CALEB’S POV
Nagbuntong-hininga ako at pumasok sa aking kwarto. Panahon na para sa penitensya. Pinunit ko ang aking damit at tinitigan ang aking sarili sa salamin. Sa mahinang liwanang ng kandila, kita ko ang mga bakas sa aking likuran.
Ang mga ngipin ko ay nagsasalubong nang magsimula akong paghahampasin ng sobrang lakas ang aking likuran hangga’t kaya ng aking katawan. Ang tunog mula sa bawat paghampas ko sa sarili ay dinig na dinig sa loob ng aking silid habang patuloy lang ako sa paghampas ng paulit-ulit.
Isa… dalawa… tatlo… apat… lima...
Akmang hahampas na ako sa ikaanim kong bilang pero may kung sinong humila sa aking kamay.
“Bakit mo ito ginagawa Caleb? Ano sa tingin mo ang maitutulong nito sa’yo?”
“Pinapaalala nito ang hindi ko pagtagumpay laban sa mga Flamers, Meridith. Binubuhay nito ang matinding nais kong maghiganti…”
Ang mga malalambot niyang kamay ay humaplos sa aking mga pisngi at ang mga labi niya ay dumampi sa aking labi. At napagtanto ko na lang na sinasabayan ko ito ng matinding paghalik at bigla na lamang lumitaw sa isipan ko si Aurora at agad kong naitulak si Meridith.
“Caleb… patawad…” sabi ni Meridith, ang boses niya ay may tonong nasasaktan sa nagawa kong pagtulak sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabing, “Mali ang iniisip mo… ako dapat ang humingi ng tawad dahil…”
Napabuntong-hininga siya at sinabing, “Aurora.”
May bigla na lamang kumatok na siyang dahilan para makawala ako sa pagpapaliwanag kay Meridith.
“Alpha, Djofull is here to see you,” rinig naming sabi ni Vondur.
“Bakit ako nais makita ng Dark Lord?” tanong ko at agad na isinuot ang aking damit.
Si Djofull ay kilala sa kanyang pagiging mapanghusga. Pero bihira lamang siyang bumisita sa kung sino. Nagmadali agada ko sa silid kung saan siya pinaghintay ni Vondur.
Nakasuot siya ng mahabang balabal at itim na maskara. So, totoo nga…
“Anong dahilan ng pagpaparito mo, Lord Djofull?”
“Ah! Gusto ko lang makita ang hitsura mo sa pagkakatalo mo.”
Nagsilabasan na ang mga ugat ko sa ulo at tinitigan ko siya ng masama. Kahit siya pa ang Dark Lord, wala siyang karapatan upang pagsabihan ako ng gan’ong bagay.
Hinila ko siya mula sa kan’yang leeg at galit na sinabi, “Walang sinuman ang maaaring pagsalitaan ako ng ganyan!”
Sa sumunod na sandali ay bigla na lang akong lumipad sa may pader ng hindi ko makitang lakas. Napasigaw ako sa sakit na tila may dumaloy sa looban ko na matinding kuryente.
“Kayang-kaya kitang patayin sa pamamagitan lamang ng isang pitik ng aking mga daliri pero bakit hindi muna natin pag-usapan ang tungkol sa negosyo.”
Maya’t maya pa ay nahulog na ako sa sahig. Pinagpag ko ang mga alikabok sa damit ko at saka bumalik sa kinauupuan ko, at sinusubukan na itaguyod ang kung-anumang natitirang dignidan sa akin.
“Caleb mayroon akong panukala para sa’yo. Maaari tayong magsanib-pwersa upang puksahin ang mga dragon. Kukunin ko ang “Heart of Magic” habang ikaw naman ay magagawa mo ang paghihiganti mo. Tawagan mon a lamang ako sa numerong ito kapag handa ka nang tanggapin ang panukala ko.” Hinagis niya sa aking ang isang kard at bigla na lang naglaho na parang bula. Umupo lamang ako at nakatingin sa paligid. Gan’on ba ang ibig niyang sabihin pagdating sa negosyo?
“Tatanggapin mo ba ang panukala niya?” biglang singit ni Raina.
“Hinding-hindi, Raina, siya ang Diyos ng dark magic. Walang kabutihan ang maidudulot sa pagsasanib-pwersa mo sa isang demonyo.”
“Tama… kung gan’on, dapat magpokus na lamang tayo sa paghahanap ng mga Painite na sandata. Kung hindi sana pinagpalit ni Adrian ang mga sandata, sakop na dapat natin ang Pearl Palace at ang mga dragon.”
Bigla na lamang akong nagalit, hindi ko man lang nagawang parusahan si Adrian sa pagkanulo niya sa akin. Inunahan na ako ni Tyson sa pagpatay sa kaniya…
Balang araw, makukuha ko din ang lahat ng mga ninakaw sa akin. Ang mga espiya ko ang siyang nagsabi na hindi maganda ang kalagayan ni Tyson ngayon sa pagkawala ni Aslan. Sa sandaling may sapat na akong mga sandata, lulusubin ko silang muli.
