Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 17

AURORA’S POV

Tumingin ako sa bawat sulok ng lugar, lahat ay tugma sa anong nakita ko sa ala-alang iyon; ang paborito kong kabayo, slide, duyan, at ang upuan… maliban lang sa mga magulang ko…

Huminga ako ng malalim at naupo. Sinubukan kong alalahanin lahat ng ginawa ko dito noong bata pa ako. At ang tanging pumasok sa isipin ko ay ang mga alal-alang ipinakita sa akin ni Celeste.

“Natutuwa akong nagawa mong magpunta dito,” narinig kong boses ni Celeste habang papalapit sa harapan ko. Mainam akong tumayo nang may respeto at ngumiti sa kanya.

At nang maupo na kami. Agad kong itinanong sa kanya ang bagay na madalas na gumagambala sa akin, “Bakit wala akong maalala ni isa patungkol sa aking mga magulang?”

“Nagpasya kaming alisin lahat ng ala-ala mo para sa iyong kaligtasan.”

“Bakit niyo kinailangang gawin iyon?” tanong ko.

“Mapanganib ang mga sandaling iyon para sa mga witches. Ang hari ng mga dragon ay naglabas ng kautusang ipapatay lahat ng mga makapangyarihang witches.”

“Kalokohan! Pero… Isa lamang akong sanggol noong mga panahong iyon, Celeste!”

Napabuntong hininga ng malalim si Celeste. “Napakalakas mo noong mga panahon na iyon, Aurora, kahit pa ikaw ay isang sanggol pa lamang. At gusto nang hari ng mga dragon na ipapatay ka. At nang lumusob ang mga dragon ay ibinigay ka nila sa akin upang itakas ka. Gumawa ako ng isang spell sa’yo upang harangin ang iyong kapangyarihan at iniwan ka sa isang bahay-ampunan. At nang bumalik ako ay di ko inaasahang patay na ang mga magulang mo.”

Napakahirap paniwalaan ang lahat ng sinasabi sa akin ni Celeste, lalo na sa puntong wala ako ni isang ala-ala sa mga nangyari upang paniwalaan ang mga sinabi niya.

“Bakit hindi ka nagpakita sa akin matappos no’n?”

“Hindi ko gustong na matunton nila ang kapangyarihan na siyang madadala sa kanila patungo sa’yo.”

May punto siya sa mga sinabi niya sa akin, pero may kung anong gumagambala sa loob ko na hindi totoo ang mga sinabi niya.

“Kung ganun, bakit ngayon nagawa mong magpakita sa akin?”

“Dahil ngayon ay naiipit ka na sa pagitan ng mga dragon at werewrolves. At paniguradong may oras na malalaman nila ang katotohanan. Kung magagawa mong kontrolin ang iyong kapangyarihan ay magagawa mong harapin sila balang araw.”

Nakakatukso na hindi tumanggi sa alok niya. Lalo na kung paano ko nakita si Zarina na gamitin ang kanyang kapangyarihan para panatilihin si Tyson sa kinaroroonan niya. Kung magagawa ko din iyon, makakawala na din ako sa mga kamay niya.

“Kung magpapasya ka na sumama sa akin, aalisin ko ang spell na inilagay ko sa’yo noong bata ka pa at tuturuan kita kung paano gamitin ang iyong kakayahan.”

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi niya lamang iyon gagawin upang tulungan ako, “Ano ang iyong pakay?” agad kong tanong sa kanya.

“Wala, ija. Gusto ko lang tulungan ang aking pamangkin.”

“Sigurado ka ba diyan? Kung may gusto ka man, sabihin mo na sa akin agad. Ayaw kong gawin ang isang bagay nang hindi ko alam lahat ng detalye na dapat kong malaman.”

Huminga siya ng malalim at sinabi, “Mukhang na-impluwensyahan ka na ni Tyson. Wala na akong iba pang kailangan sabihin pa. Sabihan mo na lamang ako kapag nakapagpasya ka na.”

Iniwan niya na akong mag-isa at ginawa ang mga bagay na dapat niyang gawin.

Maaaring tama siya, napaparanoid na nga siguro ako katulad ni Tyson. Hindi naman ako ganito…

TYSON’S POV

“Rico, may balita na ba kay Aslan?’

“Patawad po, aking pinuno. Ginawa ko na po lahat ng aking makakaya para ipahanap siya sa buong mundo pero wala ni isa sa amin ang nagawang tuntunin kung nasaan siya.”

