Galit si Brazile sa mga lalaki. Sapat na ang pananakit na ginawa ng kanyang Papa at ni Conrad para matuto siya ng mapait na leksiyon. Kalahati ng buhay niya ay ginugol niya sa pagtataboy sa mga lalaki.
Hanggang bumalik si Keith, ang nakakaalam ng kanyang lihim. Kahit sabihin pa niyang walang lalaking maaring kumontrol sa kanya, lagi itong nakakagawa ng paraan para mapanatili siya sa tabi nito. Kayang tunawin ng mga halik nito ang depensa niya kahit isang mababang babae ang tingin nito sa kanya.
“I have the hots for you, Brazile.”
Muntik nang maibuga ni Brazile ang iniinom na iced tea kay Froilan, kaklase niya noong elementary at isa sa mga pinakawalang kwentang nilalang na nakilala niya.
Kadarating lang nito galing sa Amerika at bumalik ng Pilipinas para magtayo ng negosyo. Napilitan siyang pakisamahan ito dahil na rin sa suhestiyon ng bestfriend niya na si Meredith. For old time’s sake. Pinagbigyan niya ito sa pag-aakalang matino ito. Pero nagkamali siya. Bukod sa nuknukan ng yabang ay wala rin itong utak. Akala nito lahat ng babae ay papatol sa ‘kaguwapuhan’ nito.
“Pardon?” nakangiwi niyang sabi at nawalan na ng ganang inumin ang iced tea.
Mainit ang panahon at ang intindi niya ay naiinitan ito. Kanina pa ito nagre-reklamo na mainit sa Pilipinas. Hindi daw ganoon sa States.
Wala dito ang isip niya kundi sa pictorial mamaya. Photographer siya sa Torch Publication na nag-I-specialize sa mga fashion magazine.
“I said I want you,” he said in a hoarse voice. “I want to take you to the nearest bed and burn the sheets. I’m horny.”
Humigpit ang hawak niya sa malamig na baso ng iced tea at tiningnan ang labas. Tanghaling-tapat pero nagyayaya itong makipag-sex. Sanay na sanay itong magyaya dahil sa kinakalihan nitong kultura.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nag-alok sa kanya ng ganoon. Halos karamihan ng nakikilala niyang lalaki ay iyon ang laman ng utak. Pero sanay na siyang makitungo sa mga katulad nito.
Pinapungay niya ang mga mata at matamis na ngumiti. “Same here, Froilan,” malamyos niyang sabi.
Lalo itong naging excited. “Let’s get out of here. I want to have you.”
“Wait!” pigil niya at nanatiling nakaupo. “I have to finish my drink first.”
“Make it fast!” nagmamadaling sabi nito. “I could hardly wait to have you.”
Ngumiti siya. “I’ll make it fast for you, honey. With pleasure.”
Tumayo siya at ibinuhos sa kandungan nito ang nangangalahating baso ng iced tea. Aliw na aliw siyang pagmasdan ang panlalaki ng mata nito habang pinagmamasdan ang pagkalat ng iced tea sa pantalon.
“Oh, shit!” bulalas nito at tumayo. Hindi magkandatuto sa pagpupunas sa nabasang pantalon.
“Is that enough to cool you down?” tanong niya. “Kung naiinitan ka pa rin, pwede pa akong um-order ng marami. Ilan ba ang gusto mo? Isang pitsel? Isang galon? O isang drum ng iced tea? Iyon lang ang maisa-suggest para hindi ka mainitan. Walang ganyan sa States.”
Nagmamadali niya itong tinalikuran habang habol siya ng pagmumura nito. “I’ll kill you, bitch!” sigaw nito. “Come back. We are not yet through.”
Hindi nito alam kung hahabulin siya o pupunasan ang pantalon. Serves him right. Iyon ang dapat na sa walang kwenta na katulad nito. Men are jerks. All they care about is the log between their pants. Akala yata lahat ng babae ay interesado sa sex.
Nang lingunin niya ay nilapitan ito ng waiter. Nag-aalok marahil ng tulong para matuyo ang pantalon nito. Pero ipinagtabuyan nito ang waiter dahil ayaw nitong masayaran ng kamay ng isang dukha ang mamahalin nitong damit.
Akmang hahabulin siya nito ay nagmadali siyang naglakad palabas ng restaurant. Lumingon siya para tingnan kung gaano pa ito kalayo sa kanya nang bumangga siya. Akala niya ay sa pader siya bumangga dahil ni hindi natinag iyon.
Subalit nang pumulupot ang isang bisig sa kanyang baywang para hindi siya tuluyang tumumba ay saka niya natuklasang hindi pader ang kanyang binangga. Tumapat ang mata niya sa malapad na dibdib ng isang lalaki na nadaramtan ng amerikana. Naidiin niya ang mga palad sa dibdib nito para mapanatili ang balanse.
“Are you okay, Miss?” tanong lalaki.
Napaangat ang tingin niya at natulala siya sa guwapong mukha ng may-ari ng malapad na dibdib na iyon.Nakuha ng mga light brown nitong mata ang atensiyon niya. Matangos ang ilong nito. Mamula-mula ang mga labi. He was around 5’10” or taller.
Subalit hindi iyon ang nakabahala sa kanya. Kilala niya kung sino ito. Si Keith Arnaldo. Isa ito sa kinikilalang business tycoon hindi lang sa bansa kundi maging sa Estados Unidos at Europa.
Kumunot ang noo nito at matagal siyang tinitigan. “Wait! I think I know you.”
Mabilis niyang binawi ang kamay mula dibdib nito. “Pwede bitawan mo na ako?” mataray niyang sabi. She was escaping from a jerk but she fell to another.
Binitiwan siya nito. Tinapik ito sa balikat ng isang lalaki sa likuran. “Keith, anong problema?” Nagulat ang lalaki nang makita siya. “Brazile, what are you doing here?”
Ngumiti siya ng alanganin nang makita si Siege. “Hi, boss!” aniya at kumaway. Ito ang publisher ng Torch Publication. Mukhang minamalas siya dahil sa isang restaurant pa sila nagtanghalian.
“Brazile, I want you to meet…”