sa'kin pabalik sa kasama ko na para bang hindi nila ineexpect na pupunta 'to at kasama ako. Well, Hindi ko din naman ineexpect na kasama ako.
Huminto kami sa harap ng isang lalaki at babae na sa tantya ko ay mga nasa mid 40s na ang edad.
"Oh, My son is already here," saad ng isang morena na babae bago tiningnan ang kan'yang anak at napadako ang tingin sa'kin. "And with this pretty lady," patuloy n'ya habang sinusuri ang kabuuan ko ng tingin at huminto sa kamay ng anak n'yang nakapulupot sa'king baywang.
"Ah yes, Mom. This is Yoreh Selene my friend," malamig na saad ni Cyrus habang ang kamay ay nasa baywang ko parin.
"Yoreh Selene po," nakangiting pagpapakilala ko.
She smiled and stood up " Just call me Tita Alejandra," saad n'ya at inilahad ang kan'yang kamay kaya agad kong tinanggap. " And this," turo niya sa isang lalaking nasa tabi n'ya at nakangiti sa'kin. "My husband, Cyrus father and you can call him Tito Armando," saad n'ya kasabay ng pagtayo nito at paglahad ng kamay.
"Armando... Tito Armando," saad nito kaya nakipagkamay na din ako. "Cyrus, Umupo na kayo," Tito Armando commanded when he let go of my hand.
Napatingin ako sa katabi ko na abala sa paglilibot ng tingin sa paligid. Kaya pasimple ko s'yang siniko.
"Alright," saad n'ya at pinaupo ako sa malapit na upuan.
Umupo din naman s'ya pero ang paningin n'ya ay nasa paligid.
I rolled my eyes "Cyrus," bulong kong tawag sa kan'ya kaya kunot-noo s'yang bumaling sa'kin. "Tigilan mo ang pagtingin-tingin sa paligid para kang isang bata na nawawala. Mamaya mo na hanapin 'yung ex mo," saway ko.
He chuckled and snake again his arm at my waist " Hindi ko naman s'ya hinahanap," Depensang sagot niya.
"Talaga lang ha?" I mocked.
He pouted " Oo na, hindi na,"
"Hindi ko aakalain na pupunta 'yang si Cyrus at may kasama pang magandang babae," Nakangiting saad ni Tita Alejandra kaya nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.
I smiled "Ay, Hindi ko nga din po ineexpect na kasama ako," nahihiyang sagot ko at napabaling sa katabi ko na feel na feel ang pagkakahawak sa baywang ko.
"Magkaibigan kayo?" Tanong ni Tito Armando na may mapanlokong ngiti sa labi na sinulyapan ang katabi ko.
"Yes, Dad," Cyrus answered.
Tito Armando laughed "Friends? Pero kung makakapit ka sa baywang. Ano 'yan friends with benefits?" iiling-iling na saad nito.
Halos pamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi n'ya at naramdaman ko na lang ang unti-unting pagkakalas sa pagkakahawak ni Cyrus sa'kin na parang napagtanto na tama ang sinabi ng kan'yang ama.