“Mga walang kwenta, lahat kayo mga walang kwenta! Labinlimang araw na pero hindi niyo pa din mahanap-hanap ang nag-iisang at napakalaking karne. Nakakahiya kayo!” sigaw ko at ibinaliktad ang lamesang nasa harapan ko.

Parang nagbabagang lava ako sa matinding galit bago ko pa mapagtanto na inaapuyan ko na pala ang lamesa. Nagkalat ang apoy mula sa lamesa patungo sa upuan at mga kurtina.

Agad naman akong hinila sa kamay ni Rico palabas ng kwarto pero tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi ko kailangan ng anumang tulong mula sa mga tangang katulad niya.

“Sige na, tumakbo ka na palayo… at iwan mon a lang akong masunog sa impyernong ito… hayaang mong mamatay ang inyong hari,” sigaw ko at umalis si Rico kasama ang iba pang gwardya palabas ng kwarto.

“Aking pinuno, parang-awa mon a sumama ka sa akin,” sabi ni Raina at sinusubukan akong hilain palabas ng kwarto.

“Ang kapal ng mukha mo,” sigaw ko sa kanya sabay tulak. Nawalan siya ng balance naman siya at kamuntikan nang matumba sa apoy pero agad kong hinila ang kanyang mga kamay.

Siguradong hahanapin ni Aslan sa akin si Raina sa araw na bumalik siya. Huming ako ng malalim at binuhat siya palabas.

“Maraming Salamat po, aking pinuno,” sabi niya sabay yuko sa akin.

“Sinubukan ka bang kontakin ni Aslan?”

“Hindi po, aking panginoon. Kung ginawa niya man ipaaalam ko agad sa’yo.”

“Hmmmm…”

“Hindi ko din nagawang silipin si Aurora simula nang umalis si Aslan. Kamusta na ba siya?” tanong ni Raina.

Parang tinamaan ako ng kidlat sa itinanong sa akin ni Raina. Sa pagiging abala ko para tuntunin ang lokasyon ni Aslan, ay nakalimutan ko na si Aurora. Nagmadali ako at halos bilisan ko na ang pagtakbo ko papunta sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukan kong buksan ang kandato ng pintuan.

“Aurora,” tawag ko sa kanya nang pumasok ako sa kanyang silid. Bigla na lamang ako kinabahan nang makita ko ang walang laman na silid. Matinding kaba ang naramdaman ko nang hindi ko sin siya nakita sa banyo.

Paano siya Nawala? Ni hindi ko malaman kung tumakas ba siya o kung may kumuha ba sa kanya.

Sinabunutan ko ang sarili dahil sa sakit ng ulo ko at naupo sa may kama.

“Huwag kang mag-alala mahahanap natin siya,” rinig kong boses mula kay Raina at inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking balikat.

Huminga ako ng napakalalim at nagalit, “Anong ginagawa mo? Hindi ba dapat hinahayaan mo akong mag-isa…”

Lumuhod siya agad sa aking harapan at tumingin sa aking mga mata, “Ang aking katapan ay laging nasa’yo, Tyson. Nasa dugo ko na iyon. Ang aking magulang ay pinagsilbihan ang iyong ama at namatay para sa kanya. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, hindi dahil sa kapangyarihan, at hindi rin nang dahil sa pag-ibig.”

“Isa lamang akong malaking pagkakamali, Raina. Tinulak ko papalayo si Aslan at ngayon ay si Aurora…”

“Kapatid mo si Aslna, Tyson. Paumanhin… ibig kong sabihin… aking panginoon…”

“Hindi mo kailangan maging pormal. Maaari mo akong tawagin sa aking pangalan kapag wala ako sa korte…”

“Malaki ang pagmamahal sa’yo ni Aslan, Tyson. Siguradong babalik at babalik siya. Mas mabuting hanapin na muna natin si Aurora.”

“Bakit hindi ka sumama sa pag-alis ni Aslan?”

“Sumama ako sa kan’ya, Tyson, pero hindi ako naging komportable sa mga naging usapan nila… Pwede bang hanggang doon na lang?”

Nagsimulang mamuo ang galit sa looban ko sa naging sagot niya sa akin pero pinilit kong maging kalmado. Hindi ko nanaisin pang mawala ang kaisa-isahang taong natitira sa aking tabi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.