Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 11

ASLAN’S POV

Naghihintay ako ng napakatagal na oras sa pagdating ni Aurora. Kinumpirma ni Rowan na umalis siya sa lungga ng mga lobo sampung minuto na ang nakakalipas.

Nang lumipas ang isa pang sampung minuto, agad ko ng pinatakbo ang kotse papunta sa may lungga ng mga aso. Alam kong mapanganib ito ngunit kailangan ko siyang hanapin. Lumipat ako ng isang milya mula sa lungga nang makita ko ang isang kakaibang asul na ilaw. Napakaliwanag ng ilaw na kinailangan ko pang isara ang aking mga mata. Nang sa wakas ay maari ko nang buksan ang aking mga mata nawala ang ilaw at isang batang babae ang nakatayo roon.

Hindi ko lubos akalain na iyon ay si Aurora. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko mawari ang pinagmulan ng ilaw kahit pa gamit ang aking matalas na paningin. Sinumang gumamit ng kapangyarihang iyon ay isang taong hindi ko nanaising kalabanin. Agad ko namang pinahinto ko ang kotse sa tabi ni Aurora at hinila siya papasok, at sinimulang ko nang umalis palayo doon nang napakabilis. Nang nasa isang ligtas na distansya na kami, ninakaw ko ang isang tingin kay Aurora. Siya ay nakaupo tulad ng isang rebulto, na mas maputla pa kaysa sa multo.

“Aurora, ano ba talagang nangyari doon?”

“Hmmm…’’ Umungol siya at tumingala na para bang natulala pa rin siya. Humugot siya ng ilang malalim na paghinga, dinilaan ang kanyang mga labi bago sinabi sa isang namamaos na tinig, “Hindi ko alam, ilang minuto lang nang may tatlong lobo ang umaatake sa akin at pagkatapos non ay bigla na lamang silang nawala…’’

 “Palagay ko nawalan ka ng pokus mula sa kanila…’’

Tumingin siya sa akin na parang nagsasalita ako ng wikang banyaga at sinabing, “Sorry, what?”

“Mukhang gusto kang patayin ng mga lobo sa halip na tulungan ka.’’

Pinagsisihan ko ang sandaling nakatakas sa aking bibig ang mga salitang iyon. Parang nababagabag si Aurora sa sinabi ko. Nanatili siyang tahimik pagkatapos nito, hindi nag-aabala na tumugon sa aking mga katanungan.

Sa una, binalak kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagiging walang konsiderasyon ngunit nakalimutan ko ang lahat tungkol dito nang marating ko ang palasyo.

Ipinaalam sa akin ng guwardya na dinala nila si Raina sa selda para maparusahan. Tumakbo ako sa liblib na silid na kasing bilis ng pagdadala ng aking mga binti. Itutusok na sana ni Tyson ang injection kay Raina, pero lumuhod ako agad sa harapan niya at nagmakaawa sa kanya, “Tyson parang-awa mo na, huwag mong gawin ito… para sa kapakanan ko… Hindi ko magagawang tignan si Raina ng ganito… Sinabi niyang makikipagkita pa siya sa kanyang anak. Ako ang nagkamali dahil nakalimutan kong sabihin sa’yo. Kung may dapat mang parusahan, ako iyon…’’

Sinipa niya ako sa may tiyan at sinabi sa isang malamig na boses, “Tama ka, Aslan. Tila naging makakalimutin ka na. Kailangan mo rin maparusahan. Kaya naman, bibigyan ng shot si Raina sa tatlong magkakasunod na araw. Habang ikaw ay mananatili sa tabi niya at dapat mong matutunan ang iyong lekyon .’’

Halos makaramdam ako ng labis na sakit sa mga salitang binitawan niya. Sobrang hindi ako makapaniwala na hindi na hindi ko na magawa pang makapagsalita pa. At sa oras na, nagawa ko ng pigilin ang emosyon ko hbanag pinapanuod siyag tinurukan si Raina at saka siya umalis.

“Kailangan mo ng makaalis bago pa umepekto ang Lisandi Mratro,’’ sabi ni Raina habang hinahaplos ang mga pisngi ko.

“Hindi puwede, mananatili ako sa tabi mo at tutulungan kita hangga’t kaya ko,’’ sagot ko.

“Hindi mo na kinakailangan pa na makita mo akong ganito…’’ bulong niya saka inisubsib ang ulo niya sa may dibdib ko.

Ipinagmamalaki kong isa akong kapatid ng Hari ngunit sa ngayon ay naramdaman kong wala itong silbi. Ni hindi ko maprotektahan ang kasintahan ko sa pagdurusa.

AURORA’S POV

Mukhang sobra ang pag-alala ni Aslan nang umalis siya. Kaya naman, napagpasyahan kong sundan siya. Mahaba at mabilis ang kanyang mga hakbang at hindi nagtagal ay napang-iiwanan na ako.

Napagtanto ko ang sarili kong patuloy lang sa paglalakad at lumiko nang ilang ulit. Hindi ko alam kung instinct ba ito pero sawakas at nakarating ako din sa silid kung saan si Aslan. Siya ay nakaluhod malapit sa may kama, habang hawak ang kamay nang walang malay na babae. At nang lapitan ko ito doon ko napagtanto na si Raina pala ang babaeng iyon.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko at umupo sa may tabi niya.