AURORA’S POV
“Ibaba mo ako!” sigaw ni Celeste nang magpaikot-ikot ito sa hangin.
“Napakasaya nito tita Celeste. Bakit mo ako pinapahinto?”
“Tumigil ka na sa pagiging isip-bata mo, Aurora. Ibaba mo na ako, ngayon din!”
Napakasayang paglaruan si tita Celeste. Hindi ko siya ibinaba kundi mas nilakasan ko pa.
Huminga ako nang may makita akong bola ng tubig patungo sa kinaroroonan ko. Ginamit ko ang kabilang kamay ko upang harangan ito sa pamamagitang ng harang na hangin. Nawala ang konsentrasyon ko ay nasira at si tita ay nagpaikot-ikot na bumagsak sa lupa.
Napapaisip ako habang pinapanood ko siya kung paano niya nagawang gumawa ng harang mula sa hangin ng ilang sandali Segundo lamang upang iligtas siya sa pagbagsak sa lupa. Natutunan ko na lahat ng mga elemento pero wala parin akong binatbat kung ikukumpara ako sa bilis niya.
“Aurora, ginawan kita ng juice,” sabi ni Logan habang masayang naglalakad papunta sa akin.
“Maraming Salamat,” sabi ko at humigop sa nakakaginhawang dala niya.
“At nasaan ang akin, Logan?” sabi ni tita celeste habang pinupupilpot ang kanyang mga kamay.
Kita sa mukha ni Logan ang nais niyang pag-atras pero sumagot siya ng pangiti, “Kukunin ko yung para sa’yo kapag nabuntis ka na din.” Agad siyang tumakbo matapos siyang sumagot bago pa magsalita si tita Celeste. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi matawa sa mukhang galit ni tita Celeste.
“Tignan mo kung anong kaya kong gawin sa juice na ito,” sabi ko, nagbabakasakaling makuha ko ang pansin niya.
Ang mga labi ko ay ngumingiti habang inaangat ko sa hangin ang juice mula sa baso. Bumuo ako ng hugis puso mula sa juice at dahan dahan iting inilapit kay tita Celeste.
Naiwang bukas ang kanyang bibig sa gulat. At hinayaan kong dumampi sa bibig niya ang juice saka ko ito binalik sa baso nang mangalahati na ito.
“Hmmm… masarap siya…”
“At paano naman ang aking mahika?” tanong ko.
“Ahem! Ang pagkontrol mo sa sarili ay mas umayos.”
“Kung ganon, maaari ko na bang harapin si Tyson at Aslan?”
“Hindi pa sa ngayon…”
Labing-limang araw na simula nang magpunta ako dito… Napakabait ni tita Celeste sa akin ngunit sa tuwing sinusubukan kong lumabas ng bahay ay palagi siyang may paraan upang pagilan ako.
Noong umpisa, inakala kong nag-aalala lamang siya sa kaligtasan ko. Pero sa panahong lumilipas, pakiramdam ko may pakay siya sa pagpapanatili niya sa akin dito.
Huminga ako nang malalim saka ako gumawa ng harang gawa sa apoy at lumabas ng pintuan. Inisip kong mabuti ang Pearl Palace pero hindi ko magawang mag-teleport sa lugarna iyon.
Napalingon na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Logan. Tumingin ako sa kaniya at hinihintay siyang magpaliwanag.
Hinila niya ang aking kamay at pinunta ako sa isang kweba. Huminga muna siya ng malalim bago bumulong sa akin, “Hindi ka makakaalis sa lugar na ito ng walang pahintulot mula sa aking ina dahil ang lugar na ito ay hindi totoo.”
Magaling! Matapos akong makawala sa dating naging kulungan ko ay napunta lang din ako sa isa pang kulungan.
“Anong ibig mong sabihin na hindi ito totoo?”
“Paniguradong papatayin ako ng aking ina sa panahong sinabi ko ito, pero ang lugar na ito ay gawa lamang ng isang mahika. At may dalawang paraan lamang para makalabas dito…”
“Aurora… Logan…” bago pa man matapos ni Logan ang sinasabi niya ay bumungad ang boses ni tita Celeste at tumakbo naman siya agad palayo nang mas mabilis pa sa usa.
Kailangan ko munang makipagsabayan sa ngayon hanggang sa makahanap ako ng paraan para makatakas sa lugar na ito… Agad ko naman siyang niyakap sa sandaling makita ko siya.
“Tita, kamusta po ang aking harang na apoy?”
Kung pagdududahan niya ako, hindi niya na siya magbabakasakali.
Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Magaling, pero kayang-kaya ko tong sirain nang ilang segundo lamang. Kinakailangan mo pang mag-ensayo.”
Kung may lakas lamang ako para labanan siya… dahil naiinis na ako sa kanya.