Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 10

CALEB’S POV

Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.

‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’

Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’

“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.

Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Kaya naman nang sandaling tumunog ito ay ako ang unang nakatingin sa notification. Mukhang hindi rin napansin ni Aurora na tumunog ang cellphone niya. Kinuha ko ang cellphone niya upang ibigay sa kanya pero napahinto ako nang makita ko ang pangalan ni Tyson.

Pakiramdam ko tinamaan ako ng malakas na kidlat nang mabasa ko ang text niya, “Ginawa mong mabuti ang trabaho mo. Napakawalan na namin si Aslan at ang asong iyan ay hindi niya napansin. Ngayon, umalis ka na diyan.’’

What the H*** F***! Isa lang ba itong panlilinlang? Paano niya nagawang paglaruan ang damdamin ko ng ganito?

Kumukulo ang dugo ko sa galit halos manigas din ang panga ko. Tinulak ko siya palayo at pinakita ang cellphone niya sa harapan niya. Namutla ang mukha niya nang ipinakita ko ang text mula kay Tyson. Hinila niya ang kamay ko at sinubukan magpaliwanag, “Hindi ito tulad ng iniisip mo…’’

Narindi ang tainga ko at ang boses niya ay parang isang background na lamang. Nagkaroon pa siya ng lakas na loob upang magpaliwanag matapos niya akong pagtaksilan.

Hinila ko siya mula sa kanyang braso at pagalit na sinabing, ‘’Trinato kita ng mabuti, Aurora. Ni nagawa kong dakipin si Aslan para lamangng iligtas ka sa bagay na nagpapahihirap sa’yo. Hell! Maging si Lina pinatay ko para lang iligtas ka at heto… heto lang ang makukuha ko…’’

Namutla lalo ang mukha niya at halos dinaig niya pa ang multo sa hitsura niya. Napatiim siya at nagmakaawa, “Caleb, bigyan mo ako ng pagkakataon para magpaliwanag…’’

Hindi ko na siya hahayaang magkaroon pa ulit ng isa pang pagkakataon para paglaruan ang damdamin ko. Tama si Lina, hindi ko sana hinayaan na kainin ako ng pagiging konektado naming dalawa. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at saka tinignan siya ng diretsyo sa mata, at sinabi sa malamig na tono, “I, Alpha Caleb of Crescent Pack ay tinatanggihan ka bilang mate ko.”

Ang bigat na dala-dala ko ay biglang naputol. Sawakas malaya na din ako. Pero merong isang mapurol na sakit sa puso ko pero alam kong maglalaho din iyon pagdating ng araw. At bago ko pa maisipang maghinganti, tinulak ko siya palayo at sinabing, “Bumalik ka na sa mga Flamers na iyon at tandaan mong hindi ka na tatangapin pa dito.’’ Tumalikod na ako at nagpunta sa silid ko nang hindi man lang siya bingyan ng isa pang mga huling tingin. Wala na siya sa akin ngayon.

AURORA’S POV

Nang tanggihan ako ni Caleb, ramdam ko ang matinding sakit na dumudurog sa puso ko. Nawala sa akin ang hindi ko inaakalang akin.

Kinaladkad ako palabas ng mga bantay niya at iniwang mag-isa sa labas. At itinuon ko lang ang mga mata ko sa daan, lumakad na ako ngunit patuloy na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Caleb sa akin at hindi ko napansin na masiyado na akong napalayo.

Ang mga buhok ko sa likod ay nagsitayuan at nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman kong may taong sumusunod sa akin mula sa likuran. Isang Adrenaline ang siyang dumaloy sa mga ugat ko at pinilit kong mag-isip ng mabuti. Naglakad ako ng dahan-dahan.

At ngayong binigyang pansin ko ang paligid, rinig ko ang mahinang padyak ng paa sa may likuran ko. Ramdam ko na may tatlo o apat na taong sumusunod sa akin.

Tumingin ako sa paligid ng mabuti, ang daan ay delikado. Alam kong walang silbi kapag tumakbo ako, mahahabol nila ako anumang oras.

Habang nagpapakawala ng malalim na paghinga, tumalikod ako at nakita ang isang binibining nasa tabi ng dalawang maskuladong mga lalaki. Huminto sila sa paglalakad at ngumiti sa akin.

Inakbayan ng babae ang lalaking nasa may kanan niya at sinabing, “Ano sa tingin niyo, paano natin siya papatayin?’’

Ang mga ugat sa noo ng lalaki ay nanigas at mga mata niya ay namula at umungal, “Gusto ko siyang pagbabaliin, mula sa mga paa at hanggang sa kanyang mga kamay…’’

Bumilis ang tibok ng puso ko, napapa-isip ako kung bakit gusto niya akong patayin samantalng hindi ko man lang siya kilala.

Ang lalaki sa kaliwa ay inilipat ang kanyang timbang mula sa isang paa patungo sa isa pa at sinabi, “Alex, sa palagay ko hindi tayo dapat lumabag sa utos ng Alpha.’’

Ngumuso ang dalaga at sinabi ng may determinadong boses, “Huwag mo akong hayaang ikahiya ka, kapatid. Kailangan niyang maparusahan dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng ating guro.’’

Pinanood ko sila ng hindi makapaniwala. Paano ako naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang guro nang hindi ko naman sila kilala? May takot akong nararamdaman na tumititig sa kanila habang sila ay nagbabalak akong atakihin. Ang kanilang mabibigat na paghinga, galit na galit na ekspresyon, at determinadong mga mata ay isinaad lamang sa isang bagay. Nandito sila upang pumatay.

Tumalikod ako at nagsimulang tumakbo ng mas mabilis sa kung saan man ako kayang dalhin ng mga binti ko. Ang mga kalamnan ng aking mga binti ay sumakit at ang aking baga ay nasunog sa kawalan ng hangin ngunit pinilit kong magpatuloy.

Ang isang ungol na nakakalambot ng buto ang umalingawngaw mula sa likuran ko na siyang naging dahilan nang pagbalik ko mula sa aking pagkatino. Isa itong malaking pagkakamali.

Tatlong lobo ang siyang lumalapit sa akin at hindi mga tao. Sila ay malalaki, at kasingtangkad ko. Nanlaki ang mga mata ko at naiwang bukas ang aking bibig. Gusto kong tumakas pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Nanatili akong nakatayo na para bang statuwa habang ang mga lobo na ito ay papalapit ng papalapit sa akin.

Isang sigaw ang nakatakas sa aking bibig at pinrotektahan ko ang aking mukha gamit ang aking mga braso nang bumulusok sa akin ang lobo na nasa gitna.

Hinintay ko ang matalim nitong ngipin na kagatin ako, hinintay ko ang sakit ngunit walang nangyari.

Ibinaba ko ang aking mga braso at basag ang aking mga talukap ng mata nang makita kong mag-isa lamang ako sa paligid.

Ang isang kotse ay dumating at tumigil sa tabi ko, may humila sa akin paloob bago ko pa mapagtanto kung ano ang nangyayari.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.