“Nagpasiya si Tyson na isagawa ang parusa na mas masahol pa kaysa sa kamatayan. Kung may sapat lang akong lakas loob lamang ako ay papatayin ko na lamang siya kaysa sa ganitong pagdurusa niya pero masiyado na ata akong makasarili upang magdesisyon ng ganun na lamang,” sagot niya at nakatutok lamang ang mga mata niya kay Raina.

Hindi ko makita kung paano niya nasasabing mas masahol ang parusa na iyon kaysa sa kamatayan. Mukha namang payapa lang na natutulog si Raina.

“Huwag! Parang-awa mo na, layuan mo ako… Huwag kang lumapit sa akin… Tulungan niyo ako… Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo ako,’’ patuloy na pag-iyak ni Raina ang siyang bumalot sa kwarto. Bumangon siya at yumuko saka nagtago sa may dulo.

“Andito lang ako, Raina, ligtas ka,’’ sabi ni Aslan habang papalapit sa kanya.

Hahawakan niya na sana si Raina ngunit tinulak siya nito papalayo, “Lumayo ka sa akin, halimaw. Huwag kang lumapit sa akin.’’

Halos sabunutan na ng husto ni Aslan ang kanyang buhok sa sobrang pag-aalala at saka sumigaw, “Raina, parang-awa mo na … baby, pakinggan mo muna ako.’’

Kinuha ni Raina ang vase sa lamesa at inihagis kay Aslan. Tumama ito sa kanyang ulo at pagkatapos ay nahulog sa lupa saka nabasag sa isang milyong piraso. Muling sumigaw si Raina bago ito mahimatay. Binuhat siya ni Aslan ng marahan at saka inihiga siya pabalik sa kanyang kama. Hinalikan niya ang kanyang noo at saka ibinulong, “Patawarin mo ako, aking mahal.’’

Nang siya ay tumingala ang kanyang mga mata ay napuno ng luha.

“Ano ang nangyari sa kanya Aslan?’’ tanong ko.

“Tinurukan siya ng isang matro. Nagagawa nitong buhayin ang isa sa mga bangungot ng isang tao. Pinagmalupitan at ginahasa si Raina noong siya ay nasa isang misyon. At patuloy niyang maaalala ang ala-alang iyon ng paulit-ulit… walang katapusan…’’

“F***! Bakit hindi mo sinabi kay Tyson ang tungkol dito? Hindi niya sana nahayaang mangyari ang napakalalang pangyayari na ito…’’

Bago ko pa man makumpleto ang sasabihin ko ay agad niya akong pinigilan at sinabing, “Alam niya ang tungkol dito…’’

Pakiramdam ko ay may sumuntok sa akin mula sa aking sikmura ko. Alam kong matigas ang puso ni Tyson pero ang bagay na ito ay sobra-sobra na…

“Wala bang paraan upang matigil ito?”

“May pangontra mula kay Tyson pero alam kong hindi niya iyon ibibigay sa akin, Aurora. Dapat ka nang bumalik sa kwarto mo at magpahinga na lamang. Si Raina ay maaring maging marahas sa mga tao…’’ sabi niya at umupo sa tabi ni Raina.

Aalis na sana ako nang mabigyang pansin ng mga mata ko ang dalawang hiringgilya na nasa ibabaw ng lamesa.

“Para saan ang mga ito?” agad kong tanong.

Suminghot si Aslan at sinabing, “Siguradong gusto ni Tyson na ako mismo ang gumawa niyan, dahil kailangan iturok pa ang dalawang iyan kay Raina, kaya iniwan niya ang mga iyan bilang parusa sa akin.’’

Ang dugo ko ay kumukulo sa galit at poot; pinupuno ako ng matinding pananabik na pagbayarin si Tyson sa ginawa niya. Paano niya ito nagagawa sa kanyang sariling kapatid?

Namula ang mukha ko sa galit ng makarating ako sa kwarto ni Tyson. Nakatayo siya at ang likod niya ay nakasandal sa may pintuan. Tila nawawala ata siya sa sarili dahil nasa malalim na pag-iisip ito ngunit sa oras na pumasok ako sa silid, nagsalita siya, “Nasiyahan ka ba sa pagbitag mo kay Caleb?’’

Ang mga bitinitawan niyang salita ay di na ako pinigilan pa. Agad kong hinila ang kanyang kamay at itinusok ang injection na hawak ko sa kanyang braso. Napangiwi siya at hinila agad ang kanyang kamay mula sa akin. Pagkatapo no’n ay hinila niya ako mula sa leeg at galit na sinabing, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?’’

Hindi ko mapigilan ang mga ngiting pumipinta sa aking mukha. “Ipinatikim ko lamang sa’yo ang sarili mong gamot.’’sagot ko.

Ang kanyang mga mata ay lumipat mula sa mukha ko hanggang sa hiringgilya na nasa aking kamay. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, at bago pa siya makapagsalita ng kahit anong bagay ay bumagsak siya sa sahig na wala ng malay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.